Chapter 29: Scared
"Stop it already."
Hindi ko na alam kung ilang ulit ko nang nasambit ang mga katagang iyon. Kanina ko pa sinasaway sila Timothy at Simon sa masasamang titig nila sa isa't-isa. Tahimik ang mga ito sa puwesto nila at nababalot ng kung anong nakakakilabot na enerhiya na siyang nagpalayo sa mga Xier at bumalik sa pag-aayos na lamang ng kanilang nasirang tahanan.
Kanina, noong kumalma na silang lahat mula sa biglaang engkuwentro nila, tahimik at nagpakiramdaman lamang ang mga ito. Even Natasha, the one who talks a lot, didn't even bother to say a single word after their fight. At ngayon, nasa gitna nila ako. Timothy and the Alvarez siblings were at my right side. Sa kabila naman ang dalawa ko pang kaibigan. Napabuntonghininga na lamang ako at napakamot sa batok ko.
"So... kaibigan mo sila, Shanaya?" basag ni Nathalie sa katahimikang bumabalot sa amin. Bumaling ito kay Ara at tiningnan mula ulo hanggang paa. Iyong totoo? Wala ba silang naririnig mula sa akin? Kailan ba titigil ang mga ito?
Nagtaas na rin ng isang kilay itong si Ara kay Nathalie. "We're not her friends," mataray na saad nito ng siyang ikinangiwi ko. "We're her loyal knights. Shanaya's our Queen."
"Yeah, right." Irap ni Nathalie sa kanya. Napailing ako at hindi na alam ang gagawin sa mga kasama ngayon!
"Shanaya." Napatingin naman ako kay Natasha no'ng tawagin niya ako. Itinaas niya ang isang kamay at pinalapit ako sa kanya. Kunot-noo akong lumapit kay Natasha at natigilan noong may ibinulong ito sa akin. "I think.... I already saw one of your friends." She whispered. "Hindi ko lang matandaan kung sino sa kanila at kung saan."
Mas lalong kumunot ang noo ko at napabaling sa dalawa kong kaibigan dito sa Xiernia. Imposible ang tinuran ni Natasha. Ngayon lang ito nakapunta sa Xiernia at natitiyak kong hindi pa nakakapunta sa Tereshle o sa Lynus man lang ang dalawang ito!
"Are you sure about that, Natasha?" mahinang tanong ko at muling tumingin sa kanya. Bahagya itong umiling sabay tingin muli sa mga kaibigan ko.
"I don't know. Ewan ko ba. Basta pamilyar sa akin ang isa sa kanila," bulong muli nito at mabilis na lumayo sa akin noong marinig ang pagtawag ni Simon sa pangalan ko.
"Queen." Napatingin ako sa kanya. Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago tumayo. Maingat itong kumilos at nagsimulang maglakad palayo sa puwesto namin ngayon.
Tahimik kong pinagmasdan ang malapad na likod nito habang palayo sa amin. Bumaling muli ako sa mga kasamahan ko at tipid na ngumiti sa kanila. Akmang ihahakbang ko na sana ang mga paa ko noong dumako ang paningin ko kay Timothy. Tahimik at seryoso lang itong nakatingin sa akin at may kung anong hindi ako mabasang ekspresyon sa mukha nito ngayon. I silently nodded my head to him and finally decided to move my feet. Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na kay Simon.
"What is it, Simon?" Panimulang tanong ko noong makalapit na ako nang tuluyan sa kanya. Nakaharap ito ngayon sa malawak na lupaing kulay berde sa gubat na kinaroroonan namin ngayon. Wala sa sarili naman akong napatingin doon at malungkot na tumitig sa payapang tanawin. The sight in front of us is calm and peaceful. Ganito dapat ang Xiernia. Tahimik. Walang gulo.
"Shanaya." Natigilan ako noong banggitin ni Simon ang pangalan ko. Bumaling ako sa kanya at kagaya kanina, nakatingin pa rin ito sa magandang tanawin sa harapan niya. "I'm glad that you're safe." He said in a low voice. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya. "Noong ibinalita ng mga tauhan ni Bernie sa buong Xiernia ang tungkol sa pagpatay nila sa'yo, halos lahat nang naghihintay sa pagbabalik mo ay nawalan nang pag-asa." Bakas sa tinig nito ang pinaghalong sakit at galit. "That bastard! He fooled everyone, including the loyal ministers of the palace." Mas lalong lumamig ang tono ng boses nito.
"Kilala mo ako, Simon. Hindi ako basta-bastang mapapatay ng kung sino lang," wika ko na siyang ikinatingin na nito sa akin. "I was safe. Ligtas ako habang nasa Tereshle, sa Lynus."
"Lynus?" Kumunot ang noo nito. Simpleng tumango naman ako sa kanya. "Masaya ako dahil sa nakabalik ka na, Shanaya, ngunit bakit may kasama kang taga-Tereshle? Pinahintulutan mo silang sumama rito sa Xiernia?"
"Sila ang mga tumulong sa akin habang nasa Lynus ako," imporma ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. "They were good to me, Simon, and they want to help us, too. Nandito sila para tulungan tayo sa labang kinahaharap natin ngayon nito sa Xiernia."
"And that Timothy guy over there?" He asked as he pointed his finger on Timothy's direction. Natawa nalang ako sa inasal niya. Kahit kailan talaga ay hindi magkakasundo ang dalawang ito!
"Come on, Simon. Mabait naman si Timothy, ah?" Naiiling na sambit ko at humakbang ng isang beses palapit sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng kaibigan. I smiled genuinely at him. "Can I ask for a hug? I think I need that right now, Simon. Lalo na galing sa'yo." I said while still smiling at him. Natawa nang bahagya si Simon at umiling na lamang. Mayamaya lang ay marahan niya akong hinila at niyakap na siyang mas lalong nagpangiti sa akin.
"Thanks for coming back, Shanaya." He whispered. Tumango ako sa kanya at gumanti ng yakap sa kanya. Simon is a dear friend of mine. Kahit anong mangyari, he will always have a special place in my heart. And I'm really happy right now because he's here. Kahit papaano'y nabawasan ang pangambang mayroon ako ngayon.
"The former Queen is waiting for you, My Queen." Natigilan ako noong marinig iyon mula sa kanya. Maingat akong kumawala sa yakap ni Simon at seryosong tiningnan ito.
Napalunok ako at muling nagsalita. "Where is she? Ayos lang ba ito?" Magkasunod na tanong ko sa kanya. Hindi agad sumagot sa tanong ko si Simon kaya naman ay bigla akong kinabahan. "Simon... where's my mother?" I asked him again.
Mayamaya lang ay bumaling ito sa mga kasama namin. Wala sa sarili akong napatingin na rin sa gawi nila at hindi na nagulat pa noong makitang nasa amin ang buong atensiyon nila. Namataan ko ang pagtango ni Ara at noong akmang lilingonin ko na sanang muli si Simon, mabilis niyang hinawakan ang palapulsuan ko at maingat na hinila pabalik sa puwesto ng mga kaibigan namin.
"Let's move. We're going to visit the former Queen." Simon announced and let go of my wrist. Napaayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ito. "Nasa mansyon ito ngayon ni Lady Lou," dagdag pa niya na siyang ikinagulat ko. Sa mansyon ni Lady Lou? Paano siya napunta roon? Nasa pinakamalayong parte ng Xiernia ang mansyon nito! At sa pagkakaalam ko, hindi basta-bastang natutunton ng kahit sino ang lugar na iyon! Lady Lou is a powerful Xier! Napapalibutan ng kakaibang mahika ang tahanan nito kaya naman ay walang nakakaalam sa eksaktong lokasyon nito dito sa Xiernia!
May inilabas si Simon mula sa bulsa ng suot na damit na isang bilog na kulay asul bagay. It looks like a pendant with a dark blue crystal on the center. Namataan ko ang pangpindot nito sa gitna ng pendant. Napakunot naman ang noo ko. "Stay inside of the circle." He instructed us. Takang napatingin ako sa paanan namin at laking gulat ko noong makitang may magic cirle doon!
"Paanong-"
"This will be fast." Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong muli itong nagsalita. "Be ready. Kahit ako ay hindi pa rin nasasanay dito," dagdag pa niya at muling pinindot ang hawak-hawak na pendant.
Bigla akong napaupo dahil sa biglang pag-ikot ng paligid. Shit! What the hell? Agad akong napahawak sa lupang tinatapakan para doon kumuha ng balanse. Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakaupo rin ang mga ito kagaya ko. Ang tanging nakatayo lamang sa mga kasama ko ay sila Ara at Simon!
Lumipas ang ilang minuto ay dahan-dahang bumagal ang pag-ikot ng paligid. At noong tumigil na ito, maingat akong tumayo. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pinakalma ang sarili. Halos masuka ako dahil sa nangyari! Anong klaseng mahika ang ginamit nila Simon? Galing ba ang pendant na iyon kay Lady Lou?
"Are you okay?" Napatingin ako kay Timothy noong magsalita ito. Marahan akong tumango sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga.
Mayamaya lang ay muling nagsalita si Simon. "We're here." Agad akong napaayos nang pagkakatayo at napatingin sa mansyon nasa harapan namin ngayon.
This is amazing! Finally, nakita ko na rin sa wakas ang mansyon ni Lady Lou! Hindi ito isang kathang-isip lamang! It's real and it looks so magical! Maraming mga Xier ang lumilipad sa paligid na siyang lalong nagpaganda ng buong lugar!
Agad naman akong naging alerto noong makaramdam ng kakaiba at matinding kapangyarihan. Napatingin ako sa mga kasama at mukhang naramdaman din nila iyon. Kalmado naman ang dalawang kaibigan ko. "Relax," sambit ni Ara at tiningnan ako. "Kapangyarihan iyon ni Lady Lou. Someone's trying to break her spell and protective barriers. Simula noong napunta kami sa lugar na ito, walang araw na may sumusubok na sirain ang barrier na promoprotekta sa lugar na ito. The enemies already found this forest, but they can't totally locate the mansion because of Lady Lou's magic." She sighed and started moving. "Pumasok na tayo sa loob," dagdag at nagsimula nang maglakad patungo sa main door ng mansyon.
Wala sa sarili akong napatango na lamang sa narinig mula sa kaibigan. Walang imik na sumunod kay Ara si Simon, ganoon din ang magkakapatid na Alvarez. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at natigilan na lamang noong maramdaman ang paglapit ni Timothy sa akin. "You looked pale." Puna nito at marahang hinawakan ang kanang pisngi ko.
I weakly smiled at him. "I'm fine, Timothy. Don't worry about me," mahinang sambit ko at ihahakbang ko na sana ang mga paa ko noong mabilis niya akong pinigilan. He reached my hand and gently holds it.
"You're scaring me, Shanaya," mahinang sambit niya na siyang ikinatigil ko. "Please, just tell me if you're in pain. I'm here with you. Hindi mo kailangang itago iyan sa akin," wika pa niya sabay hila sa akin at niyakap na ako.
I hugged him back and slightly tapped his shoulder. "I'm fine, Timothy," ulit ko sa sinabi kanina. Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap nito sa akin at sa hindi malamang dahilan, bigla akong natakot. I'm not scared because I suddenly feel weak. Na kahit nasa Xiernia na ako, pakiramdam ko ay kulang pa rin ang lakas na mayroon ako ngayon. I'm scared, yes. Not for myself, but for him. I'm scared because I know that this man will be hurt if something bad happens to me. Timothy is strong Tereshlian, a powerful one, but I know that he'll become vulnerable if he lost me. At ayaw kong mangyari iyon sa kanya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top