Chapter 23: Enemy

Mariin kong hinawakan ang handle ng espada ko at mabilis na ikinumpas iyon sa harapan. Isang kakaibang enerhiya ang lumabas mula sa sandata ko na siyang nagpahinto sa mga Xier sa pag-atake sa amin.

That's right. You better think before doing something stupid! Hindi ako magdadalawang-isip na gamitin muli ang kapangyarihan ko sa kanila. I had enough. I'm done hiding and running, anyway. If they want to hurt and capture me, siguraduhin lang nila na handa sila sa kung anong kapalit sa ginagawa nilang pagtratraydor sa reyna ng Xiernia.

"Shanaya," tawag pansin ni Natasha sa akin. I stay still and just looked coldly at the Xiers in front of us. "We better leave this forest. You killed a Tereshlian, Shanaya. Mapapahamak tayo nito! It's against the rule of Lynus!" She nervously said and touch my arm. "Come on. Umalis na tayo habang kaya pa nating tumakas sa kanila!"

Hindi ko pa rin inalis ang paningin sa mga Xier. "It's okay." I assured her. "They're not Tereshlian, so, I'm not breaking anyone's rule here. They're my people, Natasha, and that dead man? I just punished him for his crime."

"W-What? Ano bang pinagsasabi mo at-"

Hindi na natapos ni Natasha ang dapat sasabihin sa akin noong biglang sumugod muli ang tatlo. I heard her curse again and again because of the sudden attack. The two of them forcefully attacked me and blocked it instantly with all the strength I have. Samantalang ang isa sa kanila ay si Natasha ang inatake.

"Who sent you here?" Nagawa ko pa magtanong sa dalawang Xier sabay hampas ng dalawang espada ko. The sound created by our clashing swords gives me chills all over my body. It's weird, but I like the sound of it! Kaya naman ay buong puwersa ko silang sinugod ng sabay. Tieryuesse Guono. I uttered the spell inside my head, and bright light suddenly covered my twin sword. Huminto ako sa pag-atake at nginisihan ang dalawa. "Release." I whispered as I raise my both hands, and the light from my swords attacked them.

Kita kong tumilapon ang dalawa dahil sa atakeng ginawa ko. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at ibinaba ang dalawang kamay. This is what I like being a royal born in our kingdom. You'll have all the gifts and powers that a normal Xier can't have. It runs in our blood, they say. I was born to have these multiple special abilities, to have hidden powers. Aside from the fact that I can summon several weapons, kaya ko ring mag-summon ng iba't-ibang elementong alam ko. Poison, darkness, light and every element that exist in our world.

Noon una ay hindi ko pa alam kong bakit mayroon akong ganitong kapangyarihan. I can summon. I can control elements. And most of all, I can kill someone with just a single word uttered by my mouth.

Mariing kong hinawakan ang dalawang espadang nasa mga kamay ko. "I don't like asking the same question twice, but I guess I don't have a choice here. Now, tell me. Sino ang nag-utos sa inyong pumunta rito sa Tereshle?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa dalawang Xier na halos hindi na makatayo ngayon. Mayamaya pa'y pabagsak na itinabi ni Natasha ang isa pang Xier na nakalaban niya. He's bleeding and can't even move properly now. Mukhang napuruhan ito ni Natasha. I looked at her. At hindi na ako nagulat sa ekspresyong mayroon ito ngayon. She's pissed!

"Tell us, sino kayo?" Galit na tanong ni Natasha at gumawa ng water blades gamit ang water attribute nito. Pinalutang niya ito at pinalibutan ang tatlo. One wrong move, I'm sure she'll release those blades and end their lives. "What do you want, huh? You want her?" iritableng tanong pa nito sabay turo sa akin. "Answer me!" sigaw pa nito noong wala ni isa sa tatlo ang nagsalita.

Napailing ako. Akmang pipigilan ko na sana si Natasha sa ginawa niya noong mabilis akong natigilan. Agad akong napahawak sa dibdib ko, sa banda kung nasaan ang puso ko, at napadaing na lamang. What the hell? Natamaan ba ako ng mga atake nila kanina ng hindi ko man lang nalalaman? Mariin akong napapikit noong makaramdaman nang matinding sakit sa dibdib ko. Shit!

"You okay, Shanaya?" rinig kong tanong sa akin ni Natasha ngunit hindi ko na ito magawang sagutin dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

"You'll die here, too." Napamulat ako noong magsalita ang isa sa mga Xier. There was a creepy smile plastered on his face. Tila ba'y alam niya ang nangyayari sa akin ngayon.

Pilit kong inayos ang pagkakatayo at itinutok sa kanya ang dulo ng espadang hawak. "Anong ginawa niyo sa akin? Anong klaseng mahika ang ginamit niyo para masaktan ako?" malamig na tanong ko sa kanya. Nawala ang ngiti nito sa labi at umiling na lamang sa akin. Akmang magsasalita na sana itong muli noong bigla itong bumagsak na ito sa lupa. Natigilan ako at napatingin sa dalawa pang Xier sa tabi niya. Bumagsak din ang mga ito at mabilis na namilipit sa kung anong sakit na nararamdaman nila ngayon sa katawan nila.

"Shanaya, anong ginawa mo at-"

"Natasha!"

"Shanaya!"

Natigilan ako noong marinig ang mga boses na tumawag sa pangalan namin ni Natasha. Halos sabay kaming bumaling sa gawing kanan namin at namataan ang mabilis na paglapit ng kapatid ni Natasha.

"Natasha! Ano bang pumasok sa isip mo't nagpalabas ka ng ganoong enerhiya? You know how destructible your attribute! Ikapapahamak mo ang paggamit nito!" Pagalit na wika ni Nathalie sa kapatid.

Nakahinga ako dahil sa presensiya ng mga bagong dating ngunit bigla akong napangiwi noong maramdaman muli ang sakit sa dibdib. Muli kong binalingan ang tatlong Xier. Hanggang ngayon ay nasa lupa pa rin ang mga ito at namimilipit dahil sa matinding sakit na nararamdaman nila ngayon. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari noon kay Simon. Naranasan niya din ang kapangyarihang ito! Napailing na lamang ako at muling napahawak sa may dibdib ko. What the hell is happening to me? I'm pretty sure that I'm not injured nor hurt from our fight earlier! I took a long and deep breathe ngunit mas lalo lang nitong dinagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon! Damn!

"It's not my fault!" rinig kong sigaw ni Natasha sa puwesto niya. "Hinarang nila kami sa sentro at ito namang si Shanaya ay nagtatakbo patungo dito sa gubat!"

"At nakipaglaban naman kayo sa kanila?" Napabaling ako sa dalawa at namataang nakatingin si Nathalie sa Xier na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. "At may napatay pa yata kayong isa sa kanila!"

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at mabilis na inalis sa mga kamay ang hawak na espada. They're all here. Nathalie and his older brother, Nates, and of course, him! Kasama nila ngayon ito na siyang hindi ko inaasahan! Bakit nila kasama itong si Timothy?

Mahina akong napaubo kaya naman ay napatingin sila sa akin. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang mga bagong dating. "P-Paano niyo kami natunton dito?" I asked them. Pasimpleng napangiwi ako dahil sa walang kwentang tanong na iyon. Of course, Shanaya! They felt your power and Natasha's attribute! Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga na siyang mabilis na pinagsisihan ko. Mabilis akong napadaing dahil sa sakit at napamura na lamang sa isipan.

"Are you okay?" Timothy suddenly asked while looking at me. I simply nodded at him. Nagawa ko pang ngumiti sa kanya kahit ang totoo ay sobrang sakit na nang nararamdaman ko ngayon!

"Release them, Timothy," utos ko sa kanya at tiningnan muli ang tatlong Xiers. "Ako na ang bahalang magparusa sa kanila."

"No." Napabaling muli ako sa kanya. He's mad. Kitang-kita ko iyon sa mga mata nila. Napatingin naman ako sa magkakapatid. Kunot-noong tinitingnan ni Nates ang tatlo samantalang ang magkambal ay natigil na sa pagtatalo at ngayon ay nakatingin sa akin, tila ba'y hinihintay ang susunod kong gagawin.

I sighed and looked at Timothy again. "They're my people," mahinang sambit ko.

Lalong nagalit ito sa tinuran ko. "They're not, Shanaya. Not anymore," mariing saad niya na siyang ikinatigil ko. "The moment they turned their back and tried to harm you, they're not your people anymore. They're now your enemies, Shanaya."

Napailing ako sa kanya. "Still, they're my people, Timothy."

Umiling sa akin si Timothy at mabilis na itinuon ang tingin sa tatlong Xier na pinapahirap niya ngayon. "Let me handle them." He said with finality.

I bit my lower lip. Maybe he's right. These Xiers are not my people anymore. Or maybe, simula sa simula pa lang ay hindi nila ako kinilalang reyna nila. I'm just their enemy, not their Queen.

Binalingan kong muli ang tatlo. I sighed as I tried to control my emotions. I closed my eyes when I felt the strange pain on my chest again. I sighed for the nth times.

I think I have enough for today.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top