Chapter 18: Lynus

"Ayos lang kaya siya?"

"Dalawang araw na siyang walang malay."

"Dalhin na kaya natin siya sa sentro at ipatingin sa mga healer doon?"

Napakunot ang noo ko sa mga hindi pamilyar na tinig na naririnig ngayon. Dahan-dahan kong iminukat ang mga mata at mabilis na napapakit na lamang noong nasilaw ako! "She's awake." Tinig ng isang lalaki naman ang narinig ko. Who are they?

"Hey! Can you hear us?"

Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo. Pinakiramdaman ko muna ang sarili at noong wala naman akong maramdamang kakaiba sa katawan ko, iminulat kong muli ang mata. Ilang beses akong kumurap at bumaling sa gawing kanan ko. There. I saw the owner of the voices I heard earlier. "Uhmmm. Ano... Kumusta pakiramdam mo?" Nag-aalangang tanong ng isa sa akin.

"Where am I?" tanong ko at pinagmasdan ang mga kasama ngayon. Really, where am I? Saang parte ng Xiernia ako inilagay ng aking ina gamit ng kapangyarihan niya? Mula sa pagkakahiga, maingat na bumangon ako. Inalalayan pa ako no'ng isa mga babaeng kasama ngayon. At noong tuluyan na akong makaupo, tahimik kong pinagmasdan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan ko ngayon.

It was an unfamiliar room. Hindi rin pamilyar sa akin ang mga gamit na narito ngayon. Nakatitiyak ako na hindi ito isa sa mga kuwartong mayroon kami sa palasyo! Mayamaya lang ay mabilis akong natigilan noong maalala ang mga huling nangyari sa akin! Bumaling muli ako sa mga kasama at muling tinanong kung nasaan ako.

"Sa... uhmm... sa kuwarto ko?" Kunot-noong sagot ng babaeng umalalay sa akin kanina sa pag-upo. Agad naman itong hinampas ng katabi niya kaya napaharap ito roon. "Aray naman! Masakit iyon, ah!" Angal nito sabay ganti nang hampas sa katabi. Natigilan ako at pinagmasdan sila nang mabuti. They looked the same! Same height, same hair color... same face! They're twins!

"That's enough." I heard a man speak. Tumigil naman ang kambal na babae at inirapan ang isa't-isa. Napabaling ako sa nagsalita at namataan ang seryosong titig nito sa akin. "You're in our house, west part of Lynus. Nakita ka ng mga kapatid ko sa bukana ng gubat at walang malay. You were not injured when they found you kaya naman ay nag-alala ang mga ito noong hindi ka magising kahit anong gawin nila," anito na siyang ikinaawang ng mga labi ko.

West part of what? Lynus? Tila tumigil ang pagtibok ng puso ko at hindi makahinga dahil sa mga narinig mula sa lalaki. What the hell? "L-Lynus? One of the divisions of Tereshle?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang magkakapatid at sabay-sabay silang tumango sa akin.

Paanong napunta ako sa lugar na ito? Bakit nasa Lynus ako at wala sa Xiernia? Bakit... Bakit dito ako dinala ng aking ina?

Lumipas ang mga araw at nanatili lamang ako sa silid ni Natasha, iyong babaeng may-ari ng silid na kinaroroonan ko ngayon. The twins, Natasha and Nathalie, found me. Akala nga daw nila ay patay na ako. Ngunit noong mapagtanto nilang wala lang akong malay, they stayed with me for a while, at noong hindi pa rin daw ako nagigising, napagdesisyunan nilang isama ang walang malay kong katawan pauwi.

"Tereshle." I whispered to myself. Why am I here? I'm not supposed to be in this place! Dapat ay nasa Xiernia ako ngayon at nakikipaglaban! Ipinilig ko ang ulo ko at pilit iniisip ang maaring naging dahilan ng aking ina sa ginawa niya. Why did she use that spell? For what reason? To save me from our enemies? But I'm the Queen of Xiernia! Dapat nasa palasyo ako at kasama nilang lumalaban para sa kaharian namin!

Mabilis kong ginulo ang buhok at napabuntonghininga na lamang. "Mababaliw na ako kakaisip sa sitwasyong mayroon ang Xiernia ngayon," mahinang bulalas ko at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtungo ako sa bintana sa gawing kanan ng silid ni Natasha. Hinawi ko ang kurtinang naroon at pinagmasdan ang tahimik na paligid. "I trust you, mom." I whispered to myself. "Alam kong may magandang dahilan ka kung bakit ako narito ngayon sa Tereshle."

Mayamaya lang ay napalingon ako sa pinto noong may kumatok doon. Bumukas iyon at namataan ko ang kambal. "Shanaya," tawag pansin sa akin ni Nathalie. "Pupunta kami ng sentro ngayon. Gusto mo bang sumama?"

I bit my lower lip. Kahit ayaw ko man ay hinihila pa rin ako ng kuryusidad ko. Bata pa lang ako ay alam ko na ang tungkol sa mundong ito, ang Tereshle. Nais kong magtungo sa lugar na ito ngunit alam kong mahigpit na ipinagbabawal sa amin mga Xier ang pumunta rito. It's against our rule! Ngunit, ano pa nga ba ang magagawa ko? I'm already here! Might as well feed my own curiosity! Lalo na't nasa division ako kung saan water attributer ang mga Tereshlian na naninirahan dito!

"Okay." I finally said. "I'm coming with you guys."

Mabilis namang lumapit sa akin si Natasha at hinila na ako palabas ng silid niya.

Tahimik akong nakasunod sa magkapatid. Nasa sentro na kami ngayon. Abala sa pamimili sila Natasha samantalang tahimik kong pinagmamasdan ang ganda ng paligid. Mula sa itsura ng mga bahay na nadaraanan namin, pati na rin ang mga magigiliw na Tereshlian na binabati kami kapag natatapat sa pwesto ng paninda nila.

"Shanaya, may gusto ka bang bilhin? We'll buy it for you. Galante ngayon si Kuya Nates at binigyan niya kami ng perang gagastusin para sa araw na ito!" Masiglang wika ni Natasha at may ipinakita sa aking palamuti. Sa dalawang kasama ko ngayon, Natasha is the jolly one while Nathalie, well yeah, she's fun but sometimes hates how her twin sister talks nonstop. Minsan ay napapansin kong salubong ang kilay nito habang kausap ang kapatid niya.

Mabilis akong umiling kay Natasha. Natawa kong ibinalik sa lagayan nito ang palamuting inabot niya sa akin kanina. "Nako, huwag na. I'm here not to buy anything, Natasha. Nandito ako para tingnan lang ang sentro ng bayan niyo." Napanguso naman si Natasha sa akin. Lumapit naman ang kapatid nito at may panibagong inilahad sa harapan ko. "Hindi ko kailangan iyan, Nathalie." Natawa ako. "Huwag niyo na lamang akong pansinin. Just go and continue your shopping."

Nagkibit-balikat na lamang sa akin si Nathalie at akmang tatalikuran na sana niya ako noong mabilis itong hinigit ni Natasha. Napatitig ako sa dalawa at kunot-noong pinagmasdan ang ginagawa. May kung anong ibinulong si Natasha sa kapatid na siyang ikinabago ng ekspresiyon ni Nathalie. Mayamaya lang napabuntonghininga ito at umiling na lamang.

Mayamaya pa'y nilapitan ako ng dalawa at hinila sa isang tabi. Taka ko silang tiningnan at hindi na napigilan pang magtanong. "Anong mayroon?" I asked when I noticed that everyone from the street earlier step aside. Ngayon ay wala nang tao sa gitna ng daan! Okay. Weird. Tiningnan kong muli ang kambal at noong magtatanong na sana akong muli, mabilis na humarap sa akin si Natasha at inilagay ang isang daliri sa may labi niya.

Gulo akong nanahimik sa kinatatayuan ko at palihim na pinagmamasdan ang kung anong nnagyayari sa sentro ng Lynus. Mayamaya pa'y may narinig akong ingay. Napakunot lalo ang noo ko. What was that? Palakas nang palakas iyon tila ba'y malapit na ito sa kinaroroonan namin ngayon. I have a guess, but I don't want to assume. Hindi ko naman alam kung may ganoon din ba sa mundong ito.

Lumipas ang ilang minuto at namataan ko na ang dahilan kung bakit nagsitabi ang mga Tereshlian na nasa gitna ng daan kanina. At tama nga ako sa hinala ko kanina! Sunod-sunod na nagsidaanan sa gitna ang mga taong nakasakay sa kani-kanilang mga kabayo! Who are they? Knights of Lynus?

"Who are they?" mahinang tanong ko sa dalawa. Lumingon naman ang mga ito sa akin at pinagtaasan ng isang kilay.

"You don't know them?" bulong ni Natasha sa akin. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "Really, Shanaya? Saang parte ka ba ng mundo nanggaling at hindi mo kilala ang mga mahahalagang tao sa paligid mo?" She sighed and pointed the knights that we just saw. "They're the knights of the Wale family."

"Knights of Wale family?" Ulit ko lang sa tinuran nito.

"Ang Wale family ang namumuno sa buong Lynus at miyembro ng Council ang kasalukuyang lider ng pamilya nila," dagdag pa ni Natasha at namewang na sa puwesto niya. "At mukhang alam ko na kung bakit tila aligaga ang mga knight na iyan at napadpad ngayon dito sa sentro." Bahagyang natawa pa ito sa tinuran niya.

Wala sa sarili akong napatinging muli sa mga knight na pinag-uusapan namin ngayon. Nagsibaba na ang iba sa kani-kanilang kabayo at mabilis na tumakbo patungo sa plaza kung saan may namataan akong malaking fountain sa gitna nito. Mayamaya lang ay kumunot muli ang noo ko noong mapansing may isang tao silang pinalilibutan na ngayon. Kalaban ba nila ang Tereshlian na iyon? Nanatili ang mga mata ko sa kumpulan ng mga knight at napansing hindi naman nila hawak ang kanilang mga sandata. Kalmado lang ang mga ito at pinalilibutan lamang ang kung sinong pakay nila sa sentro ngayon.

"Pasaway talaga." Rinig kong bulong ni Natalie sa gilid ko. "Let's go. Mukhang magkakaroon na naman nang hindi inaasahang gulo dito sa sentro. Come on. Umalis na tayo," yaya ni Natalie sa amin ng kapatid niya. "Timothy's just being an ass. Again. Hindi na ito natuto," pahabol na sambit niya na siyang ikinatigil ko sa kinatatayuan. Napabaling ako rito at namataan ang mabilis na pag-alis nito sa pwesto at nagsimulang maglakad palayo.

"May bago ba?" Natatawang tanong naman ni Natasha sabay sunod sa kakambal niya. "Timothy's an ass since birth, sis! Dapat matagal mo nang tanggap ang tungkol sa bagay na iyan!" She laughed again.

Timothy? Muli akong napalingon sa nagkukumpulan mga knight ng Wale family. Ngayon ay hindi na sila parang posteng nakatayo lamang. Ang ilan ay nagsikilos na at pilit na hinaharangan ang papaalis na lalaki sa gitna nila. And I froze and almost lost control my balance when the man turned his face towards my direction. Napakurap ako ng ilang beses noong makita ko nang mabuti ang mukha nito!

It's him! It's Timothy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top