Chapter 17: Traitor

Halos manlumo ako sa mga nakikita ngayon. Nagkakagulo na ang lahat! Nagkalat ang mga royal knights sa paligid at pilit na pinipigilan ang mga mga rebeldeng Xier na ngayon ay nasa loob na ng palasyo!

"Simon!" mabilis na tawag ko sa kaibigan noong makita ko itong tumatakbo patungo sa kung saan. He immediately stopped from running then looked towards my direction.

Ibinalik ko sa dating anyo ng katawan ko at mabilis na bumaba mula sa ere. "Queen!" Simon said and run towards me. Mabilis naman akong napahawak sa pader na malapit sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nanghina. I immediately shook my head and relax my body. Mukhang nabigla ko ang katawan ngayon dahil sa ilang beses kong ginamit ang Xier form ko! Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at tumingin sa nagkakagulong paligid.

Kanina noong makapasok ako sa main gate ng palasyo ay agad akong binalot ng takot noong makita ang mga katawang wala ng mga buhay. Hindi ko alam kung gaano na katagal ang gulong mayroon ngayon sa palasyo! I was late! Kung nakabalik lang sana ako agad dito, sana'y hindi na aabot sa ganitong sitwasyon ang gulong ito!

"My Queen, are you okay?" Simon gently asked. Inalalayan niya akong makatayo nang maayos at nanatili sa tabi.

I took a deep breath and slightly nod at him. "Yes. I'm good. Nanibago lang marahil ang katawan ko sa ilang beses na pagpapalit ng anyo ko kanina." I paused and remembered something. "Have you seen Ara?"

Kita ko ang pag-iling nito sa tanong ko. "Kararating ko lang din dito sa palasyo. Hindi ko pa ito nakikita."

Napatango akong muli. "Come on," yaya ko at nagsimula nang maglakad muli. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako noong biglang nanlabo ang paningin ko. Mabilis kong ipinikit ang mga mata at ikinalma ang sarili. Damn it! Nag-aalalang umalalay muli sa akin si Simon at nanatiling nakatayo sa tabi ko. "I'm fine now," mahinang saad ko at muling iminulat ang mga mata. "Kailangan na nating magtungo sa chamber ng dating reyna."

Mabilis ang naging pagkilos namin ni Simon. Dahil pamilyar na kami sa pasikot-sikot sa buong palasyo, hindi na kami dumaan pa sa main entrance. Iniwasan muna namin ang daang iyon at minabuting makarating agad sa silid ng aking ina. And when we finally reached her room, Simon immediately opened the door in front of us, and we saw nothing. Wala na ito sa silid niya ngayon!

"Marahil ay nakaalis na ang mga ito sa palasyo," seryosong saad ni Simon na siyang mabilis na ikinailing ko.

My mom won't leave the palace! I know her. Kahit ano mang mangyari, alam kong hindi basta-bastang aalis si mommy sa palasyo. She'll do everything to protect this place! Kagaya nang ginawa noon ng aking ama, alam kong gagawin din nito ang lahat para protektahan ang lugar na ito!

I sighed and decided to leave her room. Kung wala siya rito, paniguradong kasama na ito ngayon ni Lorenzo! Akmang hahakbang na sana ako palabas ng silid noong biglang yumanig ang buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko at agad na binalanse ang katawan upang hindi matumba. "Shanaya!" tawag ni Simon sa akin at mabilis na hinawakan ako. Mas lumapit pa ito sa akin noong mas lumakas ang pagyanig ng buong paligid.

Wala sa sariling napaawang ang labi ko noong maramdaman ang isang pamilyar na kapangyarihan. "It's her." I said, almost a whisper. Hindi ako maaaring magkamali! Kilala ko ang kapangyarihan nito! It's definitely her power!

"Her?" takang tanong ni Simon sa akin. Unti-unting humina ang pagyanig kaya naman ay lumayo na sa akin si Simon.

"My mom. This power... Simon, alam kong sa kanya iyon!" What's happening, mom? Malakas ba ang kalaban namin kaya ginagamit na ng aking ina ang kapangyarihan niya? Is the situation here that bad? "Let's go, Simon. Hanapin na natin sila!" nagmamadaling wika ko at lumabas ng muli sa silid ng ina.

Hindi ko alam kung saan ko dapat hanapin ang aking ina. Sa lawak ng palasyo, tiyak kong mahihirap akong makita ito agad! Ngunit kusang dinala ako ng mga paa ko sa parte ng palasyo kung saan palagi itong naroon noong siya pa ang reyna ng Xiernia. Bumagal ang pagtakbo ko at nahinto sa tapat ng malaking pinto ng function hall ng palasyo. Nakabukas ito ngayon at may kung anong masamang enerhiya akong nararamdaman ngayon sa loob nito. Napalunok ako at akmang papasok na sana ako sa loob nang bigla akong hilain ni Simon at nagtago kami sa may gilid ng malaking pinto.

"Traitors!" Nanlaki ang mga mata ko noong marinig ang galit na sigaw ng aking ina. I closed my fists upon hearing her voice. She's mad. Kahit kailan ay hindi ko narinig ang ganoong klaseng sigaw mula sa sariling ina! "You served this kingdom for damn long years! The royal family and the previous leaders were good to you, even the former King, my husband, considered you as a friend! Para saan ang lahat nang kabutihang pinakita mo sa amin? Para ano? Para magtiwala kami at traydorin nang ganito?"

Mabilis akong natigilan noong makarinig ng isang nakakagalit na tawa. Umayos ako nang pagkakatayo at bumaling sa nakabukas na pintuan ng function hall ng palasyo.

It's Gilbert! "Asshole!" rinig ko namang sigaw ni Lorenzo at biglang nagkagulo sa loob ng hall. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. Nagtraydor si Gilbert sa amin? Si Gilbert na siyang tagapagpayo ko ngayon bilang reyna ng buong Xiernia? Trinaydor niya kami at ngayon ay nagkakagulo na ang buong palasyo. Is he the leader of the rebels? Siya ba ang nag-utos sa mga Xier na nakalaban ko kanina upang salakayin ang palasyo?

"Let's go," malamig na wika ni Simon at biglang hinila ako palayo sa function hall ng palasyo.

Gulat akong napatingin sa kanya. "The hell, Simon! Bitiwan mo ako!" Mariing saad ko at binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. Galit akong tumingin sa kanya at hindi na nagulat pa noong makita ang galit din sa mga mata niya.

"We need to leave the palace, Shanaya!" mariing wika nito at hinila akong muli palayo sa function hall ng palasyo. Gulat akong napatitig sa likod ni Simon at noong makaliko na kami sa isang pasilyo, mabilis kong binawi ang kamay mula sa kanya.

Napabaling ito sa akin kaya naman ay umatras ako palayo sa kanya. "Leave? Are you for real? I just can't leave the palace, Simon! Hindi mo ba nakita ang mga Xier na nadaan natin kanina? They're dead, Simon! This is a war and there's no freaking way that I'll leave this place without even fighting!"

"We can't fight them right now!" He said then brushed his hair with frustration. Natigilan ako sa narinig. "They wanted you, Shanaya. Ikaw ang kailangan nila at kapag nanatili ka rito, tapos na rin ang buong Xiernia. Matatalo tayo sa larong sinimulan nila!"

Napaatras ako at galit na napatitig sa kaibigan. "What do you know about this riot, Simon?" I asked him. I know that he knows something! May alam ito at ayaw niyang sabihin sa akin! "Alam mo bang magtratraydor si Gilbert sa palasyo?" I coldly added. Hindi ito sumagot sa tanong ko. Tumitig lamang ito sa akin. "Answer me!" mariing utos ko sa kanya!

"Yes." Halos walang tinig itong nagsalita sa harapan ko. I froze and looked at him blankly. So, he knows? "Alam kong nagtratraydor si Gilbert sa palasyo. I accidentally overheard him talking to someone." He paused and sighed. Ginulo nito ang buhok at maingat na tumingin sa akin. "From Plysia." He added.

"Plysia?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Yes, Shanaya. The man I saw with Gilbert was from Plysia. Kaya naman ay nagpumilit akong tingnan natin ang sitwasyon sa bayang iyon. At tama nga lahat nang narinig at hinala ko tungkol sa kanya. Gilbert, that bastard, created a group of Xier that will fight against the palace. Against the current Queen of Xiernia."

"Alam mo naman pala ang mga ito ngunit hindi mo man lang sinabi sa amin? Sa akin?" Kung sana'y sinabi niya ang kung anong nalalaman niya tungkol kay Gilbert, malamang ay nagawan ko ito sa solusyon! Hindi na sana aabot sa ganito ang gulong ginawa ng pagtratraydor ni Gilber sa amin!

"Your mom, the former Queen of Xiernia, knew about this," imporma niya sa akin na siyang ikinagulat kong muli. "I told her about Gilbert and his plan of rebellion against the palace. At ang tanging sagot lamang ng dating reyna sa akin ay huwag ko munang ipaalam sa'yo ang tungkol sa bagay na ito. Kilala niya si Gilbert. Naging malapit din ang dating reyna sa Xier na iyon. Tiyak kong binigyan pa niya ng pagkakataong magbago ang isip ni Gilbert at kusang itigil ang pagrerebelde niya sa inyo."

Napatampal ako sa noo ko at napailing na lamang. Simon's right. Mukhang iyon ang ginawa ng aking ina. Masyado siyan nagtiwala sa magbabago pa ang isip ni Gilbert! Akmang magsasalita sana ako noong mabilis akong natigilan sa kinatatayuan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Simon at agad na inihanda nito ang sandata niya. I summoned one of my swords and carefully trace the energy we suddenly felt earlier.

"Well, look who's finally here." Napalingon ako sa gawing kanan namin noong may nagsalita roon. Mariin kong hinawakan ang espada at hindi inalis ang paningin sa bagong dating. Bernie Ashford. "Ang mga tuta ng palasyo." He added and raised his right arm. Natigilan ako noong mamataan ang itim na enerhiyang naroon sa kamay niya.

"Watch your words, asshole. Nasa teritoryo ka namin ngayon." pagbabanta ni Simon sa lalaki. Tahimik kong pinagmasdan si Bernia at ang dalawa pa niyang kasama ngayon. By just looking at them, alam kong hindi mga ordinaryong Xier ang mga ito. Kagaya ba sila ni Bernia na kayang gumamit ng dark magic?

Mahinang tumawa si Bernie kaya naman ay napabaling ako sa kanya. "What? This place will be ours soon kaya naman ay huwag ka nang magtapang-tapangan pa riyan!" He said wearing an annoying smirk on his damn face.

I scoffed and looked at him intently. "Oh, really?"

"Yes, Queen Shanaya," anito at mas lalong ngumisi sa harapan namin. Mukhang simula pa lang na magtagpo ang mga landas namin sa Plysia ay alam na nito kung sino talaga ako!

"At sa tingin mo ba'y papayag ako sa nais niyo?" I coldly asked him and summoned another weapon. "Sa tingin niyo ba'y papayagan ko kayong sirain ang kahariang ito?"

"Shanaya," tawag pansin sa akin ni Simon at humakbang ng isang beses. Tumayo ito sa tabi ko. "Huwag kang magpapadala sa mga salitang binibitawan nito."

Too late, Simon. Napopooot na ako ngayon sa Xier na ito! Ako ang kasalukuyang reyna ng buong Xiernia at karapatan kong magalit sa kung sino mang mapangahas na nais sumira sa kahariang pinahahalagahan ko!

Akmang susugurin ko na sana ang nakangising Ashford sa harapan ko noong mabilis akong natigilan sa puwesto. Napatingin ako sa paligid at gulat na tumitig sa enerhiyang unti-unting bumabalot sa katawan ko. Mukhang napansin din iyon ng mga kasama ko kaya naman ay naging ang alerto ang mga ito.

What is this? Is this my mother's magic? But... why?

"Shanaya!" I heard my mom called my name. But before I can even turn my head towards her direction, I heard her chant a familiar spell that makes my body cold as ice. "Veilrend's Lamentus!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga katagang binitawan niya. Alam ko kung anong klaseng spell ang tinuran nito. They taught me about it before and only royals like us can use and execute that special spell!

I can feel my body become numb and at the same time, unti-unting bumibigat ang aking mga mata. My eyes were half closed when I finally looked towards my mother's direction. Namataan ko ang galit sa mga mata at sa pagkumpas ng kamay nito, isang malakas na pagyanig na naman ang nangyari sa buong palasyo. Her power is overflowing right now! Mukhang galit na galit ito ngayon!

I wanted to call her, but I don't have enough strength right now. Mayamaya lang ay namataan ko ang marahang pagtango nito sa akin. Malungkot na ngumiti ang aking ina at iyon ang huling nakita ko bago tuluyang mabalot ng kapangyarihan nito ang buong katawan ko.

Why, mom?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top