Chapter 34: Love
Damn! Muli akong napamura noong tumilapon ang katawan at tumama sa dingding ang likod ko! This is hard! Hindi ko inaasahang ganito pala kahirap kontrolin ang kapangyarihan ng aking ina. I know that this is one of the rare magics that ever exists in our world and only royal can use and control it! At dahil isang royal ako, I was expecting that it will be easy for me! But no, I was wrong! Kahit na tinanggap na ito ng katawan ko, hindi ko pa makontrol ito nang maayos! Nasasaktan pa rin ako tuwing ginagamit ko ang kapangyarihang ito!
Pilit kong inangat ang katawan at tumayo nang maayos.
Nasa isang malawak na bakanteng silid ako ngayon. I asked Lady Lou for this room. I need to control my new power. I need to fully own this power before we launch our attack and reclaim the full control of the palace. "You can do it, Shanaya." I whisper to myself as I raised my hands. Agad din akong naging alerto at umalis sa kinatatayuan ko. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang muling pag-atake ng kalaban ko. It was a humanlike creature created by Lady Lou. Ako mismo ang nag-request sa kanya nito at hindi na ipinaalam sa mga kaibigan ko. I need to practice alone. Hindi ko pa tuluyang gamay ang kapangyarihang ito kaya naman ay mas makakabuting hindi isang tunay na tao ang kalaban ko ngayon.
Habang tumatakbo ay sinubukan kong mag-summon ng kung anong sandatang alam ko ngunit bigo akong mangyari iyon. Hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin ako na may natirang kapangyarihan pa sa akin. Kahit ang kakayahang mag-summon lang sana ng mga sandata. Kahit iyon lang sana. I grew up using that ability. Sanay akong gamitin iyon sa kahit anong sitwasyon. At noong nawala iyon sa akin, a big part of me was gone too.
Napasinghap ako noong biglang lumabas sa harapan ko ang kalaban. Mabilis akong tumalon paatras para maiwasan ang atake niya at ikinumpas nang sabay ang mga kamay patungo sa kanya. I saw how my power runs towards my enemy. Black and white blades. A combination of darkness and light. This is what my new power. The power of life and death.
"Oh crap! Not again!" Malakas na bulalas ko noong dimaplis lang ang mga atakeng ginawa ko. Kanina ko pa sinusubukang patamaan ang kalaban ko ngunit kagaya ng mga naunang atake ko, bigo akong patamaan ito nang husto. Napailing ako at humugot ng isang malalim na hininga. Simple lang naman ang dapat kong gawin para manalo. Kailangan ko lang tamaan ang dibdib nito at kung magawa ko iyon ay mahihinto ito sa paggalaw at kusang maglalaho. Ang buong akala ko'y madali ko lang magagawa iyon ngunit sadyang pinapahirapan ako ng isang ito! Ngayon ay humigit isang oras na ako sa silid na ito at pilit na pinapatamaan siya ng kapangyarihan ko!
Napamura muli ako noong hindi ko namalayang natamaan ako ng isa sa atake nito at muling tumilapon. Damn it. "Focus, Shanaya." Napabaling ako sa may pintuan ng silid noong marinign ang boses ni Nathalie roon.
Napangiwi ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. "Hey!" bati ko sa kanya.
"You're doing it wrong," seryosong wika niya sa akin. Nagsimula itong humakbang at lumapit sa kinatatayuan ko. Taka ko naman itong tiningnan. Anong ginagawa niya rito? At paanong nalaman niyang narito ako? Sinabi ba sa kanila ni Lady Lou ang tungkol sa pag-eensayo ko?
Noong tuluyang makalapit si Nathalie sa akin ay mabilis niyang hinawakan ang kanang balikat ko. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa niya. Nathalie and I has never been close since we've meet at Lynus, si Natasha lang. At alam ko kung ano ang rason kung bakit may tila may isang malaki at malamig na pader sa pagitan namin. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napakagat ng pang-ibabang labi noong makitang unti-unting naghihilom ang mga sugat sa aking katawan. She's healing my wounds!
"Marami akong nais itanong sa'yo, Shanaya," wika niya habang patuloy na ginagamot ang mga sugat ko. Napatingin ako sa kanya. She's looking at me with her usual bored eyes. Mayamaya pa'y binitawan na nito ang braso ko at bahagyang lumayo ito sa akin. "You're a mystery to me since the day Natasha and I found you. I already felt that you were different from us. Hindi ka taga-Lynus. Hindi ka rin taga-Tereshle." Kita kong itinaas niya ang isang kamay niya. Segundo lang namataan ko ang iilang water particles na unti-unting nabubuo sa ibabaw ng kamay niya. Shit! Don't tell me she's planning to attack me with her attribute?
"Nathalie, anong ginagawa-"
"And when I found out that you knew Timothy, nagkaroon na ako ng hinala tungkol sa totoong katauhan mo," muling saad niya sabay tingin nang deretso sa akin. "Timothy... He went missing. Alam iyon ng lahat at halos baliktarin na ng pamilya niya ang Lynus para mahanap ito." She sighed. "Napadpad lang pala ito rito sa Xiernia." Napailing ito.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa kanya. Alam kong darating ang araw na ito, na magtatanong ang mga kaibigan kong taga-Tereshle tungkol sa ugnayan namin ni Timothy. But I didn't expect Nathalie to come and talk to me first about it! Ang buong akala ko nga'y si Nates ang unang mangungulit sa akin tungkol sa bagay na iyon! "You helped him before that's why I'm helping you right now," dagdag pa nito sabay sugod sa akin.
At dahil nga inaasahan ko ang pag-atake niya sa akin, agad akong lumayo sa kanya. I created a sword using my power. It was a sword made of light. "Nathalie, you don't have to do this! I can handle myself! Kaya kong kontrolin ang kapangyarihang ito!"
Kita ko ang pag-iling niya sa sinabi ko. "You're having a hard time, Shanaya. You can't even focus on your target," aniya at muling sumugod sa akin. Mabilis naman akong umiwas at lumayo sa kaibigan. "We're staying here, and we'll fight with you. Kaya naman huwag mong sarilihin ang lahat ng ito. We're your friends, remember?" I saw a smile escaped from her lips. Wala sa sarili naman akong napatango at mabilis na sinangga ang panibagong atake niya sa akin.
Nagpalitan kami ni Nathalie ng kanya-kanyang mga atake. I never thought na ganito kagaling sa pakikipaglaban si Nathalie! I know that the Alvarez siblings are good fighters, lalo na si Nates, but Nathalie, she looks like a fragile glass! Hindi mo talaga aasahan na isang mahilaw sa labanan ang isang ito!
Isang malutong na mura ang pinakawalan ko noong masugatan niyang ako sa kanang braso ko. Mabilis akong napatingin sa braso at napangiwi na lamang noong maramdaman ang hapdi sa lahat ng sugat na natamo ko galing sa water blades niya. "Don't hold back, Shanaya. I know that you're stronger than me. Come on!"
"Nathalie-"
"When you're in a battlefield, dapat ilabas mo lahat nang kakayahang mayroon ka. And this is a battlefield, Shanaya. Don't hold back and fight me with everything you've got. May kakilala akong taglay din ang ganyang kapangyarihan. And believe me, she's more frustrated than yours." A small smile escaped from her lips again. "But when she perfectly controlled her power, she exceeded everyone's expectation."
Bahagya akong natigilan sa sinabi nito. If I can control this power, can I defeat Bhaltair and the rest of our enemies? Kaya ko na bang bawiin ang Xiernia mula sa kanila?
"And Timothy," muling saad ni Nathalie na siyang ikinatuon kong muli nang tingin sa kanya. At bago pa man ito muling magsalita, inunahan ko na siya. I dissolved my sword and silently sighed while still looking at her.
"You love him." I stated. Kita ko natigilan ito sa sinabi ko. She looked at me with a blank stare. Mayamaya pa'y ngumiti ito. A familiar pain suddenly appeared inside my chest. She really loves him. For someone like Nathalie, ang suwerte ni Timothy na mahal siya nito!
"I've been in loved with him since we were kids," ani niya at dinisolve na rin ang ginawang espada kanina. "We even got engaged." Bahagya pa itong natawa sa tinuran niya. "But one day, he went missing, and when he came back to us, hindi na siya ang Timothy na kilala ko. He became a different person. I tried to ignore it, but who am I fooling, right? Sarili ko lang ang niloloko ko tuwing nakikita kong ibang Timothy na ang nagbalik sa amin noon. And I knew from that moment, someone already changed him and owned his heart."
Malungkot kong tiningnan ang kaibigan. I can feel her pain while saying those words. She really cares and love him. Kahit na nagbago ito at tinanggihan ang dapat na kasal nila, she still talks about him with admiration and love. "Nathalie, Timothy and I are just-"
"He loves you, Shanaya," putol nito sa dapat sasabihin ko. Namataan ko ang mabilis na sakit sa mga mata niya. It was just a couple of seconds, but I saw it! "He loves you so much that he'll do everything just to bring back Xiernia to you."
Napakurap ako dahil sa hindi inaasang luhang lumabas sa aking mga mata. She's hurting but still manage to say those words to me! Nasasaktan na siya ngunit pinili pa rin nitong sumama at manatili sa tabi ng taong mahal niya!
Hindi ganitong klaseng pagmamahal ang nais kong maranasan at maramdaman. Gusto kong magmahal ng walang nasasaktang ibang tao! Gusto kong magmahal nang malaya! Pero sa sitwasyon namin ngayon, si Nathalie ang nasasaktan kahit hindi man namin gustong mangyari iyon! Nathalie's my friend, and I don't want to hurt a friend!
I love him, yes, aminado ako sa bagay na ito, ngunit kung may masasaktan kaming malapit sa aming dalawa, is this love still worth it?
Sa dami ng problemang kinahaharap ko ngayon, dapat ko pa bang unahin ang sarili ko kaysa sa mga taong nakapaligid sa akin? Hindi pa ba sapat sa akin ang lahat ng nawala nang dahil lang mas inuna nila ang kapakanan ko kaysa sa sarili nila?
Am I being selfish again if I wish I can love him freely without hurting those people who loves us?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top