Chapter 35: Signal

"Handa na po ang lahat, Mahal na Reyna."

Napalingon ako sa aking likuran noong marinig ko ang tinig ni Lorenzo. Seryoso kong pinagmasdan ang kabuuan nito. He's all set and ready for the upcoming battle. I'm really glad na nandito siya ngayon bilang aking gabay. Without him, marahil ay hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Lorenzo was my father's personal guard. He served the kingdom for so many years. He fought together with my parents, and now, he'll fight together with me.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at muling tinuon ang buong atensyon sa puntod ng aking ina. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at muling ipinangako sa ina na babawi kong muli ang Xiernia mula sa mga kaaway namin.

"Everything will be fine, Queen Shanya," ani Lorenzo na siyang marahang ikinatango ko.

"I know that." I smiled weakly and looked at him. "Nakakalungkot lang isipin na wala na ang aking ina sa panahong magiging payapang muli ang Xiernia."

"The late Queen always believes in you." Natigilan ako sa sinambit nito. Bumaling ito sa punto ng ina at matamang tiningnan ito. "She once told me that you, Queen Shanaya, is the best Queen we ever had. Na mas marami kang magagawa para sa Xiernia. Na mas hihigitan mo pa ang lahat ng nagawa nila ng dating hari." Bumaling itong muli sa akin. "Queen Alexandria has the ability to see the good in others, lalo na sa mga taong nakakasalamuha niya. Napatunayan ko iyon noong nakilala namin si Anastasia Miller na nagmula sa Aundros, isa sa apat na division ng Tereshle." He said then a small smile escape from his lips. Mukhang may naalala itong magandang tagpo noong araw na nakilala nila ang Tereshlian na tinutukoy nito. "She was stubborn too, just like you. But you know what? Kahit gaano pa katigas ang ulo nito sa mga bagay na ayaw niya, ganoon naman kalambot ang puso niya sa Xiernia at sa mga Xier na nagtitiwala sa kanya. Your mother was a great Queen. And as her daughter, her only heir of the throne, alam kong magagawa mo rin ang mga nagawa noon ng iyong ina. You'll be fine, Queen Shanaya. Just trust yourself and trust the people around you. We're here for you."

Tipid akong ngumiti at tumango kay Lorenzo. The way he speak to me, para na rin akong nakikipag-usap ngayon kay Ara! I smiled again. "By the way, iyong mga kaibigan ko mula sa Tereshle, handa na rin ba ang mga ito? May mga kasama naman silang Xier na siyang maggagabay sa kanila patungo sa palasyo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hindi ko na nakausap muli sila Timothy at ang magkakapatid na Alvarez. Naging abala na ako sa paghahanda para sa araw na ito! "Yes, Queen Shanaya. They are already on their respective posts. Kung tama ang kalkulasyon ko, marahil ay nasa loob na rin ng palasyo ang isa sakanila," imporma nito sa akin.

Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo. "And Simon?" I asked again.

"He's ready too, Queen Shanaya. Hinihintay na lang namin ang hudyat ng dalawang nasa loob na ng palasyon. Ara and Kate, together with the twins from Tereshle, lead the south and north group. Ang iilan pa nating kawal at mga tauhan ay nakapalibot na rin ngayon sa buong palasyo." Tumango muli ako at nanatiling tahimik habang inisa-isa nitong sabihin ang mga kaganapan sa labas ng mansyon ni Lady Lou. "At kagaya ng ating plano, kapag nasa posisyon na ang lahat, hihintayin lang natin ang hudyat mula kay Simon. We'll use the main gate of the palace. That will be your entrance, Queen."

Mukhang handa na nga ang lahat. At ang tanging dapat ko na lang gawin ngayon ay siguraduhing matalo si Bhaltair at mga tauhan nito. And with my current power, titiyakin kong mababawi ko ang lahat nang kinuha niya sa akin. Ang kapangyarihan ng aking ina at ang buong Xiernia.

"Alright." Sa huling pagkakataon ay muli akong tumingin sa puntod ng aking ina. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at mabilis na tumalikod dito. "Let's go," seryosong saad ko sabay lakad patungo sa kung saan naroon ang ibang kasamahan namin.

Kung tatanungin ako kong ano ang nararamdaman ko ngayon, isang simpleng wala ang tanging mabibigkas ko. Wala akong nararamdaman sa oras na ito. Tila ba'y bigla naging manhid ako. I feel nothing. It's blank... Empty. Hindi man lang ako kinakabahan sa kung anong mangyayari sa akin sa araw na ito!

"My Queen." Taka kong pinagmasdan si Lady Lou noong sinalubong niya kami ni Lorenzo. May ilang kawal sa likuran niya at tila alerto na ang mga ito ngayon. "There's a commotion happening outside the main gate of this mansion," mabilis na saad nito na siyang mabilis na ikinatitig ko sa matayog na trangkahan ng tahanan ni Lady Lou. Mayamaya lang ay mas lumakas ang enerhiyang ginagamit ni Lady Lou kaya naman ay napatingin muli ako sa kanya. Her eyes were closed. Tila ba'y inaalam nito ang kung anong nangyayari sa kabilang bahagi ng trangkahan. "They already caught Timothy." She informed me. I stay still and remained calm. "They took our bait. Just like what we've planned," pahabol na sambit pa nito at muling iminulat ang mga mata.

That's right! It was all part of our plan! Simple lang mag-isip ang mga Xier. Kapag may dayo, biglang nagkakagulo. Ganoon naman palagi. Just like what happened before. Kaya naman ay naisipan kong gawin ito ngayon. Kapag mahuli nila si Timothy at malaman na taga-Tereshle ito, mapupunta sa kanya ang buong atensyon nila, lalo na si Gilbert. Alam kong matatandaan nito ang itsura ni Timothy kapag makita niya itong nahuli ng mga tauhan nila at dinala mismo sa loob ng palasyo.

"And Simon?" I asked Lady Lou.

"He's with his father," sagot niya at matamang tiningnan ako. "They're all doing good, My Queen. We just need to wait for their signals, and once we got it, we will enter the palace. Timothy already placed the traps. And Simon, he will take care of his father."

Gustuhin ko mang kalabanin ngayon si Bhaltair ngunit alam kong hindi ko maaaring gawin iyon. Masisira lahat ng planong ginawa namin kung papairalin ko ang galit at ang pagnanais na makaganti sa kanya. I need to calm my nerves down and focus. Hindi maaaring masayang ang nag-iisang pagkakataong mayroon kami ngayon.

Muli kong inihakbang ang mga paa. Mabilis namang sumunod ang dalawa sa akin ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko noong makaramdaman ako ng isang malakas na enerhiyang papalapit sa direksyon namin. Agad na nanlaki ang mga mata ko at bago pa ako makapagsalita, mabilis na lumapit sa akin si Lorenzo at hinila ako pababa. Mabilis akong napaupo at isang malakas na pagsabog ang nagpayanig sa buong paligid.

"Damn it!" bulalas ni Lady Lou sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa gawi niya at namataan ang pagtaas ng dalawang kamay nito. I heard her chanted a spell and in an instant, the force fiel that is protecting this place doubled and became more power! Panibagong pagsabog ang nagpayanig muli sa paligid at mayamaya lang ay napasinghap si Lady Lou at mabilis na napaluhod. Nanlami ang mga mata ko at gulat na napatitig sa kanya nang makita ang dugong lumabas sa bibig nito pagkatapos niyang umubo.

"Lady Lou!" mabilis akong kumilos at nilapitan ito. Sumunod naman sa akin si Lorenzo at hindi humiwalay sa tabi ko. Agad akong lumuhod at tiningnan ang lagay ni Lady Lou. "Are you okay?"

"Yes, My Queen," aniya at inalis ang dugo sa labi gamit ang likod ng kamay niya. "It's just a blood."

Mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagkilos ni Lorenzo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at wala sa sariling dumako ang paningin sa iba pang Xier na kasama namin ngayon sa masyon ni Lady Lou. Kagaya namin, mukhang hindi nila inaasahan ang pag-atakeng ito! "Prepare yourselves, everyone!" malakas na wika ni Lorenzo sabay taas ng espadang hawak nito. "Once the force field is gone, we'll fight!"

"Ngunit wala pa iyong hudyat na hinihintay natin!" sambit ng isang kawal na siyang sinang-ayunan ng iba pang kasama nito.

Hindi ako nagsalita at marahang tumayo na lamang. Ganoon din ang ginawa ni Lady Lou at nagsimulang kumilos muli at tumayo sa tabi ni Lorenzo. "This is the signal we've been waiting for," seryosong sambit ni Lorenzo sabay baling sa akin. Sabay kaming tumango sa isa't-isa at muling itinuon ang paningin sa mga kasamang Xier. "The greatest war of Xiernia is officially started."

Biglang natahimik ang lahat. Mukhang hindi nila inaasahan na ganitong hudyat pala ang hinihintay nila. Napalunok ako at humakbang muli ng isang beses. Napatingin naman ang mga ito sa puwesto ko. "As your Queen, there's only one command I have for you," seryosong sambit ko at inisa-isa silang tingnan. "Don't die and survive until we reclaim our kingdom."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top