Chapter 32: Tears

I love my mother, but I'm hurt and disappointed with her decision. Hindi na ako ang batang Shanaya na kailangan niyang alagaan at protektahan. I'm a Queen now! I have my own responsibilities as the current ruler our of kingdom and I can make my own decision, for myself and for the whole Xiernia! Hindi niya dapat ako pinangunahan nang ganoon na lamang!

"I'm so sorry, Shanaya," aniya habang malungkot na nakatingin sa akin. "Ginawa ko lang ang alam kong mas makakabuti sa lahat, lalo na sa'yo."

"Sa ginawa mo, ipinahamak mo lang ang sarili mo, mom. Sa tingin mo ba ikatutuwa ko kung napahamak ka habang ligtas naman ako sa Tereshle? Mom, I have all the power to save you and our kingdom. Maling-mali na inilayo mo ako rito!"

"Shanaya, please," anito sa mahinang tinig. Namataan ko ang pagpikit nito at tila may kung anong iniindang sakit. Bigla akong nag-aalala sa kalagayan ng ina. Mabilis akong lumapit muli sa kanya at naupo sa gilid ng kama niya.

Akmang magsasalita na sana akong muli noong naramdaman kong hinawakan nito ang magkabilang kamay ko. Mabilis akong natigilan at takang napatitig sa mga kamay namin. Her hands... hindi na ito malamig ngayon. It's warm and I can feel a familiar energy from it. Napakurap ako at tinignan ito. "W-What are you doing, mom?" Litong tanong ko sa kanya.

Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak ng aking ina. Kinakabahan ako sa ginagawa niya! I may have a little magic left in my body, but I still have all my knowledge about different kinds of magic that exists in our world! Lalo na ang kapangyarihang taglay ng aking ina! Ngunit imbes na bitawan nito ang kamay ko ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko. "Mom! Stop it!" bulalas ko noong mas tumindi ang enerhiyang nararamdaman mula sa kamay ng aking ina.

"You don't have to worry about being powerless, my child. You still have me," aniya na siyang nagpaawang ng labi ko. Gulat pa rin akong nakatingin sa kanya. "Wala ka mang sapat na kapangyarihan upang ibalik ang kapayapaan ng buong Xiernia, trust me, you're still powerful compared to them. You are the Queen. You rule this world, Shanaya," dagdag pa nito na siyang nagpatulong muli ng mga luha ko. Wala sa sarili akong napayuko at pinagmasdan ang mga kamay naming magkahawak ngayon. A small light suddenly appeared. Mayamaya lang ay mas lumiwanag ito kaya naman ay naalarma ako.

Mas lumakas ang enerhiyang nararamdaman ko ngayon mula roon. At habang tumatagal, mas lalo akong nangamba sa ginawagawa ng ina. She can't do this to me! Hindi niya maaaring gamitin ang mahika nito sa akin! Not again! "Stop it, mom! Please." I pleaded. I know what she's doing right now, and I don't like it! I don't want it! I don't want her to pass her remaining magic to me! Mapapahamak siya kapag tuluyang mailipat sa akin ang mahikang natitira sa kanya!

"Mom! Stop it!" I cried but she ignored me. Tila ba'y wala siyang naririnig sa lahat ng pakiusap ko sa kanya. Pinagpatuloy pa rin nito ang ginagawa kahit na nagmamakaawa na akong itigil ito.

Please, somebody stop her! Hindi niya puwedeng ipasa sa akin ang natitirang kapangyarihang mayroon siya! It will kill her! It will end her own life! "Mom, please. Hindi ko kailangan ito!" I cried again. I don't want her power! Hindi ko kailangan ito! I'm fine being powerless now. Wala na akong irereklamo sa kanya. I won't question her decisions again! So please, I need her to stop. Mas kailangan ko siya kaysa sa nawalang kapangyarihan sa akin!

Mayamaya lang ay marahang umiling ang aking ina at malungkot na ngumiti sa harapan ko. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "Shanaya, please accept it, My Queen. Ito na lang ang kaya kong gawin para sa'yo, bilang iyong ina at bilang dating reyna ng Xiernia. Tanggapin mo ito, Shanaya. You need this power more than I do."

"No." Umiling ako sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha ko. "N-No. I don't want it, mom!" I cried. Tumingin ako sa nakasarang pinto at sinubukang tawagin si Lady Lou at Lorenzo. But hell, wala ni isa sa kanina ang pumasok sa silid na kinaroroonan namin ngayon!

"I know you'll save the kingdom, Shanaya." Napatingin muli ako sa aking ina. "Use my power. Use it to get back what's really ours," mariing sambit niya at mayamaya lang ay dahan-dahang ipinikit ang mga mata niya. Napaawang muli ang mga labi ko habang nakatingin sa kalagayan ng ina. Ngayon ay mas lalong lumakas ang daloy ng enerhiya sa aking katawan! I tried to remove my hands again from her but she as holding it too tight!

"Please, mom. Ayaw kong mawala ka rin sa akin! Hindi ko kakayanin iyon! Stop it already! Hindi ko kailangan ang kapangyarihang ito! Please! Tama na!"

Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko. Napayuko ko at patuloy na tinawag ito. I saw how the light from our hands became stronger and when it finally fades, I bit my lower lip hard and cried again. Inangat ko ang magkahawak naming kamay at inilagay iyon sa aking labi. Nagpatuloy ako sa pag-iyak at bahagyang natigilan noong marinig ang mahinang tinig ng aking ina sa isipan.

"Magic is just a tool that serves us, Shanaya. Kahit gaano pa kalakas ang kapangyarihang taglay mo kung wala ka namang mabuting puso, mahina ka pa rin. But you, my child, you have a heart that surpasses everything. Not even the strongest magic can defeat you now. Use this magic to save our kingdom, Shanaya." "N-No... Mom! No!" malakas na sigaw ko habang dinadama ang unti-unting paglalamig muli ng kamay ng aking ina. "Accept this magic as a gift from us. It's a magic that we personally created just for you. And always remember this, Shanaya. The moment you were born, your father and I already knew that will do great even without us." Mabilis akong muli. "No. I can't do this without you, mom! Mas kailangan kita kaysa sa kapangyarihang ito!"

"I love you more than this life and magic, Shanaya. Till we meet again, My Queen."

Napaangat ako nang tingin sa aking ina. Ngayon ay nakawala na ako mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa aking kamay. Maingat kong inangat ang kanang kamay at hinaplos ang mukha nito. "Don't leave me, mom." Mahinang saad ko habang patuloy sa pag-iyak. "I need you. D-Don't die... Please. Nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag mo akong iwan." Nanlalabo na ang aking mata dahil sa walang tigil na pag-agos ng aking mga luha ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagmamakaawa sa aking ina.

Sa pagkakataong ito, I wished I never learned how to use all my senses. Sana'y naging mahina na lamang ito para patuloy pa rin akong umaasa na imumulat muli ng aking ina ang kanyang mga mata at muling ngingiti at tatawagin ang pangalan ko. But no... All my senses are active now! I can't hear her heart beating inside her chest. I can't hear her breathing. I no longer feel her energy. I... I just confirmed that the woman who gave birth to me, the woman who cherished me the most, the woman who promised me the world, is now dead in front of me!

"No!" Malakas na sigaw ko at niyakap ang walang buhay na katawan ng aking ina. "No!"

I can feel the overflowing power inside my body. It's overwhelming me and now exploding as I cried harder. Nagsisigaw ako at hindi inantala ang kapangyarihang lumalabas ngayon sa aking katawan. As I cried myself to death, lahat ng magagandang alaala kasama ang mga magulang ko ang bumalik sa akin. Lahat ng masasayang tagpong mayroon ako kasama silang dalawa ay sinariwa ng aking isipan. But after that, a dark and evil thoughts invades my whole being. The traitors of Xiernia, Bhaltair, and the rebellions! I'm going to kill them all! I'm going to make their lives a living hell!

Malakas akong sumigaw muli at mabilis na humiwalay sa katawan ng ina. Napahawak ako sa ulo ko noong biglang sumakit iyon. Wala sa sarili akong napaluhod at napasuntok na lamang sa sahig noong mas tumindi ang sakit na nararamdaman ngayon. I don't know what's worse right now. The pain inside my head or the void feeling inside my heart. Damn it! Muli kong sinuntok ang sahig na kinalalagyan at hindi tumigil hanggang sa may narinig akong mga tinig sa paligid at tinitawag ang pangalan ko.

"Shanaya, stop it!"

Napailing ako at hindi sila binigyan pansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa at mabilis namang naalarma noong may lumapit sa puwesto ko. "Shanaya, please. You need to stop-"

"Don't!" I shouted. "Don't come closer!" mariing utos ko at nag-angat na nang tingin sa mga bagong dating. They're finally here. Bakit ngayon lang? Bakit ngayong hindi ko na sila kailangan ngayon sa silid na ito?

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao. The power inside me is getting stronger every second. Tila ba'y unti-unti na itong tinatanggap ng katawan ko and I hate it! I don't deserve this power! Alam ko kung anong kayang gawin ng kapangyarihang ito! It's powerful and dangerous at the same time! Kung tuluyang tanggapin ito ng katawan ko, tuluyang mawawala na ako sa sarili! I don't want this! Mali ang aking ina. I don't have the heart to use this kind of magic. Nagkamali itong ibigay at ipagkatiwala sa akin ang ganitong klaseng mahika! Kagaya sa pagkakamali niyang ipasa sa akin ang trono bilang reyna ng Xiernia!

"Shanaya... Your hand... it's bleeding. Itigil mo na ang ginagawa mo at baka-"

"I said don't!" malakas kong sigaw muli sabay tayo. Kita ko ang gulat at pag-aalala sa mga mukha nila. I saw Ara's crying while looking at me. Nasa unahan nilang lahat si Lady Lou na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon sa direksiyon ng aking ina. "I need you all to just leave me alone. Leave this room immediately," malamig na sambit ko sabay taas ng kanang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang enerhiyang dumadaloy mula roon! "I'm dangerous right now. I can kill you in just a single contact kaya naman lumayo kayo sa akin!"

"The former Queen Alexandria." Lady Lou said in a flat tone. Napatitig ako sa kanya at mayamaya lang ay mabilis na nag-iwas nang tingin. Napayuko na lang ako noong makita ang mga luha ni Lady Lou. "T-The former Queen of Xiernia is d-dead." She declared with a broken voice. Napaawang ang labi ko sa narinig mula kay Lady Lou. Her words were my last hope. I was denial earlier and hoping that I was wrong and overacting but... now that she declared and confirmed it, the hope I built earlier shatter, and I don't know if I can fix it again after this day. Sabay-sabay namang nagsiluhod ang mga kasama ko sa silid at nagbigay respeto sa pagpanaw ng aking ina.

Muling tumulo ang mga luha ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at wala sa sariling napabaling sa puwesto ni Timothy. Hindi na ako nagulat pa noong magtagpo ang paningin naming dalawa. Malungkot niya akong tiningnan na siyang lalong nagpaiyak sa akin. Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya at muling bumaling sa puwesto ng ina.

"P-Please prepare everything we need." Halos walang tinig na sambit ko. "We need to give her a proper and peaceful funeral. She deserves that."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top