Chapter 31: Powerless
Kanina ko pa pinapakiramdaman ang paligid habang tahimik na nakasunod kay Lady Lou. Kahit na mahina na ang kapangyarihan ko ngayon, malakas pa rin naman ang pakiramdam ko. I was trained to use all my senses. Even without using my own magic, I can still feel if something's wrong around me. At iyon ang nararamdaman ko ngayon!
Sa isang nakasarang pinto kami nahinto ni Lady Lou. Tahimik pa rin ako at matamang tiningnan ang pinto sa harapan. I sighed and firmly closed my fists. Marahan itong kumatok doon at mayamaya lang ay binuksan na nito ang nakasarang pinto.
"Shanaya. My Queen." Iyon agad ang narinig ko pagkapasok namin sa silid. It was my mother. Tahimik ko namang pinagmasdan ang buong silid na kinaroroonan niya ngayon. It was a large room. May nag-iisang malaking kama roon kung saan nakahiga ang aking ina. Nagpatuloy ako sa pagmamasid at namataan ilang kawal kaya naman ay taka akong napatingin muli sa puwesto ng aking ina. Sa tabi nito ay naroon si Lorenzo, ama ni Ara, at kagaya ng mga kawal na kasama nila sa silid ay nakagayak din ito at kompleto ang sandatang pandigma niya!
Anong mayroon sa silid na ito at bakit may mga kawal na bantay? "Lalabas muna kami upang makapag-usap kayo, Queen Shanaya," sambit ni Lorenzo sabay yuko sa harapan ko. Ganoon din ang ginawa ng mga kawal at walang ingay na nagsikilos at lumabas na sa silid ng ina.
Katahimikan. Ngayong kaming tatlo na lamang ang natira sa silid, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-uusap na ito. Sa dinami-raming katanungang mayroon ako ngayon, bigla na lamang itong naglaho sa isipan noong makitang ligtas ang ina. Tila nawalan nang halaga ang lahat ng kasagutang nais kong malaman noong maabutan ko itong maayos ang kalagayan dito sa mansyon ni Lady Lou. She's safe. She's alive. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon!
"I'll excuse myself too, My Queen," rinig kong paalam ni Lady Lou sa tabi ko. Wala sa sarili naman akong tumango sa kanya at nanatiling nakatingin sa aking ina. Seconds later, I bit my lower lip and started moving my feet. Maingat akong naglakad papalapit sa puwesto niyo at noong nasa tabi na niya ako, hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko.
I slowly reached my mother's hand and weakly smiled at her. "Mom." Nanghihinang sambit ko. I'm really glad that my mother's safe! Kahit na siguro mawala lahat ng kapangyarihang mayroon ako, basta ligtas lamang ito, walang reklamong tatanggapin ko ang kapalarang mayroon ako!
"Shanaya... my child," mahinang tinig na sambit niya kaya naman ay natigilan ako. Mataman kong tiningnan ang ina habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko sa mata. "Y-You're back." She smiled at me.
Napalunok ako at marahang inalis ang sariling luha. Muli kong hinawakan ang kamay ng aking ina at natigilang muli noong maramdaman ang panlalamig ng kamay nito. "Mom, w-what's wrong? What happened?" tanong ko sa kanya at sinalubong ang titig nito sa akin.
I can't believe what I am seeing right now! My mother, the former Queen of Xienia, and a powerful royal Xier, looks so weak! So fragile! Hindi ganito ang kondisyon niya bago ako napunta sa Tereshle! What happened to her? Bakit ganito ang naging kalagayan niya ngayon? Ito ba ang dahilan kung bakit narito sila Lorenzo at ilang royal knight sa silid niya? Para bantayan at siguraduhin ang kaligtasan nito?
Agad akong nakaramdaman nang matinding galit sa puso ko. Kagagawan ba ito nila Gilbert at Bernie Ashford? Sila ba ang dahilan kung bakit naging ganito ang kondisyon ng aking ina? Damn it! Nais kong malaman ang mga nangyari sa kanila noong napunta ako sa Tereshle! Nais kong magtanong sa aking ina ngunit mas nangingibabaw ang galit ko ngayon sa kalaban namin!
Akmang magsasalita na sana akong muli noong maramdaman ko ang paghigpit nang pagkakahawak ng ina sa aking kamay. Mataman ko itong tiningnan at namataan ang pagngiti nitong muli sa akin. She slowly raised her one hand and reached my right cheek. Marahan nitong hinaplos ang pisngi na siyang muling nagpaiyak sa akin. Her hand is cold, but her touch makes my heart warm!
"Shanaya, bago ako mailigtas ni Lady Lou mula sa kamay ni Bhaltair, he already absorbed some of my powers," anito na siyang ikitigil ko saglit. Bhaltair? That name sounds familiar! Bhaltair... Natigilan ako sa pag-alala kung sino ang Xier na binanggit ng aking ina noong magsalita itong muli. "Ang pagkuha ng kapangyarihan ko ay tanging nagawa na lang niya noong nalaman nitong wala ka na rito sa Xiernia."
Napaawang ang labi ko at gulat na napatitig sa aking ina. "Bhaltair," mahinang sambit ko sa pangalan nito. "Hindi ba siya ang-"
Marahang tumango ito sa akin. "Yes, My Queen. Bhaltair was the mastermind and the leader of the rebels who attacked the palace." My mother sighed, "And he almost killed his own son, Simon."
Nanlamig ang buong katawan ko. No hell way! Paanong nangyari iyon? Bhaltair was one of the best Royal Knights we ever had! Isa siya sa pinagkakatiwalaang Royal Knight ng dating hari ng Xiernia, ang aking ama! Malapit na kaibigan din ito ni Lorenzo kaya naman pati kaming mga anak nila ay naging malapit din sa isa't-isa! I can't believe this! Bakit naman gagawin iyon ni Bhaltair? Alam kong maaga itong nagretiro sa pagiging Knight ng palasyo upang makasama ang pamilya at asawa niya ngunit hindi ko inaasahan ang impormasyong ito mula sa aking ina!
And Simon... It was his father! Alam ba nito ang ginawa ng kanyang ama? Bakit wala man lang itong nabanggit sa akin noong nag-usap kami kanina?
"Simon already discussed this matter with me before, Shanaya." Napatitig muli ako sa ina. What? "The moment he found something strange about his father and some of the Xiers that were residing their village, he already warned me about it. Noong una ay hindi maintindihan kung bakit ito gagawin ni Bhaltair ngunit noong nadiskubre namin ang tungkol sa ginawa ni Gilbert, unti-unting naging malinaw ang lahat sa akin. I silently calculated the possible moves of our enemies. And when we found out their motives, I decided to send you to a place where a Xier like them can't go and find you easily. For you to be safe from Bhaltair and his plans, I intentionally sent you away from Xiernia and let you stay in one of Tereshle's division, the Lynus."
"And then I met Timothy. Alam mong isang water attributer ito, hindi ba? Alam mong taga-Lynus ang dayong minsang napadpad dito sa Xiernia," mahinang turan ko.
"Yes, Shanaya, and I also know that he will help you no matter what. I know that Timothy will return the favor we did for him two years ago." She smiled weakly again. Marahan itong kumilos at muling hinawakan ang kamay ko.
Napabuntonghininga ako at hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin sa ina. Sa lahat ng nalaman ko ngayon, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko! "Mom, alam mong magiging delikado ang buhay ko sa oras na tumapak ako ng Tereshle, hindi ba?" wala sa sariling tanong ko. Right! I still need to know her reason! The real reason! Kahit na nais niya lang akong maging ligtas mula sa kamay ni Bhaltair, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para gawin niya sa akin ang ginawa niya noong araw na iyon! "Tell me, mom, bakit mo ako inilabas ng Xiernia? The palace was attacked! The whole Xiernia was in trouble! Maling umalis ako rito habang nagkakagulo ang lahat!"
"Because I know that you'll be safe and live longer there, Shanaya," sagot nito sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko. Live longer? I don't think so! Unti-unting nawawala na ang kapangyarihan ko dahil sa matagal na pananatili sa Tereshle! "Bhaltair wants your power, and he will do everything to have it! He owns one of the dark magic and used that magic to take mine, Shanaya."
Napailing ako at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Dapat ay hinayaan niyo na lang po akong lumaban noon," mahinahong wika ko habang matamang nakatingin pa rin sa kanya. "Sana hinayaan mo akong manatili sa kaharian natin. Sana'y nagamit ko pa ang buong kapangyarihan mayroon ako noon para matalo ang kalaban natin. Sana'y hindi ganito ang naging kalagayan mo ngayon." My voice broke. Seeing my mother like this pains me. She was a strong Xier! And because Bhaltair can't have my power, ang kapangyarihan ng ina ang kinuha niya!
"Shanaya, My Queen, listen to me." She held my hand tighter. "Staying that day means the end of our kingdom. Shanaya, that was a trap... their trap. Kung nanatili ka sa palasyo noong araw nang pagsalakay nila, then, we're all done here. It was the best for us, Shanaya. Mas mabuting makuha nila ang kapangyarihan ko kaysa naman magtagumpay silang angkinin ang sa'yo."
"But... I'm powerless now, mom!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Napaiyak akong muli at napatingala na lamang. It's useless now! Walang saysay ang naging sakrispisyo ng aking ina. Nawala pa rin sa akin ang kapangyarihan ko! "Wala na akong kapangyarihan," mahinang sambit ko at muling tiningnan ang aking ina. "Ano na lamang ang mangyayari sa buong Xiernia? Paano ko maililigtas ang kahariang pinangalagaan niyo noon ng aking ama?"
Namataan kong natigilan si mommy. Mabilis kong nakita ang sakit sa kanyang mga mata ngunit mabilis lang din iyong nawala. "Yes, you are powerless now, Shanaya, and that was my plan. My original plan," seryosong sambit nito na siyang nagpaawang ng labi ko. "Your power was strong, unstoppable. Kaya nais nilang makuha iyon, Shanaya. Bata ka pa lang ay nagpamalas ka na ng kakaibang kapangyarihan. Bhaltair, being part of the royal knights of your father, knew this all along. He planned everything. At ang tanging paraan para matigil siya sa kahibangan na mayroon siya, kailangang mawala sa'yo ang kapangyarihang matagal na niyang inaasam."
"Mom, I don't-"
"Shanaya, please, I'm asking you to understand the situation we have right now. As a former Queen, I need to save the kingdom, too. Mahalaga sa akin ang buong Xiernia kaya naman gagawin ko ang lahat upang panatilihin ang kaligtasan nito. Your father once sacrificed himself to protect Xiernia at kung nagawa iyon noon ng iyong ama, kaya ko ring gawin iyon. I only lost half of my power. Kaya ko ring gawin ang tungkuli ko bilang dating reyna ng kaharian."
"What about me, mom?" mahinang tanong ko sa kanya. "Nais ko ring iligtas ang kaharian natin. But instead, you let me escape and now, I'm losing all of my power." Maingat kong inalis ang kamay ng ina na nakahawak sa akin ngayon. Namataan ko ang takot sa mga mata nito noong lumayo ako sa kanya. "Naiintindihan ko ang naging desisyon mo. Naiintindihan kong nag-aalala ka lang sa maaaring resulta kapag nakuha ni Bhaltair ang kapangyarihan ko ngunit bilang kasalukuyang reyna ng Xiernia, hindi ba dapat ay ako ang nagdesisyon sa bagay na iyan? You wanted to save Xiernia and your child, I get it. But mom, I'm not just your child. I'm now the Queen and I have all the power to protect you and the whole Xiernia." I sighed and weakly looked at her. "Kayo na rin ang nagsabi na mayroon akong kakaiba at malakas na kapangyarihan kaya naman bakit hindi kayo nagtiwala sa akin? Bakit hindi kayo nagtiwalang kaya kong labanan si Bhaltair at iligtas ang buong kaharian?"
Tears escaped from my eyes again. It's too late for me now to save this kingdom. I'm powerless and in this world where power and magic are everything, my title being the current Queen means nothing. Hindi ko na maibabalik ang kung anong nawala sa akin. We're doom and I'm afraid that this is also the end of me. The end of my reign as the Queen of the fairies, the end of Queen Shanaya of Xiernia.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top