Chapter 27: Dead

Tahimik ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang madilim na daan patungo sa portal na siyang magdadala sa amin sa Xiernia. It's almost four in the morning at kagaya nang napag-usapan namin, sasama silang lahat sa pagbabalik ko sa mundong pinanggalingan ko.

My friends were silent, too. Maging si Timothy ay naging tahimik lang na siyang ikinabahala ko. I wanted to know what's on his mind right now. Simula kasi noong natapos ang pag-uusap namin ng magkakapatid na Alvarez, naging tahimik na ito at may kung anong iniisip. Maging si Nates ay napansin iyon kaya naman ay hindi na niya inabala bang kausapin ito at awayin.

Mayamaya pa'y bumagal ako sa paglalakad. At noong tumigil ako, nagsihinto rin ang mga kasama ko. I bit my lower when I saw the portal just a few steps away from us. "Nandito na ba tayo?" I heard Natasha asked.

Marahan akong tumango at bumaling sa kanila. Kita ko kung paano nila nilibot ang paningin sa paligid, like they're looking for something. Madilim pa kaya naman ay wala silang maaninag na kahit ano sa paligid. Ngunit kahit naman maliwanag na, hindi pa rin nila iyon makikita. "The portal is invisible. Hindi iyon nakikita ng mga Tereshlian na kagaya niyo. Only a Xier can see it. And to open it, tanging kagaya ko lamang na miyembro ng royal family ang may kakayahang gawin iyon," Paliwanag ko sa kanila.

Bumaling naman ako kay Timothy na ngayon ay nakatutok ang buong atensyon sa unahan namin. Sinundan ko ang tingin niya at natigilan ako sa puwesto noong napansing nakatitig ito sa direksiyon kung saan naroon ang portal patungo sa Xiernia. Can he see it?

"Let's go," aniya sa isang seryosong tinig at nauna nang maglakad patungo sa portal. Napaawang ang labi ko. What the hell? Can he really see it? How?

Marami akong nais itanong kay Timothy ngunit mas minabuti kong isantabi lang muna iyon. My questions can wait! Kailangan kong ituon ang buong atensiyon sa gagawing pagbukas ng portal! Humugot ako ng isang malalim na hininga at sumunod kay Timothy. Tumigil ako sa paglalakad at tumayo sa tabi niya. Itinuon ko ang paningin sa portal at mariing ikinuyom ang mga kamao. I can feel the strange power coming from the portal. It's a strange yet so familiar energy. Tila ba'y kahit hindi ko pa nasubukang gawin ito noon ay hindi ako mahihirap sapagkat kilala ng katawan ko ang enerhiyang bumabalot sa portal na ito.

I took a deep breath and slowly raised my right hand and face it towards the portal. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago sinambit ang mga katagang magbubukas sa nakasarang lagusan patungo sa Xiernia. Alam kong manghihina ang buong katawan ko pagkatapos ng gagawin. Sa kondisyon ko ngayon, maaring mawalan pa ako nang malay! Kaya isang malaking tulong talaga sa akin na kasama ko sila Timothy ngayon!

'El syerdee portal xii' I chanted the spell inside my head. Mayamaya lang ay napapikit ako noong dumaloy ang matinding enerhiya sa mga kamay ko. Maingat kong tinaas ang isa pang kamay at itinutok na rin iyon sa portal. At dahil sa ginawa, mas dumoble ang lakas ng enerhiyang dumadaloy sa buong katawan. I gasped some air and concentrate. Damn! Biglang nanghina ang buong katawan ko!

Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at iminulat na ang mga mata mo. Mataman kong tiningnan ang portal sa harapan. Nagliliwanag ito ngayon! It's opening! The portal between Xernia and Tereshle is opening! I silently bit my lower lip and a tear escape on my eyes.

Xiernia... I'm almost home. Shit! I mentally cursed when I felt my body is about to collapse. No! Not now, please! Hindi pa lubos na bukas ang portal!

Pilit kong nilabanan ang matinding sakit na nararamdaman at itinuon ang buong atensyon sa lagusang kalahating bukas na! And when I finally opened it, ibinaba ko ang dalawang kamay at nilingon ang mga kasamahan ko. "It's open. We can enter the portal now. But we must be quick! Hindi ito magtatagal na bukas."

Nagsitanguhan ang mga kasama ko at nagsikilos na. Unang pumasok si Nates, kasunod ang kambal at si Timothy. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko at noong hindi ako kumilos, bumaling si Timothy sa akin bago tuluyang pumasok sa portal. "Come on. Let me take you home," aniya sabay lahad ng kamay sa harapan ko. Marahan akong tumango kay Timothy at tinanggap ang kamay niya. And as I move my feet towards the portal, bigla akong naging emosyonal noong maramdaman ang isang pamilyar na enerhiya. A small smile escaped my lips. Kung kanina ay halos wala na akong lakas dahil sa pagbukas ng portal, ngayon ay unti-unting bumabalik na sa katawan ko ang enerhiyang nawala sa akin! This is indeed my home!

Ilang hakbang pa ang ginawa namin ni Timothy bago marating ang pinakadulong bahagi ng lagusang tinatahak. And when we finally reached the end of it, agad akong napaluhod. Mabilis namang dumalo si Timothy sa akin. "Shanaya!"

"Ayos ka lang ba?" Lumapit ang kambal sa akin. Tumango naman ako sa kanila at pinahid ang luha sa pisngi.

"I'm okay." Nakangiting sambit ko at maingat na tumayo. Nanatili naman ang kamay ni Timothy sa akin. Binalingan ko ito at nginitian din. "Thank you." I said to him. Bumaling ako sa magkakapatid. "Maraming salamat din sa inyong tatlo," dagdag ko pa na siya ikinailing ni Nates.

"Don't thank us yet, Shanaya. Masyado pang maaga para pasalamatan kami," sambit niya sabay tingin sa paligid kaya naman ay napatingin na rin ako sa gubat na kinaroroonan namin ngayon. "May hindi tama sa lugar na ito," seryosong sambit niya na siyang ikinatigil ko. Nakita ko rin ang pagtango ng kambal at noong balingan ko si Timothy, namataan ko itong seryosong nakamasid na paligid. They're alert! Mas maingat sila kumpara sa akin! Kung sabagay, nasa ibang mundo sila ngayon. They need to stay alert and ready themselves for a surprise attack from my enemies!

"Let's move. Hindi tayo maaaring magtagal dito," mariing turan Timothy sa amin.

I took a deep breath and silently nod. Ngayong nasa Xiernia na muli ako, ang unang dapat kong gawin ngayon ay puntahan ang palasyo. I need to know what happened to my mother! Kila Ara at Simon at maging ang kalagayan ni Lady Lou! Malayo ang lagusan na ito sa palasyo kaya naman ay dapat hindi na kami mag-aksaya pa ng oras!

"Sa palasyo tayo." Mayamaya'y sambit ko na siyang ikinabaling ni Timothy sa akin. Nasa unahan ko ito ngayon. Sa tabi niya ay si Natasha samantalang nasa magkabilang gilid ko naman si Nates at Nathalie.

"Sa palasyo?" Kunot-noong tanong ni Timothy. Tumango ako sa kanya at binalingan sila Nates.

"I need to know first the current situation of the palace."

Umiling ito sa akin. "I think that's a bad idea, Queen." Napataas ako ng kilay sa tinuran ni Timothy. Queen? Did he just call me Queen? "Kagaya nga nang sinabi mo, hindi natin alam kung ano na ang mayroon ngayon dito sa Xiernia. Hindi mo rin kilala kung sinu-sino ang mga kalaban mo. And the last time you were here, nasa palasyo ang mga kalaban."

"The palace is not a good idea, Shanaya," wika naman ni Nathalie. "It's either that place is still yours or worse, ito na ang bagong tahana ng mga kalaban mo. Kaya naman pag-isipan mo muna nang mabuti kung saan mo nais magtungo ngayon. Ikaw pa rin naman ang masusunod dito. But please, take our advice. Hindi magandang ideya ang magtungo ka sa palasyo ngayon."

They're right! Damn it, Shanaya! Think! Gamitin mo ang utak na mayroon ka!

"Let's look for some normal Xiers in this area," suhestiyon ni Timothy na siyang ikinakunot ng noo ko. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong mapagtanto ang nais iparating nito sa akin. He's right! The normal Xiers of Xiernia are loyal to the royals!

"Normal Xier? Anong ibig mong sabihin, Timothy? May normal at hindi normal na Xier sa mundong ito?" Takang tanong ni Natasha at bumaling sa akin. "Anong ibig sabihin no'n, Shanaya?"

"You'll see. Come on! Alam ko kung saan tayo makakakita ng mga Xier na tinutukoy ni Timothy!" mabilis na saad ko sabay takbo patungo sa kung saan namamalagi ang malaking populasyon ng mga normal Xier dito sa Xiernia!

Mahigit isang oras din ang ginugol namin upang marating iyong gubat kong saan namamalagi ang mga Xier. Medyo maliwanag na kaya naman ay nakikita na namin ang paligid. At noong marating na namin ang tahanan ng mga Xier na tinutukoy ko, bigla akong nanlumo sa nakita.

I closed my fists firmly as I looked at the ruined forest. "W-What happened here?" Nanginginig kong tanong. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng gubat at mas lalo akong nasaktan sa sitwasyong nadatnan ko. What happened? Bakit naging ganito ang tahanan nila? Sinong lapastangan ang sumira sa tahanan nila? Damn it!

"Shanaya," marahang sambit ni Timothy sa pangalan ko. Nasa tabi ko na ito ngayon ngunit hindi ko ito binigyan pansin. Nanatili akong tahimik hanggang sa unti-unting nabalot ng galit ang puso ko. They're innocents! Walang kasalanan ang mga Xier sa gubat na ito kaya bakit nila sinira ang tahanan nila?

"Hey, look at this! Is this a fairy?" Mabilis akong natigilan at agad na inalis ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Napabaling ako kay Nathalie at namataang may kung anong tinitingnan ito sa lupa. Mabilis na dumako ang paningin ko roon at agad na nanlamig ang buong katawan. Kusang gumalaw naman ang mga paa ko at tinakbo ang direksiyon nila.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong napaluhod sa tabi ni Nathalie at marahang inilagay sa palad ang isang Xier na mukhang buhay pa! Mabilis kong ikinumpas ang kamay sa tapat nito at agad na gumamit ng mahikang maaaring sumalba sa sugatang Xier. Mayamaya lang ay unti-unting nawala ang mga sugat nito at marahang iminulat ang mga mata. Napahugot ako ng isang malalim na hininga habang nakatingin dito.

"She's awake," marahang sambit ni Natasha na ngayon ay nasa tabi ko na rin pala!

"Our Queen." Natigilan ako noong magsalita ang Xier na nasa palad ko. I bit my lower lip as I control my emotion. "You're back." The Xier weakly smiled at me. "We're safe now."

Tumango ako sa kanya. "Y-Yes... I'm back and you're safe now." I gently said and took another deep breath. "Alam kong hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam mo ngunit kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa tahanan ninyo. Please, tell me. Who did this? Who ruined your home?"

Nakita ko ang pang-iling niya sa akin at pilit na tumayo mula sa pagkakahiga sa palad ko. Naupo ito sa aking mga palad at matamang tumingin sa akin. "Queen Shanaya," aniya sa maliit na boses sabay angat ng kamay niya sa harapan ko. Inilapit ko naman ang mukha ko para mahawakan niya ito. Mayamaya lang ay namataan ko ang mga luha nito. "I'm so happy that you're okay, My Queen. Akala naming lahat ay patay ka na." Natigilan ako at hindi nakaimik sa narinig. What? Patay na? Sino? Ako ba ang tinutukoy nito? "Akala naming lahat ay wala ka na kaya naman ay nawalan na kami ng dahilan para lumaban pa." Pagpapatuloy nito sa pagsasalita. "When they attacked us and announced that you were dead, it was also the end of us. We can't fight without our Queen. I'm sorry, Queen Shanaya. We lost our faith and only hope of survival the moment they told us about your death. I'm sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top