Chapter 33: Plan
Tahimik akong nakaupo sa bakanteng upuan sa hardin ng mansyon ni Lady Lou. It's been three days since my mom passed away. And it's been three days since I've created an invisible wall around me. Ni hindi ako malapitan ng mga Xier sa paligid ko. Lalo na ang mga kaibigan ko mula sa Tereshle.
Lahat ay nagluksa sa pagkamatay ng dating reyna ng Xiernia. Everyone was sad and heartbroken. Alam nila ang sakit na pinagdadaanan ko ngayon kaya naman ay hinayaan na lamang nila ako sa nais kong gawin. Kailangan kong mapag-isa. I need to clear my mind first before executing my plans to retrieve Xiernia from our enemies.
I sighed as I look at my hands. May kapangyarihan na ako ngayon. At tanging ito lamang ang magiging sandata ko laban sa mga kalaban namin. Pero paano ko sila lalabanan? The power of death and life. A poison of death and the power that can create another life. Iyon ang natirang kapangyarihan ng aking ina at iyon din ang ipinasa niya sa akin.
How can I defeat them with this power? The power of life and death... Life... Death.
"Shanaya." Napabaling ako sa gawing kanan ko noong marinig ang pagtawag nito sa akin. Hindi ako kumibo sa puwesto ko kaya naman ay napabuntonghininga ito. Napansin ko rin ang pagdadalawang-isip niya sa susunod na gagawin. He sighed again and finally moved his feet. Tahimik itong naglakad papalapit sa gawi ko habang hindi nilulubayan ng mga mata niya ang titig nito sa akin.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kanya. Muli akong tumingin sa kawalan at hinayaan itong tuluyang makalapit sa puwesto ko.
Sa loob ng tatlong araw ay hindi ko siya nakita. Maging ang ibang kaibigan ko mula sa Tereshle ay hindi ko man lang namataan sa loob ng mansyon. I thought Lady Lou already sent them back to their own world. Iyon kasi ang huling napag-usapan namin bago pumasok noon sa silid ng ina. I was busy with my mom's funeral kaya naman nawala sa isipan ko ang mga kaibigan ko mula sa Tereshle, lalo na siya.
"What are you thinking right now?" he asked out of nowhere. Nakatayo ito 'di kalayuan sa puwesto ko. I was expecting him to sit beside me, but he didn't do that. Instead, he still gave me the space that I asked from everyone. A weak smile escape from my lips. These past few days were the hardest days of my life. Maliban sa pagkawala ng aking ina, ang buong akala ko'y bumalik na talaga ito sa Tereshle at muling umalis ng hindi man lang nagpaalam sa akin. Just like what he did to me two years ago, I thought he left me again! "Mind telling me, Shanaya?" dagdag pa nito.
I stay still and didn't bother to answer him. What? Anong sasabihin ko sa kanya? "Shanaya, talk to me. I want to know your plan... I want to know everything para naman alam ko kung ano ang maitutulong ko sa'yo."
"I'm thinking about how to save my kingdom," mahinang saad ko at tiningnan ang paggalaw ng mga dahon ng puno dahil sa ihip ng hangin dito sa hardin. "Iniisip ko kung paano ko maililigtas ang kahariang prinotektahan ng mga magulang ko hanggang sa huling hininga nila."
"Don't think too much. And if you can, stop thinking about it. Kahit ngayon lang." Napailing ako sa narinig mula sa kanya. Wala sa sarili akong napabaling sa gawi nito at hindi na nagulat pa noong mamataang nakatingin na ito sa akin.
I sighed. "Hindi ko magagawa iyon, Timothy," sambit ko dito sabay iwas muli nang tingin sa kanya. "I'm the current Queen of this kingdom. And it's my duty to save and protect Xiernia... but I failed." I sighed again as I tried to compose myself and control my emotion. "I failed everyone."
"No, you didn't," rinig kong sambit nito. "Hindi mo sila binigo. Hindi pa tapos ang laban, Shanaya. Nagsisimula pa lamang ang totoong laban mo." Napalunok ako at muling tumingin sa kanya. Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon nito. "The real battle between you and your enemies are just about to begin. You need to prepare yourself and ready for what's coming." Maingat itong kumilos at naupo sa bakanteng puwesto sa tabi ko. I stay still and just looked at him. "It's been three days, and we all know that you need all the time to recover from your mother's death. But your people are waiting, Shanaya. Handa na silang lahat at ikaw na lamang ang hinihintay nila. They're waiting for your command, My Queen."
"Timothy." Marami akong nais sabihin sa kanya ngunit tanging ang pangalan lamang niya ang lumalabas sa aking bibig. I wanted to tell him everything. Lahat nang gumagambala sa akin ngayon, nais ko itong sabihin sa kanya. But... I don't want him to suffer too!
"And please, don't push us away, Shanaya." Natigilan akong muli sa sinambit nito. "Don't push me away from here... from you." He added and reached my hand. "We're here to help you at hindi kami babalik sa Lynus hangga't hindi namin iyon nagagawa, Shanaya."
Napailing ako at malungkot na tinignan ito. "It will be very dangerous for you and the siblings to stay here, Timothy. Ngayon alam ko na kung sino ang totoong kalaban namin, mas lalo akong nangamba para sa kaligtasan ng lahat! He's a powerful Xier and I don't want to risk you, and even your friend's lives just because I was selfish and wanted you to come and join me here!"
"I'm here because I wanted to be here, Shanaya," mariing saad nito at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "I'm here again because you're here. And please, I don't mind if you're being selfish. You can always be selfish, Shanaya. Lalo na sa akin." Napaawang ang labi ko sa mga salitang sinasambit nito. He weakly smiled at me. "Let me fight with you. Let's save Xiernia together."
Hindi ako nakapagsalita at napatitig na lamang sa kausap. I wanted to hug him, but my body would never dare to move and do whatever I wanted to do. Kaya naman ay nanatili na lamang akong tahimik at pinagmasdan ang mukha nito sa harapan ko. "Let us stay, Shanya. Let us fight with you until the very end. And I promise, once na matapos na ang kaguluhan dito sa Xiernia, kami na mismo ang magkukusang aalis at babalik na sa Lynus."
Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Timothy ay sabay kaming bumalik papasok sa loob mansyon. He's still holding my hand. Hinayaan ko na lamang ito sa nais niya at tahimik na dinama na lamang ang mainit na palad nito. Wala na rin akong nagawa sa naging desisyon nila. They all wanted to stay with us. Hindi sila babalik sa Tereshle hangga't magulo pa ang mundo ko. Hindi sila babalik sa mundo nila hangga't hindi pa naibabalik ang kaayusan ng buong Xiernia.
Ilang hakbang na lamang ang layo namin sa dulo ng pasilyong tinatahak noong maramdaman kon ang pagkalas ni Timothy mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Taka ko itong tiningnan at namataan ang marahang pagtango nito sa akin. Muli akong napatingin sa unahan namin at napagtanto ang kung anong mayroon sa dulo ng pasilyong ito. I sighed and continue walking. Tahimik namang sumunod sa akin si Timothy.
At noong tuluyan ko nang narrating ang pinaka-main hall ng mansyon ni Lady Hall, bumungad sa akin ang mga Xier na lubos na pinagkakatiwalaan ko at ng aking mga magulang. Sabay-sabay naman silang nagsiyuko noong makita ako at noong muli nila akong tiningnan, natigilan ako sa kinatatayuan noong makita ang pag-asa na nakaukit sa mga mukha nila.
Hope... It really makes us strong and at the same time, vulnerable. Kitang-kita ko iyon sa kanilang lahat, lalo na sa mga kaibigan ko. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at sabay na ikinuyom ang mga kamao. Sapat na sa akin ang tatlong araw na pagluluksa sa nangyari sa aking ina. I can't waste any of our time now. I need to make a decide now and make a move to save our kingdom!
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinatatayuan nila. Inisa-isa ko silang tingnan at nagalak noong makita ang ilang pamilyar na mukha na siyang hindi ko nakita noong araw na nagpunta kami sa lugar na ito! They're complete now. Maging si Kate mula sa Plysia ay kasama nila ngayon dito sa mansyon ni Lady Lou!
"My Queen." Mabilis na lumapit sa akin si Lady Lou. "Maayos na ba ang pakiramdaman mo?" Nag-aalalang tanong pa niya.
Tumango ako. "Yes. Maayos na ako." Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago ipagpatuloy ang dapat sabihin. Oo nga't may kirot pa sa puso ko, hindi iyon kailanman mawawala sa akin, pero alam kong kaya ko nang kumilos at gampanan ang tungkulin ko bilang reyna nila. Kaya ko... Kakayanin ko. "I'm sorry for being lost for the past few days. Alam kong dapat ay hindi ako pinanghinaan ng loob. My emotions were scary... overwhelming, and I don't want to you to see me on that state. I'm really sorry."
Katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Isa-isa ko silang pinagmasdang muli. "But I'm here now. Ipagpatuloy natin ang nasimulan ng aking ina at tapusin ang gulong ginawa ng mga kalabang nais sakupin ang buong Xiernia," seryoso kong sambit. "Bawiin natin ang kung anong dapat ay sa atin."
Sabay-sabay silang nagsitango sa akin at umayos nang pagkakatayo. "Do you already have a plan, My Queen?" maingat na tanong ni Lorenzo na siyang ikinatango ko naman. Yes, I do have a plan. At titiyakin kong pagsisisihan ng mga kalaban na inilabas nila ang pangil nila at ipinakita sa akin ang tunay nilang kulay.
Pagkatapos nang pagtitipon namin sa mansyon ni Lady Lou ay nagtungo na kami sa kanya-kanyang silid upang magpahinga. Kailangan namin ng sapat na pahinga para sa nalalapit na digmaan. Everyone agreed with my plan. No one dared to question it. And I was happy with that. The way they trust me and my decision, it warms my cold and broken heart. I won't disappoint them. Not when I finally decided to fight our enemies until my last breath! Uubusin ko sila. Ipapakita ko sa kanila ang kung anong kayang gawin ko para sa Xiernia.
I planned to rest and sleep. Sa loob ng tatlong araw, tanging pag-idlip lang ang nagawa ko. I can't let myself fall asleep. I was too scared to close my eyes. But now that everything was already planned and settled, I want to rest my body, but hell! Hindi ko pa rin magawang ipahinga ang katawan at utak ko ngayon!
Walang ingay na lamang akong nagtungo sa labas ng mansyon ni Lady Lou at pinagmasdan ang payapang kapaligiran. A peaceful night like this is what I really want for Xiernia. Itataya ko ang buhay na mayroon ako para ibalik lamang ang kapayapaang nawala sa kaharian ko.
"Queen Shanaya." Bigla akong napalingon sag awing kaliwa ko noong marinig ang tinig niya. He slowly walked towards my direction. Tahimik itong tumayo sa tabi ko at tumingin din sa madilim at payapang paligid. Napatitig ako sa kanya.
Simula noong nakabalik ako ay walang matinong pag-uusap ang nangyari sa aming dalawa. This might be the right time for us to talk. "The late Queen told me what you did," panimula ko habang nasa kanya pa rin ang paningin. "Thank you for taking our side." I bit my lower lip as I remembered my mother's exact words. "And ... she told me that you were almost got killed by your own father."
"Shanaya-"
I sighed and interrupted him immediately. "I have a favor to ask." I said that makes him looked towards my direction. "I need you to enter the palace, Simon," seryosong wika ko sa kanya. Kita kong natigilan ito sa sinambit ko. Kunot-noo niya akong tiningnan, hindi makuha ang nais kong iparating sa kanya. "I need you to be there, Simon. I want you to be our bait... no, not just a bait. I want you to infiltrate the enemy's main base. Can you do that?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top