Chapter 20: Help

Pinagmasdan ko ang malawak na harding pagmamay-ari ng pamilya Wale, ang kasalukuyang lider ng buong Lynus.

Dito ako dinala ni Timothy pagkatapos nang kaguluhan sa sentro. He even told the knights who were chasing him a while ago that he'll go with them without dragging him around. Sumunod naman agad ang mga ito at tahimik na sinamahan kami hanggang sa makarating kami sa mansyon ng pamilya nila.

"Kakilala mo pala sila Nates," wala sa sariling saad ko habang pinagmamasdan pa rin ang magagandang halaman at bulalak na nakapalibot sa akin ngayon.

"Yeah. We both went to Tereshle Academy." He casually answered.

Napalingon naman ako sa kanya dahil sa narinig. "Tereshle Academy?" Manghang tanong ko. Alam ko ang tungkol sa paaralang sinambit nito! Minsan ko nang nabasa ang tungkol dito at simula noon, nais ko nang makarating din sa paaralang iyon!

Magtatanong na sana akong muli tungko sa Tereshle Academy noong biglang may naalala ako. Taas kilay akong bumaling kay Timothy na siyang ikinatigil naman nito sa puwesto niya. "And you supposed to marry Nathalie? Tama ba?" I curiously asked him. Kanina ko pa rin ito nais itanong sa kanya! I admit, naging palaisipan sa akin kung ano ang naging relasyon ng dalawa!

Kita ko ang pag-ngiwi niya sa naging tanong ko. Mayamaya pa'y napailing ito at napabuntonghininga na lamang. "Sort of." Kibit-balikat na saad niya. "But I declined the proposal."

He declined? Why? "Nathalie's nice," wala sa sariling wika ko. I saw him laughed kaya naman ay sinimangutan ko ito. What? Totoo naman, ah!

"And why are we talking about me, anyway?" Tumigil ito sa pagtawa at ipinilig ang ulo pakanan habang nakatingin sa akin. "Looks like someone's interested about my personal life." Pahabol pa niya na siyang nagpairap sa akin. Muli itong tumawa na siyang ikinasama ko na nang tingin sa kanaya. Mukhang napansin nito ang masamang titig ko kaya naman ay mabilis itong tumigil sa pagtawa. Tumikhim ito at hinarap ako nang maayos. "Nathalie's nice, yes, but I don't want to hurt her and ruin our friendship because of an unwanted marriage. Besides, Nates was my best friend back then, and now, he hates me because I dismissed the idea of marrying and hurting his sister unintentionally."

Hindi na nagsalita at muling umirap na lamang sa kanya. I saw him smirked at me. Mayamaya lang ay naging seryoso itong muli at matamang tiningnan ako. "What happened, Princess Shanaya?" He carefully asked me. Natigilan naman ako sa naging pagsambit nito ng dating royal title ko sa Xiernia.

Nasa isang bilugang mesa kami ngayon, nakaupo. We're facing each other. He looked so damn serious now. Nakakunot na rin ang noo habang hinihintay ang sagot ko sa naging tanong niya.

Napabuntonghininga ako bago napagdesisyonang magsalita. "Well, first of all, I'm not a princess anymore," ani ko na lalong ikinakunot ng noo nito.

"What? Na-dethrone ka?" Mabilis namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. What the hell?

"What? No!" Agarang sagot ko. He's unbelievable! Talagang naglakas-loob pa itong sabihin ang mga iyon sa harapan ko!

Tumango-tango naman sa harapan ko si Timothy at tila ba'y napagtanto na niya ang ibig sabihin ko kanina. "Queen." He stated.

Silence invades us. Hindi kami nagsalita at nanatiling nakatingin sa isa't-isa. No one dared to make a sound. Kahit ang paghinga ay tila itinigil din namin at nakuntento na lamang sa katahimikang mayroon kami ngayon. His deep blue eyes stayed with me. Mamaya lang ay namataan ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mga mata nito. He tried to open his eyes, but he immediately stopped and continued staring at me.

"Timothy-"

"What happened, Shanaya?" tanong niya na siyang ikinatigil ko sa pagsasalita. "If you're the Queen, then... what are you doing here? Bakit narito ka sa Tereshle ngayon? And why are you with the Alvarez? Paano mo sila nakilala?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. "I don't know." I said, almost a whisper. "That day, natagpuan lang nila akong walang malay sa gubat. Natasha and Nathalie helped and brought me to their house. I was asleep for two days and when I finally woke up, wala na ako sa Xiernia." I sighed saying those words. Iyon marahil ang epekto ng kapangyarihan ni mommy. Hindi ko pa gamay ang tunay na kapangyarihan ng aking ina. All I know is that she can summon anything, everything. Unlike me, tanging mga bagay lamang kaya kong tawagin, mga bagay na nakita o nahawakan ko na.

"I'm not supposed to be here, Timothy. Dapat ay nakikipaglaban ako ngayon." I bit my lower lip when I remembered what Gilbert did to us. He betrayed me and my mother! "Dapat ay naroon ako sa palasyo, protecting Xiernia from those bastards who wants the whole kingdom."

"Nagkakagulo ngayon sa Xiernia?" He asked and all I can do was nod my head. "How about your mother? The former Queen? And your friends? Nasaan sila? Nasa Lynus din ba ang mga ito ngayon?"

Umiling ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. Sa totoo lang ay wala akong ideya kung nasaan sila o ano na ang sitwasyong kinahaharap nila ngayon. I just hope na ayos lang silang lahat. Dahil kung may masamang nangyari sa kanina habang narito ako sa Tereshle, I will definitely break some rules and get even with them.

Natahimik kaming muli ni Timothy. Natigil siya sa mga katanungan niya at matamang tiningnan ako sa harapan niya. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at nag-iwas nang tingin sa kanya. Napatitig ako sa kawalan. Noong ang aking ina pa ang reyna ng Xiernia, walang kaguluhang naganap sa kaharian namin. It was so peaceful that I can sleep soundly during nighttime.

But now, that peace was gone, and I know that I was the reason why Gilbert betrayed us. Wala nang iba pang dahilan. I'm such a failure. Maling-mali na ipinasa agad sa akin ng aking ina ang pamamahala sa buong Xiernia!

Napatingin ako kay Timothy noong tumayo ito mula sa pagkakaupo niya. Napaayos ako nang pagkakaupo at takang tiningnan ito. "Come on," biglang yaya niya sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko. "Pumasok na tayo sa mansyon. My mom is currentlty in her study room. We'll ask for help."

Natigilan ako sa narinig. "Your m-mom?" Wala sa sariling tanong ko. Tumango naman sa akin si Timothy at inilahad sa harapan ko ang kamay niya.

Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko ang kamay nito. He gently holds my hand and nod at me. Tahimik akong tumayo mula sa pagkakaupo at sumama na kay Timothy papasok sa mansyon nila.

Hinayaan ko na lamang si Timothy na hawakan ang kamay ko hanggang sa tuluyan na kaming tumigil sa paglalakad sa tapat ng isang malaking pinto. Napaayos naman ako nang pagkakatayo at tumitig na lamang doon. "We're here," rinig kong sambit niya at maingat na kumatok sa nakasarang pinto. He silently opened the door and stepped inside while still holding my hand.

Tumambad sa akin ang isang malawak na silid. Sa kanang bahagi nito ay may mga bookselves, kagaya sa naging study room ko sa Xiernia. Everything inside this room screams luxury! Ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang Ynus na kinabibilangan ng pamilya nila? I wonder kung ganito rin sa lahat ng division, I mean them, the Ynus. Ganito ba talaga sila? Kung ikukumpara sa estado na ganito sa Xiernia, only the royals have this kind of luxury!

Napako ang tingin ko sa babaeng nakaupo 'di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon. She looks like the girl version of Timothy! And her aura screams authority, too! Parehong-pareho kay Timothy! Mayamaya lang ay nag-angat ito nang tingin sa amin ng anak niya at itinigil ang kung anong ginagawa niya bago kami pumasok sa silid na ito.

"So, you're Shanaya?" tanong niya na siyang mabilis na ikinatango ko. Napatingin naman ako kay Timothy at pinagtaasan ito ng isang kilay. Paanong alam ng kanyang ina ang pangalan ko?

"Mom, we need your help," agarang saad ni Timothy na siyang ikinatigil ko. Naramdaman ko ring humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko kaya naman ay mabilis na napaawang ang mga labi ko. He's still holding my hand! In front of his mother!

Mabilis akong napabaling sa ina ni Timothy at kagaya nang inaasahan, nakatingin nga ito sa magkahawak na kamay naming dalawa! "Well, that's new." His mother said and looked at his son. "You're the type of guy who can handle everything, Timothy. You never asked for someone's help," kalmadong sambit nito. Napalunok ako at hindi magawang alisin ang tingin sa ina ni Timothy. Sa itsura pa lang, alam kong istrikto rin ang isang ito. Paniguradong siya ang nag-utos sa mga kawal ng pamilya nila upang huliin at iuwi itong si Timothy sa mansyon nila!

"What is it, my son? Anong maitutulong ko sa'yo?" Natigilan ako sa narinig. Napakurap ako at hindi makapaniwalang napatitig muli sa kanya.

"We need your permission," kalmadong tugon ni Timothy sa ina. "Kailangan naming magtungo sa Xiernia." Sa pagkakataong ito, ako naman ang napahigpit nang pagkakahawak sa kamay ni Timothy.

"Xiernia?" She paused and looked at me. "The land of the fairies." She added.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top