Chapter 26: Desperate
"What the hell did you say?"
Nagtitimping tanong ni Nates kay Timothy at pinagtaasan ito ng isang kilay. Napangiwi na lamang ako at tahimik na napayuko.
Nasa bahay nila kami ngayon. Natasha and Nathalie are here with us, too. Dito agad kami nagtungo ni Timothy noong umayos na ang pakiramdam ko. "I need your help," ulit ni Timothy sa sinabi kanina. Seryoso itong nakatingin sa kaibigan while Nates looks so pissed at him right now! Kung kaya lang manakit ang mga titig niya, paniguradong kanina pa sugatan itong si Timothy!
Mapaklang natawa si Nates at napailing. "Seriously? What's wrong with you? The great Timothy Wale, asking for someone's help! And worse, sa akin pa talaga! Iyong totoo? Anong tubig ang mayroon ngayon sa mansyon niyo, huh, Timothy?"
"Kuya," suway naman ni Nathalie sa kapatid na siyang ikinabaling ko sa puwesto niya at napailing na lamang habang nakatingin sa dalawang lalaki.
Kanina pa tahimik ang magkambal. Simula noong dumating kami sa bahay nila ay hindi ito nagsalita o nagtangkang kausapin man lang ako. Mukhang galit sila sa akin. Well, I can't blame them. Hindi ko sinabi sa kanila ang tunay na katauhan ko. I disappointed them, especially Natasha. She was good to me and considered me as her friend. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin.
"Shanaya needs to go back to Xiernia," muling saad ni Timothy. Napatingin naman si Nates sa akin, salubong ang mga kilay. "Hindi namin alam ang tunay na kalagayan ng buong Xiernia ngayon. Hindi namin alam kung gaano karaming Xier ang tumalikod sa royal family at naging miyembro ng rebelyon kaya naman natitiyak kong mahihirapan kami kung kami lang dalawa ang magtutungo roon. That's why I'm asking for help." Timothy sighed and looked towards my direction too.
"So, kailangan niyo kami para ano? Para ligtas na makabalik si Shanaya sa mundo niya?" mahinahong tanong ni Nathalie kay Timothy. Naupo naman sa tabi nito ang kakambal at tahimik na nakikinig lamang sa diskusyong mayroon ngayon sa pamamahay nila.
"Yes. That's the plan." Timothy answered Nathalie's question. "Kayo lang ang puwede kong hingian nang tulong dito sa Lynus. My mother doesn't want this plan-"
"Of course, she will disapprove! It's against our damn rule, Timothy!" iritableng wika ni Nates.
"Rules are just fucking rules, Nates," buwelta naman ni Timothy sa kausap. Namataan ko ang pag-irap ni Natasha habang nakatingin sa dalawa. Mukhang sanay na ang mga ito sa bangayan ng dating magkaibigan. "Susundin mo pa ba ito kung isa sa mahalagang tao sa buhay mo ay mawawala sa'yo?" dagdag na wika ni Timothy na siyang ikinatigil ko.
Timothy is now desperate. Noong nalaman niyang ikamamatay ko ang pananatili dito sa Tereshle ay agad siyang gumawa ng paraan upang makabalik ako sa Xiernia. We've already talked to his mother, hoping that she will give us her permission to leave. And yes, she did give us her permission but there was a condition, too! Tanging ako lamang ang maaaring pumunta sa Xiernia at wala nang iba pa! Timothy's mother doesn't want him to go with me na siyang ikinagalit naman nito at mabilis na umalis sa mansyon nila!
Hindi namin alam ang kalagayan ng Xiernia. Walang kasiguraduhan ang kaligtasan niya sa mundo ko kaya naman ay hindi siya pinahintulutang sumama sa akin. Naiintindihan ko ang pangamba ng ina nito at hindi ako tutol dito. But not for him. He's stubborn and now he's finding a way para payagan siya ng kanyang ina na sumama sa akin pabalik sa Xiernia!
"I need your help, okay? I need you right now, Nates," walang emosyong saad ni Timothy sa dating kaibigan.
Napailing si Nates habang nakatingin kay Timothy. "So desperate, huh, Timothy? Tigilan mo iyan. Hindi bagay sa'yo. Nagmumukha kang tanga." Sumama ang tingin ni Timothy kay Nates at may kung anong binulong. For sure, pinagmumura na nito si Nates. Hindi niya lang masama nang malakas dahil may pabor itong hinihingi ngayon sa kausap.
"Kapag ba sumama ba kami, sa tingin mo'y papayagan ka nang umalis at sumama kay Shanaya pabalik sa Xiernia?" Nathalie suddenly asked. Napatingin muli ako sa kanya. Seryoso lang ito sa kinauupuan niya.
Tumango si Timothy at umayos nang pagkakatayo. "I hope so. Your family is the next rank to us. Kilala niya kayo at alam ang kaya niyong gawin. At isa pa, may kasalanan ito noon sa pamilya niyo dahil sa pagtanggi ko sa kasal. Hindi niya kayo kayong hindi pagbigyan sa bagay na ito!" Kita ko ang pagngisi ni Timothy kay Nates na siya ikinasimangot no'ng isa. Mabilis na kinuha ni Nates ang unan sa tabi niya at itinapon sa gawi ni Timothy.
Tahimik ko silang pinagmasdan. Kahit na may hindi magkakaunawaan ang mga ito, alam kong malapit ang mga ito sa isa't-isa. Lalo na itong si Timothy at Nates. They're family are close. Kaya hindi na rin kataka-takang nais ipakasal noon ng mga magulang nila itong si Nathale at Timothy.
"Count me in." Natigilan ako noong biglang nagsalita si Natasha. Maging ang tatlo ay hindi makapaniwalang lumingon sa kanya.
"Natasha, ano ba yang pinagsasabi mo?" Tanong ni Nates sa kapatid. "You're not going anywhere."
Nagkibit-balikat si Natasha at binalingan ako. "Sasama ako sa planong ito. Shanaya needs our help, Kuya Nates."
Umiling naman si Nates at masamang tiningnan si Timothy na ngayon ay hawak-hawak ang unang itinapon nito sa kanya kanina. "No. This selfish Wale needs us!" iritableng wika muli nito sabay turo sa kay Timothy.
"Kuya Nates, that's enough! Please, for once, maging maayos naman ang pag-uusap niyong dalawa? Puro init ng ulo kasi pinapairal niyo!" saad naman ni Nathalie at napabuntonghininga na lamang. Umiling ito at binalingan si Natasha. May kung anong binulong ang kambal niya na siyang marahang ikinatango naman nito.
"I know, this is a selfish request. I'm desperate here, Nates. Wala na akong-"
"Sasama kami ni Natasha sa inyo," wika ni Nathalie na siyang ikinatigil ni Timothy sa pagsasalita. Bumaling sa puwesto ko si Nathalie at isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa akin. "Hindi namin alam kung anong tunay na nangyari sa'yo noong araw na nakita namin sa gubat. Noong una ay nagdalawang-isip pa kami kung tutulungan ka ba namin. We don't know you. Ni hindi pamilyar ang mukha mo kaya nakatitiyak ako noon na hindi ka taga-Lynus. I was expecting na nagmula ka sa ibang division ng Tereshle, like from Zhepria or Aundros, but knowing that you were from Xiernia, alam kong hindi naging madali sa'yo ang magtungo sa mundo namin."
"Nathalie," mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"We already helped you before, Shanaya. Kahit na hindi namin alam ang totoong katauhan mo. At wala nang mawawala sa amin kung tutulungan ka naming muli para ligtas kang makabalik sa kaharian mo. Kuya Nates will join us, too." Nathalie said then smile towards her brother. I heard Nates curse in a low voice. Umiling ito at pabagsak na lamang na isinandal ang likuran sa backrest ng upuan. Masama itong tuminging muli kay Timothy at hindi na kumontra sa naging desisyon ng mga kapatid niya.
"So, what's the plan?" Natasha asked.
So, they're coming with us? Really? Sasama sila sa mundong alam nilang gulo ang daratnan nila?
Biglang kumabog ang dibdib ko sa naging desisyon nila. Pinaghalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. I know, malaki ang maaring maitulong ng magkakapatid sa pagbalik ko sa Xiernia, at kung magkagulo man doon, I'll make sure na makakabalik silang lahat dito sa Lynus!
"We'll ask permission again and-"
"We already have the permission, Timothy." Singit ko sa usapan nila. Napatingin sa gawi ko si Timothy at takang tumitig sa akin. "Binigyan na niya tayo kanina ng pirmiso. Bigla ka lang nagalit kanina kaya naman ay hind imo naunawaan ang nais ipahiwatig ng inyong ina," saad ko pa at napabuntonghininga na lamang. "She was against by the idea of you going with me alone. Pareho tayong walang alam sa kalagayan ngayon ng Xiernia at masyadong delikado iyon. Ngunit kong kasama natin ang mga kaibigan mo, nakatitiyak akong mapapanatag na ang loob niya." Ngumiti ako at mabilis na natigilan noong biglang kinapos na naman ako nang hininga.
Napapikit ako noong makaramdaman ako nang panghihina. Marahan kong iniling ang ulo at umayos na lamang nang pagkakaupo. Muli kong iminulat ang mga mata at wala sa sariling bumaling kay Timothy. Agad naman akong natigilan noong makita ang pag-aalala sa mga mata nito. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya.
Tumango na rin ito sa akin at bumaling muli sa magkakapatid. "Shanaya will open the portal between Tereshle and Xiernia." Imporma ni Timothy sa kanila.
"You can open the portal?" Natasha asked me. I nod and smile at her.
"Yes. I can open the portal. Isa ito sa kakayahang namana ko bilang miyembro ng royal family ng Xiernia. May natitirang lakas pa naman ako kahit papano," sagot ko dito. Namataan ko ang sabay na pagtango ng kambal sa akin. "Hindi ko alam ang maaring mangyari sa atin kapag tuluyan na tayong makapasok sa Xiernia. Maaaring nakaabang sila Simon sa pagbabalik ko o nakatutok sa atin ang mga sandata ang mga kaaway ko." Mataman ko silang tiningnan. Seryoso ang mga ekspresyon nila at hindi naapektuhan ng mga sinabi ko ang naging desisyon nila kanina!
"Don't worry about us, Shanaya. We can handle ourselves. Kagaya nila Kuya Nates at Timothy, nag-aral din kami ni Natasha sa Tereshle Academy. We were trained to be one of the best water attributers of this division. Hindi mo kami kailangang alalahanin kapag nasa Xiernia na tayo," ani Nathalie na sinang-ayunan naman ni Natasha.
"So... we're good?" tanong ni Timothy sa magkakapatid. I saw how Nathalie slowly nodded her head while Natasha just gave him an okay sign. And Nates? Well, Nates just raise his middle finger that makes Timothy laughed.
"Damn you, Wale! Tiyakin mong buhay kang babalik dito sa Lynus! Dahil pagkatapos nitong pabor mo, ako mismo ang tatapos sa'yo!" galit na sambit ni Nates na siyang ikinatawang muli ni Timothy sa dating kaibigan.
"Don't worry, bud. Buhay at ligtas tayong lahat na babalik dito sa Lynus. At isa pa, bago pa man ako nakapagdesisyong humingi nang pabor sa'yo, hinanda ko na ang sarili ko sa maaring buwelta mo sa akin," muling saad ni Timothy at nakangiting binalingan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top