Chapter 3: Intruder

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig sa labas ng aking silid. Pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga para malaman kung ano ba ang nangyayari ngayon sa labas ngunit tanging mura lang ang namutawi sa aking bibig.

"Damn!" Wala sa sariling mura ko at napahigang muli sa kama. Panay ang ngiwi ko dahil sa sakit na nararamdaman ngayon sa buong katawan ko. Napasobra yata kami nang training kagabi ni Ara! That girl! Talagang hindi kami tumigil hangga't hindi kami parehong pagod at wala nang lakas para gumalaw at lumaban!

Napailing na lamang ako. Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan kong bumangon. I set aside the pain I'm feeling right now. Mukhang kailangan kong magpunta sa sacred lake ng palasyo mamaya para gumaan ang pakiramdam ko! My whole body felt so heavy right now! Paika-ika akong naglakad patungo sa banyo. Ininda ko ang sakit ng buong katawan ko hanggang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko.

Dahan-dahan akong lumabas sa kuwarto ko. Naging alerto naman agad ang mga taga-bantay ko noong mamataang lumabas ako sa silid. They immediately faced and bowed in front me. Simpleng tumango lamang ako sa kanila at nagsimulang maglakad patungo sa pinaggagalingan nang ingay na siya bumulabog sa tulog ko.

"What's happening?" I asked while trying my best to walk normal. Nakasunod naman ngayon sa akin ang dalawang taga-silbi ko at isang royal knight. Lumiko ako sa gawing kanan ng pasilyo at nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang nanggagaling sa function hall ng palasyo ang ingay.

"May natagpuang sugatan na taga-labas, mahal na prinsesa," sagot ni Pamela, isa sa dalawang taga-silbi ko.

I immediately stop from walking. Napakunot ang noo ko. Taga-labas? It means taga-Tereshle ito! Paanong nakapasok ito sa Xiernia? Napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Mas binilisan ko ang paghakbang ng mga paa at agad na nagtungo sa function hall ng palasyo. And again, hindi ko binigyan pansin ang sakit na nararamdaman ngayon. I suddenly forgot about it! Isa lamang ang nais kong gawin ngayon at iyon ang makarating agad sa function hall!

Everyone stop from chatting when I entered the hall. They all looked at me and immediately bowed their heads. Saglit akong tumigil at pinagmasdan ang mga taong narito. Maymaya lang ay nagpasya na akong maglakad muli patungo sa aking ina na prenteng nakaupo ngayon sa kanyang upuan.

Nang makalapit ako ng tuluyan sa kanya ay yumuko ako sa harapan niya. I saw how my mother smiled at me. "Shanaya." She gently said my name.

"My Queen." I greeted her then smiled. Mayamaya lang ay umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ito nang mabuti. "What's happening?" I managed to ask her. Kita kong bahagyang natigilan ito sa naging tanong ko. "Totoo bang may taga-Tereshle ang nakapasok dito sa Xiernia? Where's the outsider, mom? Nais ko itong makita."

Kumunot ang noo ng aking inang reyna habang nakatingin sa akin. Hilaw naman akong napangiti at mabilis na nanahimik. She sighed and looked at the ministers in front of us. Tumingin rin ako sa kanila at palihim na kinurot ang mga daliri. Mukhang may importante silang pinag-uusapan bago ako dumating kanina! Bahagya akong umatras at tahimik na tumayo sa gawing kanan ng aking inang reyna.

"We need to decide now, Queen Alexandria!" ani ng isa sa sampung minister ng aking inang reyna. "Execute him!" muling saad nito na siyang sinang-ayunan ng iba.

Natigilan ako sa narinig ko. Execute who? The intruder? Sa anong dahilan naman? Dahil ba sa batas na bawal pumasok sa aming mundo ang mga taga-Tereshle?

"Walang ginawang masama ang taga-labas, ministers," seryosong saad ng aking ina. Natahimik muli ang mga ito. "Sugatan at walang malay ito noong makita siya sa bukana ng Xiernia. You think magagawa kong pumatay ng taong hindi ko man lang alam ang dahilan kung bakit siya narito?"

Napatingin ako sa aking inang reyna. This is why I adore her so much. She's a good queen, a wise leader, and the best mother! Kaya nga minsan napapaisip ako. Makakaya ko kayang gawin ang mga nagawa ng mga magulang ko?

"Pero, mahal na reyna! Malinaw na labag ito sa kasunduan sa pagitan ng ating kaharian at ng Tereshle!" mariing saad ng isa pang minister. "Ang dapat sa mga dayo ay parusahan!"

"Tama! Dapat ay hindi nating ipagsawalang-bahala ang sitwasyong ito!"

"Execute the intruder!"

Muling umingay ang buong function hall. Lahat sila ay iisa lang ang nais. I understand them, but... "You're being unfair," wala sa sariling wika ko. Napansin ko kung paano sila nagsitigil sa pagsasalita. Ang kaninang maingay na function hall ay mabilis na nabalot nang katahimikan. Ang ilan ay gulat na napatitig sa akin. Hindi marahil nila inaasahang sasabat ako sa ganitong usapan. Palaging tikom ang bibig ko kapag nagbabangayan sila sa isa't-isa. Taga-masid lamang ako. But not this time. I won't just shut my mouth and listen to them. Mali at hindi tama ang nais nilang mangyari.

I sighed at looked at them intently. "Kung isa sa inyo ang mapadpad sa Tereshle, gugustuhin niyo bang parusahan nang kamatayan kagaya ng nais niyo ngayon sa dayo ng ating kaharian? They will execute you immediately because you set your feet on their land. Without knowing your side kung bakit kayo napadpad roon? Is it okay with you?" Umayos ako nang pagkakatayo. "Tell me. I want to hear your honest opinion about this matter. Ayos lang ba sa inyo ang ganoong desisyon?" I took a deep breath and continue my speech. "Dahil kung oo, kung lahat kayo ay sang-ayon sa ganoong pamamalakad, parusahan na siya ngayon din." I coldly uttered those last words.

Walang sumagot ni isa sa kanila. Lalong naging tahimik sa buong function hall palasyo. Mayamaya lang ay halos sabay-sabay silang yumukod sa harapan namin ng aking inang reyna. Bahagya pa akong nagulat dahil sa ginawa nila.

I looked at my mom. She's smiling while looking at me. Tila ba'y nasisiyahan ito sa inasal ko. Tama naman ako, hindi ba? Bakit tayo papatay ng isang taong hindi naman natin lubos kilala? Bakit natin siya huhusgahan agad at papatawan nang parusang kamatayan?

"Lead the investigation, Shanaya." Natigilan ako sa mga salitang binitawan ng aking ina. I looked at her. Shocked. Napakurap ako at hindi agad nakapag-react sa tinuran nito sa harapan ko. "I'll let you handle this one, my beloved Princess," muling saad nito at tumayo na mula sa kinauupuan nito. Naging alerto naman agad ang mga kawal sa loob ng function hall at maging ang mga ministrong nasa harapan namin. Mayamaya lang ay nagsimula nang maglakad ang aking inang reyna palabas ng function hall samantalang ako ay hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko.

Wait a minute! Tama ba ang narinig ko mula sa aking ina?

"Princess Shanaya." Mabilis akong napatingin ako sa taong tumawag sa akin. I only saw two people inside the function hall now. I only saw Ara and Simon! Wala na ang aking inang reyna at ang mga ministro nito! Nakalabas na sila? Crap! I was spacing out! Hindi ko man lang namalayang naiwan na pala akong nakatanga sa puwesto ko!

"Narinig niyo ba iyong sinabi ng reyna kanina?" wala sa sariling tanong ko sa dalawa.

Nakita ko silang tumango sa akin. "Yes, we heard it. At kami rin ang inatasang gabayan ka sa iyong misyon." Ara said to me while smiling.

Napakunot naman ang noo ko. "Misyon?" takang tanong ko sa kaibigan. Ngumiti pa lalo si Ara sa akin. Tumango itong muli na siyang lalong nagpakunot ng noo ko. Napatingin naman ako sa seryosong si Simon sa tabi niya. Mayamaya lang ay napailing ito.

"We'll leaving the palace." Simon calmly said.

Napakurap ako at mabilis na lumapit sa kanila. "What do you mean by that? Aalis tayo? You mean... lalabas ako? No more guards?" I asked him and saw Ara's smirked.

"Kasama mo kami, Shanaya. Huwag kang magdiwang diyan," malamig na tugon ni Simon.

Mabilis akong napangiwi sa narinig mula sa kanya. Agad naman tinampal ni Ara ang balikat ni Simon at bahagyang tumawa sa kaibigan namin. "Let her be, Simon. Minsan lang ang ganitong pagkakataon para kay Shanay," ani Ara at tumingin sa akin. Ngumiti ito kaya naman ay wala sa sariling napangiti na lamang din ako.

We're leaving. Lalabas ako ng palasyo at may misyong dapat gawin!

"Let's go. We have to see first the current condition of the outsider. At pagkatapos, aalis na tayo para simulan ang unang misyon mo, mahal na prinsesa," mabilis na wika ni Ara at kumindat sa akin. Napailing na lamang ako.

Naunang umalis sa kinatatayuan niya si Simon. Napailing na lang kami ni Ara sa inasal nito. Mayamaya lang ay sumunod na kami kay Simon.

"Minsan ay hindi ko maintindihan itong si Simon." Napatingin ako kay Ara noong magsalita ito. Patungo na kami ngayon sa kinaroroonan ng taga-Tereshle na nakapasok dito sa Xiernia. Ang sabi ni Ara kanina ay nasa Sacred Temple ito at nagpapagaling. Mukhang malubha nga ang kalagayan ng dayo at pinahintulutan ng aking inang reyna na doon ito pansamantalang mamalagi.

"What do you mean by that?" I curiously asked her. Ayos naman si Simon, ah!

"Minsan, gustong-gusto ka niyang itakas na lang palayo sa palasyo. He wants you to be free. Free like a bird. Pero ngayong may pagkakataon kang maging malaya pansamantala, mukhang 'di pa ito sang-ayon." Umiling ito at mahinang tumawa. "Akala ko pa naman ay komplikado na ang utak nating mga babae. Mukhang mas nabuhol ang utak ng isang iyon!"

Napailing na lang din ako sa tinuran ni Ara. Well, minsan hindi ko rin makuha ang ugali ni Simon. Kahit na sabay kaming lumaking tatlo nila Ara, may pagkakataon talagang hindi ko mabasa ang nasa takbo ng utak nito.

"Anyway, bilisan na natin, Shanaya. Baka hindi natin maabutang buhay ang taga-Tereshle na iyon! Mukhang nandoon na si Simon sa temple at inuubos na ang natitirang buhay ng dayo!" Ara jokingly said. She held my hand and drag me to the sacred temple where the intruder of Xiernia is currently resting.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top