Chapter 19: Talk
It's been two years since the last time I saw him. Napalunok ako habang nakatingin sa gawi niya.
Parang kailan lang ay halos bugbugin ko na ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko sa kanya. I even convinced myself that my feelings towards him were temporary. I tried, okay, and I thought I succeeded. But looking at him right now, mukhang magsisimula na naman ulit ako nito mula sa umpisa.
"Shanaya, let's go." Napabaling ako kay Natasha noong marinig ang tinig ito. Nakatayo na sila ngayon 'di kalayuan sa akin. Kinayaw pa nito ang kamay ngunit hindi ko magawang kumilos at ihikbang ang mga paa ko.
I bit my lower lip. Half of me wanted to go and leave this place right now! Gusto kong magtago at hindi magpakita sa kanya. But who am I kidding? I know that the other half of me wanted to stay and quietly look at him! Kahit sa malayo lang. Nais ko lang punan ang dalawang taong hindi ko ito nakita!
Bumaling muli ako sa kinaroroonan ni Timothy na ngayon ay pilit na hinuhuli ng mga kawal na nakapalibot sa kanya. They kept on chasing him down while Timothy is just grinning on them. He effortlessly moved and no one can even touch him!
Mayamaya lang ay naging agresibo na ang mga kawal na nakapalibot kay Timothy. Halos sabay-sabay silang umatake rito at hindi nagtagal, isang kawal ang tumilapon. Agad namang nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong patungo sa kinatatayuan ko ang direksiyon nito!
Move, Shanaya! Damn it! "Shanaya!" rinig kong tawag sa akin ng kambal.
Pilit kong iginalaw ang mga paa ko. At noong sa wakas ay naigalaw ko na ito, isang hakbang paatras ang ginawa ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis sa kinatatayuan, biglang may kamay na humawak sa braso ko at mabilis na hinila ako. Segundo lang ay nasa harapan ko na ang kawal na tumilapon mula sa gulong nangyayari ngayon dito sa sentro ng Lynus.
"Seriously? Naghahanap ka ba ng sakit sa katawan!" Napakurap ako kay Nates noong bigla itong sumigaw sa tabi ko. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at gulat na napatitig dito. Inis naman itong bumaling sa kawal na ngayon ay maingat na tumatayo mula sa pagkabagsak niya kanina. "Mag-ingat naman kayo!" galit na saad nito sabay higit sa akin patungo sa kinaroroonan ng mga kapatid niya.
Napatanga na lang ako sa inasal ni Nates. What is he? A version 2.0 of Simon?
"You two, bakit niyo pinabayaan ang isang ito?" He asked his sisters and let go of my arm. Hindi naman sumagot ang dalawa. Well, hindi naman nila kasi ako pinabayaan. They kept on calling me earlier, but my body betrayed me and froze! It's not their fault!
Napangiwi na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. "Nates," tawag pansin ko sa kanya. Kunot-noo itong lumingon sa akin. "I'm okay. It's not their fault. Ako ang nagpasyang manatili sa kinatatayuan ko kanina kahit na tinatawag na ako ni Natasha. I'm sorry."
Napasinghap ako noong biglang hawakan nitong muli ang braso kong hinigit niya kanina. Bahagya pa akong napangiwi dahil nakaramdaman ako ng sakit mula roon. Mukhang napasama ito dahil sa biglaang paghila niya sa akin kanina upang hindi matamaan no'ng tumilapon na kawal. "If you want to get in to trouble, leave my sisters alone, Shanaya," malamig na wika nito sa akin. Natigilan ako at sinalubong ang seryosong titig nito.
"Kuya Nates, stop it," mabilis na suyaw ni Nathalie sa kapatid ngunit hindi niya ito pinansin. "Kuya-"
"Hands off, Nates." Biglang nanlamig ang buong katawan ko noong may nagsalita sa likuran ko. Mayamaya lang ay namataan ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Nates. Mabilis itong tumingin sa nagsalita sa likuran ko at tahimik na tumingin muli sa akin.
I held my breathe as Nates slowly removed his hand on my arm. Umayos ito nang pagkakatayo at kunot-noong itinuon sa taong nasa likuran ko ang atensiyon. "What now, Timothy? Done playing around?" Nates asked as he crosses his arms against his chest.
Napalunok ako at nanatiling parang estatwa sa kinatatayuan. Hindi naman nagsalita si Timothy kaya naman ay bigla akong kinabahan. Nakita niya kaya ako? Narinig niya kaya ang pangalang kong isinigaw nila Natasha kanina? Wala sa sarili naman akong napatingin sa puwesto ng kambal. May kung anong binubulong si Natasha sa kapatid samantalang tahimik na nagmamasid lamang si Nathalie. Pansin ko ring nagpapalit-palit ang tingin nito sa akin at sa taong nasa likuran ko ngayon!
Binalingan ni Nates ang kambal at muling hinawakan ang braso ko. "Go home now. Isama niyo ito," utos niya sa malamig na tono ngunit bago pa man niya ako mahila patungo sa mga kapatid niya ay agad na may humigit sa akin dahilan upang mabitawan ni Nates ang braso ko.
Shit! This is not good! "I said, hands off, Nates. Naalog na rin ba ang utak mo at hindi mo maintindihan iyon?" mariing sambit ni Timothy na ngayon ay nasa harapan ko na! Ang malapad niyang likod ang nasa harapan ko na ngayon! What the hell?
"Oh, shut up, Timothy. Mind your own business and leave us alone. At isa pa, huwag mo akong uutusan sa kung anong dapat kong gawin. As if naman ay mapapasunod mo ako." Nates coldly speak to him. Napalunok akong muli. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaking ito ngunit mas ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon! Sa lakas nito ay halos hindi na ako makahinga nang maayos!
"Kuya Nates, Timothy, stop it. Nasa sentro tayo ngayon at maraming nakatingin sa inyong dalawa. Please, umayos kayo," mariing wika ni Nathalie sa dalawa. Wala sa sarili akong napatingin sa paligid and I wasn't even surprised noong makita kong marami ngang nanunuod sa amin ngayon! Mayamaya lang ay bumaling ako sa likuran ko noong maramdaman ko ang presensiya ng mga Knights na kanina lang ay pilit na hinuhuli si Timonthy. Tahimik silang naglakad patungo sa direksiyon namin at tumigil na lamang sa paglalakad noong ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kinatatayuan namin.
"Let's go, Shanaya. Umuwi na tayo." Rinig kong yaya ni Nathalie sa akin. Nasa likod pa rin ako ni Timothy kaya naman ay hindi ko ito makita nang maayos.
"She's not going anywhere," saad naman ni Timothy na siyang ikinatigil ko. Napalunok akong muli.
"Shanaya." This time, si Natasha naman ang tumawag sa akin. I sighed and decided to move. Humakbang ako ng isang beses paatras at lumayo kay Timothy. Muli kong inihakbang ang mga paa at nagpakita na magkakapatid. "You know him, Shanaya?" Nates asked me. Alam kong nagtataka sila ngayon sa mga nangyayari. Nabanggit ko sa kanila na wala ni isa akong kakilala dito sa Lynus. Totoo naman kasi iyon. Hindi ko naman kasi inaasahan na magkikita kaming muli ni Timothy sa lugar na ito!
"Kilala niya ako. End of discussion," mariing sambit muli ni Timothy sabay baling sa akin.
Wala sa sariling napatingin na rin ako sa kanya. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito at biglang pagbabago ng ekspresyon habang nakatingin sa akin. "Uhmm." Panimula ko at binalingan muli ang magkakapatid. "Mauna na kayo sa akin. Uuwi ako mamaya. I'll... I'll just talk to him first."
Litong tumitig sa akin ang magkakapatid. I even heard Natasha asked why but I didn't bother to answer ito. Napatingin naman ako kay Nathalie at namataan ang pag-iling nito sa akin. "Alright. Let's go, Natasha," malamig na wika niya at tinalikuran kami. Agad namang sumunod si Natasha sa kakambal habang panay ang baling sa akin. Ngayon ay si Nates na lamang nasa harapan namin ni Timothy.
Ipinilig nito ang ulo pakanan habang nakatingin sa akin. Mayamaya lang ay umiling ito. "Ang buong akala namin ay wala kang kakilala dito sa Lynus, Shanaya. At sa dinami-raming Tereshlian na narito sa Lynus, ang gagong iyan pa ang kakilala mo." Naiiling pa rin si Nates habang sinasambit ang mga katagawang iyon.
But wait a minute... Gago? Did he just call him gago?
Napabaling ako kay Timothy noong marinig itong tumawa sa tabi ko. Umiling din ito at umayos nang pagkakatayo "Hindi ako gago, Nates. I just don't like the idea of marrying your little sister. Period." Napaawang ang labi ko sa narinig. What?
"You're an ass. Period." Ganti naman ni Nates dito. "Nathalie doesn't deserve someone like you," dagdag pa nito sabay talikod sa amin. Ngunit bago pa ito tuluyang makalayo ay tumigil ito sa paglalakad. "If you still want to stay in our house, feel free to come back." He said then annoying looked towards Timothy again. Hindi na ito nagsalitang muli at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa amin.
Napakurap ako at tahimik na pinagmasdan ang papalayong bulto ni Nates. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at napabaling kay Timothy noong tumikhim ito sa tabi ko. Namataan ko ang pagtaas ng isang kilay nito kaya naman at napakunot ang noo ko sa kanya. "It's nice to you here, Your Highness." Timothy said then smiled at me. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ko habang nakatingin sa kanya.
Mukhang napansin iyon ni Timothy kaya naman ay napaayos muli ito nang pagkakatayo. Mayamaya pa'y napailing ito at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Come on. Mukhang marami tayong pag-uusapan," aniya at hinigit ako papalapit sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top