Chapter 21: Trust
"You know that it's against the rule, Timothy." His mother stated while still looking at me.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon nito ngunit may ideya na ako. I just hope na payagan niya kami, o kahit ako na lamang. Kailangan kong makabalik sa Xiernia sa lalong madaling panahon!
"We created that rule, mom," wika ni Timothy na siyang ikinalingon ko sa kanya. "The people of Lynus created the rules and submitted it to the Council."
"We made that rule to protect that hidden kingdom, Timothy. And yes, tayo ang gumawa ng batas na sinusunod natin ngayon kaya naman ay wala tayong karapatang suwayin ito sa kahit anong dahilan pa." His mother calmly said to him.
"But-"
"Timothy, stop." I cut him off. Mabilis naman itong napatingin sa akin. Kunot-noo itong tumitig sa akin at tila ba'y hindi niya nagustuhan ang pagsingit ko sa pag-uusap nila. Napailing na lamang ako sa kanya at muling tiningnan ang kanyang ina.
"Ma'am." I started. What's her name anyway? Hindi ko alam! Dapat ay itinanong ko ang tungkol dito kay Timothy bago kami magtungo sa silid nito!
"It's Casandra Jade Wale, Shanaya," sambit niya sa buong pangalan nito na siyang ikinatigil ko saglit. Her name... it's familiar. Parang nabasa ko na ang pangalan nito noon... Oh, right! It was her! Ang pangalan nito ay nabasa ko noon sa mga aklat na pinapaaral ni Lady Lou sa akin! She was the only heir of the Jade's family! And now, she's using the Wale's family name!
I took a deep breathe before speaking again. "Before anything else, let me properly introduce myself, Ma'am." I don't really know how to properly address her! So, maybe calling her like that is much way better than calling her by her name! After all, she's Timothy's mother! I don't want to act rude in front of her!
"I'm Shanaya." I said and carefully removed my hand from Timothy. Hindi naman umalma si Timothy sa ginawa ko at hinayaan na akong makipag-usap sa in anito. "The Queen of Xiernia, the land of the fairies."
Kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay binalingan nito ang anak kaya naman ay napatingin na rin ako kay Timothy. I saw how he simply nodded his head. Like he's telling his mother that I was telling her the truth. Casandra Wale looked at me again. She silently watched me and a few seconds later, I heard her speak again. "Shanaya of Xiernia." She took a deep breathe.
Hindi muna ito nagsalita. Nakatingin lang ito sa akin kaya naman ay hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hihintayin na lamang ang pasya nito sa pabor na hinihingi ni Timothy sa kanya.
"What happened, Queen Shanaya?" She asked me after the long silence. And she even called me Queen Shanaya! Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang ikuwento sa mag-ina ang mga nangyari sa Xiernia bago pa man ako mapadpad dito sa Tereshle.
"For the past years, naging maayos naman ang pamumuno ko," mahinang saad ko noong matapos ako sa pagsasalaysay sa kanila sa nangyari sa kaharian ko. "But I guess I became overconfident and overlooked the small details that my enemy did to me. Hindi ko namalayang unti-unting sinisira na pala nila ang kahariang pinamumunuan ko."
"That's the reason why we badly need your permission to enter Xiernia, mom," wika ni Timothy sa tabi ko.
"We?" tanong nito sa anak. I bit my lower lip again. Kulang na lang yata ay dumugo ito kakakagat ko! Calm down, Shanaya!
"I'm going with her." Gulat akong napabaling sa kanya. What the hell is he talking about? Alam kong tinutulungan niya ako ngayong makabalik sa Xiernia ngunit wala akong ideya na nais nitong sumama sa akin pabalik sa kaharian ko!
Hindi agad nakapagsalita ang ina ni Timothy sa sinambit nito. Maging ako ay nagulat sa naging pasya niya! No. Masyadong komplikado ang sitwasyon na mayroon kami ngayon sa Xiernia. I can't risk it! Maaaring ikapahamak niya ang pagsama sa akin pabalik!
"You're not going anywhere, Timothy," mariing wika nito sa anak tinawag ako. Napatingin muli ako sa kanya. "Kung tama ang pagkakatanda ko, the former Queen of Xiernia, your mother, siya ang may pakana kung bakit ka narito sa Tereshle, tama ba ako?" Tumango naman ako sa kanya. "Sa tingin mo, anong rason ang mayroon ang dating reyna at bakit dito sa Lynus ka napunta?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Well, I'm not surprised at all! Ito rin ay isang palaisipan sa akin. Katanungang wala ni isang sagot akong makuha! Tanging ang aking ina lamang ang kayang sumagot sa tanong na iyan!
"Mom," singit ni Timothy ngunit hindi ito pinansin ng kanyang ina.
"Shanaya, sa tingin ko'y mas makakabuti sa'yong manatili ka muna rito sa Lynus," seryosong saad nito na siyang ikinagulat ko. What? "Iyon ang sa tingin kong pinakamagandang gawin mo ngayon. Your mom uses her forbidden spell for you to be here, to be in our world. At bilang isang ina tulad niya, alam kong nais lang nito na maging ligtas ka. And being here, not in Xiernia, is the safest place for you," aniya sabay baling sa anak. "I will not give you any permission to enter Xiernia. Lalong-lalo ka na, Timothy. Let Shanaya stay here for a while. Mahirap pangunahan ang naging desisyon ng dating reyna. She did that for a reason, and we need to trust her."
"Shanaya," tawag pansin muli nito sa akin. "Trust them," makahulugang saad niya. "As a Queen, you must trust your people. Maniwala kang magiging maayos din ang lahat at babalik ang kaayusan sa kaharian ninyo. Na kahit wala kang gawin, kahit wala ka sa Xiernia ngayon, maniwala ka. Dahil mas malaking kawalan para sa mga taong lumalaban para sa'yo kung ikaw mismo ang mapapahamak. Stay here, Shanaya. Stay here and wait for the right time to finally return to Xiernia."
Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kamang narito sa kwartong pinagamit sa akin ng pamilya ni Timothy.
Pagkatapos naming mag-usap ni Casandra Jade Wale, napagdesisyonan kong manatili na lang muna sa mundong ito. She was right. Kailangan kong maniwala at magtiwala sa mga taga-Xiernia. I trust my mom. I need to trust her decision about letting me escape and sending me here. Kahit 'di pa malinaw sa akin ang lahat-lahat, gagawin ko ang nais niya. I'll stay away from Xiernia, kung iyon man talaga ang nais niyang gawin ko.
Hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod at marahil sa dami ng iniisip. Nagising na lang ako noong may marahang katok akong narinig mula sa pinto ng silid. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at nagtungo roon. Pagkabukas ko noon ay bumangad sa akin ang mukha ng dalawang babaeng naging kaibigan ko na sa ilang araw na pananatili dito sa Lynus!
"Shanaya!" Natasha exclaimed upon seeing me.
"Natasha!" gulat na banggit ko sa pangalan nito. Napatingin naman ako sa kapatid nitong nasa likod niya. "Nathalie."
"Ayos ka lang ba? May ginawa bang hindi kaaya-aya sa'yo si Timothy?" She asked as she scanned my body. Tahimik naman si Nathalie na nakatingin sa amin.
"I'm fine, Natasha," mahinahong wika ko at wala sa sariling napatinging muli kay Nathalie.
Nathalie, this girl, I know what she's thinking at wala akong oras para i-tama ang mga iyon. Marami akong problemang kinahaharap ngayon. Creating another problem with her won't do good to me. I consider her and her siblings as my friend. Wala akong balak dagdagan ang bilang ng mga taong may ayaw sa akin!
"Bakit ka narito sa mga Wale, Shanaya?" Panimulang tanong ni Natasha noong makaupo ito sa gilid ng kama na kinahihigaan ko kanina. Tiningnan ko lamang siya, arguing my inner self if should I tell them or not about my current situation! "Ang buong akala talaga namin ay wala kang kakilala dito sa Lynus! And look at you now, nasa mansyon ka ng mga Wale! At mukhang malapit ka rin sa ina ni Timothy, ah! Talagang binigyan ka pa ng magarang silid kagaya nito!"
"Natasha," sambit ko sa pangalan nito na siyang ikinatigil niya. Tiningnan ko rin ang kapatid niya na ngayon ay nakatayo lamang sa gilid ng bintana ng silid na kinaroroonan namin ngayon. "I'm here because Casandra Jade Wale told me to stay." I informed them. Namataan ko ang pagtingin ni Nathalie sa gawi namin ng kapatid niya. "Yes, sinabi ko sa inyo na wala akong kakilala rito. That was true dahil hindi ko alam na narito pala si Timothy. I didn't know that he was a part of the Wale family, the current ruler of this division."
"So, you really know him?" rinig kong tanong ni Nathalie.
Tumango ako sa kanya. "Yes. I know him." I sighed. "Two years ago, we've met. Hindi rito sa Tereshle... Hindi rin dito sa Lynus. Timothy and I met in my kingdom."
Hindi nakapagsalita agad ang magkapatid. Namataan ko ang litong eskpresyon sa mga mukha nila. "Your kingdom?" Kunot-noong tanong ni Natasha at napabaling sa kakambal niya.
Kahit nag-aalangan ay nagawa kong tumango sa tanong niya. Pero... tama bang sabihin ko sa kanila ang totoo? Tama bang magtiwala rin ako sa kanila? Because honestly speaking, takot na akong magtiwala sa mga taong nakapalibot sa akin ngayon. I was betrayed by one of the closest members of the royal advisors. Nagtiwala ako sa kanya at sa huli, nagawa pa rin niyang traydorin ang pamilya ko at ang buong Xiernia! Kaya naman... tama bang pagkatiwalaan ko ang magkapatid na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top