Chapter 22: Die
"Faster, Shanaya!" sigaw ni Natasha 'di kalayuan sa akin. Napailing na lamang ako at mas binilisan ko ang paglalakad para makahabol sa kanya.
It's been a week since I've decided to stay here in Lynus. At sa loob ng isang linggong iyon ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi ang kalagayan ng mga taga-Xiernia. Oo nga't nagdesisyon akong manatili rito but still, hindi maalis sa akin ang mangamba sa kasalukuyang kalagayan nila.
Paano kung huli na pala ako? Kakahintay ko sa tamang panahon, huli na ako at wala nang maitutulong pa sa kanila. Kakayanin ko ba iyon? Of course not!
Mas binilisan ko ang paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Natasha. Nasa sentro kami ng Lynus ngayon. Ipinagpaalam niya ako kanina sa mga-taga bantay ko sa mansyon ng mga Wale na maglilibot muna kami sa sentro. And they let me. After all, they can't say no to her. Malapit sa mga Wale ang pamilya ni Natasha. Kahit na malayo ang estado ng mga pamilya nila, naging malapit pa rin ang mga ito sa isa't-isa.
"Look, Shanaya!" She exclaimed at ipinakita sa akin ang hawak na damit. Nasa isang tindahan kami na puno ng mga magagandang kasuotan. She kept on insisting that she'll buy something for me. Ngunit panay ang tanggi ko sa mga nagugustuhan nito. Isang irap ang iginawad ni Natasha sa akin. Ibinalik niya ang damit na nakita at binalingan ako. "Seriously? We came here to shop!" She said the crossed her arms against her chest.
"Bilhin mo ang nais mong bilhin para sa sarili mo, Natasha," mahinahong sambit ko. "Huwag ka nang mag-aksaya ng pera para sa akin. I'm fine with what I have right now."
"Whatever you say." Irap niyang muli sa akin. "Halika na nga! Magtungo tayo sa ibang tindahan!" bulalas nito at hinila na ako palabas ng tindahan ng mga damit.
Pagkalabas naming dalawa ay agad kaming nagtungo sa susunod na tindahan. May kung anong hinahanap si Natasha at noong hindi niya ito makita roon, mabilis niya akong hinila patungo sa susunod na bilihan.
"Kung tama ang pagkakatanda ko, nandito dapat iyon," mahinang saad ni Natasha at inilibot ang paningin. Medyo nakalayo na kami sa pinaka-sentro ng pamilihan. Kaunti na rin ang mga taong narito ngayon. I sighed. Wala sa sarili kong hinilot ang kanang paa ko. Sa hindi malamang dahilan, napagod ako bigla sa pinaggagagawa namin. Hindi mapirmi si Natasha sa iisang tindahan lang! "Let's go, Shanaya. Bumalik tayo sa naunang tindahan!" yaya niya muli sa akin.
Bago pa man kami makakilos sa kinatatayuan ay mabilis kaming natigilan noong may humarang sa dinaraanan namin. Kunot-noo kong tiningnan ang apat na Tereshlian sa harapan namin ngayon. They're all wearing familiar clothes. I think I've already seen them. Hindi ko nga lang matandaan kung saan at kailan ko ito nakita noon.
"Excuse us," maarteng wika ni Natasha sabay hila muli sa akin. Ngunit mukhang hindi yata nila narinig ang sinabi ni Natasha at nanatili itong nakaharang sa daan. At kung kanina ay nagtataka lang ako sa presensiya nila, ngayon ay naging alerto na ako at matamang pinagmasdan ang mga ito. Mabilis na dumako naman ang paningin ko sa kamay nila at natigilan noong nakita ang isang pamilyar na markang nakaukit doon.
Shit! Agaran kong hinila si Natasha patungo sa likuran ko. Impit itong napasigaw at masamang tiningnan ako. "What the hell, Shanaya?" Iritang tanong niya. Binalingan ko ito at matamang tiningnan. Mabilis naman itong natigilan at nawala ang iritang ekspresyon nito sa mukha. She looked at me, confused, at mayamaya lang ay binalingan ang mga lalaking nasa harapan namin ngayon.
"What do you want?" I asked them but no one answered. Napalunok ako at naramdaman ang paghawak ni Natasha sa braso ko. Umatras ako ng isang beses, ganoon din ang ginawa ni Natasha. At habang umaatras kami, humahakbang naman sila papalapit sa amin.
Palihim kong inilibot ang paningin sa paligid. This is not good. Napalayo na kami sa parte ng sentro kung saan maraming taong namimili! "Shanaya. Y-You know them?" bulong ni Natasha sa akin.
Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya sa akin. The truth is, hindi ko naman sila kilala. Alam ko lang ang markang nasa mga kamay nila! And of course, the freaking clothes they're wearing right now! It's from Xiernia!
Napaatras kaming muli ni Natasha noong sabay-sabay na humakbang ang mga ito papalapit sa aming dalawa. Think, Shanaya! Kasama mo ngayon si Natasha! Hindi maaaring madamay ito sa gulo mo! I sighed and looked at Natasha. "Run!" sigaw ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Natasha. Hindi na ito nakapagsalita pa at mabilis na tumakbo.
These Xiers want me! And the mark on their hands? Those are the mark that I saw from the Ashford family! What the hell are they doing here? Paano sila nakapunta rito sa Tereshle? Sino ang nagbigay nang pahintulot sa kanilang umalis sa Xiernia at magtungo rito?
Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa gubat. A week staying here in Lynus was enough for me to familiarize the place. Kailangan kong makalayo sa sentro ng Lynus. I can't risk the safety and the lives of the Tereshlian living in this division. Alam ko kung gaano ka-agresibo ang mga tauhan ni Bernie! Hindi maaring madamay ang mga taga-Lynus sa kalupitan nila!
I stopped from running when we finally reached the woods. Nasa likuran ko si Natasha kaya naman ay bumaling agad ako sa gawi niya. "What the hell was that? Kilala mo ba iyong mga lalaking iyon, Shanaya? Tell me! Ikaw ba ang nais nila? May atraso ka ba sa kanila?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga at hindi ito binigyan pansin. Ikinalma ko ang sarili at hinabol ang sarili paghininga. Ganoon din ang ginawa ni Natasha na mukhang napagod sa ginawa naming pagtakbo palayo sa sento.
Seconds later, I alerted myself when I felt someone's presence. Napaayos ako nang pagkakatayo ay mas pinatalas ang pandama. "They're coming." I said then immediately summoned one of my swords.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni Natasha. "Paanong-" Hindi niya matapos ang nais niyang itanong sa akin. Kumurap ito at nilapita ako. "Saan galing ang sandatang iyon?"
Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ni Natasha dahil nakita ko ang isa sa apat na Xier na mabilis na umatake sa likuran nito. "Move!" I shouted and grab Natasha's arm. Hinila ko ito palayo sa kinatatayuan niya at mabilis na sinangga ang espadang dapat tatama sa kaibigan ko. "Move now, Natasha! Parehong tayong mapapahamak kung mamanatili tayo sa lugar na ito!" sigaw kong muli sabay hampas ng espadang hawak.
Mas pinabilis ko ang pagkilos. Mariin kong hinawakan ang handle ng espada at buong puwersang ikinumpas iyon sa gawi niya. Napaatras naman ang Xier na kalaban ko at mabilis na umiwas noong panibagong pagkumpas ng espada ang ginawa ko sa gawi niya. Napabaling naman ako sa gawing kanan ko noong biglang nagpalabas ng isang malakas na enerhiya si Natasha. Nasa harapan na niya ang isang Xier na humabol sa amin kanina! I know she's strong, but I hope she can manage to win a fight against a Xiernian!
Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling pinakiramdaman ang paligid. May dalawang Xier pa ang wala ngayon dito. Alam kong nasa paligid lang ang mga ito at naghihintay ng tamang tiyempo upang umatake na rin sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at ginalaw ang isa pang kamay. Now, I'm holding my twin swords and looked at my enemy. I moved again and I simultaneously attack my enemy. I didn't stop my aggressive attacks until my sword managed to cut and bleed his skin. In an instant, the Xier in front of me screamed. Tumigil ako sa pag-atake at tiningnan ito. I saw how he dropped his weapon and placed his both hands on his neck. Mayamaya pa'y napaluhod ito sa harapan ko at pilit na hinahabol ang sariling paghinga.
That's right. Kneel in front of your Queen, you traitor!
"Die." I said, almost a whisper, then slowly, his body fell into the ground, lifeless. Seconds later, I felt the presence of the two Xiers that were hiding earlier. Bumaling ako sa kanila at matamang tiningnan ang mga ito. Natasha run towards my direction and ready her sword. May hawak na itong sandata na gawa sa water attribute niya.
Mayamaya lang ay napasinghap ito sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at namataang gulat na nakatingin sa walang buhay na katawan ng Xier na nakahandusay 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. "You... killed him." Halos walang tinig na sambit nito sa tabi ko.
Ngunit kagaya ng kanina ko pa ginagawa sa kanya, I ignored her. Again. Itinaas kong muli ang isa sa hawak kong espada at itinutok iyon sa tatlong Xier. Nagtaas ako ng kilay at ipinilig ang ulo pakanan. "Who's next?" I coldly asked them and after a few seconds, they moved and attacked us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top