Chapter 36: Wound
"Protect the Queen!" Malakas na sigaw ni Lorenzo mula sa kung saan na siyang agad na sinunod ng mga kawal na malapit sa akin.
Agad ko itong hinanap at namataang napapalibutan na ito ngayon ng iilang mga tauhan nila Bhaltair at Gilbert. He immediately slashed his sword in front of him and move swiftly when an enemy tried to attack him. Using his free hand, he took one of his knives and stabbed the Xier who attacked him earlier. Muli itong bumaling sa gawi ko at noong makitang mabilis niyang inihagis sa gawi ko ang hawak na patalim, hindi na ako nagtangka pang kumilos sa kinatatayuan at napatingin na lamang sa aking likuran noong may bumagsak na katawan.
Nasa harapan na kami ngayon ng main gate ng palasyo.
Inaasahan na namin ang ganitong senaryo ngunit mukhang napaghandaan din ng mga kalaban namin ang pagdating namin sa lugar na ito. Kanina, noong inalis ni Lady Lou iyong force field na nakapalibot sa buong mansyon niya, bumungad sa amin ang iilang tauhan ng mga kalaban. I even saw Bernie with them. At noong mamataan niya ako kasama nila Lorenzo at Lady Lou, agad itong nawala at tumakas! Damn that traitor! Mukhang nasabi na nito kay Bhaltair ang pagbabalik ko kaya naman ay ito ang bumungad sa amin ngayon sa labas ng palasyo!
"Stop protecting me! I can handle myself!" seryosong wika ko sabay hampas ng espadang hawak ko. Matalim kong tiningnan ang mga kawal na pilit sinasangga ang atakeng para sa akin. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagdepensa.
Napalingon ako sa gawi ni Lady Lou. May ilang kawal itong kasama ngayon at abala sa pag-atake gamit ang mga spell nito. Kusang nagsisitumbahan ang kung sino mang nagtatangkang lumapit at umatake sa kanya. Napangiti ako at muling tumingin sa malaking trangkahan ng palasyo. "Let's go. We'll forcefully open the gate," saad ko sabay takbo patungo sa main gate ng palasyo.
Tatlong Xier ang humarang at sabay na umatake sa akin. Mabilis namang nagsikilos ang mga kasama kong kawal at ni hindi ko pa nga naiaangat ang hawak na espada, nasa lupa na at walang buhay ang mga kalaban ko. I sighed and continue walking towards the main gate. May ibang Xier pa ang sumubok na lumapit sa akin ngunit hindi na silang nagkakaroon nang pagkakataong saktan o madaplisan man lang kahit ang dulo ng buhok ko.
Mayamaya pa'y mas dumoble ang bilang ng mga kalaban. Naging alerto ang lahat at agad na nagsikilos sa mga pwesto nila. Ang kaninang hindi humihiwalay na mga royal knight sa akin ay naging abala sa mga bagong dating na Xier. Nagpatuloy ako sa paghakbang ng mga paa at noong tuluyan na akong nakalapit sa trangkahan ng palasyo, isang atake ang naramdaman ko 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. I immediately moved but I was a second late to dodge that attack! "Damn!" mariing bulalas ko noong nadaplisan ang kanang braso ko. Agad kong tiningnan ang sandatang sumugat sa akin at napangiwi noong makitang isang pana iyon! Mabilis kong hinanap ang umatake sa akin at agad na napa-arko ang isang kilay ko noong makitang si Bernie iyon. Nasa taas ng trangkahan ito ngayon nakapuwesto at nakangisi habang nakatingin sa amin. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na ikinumpas ang kaliwang kamay ko. Dark energy suddenly appeared in front of me and without a second thought, I immediately move my hand again and the dark energy I created attacked Bernie.
Bernie jumped from the top of the gate and escaped again. Ni hindi ko man lang ito natamaan! Napailing na lamang ako at akmang ihahakbang kong muli ang mga paa noong mabilis akong natigilan. I cursed under my breathe and looked at my arm. Daplis lang naman ang natamo ko ngunit bakit tila habang tumatagal ay bumibigat ang sugatang braso ko? And the pain... it was bearable earlier, but now... pakiramdam ko ay abot sa kalamnan at buto ko ang sakit mula sa maliit na sugat na ito!
"My Queen." Mabilis akong natigilan noong marinig ang boses ni Kate. Namataan ko itong tumatakbo at agad na lumapit sa kinatatayuan ko. "I saw what Bernie did to you. Don't worry about him. Ako na ang bahala sa kanya," mariing wika nito na siya ikinatango ko sa kanya.
"Be careful, Kate. You know what that guy can do." I told her then tap her shoulder. Mabilis itong umalis sa harapan ko at tinulungan ang iba pang kawal na hanggang ngayon ay may mga kalabang Xier pa rin.
I silently sighed and looked at my wounded arm. Muli itong kumirot na siyang nagpangiwi sa akin! What the hell is this? I took a deep breathe again and focus on our plan. Ipinilig ko ulo pakanan at inalala ang susunod na dapat gawin. Pinagmasdan ko ang malaking gate ng palasyo at mayamaya lang ay bumaling sa nagkakagulong paligid.
My people and Bhaltair's men are now fighting against each other. Hindi sila tumitigil hangga't may ang isa sa kanila ay kaya pang lumaban. Mariin kong ipinikit ang mga mata at humigpit ang pagkakahawak sa espadang nasa aking kanang kamay. I don't want to see them kill each other. Pareho lang silang mamamayan ng Xiernia. They're both Xiers and both fighting for a different reason! One is for the future of Xiernia, and the other one is for Bhaltair and his plan of ruining this kingdom!
Nanatili ako sa kinatatayuan at noong muling iminulat ang mga mata, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Muli kong inihakbang ang mga paa at nagpatuloy na sa paglapit sa main gate ng palasyo.
"Pigilan n'yo siya!" Rinig kong sigaw ng isang Xier 'di kalayuan sa puwesto. For sure, tauhan iyon nila Bhaltair. But it's too late for them to move and stop me. No one can stop me now! Mabilis kong itinaas ang isang kamay at ikinumpas iyon sa harapan ng trangkahan.
I'm a royal at kahit walang mga kawal ang magbukas ng trangkahan para sa akin, kusa itong magbubukas. My presence is enough for this magical gate to open and welcome me home. "I'm back." I whispered to myself as I created another sword. Ngayon ay hawak-hawak ko na ang dalawang espadang gawa mula sa kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking ina.
The main gate is finally open! Wala nang nagawa pa ang mga tauhan ni Bhaltair lalo na noong magsimulang magsipasok ang mga royal knight na kasama ko. Nanatili naman ako sa kinatatayuan at tiningnan ang kabuuan ng palasyong naging tahana ko sa loob ng maraming taon. Akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa noong may dalawang Xier ang biglang umatake sa akin.
I sighed and immediately moved from my spot. Kasabay nang paghampas ko ng mga espadang hawak, magkasunod na puti at itim na enerhiya ang lumabas mula sa talim ng mga espada ko. Hindi ko inalis ang paningin sa dalawang Xier sa harapan at ni hindi kumurap noong makitang pinalibutan ang mga ito ng enerhiyang pinakawalan ko kanina. Segundo lang din ang lumipas ay sabay na bumagsak ang mga katawan nila sa lupa.
Napahugot muli ako ng isang malalim na hininga at akmang magpapatuloy na akong muli sa paglalakad noong mabilis akong napadaing dahil sa matinding sakit mula sa sugat sa braso ko. Napalunok ako at mabilis na napahawak doon. "The hell?" mahinang sambit ko at napapikit na lamang.
Napapitlag naman ako at mabilis na napatingin sa aking likuran noong biglang may bumagsak na katawan doon. Bahagya pa akong nagulat noong mamataan si Nates, may hawak na espada, at mukhang siya ang tumapos sa Xier na ngayon ay walang buhay na nakahiga sa lupa 'di kalayuan sa puwesto ko. What is he doing here?
Magtatanong na sana ako sa kanya noong bigla itong nagsalita. "Always watch your back, Shanaya," seryosong sambit niya sabay tingin sa Xier na pinatumba niya. He sighed. "And please, focus. You are in a battlefield. Walang ibang bagay dapat ang gumagambala sa isipan mo ngayon." He added and immediately moved when another group of Bhaltair's men attacked us. Mabilis niyang tinulungan ang mga royal knight na kasama namin at namataan ko pa ang paggamit nito ng water attribute niya.
Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakatayo. Wala sa sarili akong napatingin sa sugat na natamo kanina mula sa panang ginamit ni Bernie. This is not an ordinary wound. I'm a hundred percent sure about this! Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko kung isang ordinary sugat lamang ito!
Did he used some kind of magic and created that arrow?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top