Chapter 16: Order
Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko. My heart is beating so damn fast!
Malayo pa lang ay pansin ko na ang usok mula sa kung saang parte ng palasyo. What the hell is happening over there? Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kabayong sinasakyan ko at noong hindi na ako nakatiis pa'y binitawan ko ang taling hinahawakan ko at tumalon na mula rito.
"Queen Shanaya!" I heard Simon called my name. Ngunit wala na akong sapat na oras pa para lingunin iyon. Agad akong nagpalit anyo para naman mas mabilis na makarating sa palasyo! In just a few seconds, my body changed. I looked at my shoulders as my wings started to move. Nagpalutang-lutang ako sa ere at binalingan sila Simon.
"Mauna na ako sa inyo sa palasyo, Simon," mariing saad ko sa kanya at tuluyan nang lumipad patungo sa palasyo. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at mas binilisan ang paglipad.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kila Simon ay nakaramdam akong may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ko kanina at namataan si Ara. She changed her form too! "I'm coming with you," aniya noong tuluyang nakalapit ito sa akin. She looks so damn serious! Iyong tipong handa siyang makipagpatayan sa kung sino mang aalma sa nais nitong gawin ngayon! Hindi na lamang ako nagsalita at tahimik na tumango sa kaibigan. Nagpatuloy na ako sa paglipad at muling tiningnan ang daang patungo sa palasyo ng Xiernia.
Ilang milya na lang ang layo namin mula sa main gate ng palasyo noong matigil kami ni Ara sa paglipad. Pinagmasdan kong mabuti ang palasyo at noong biglang yumanig ang paligid, naging alerto ako sa paligid.
Kahit na lumilipad kami ngayon ay ramdam kong malakas ang pagyanig na iyon. Ang ilang mga puno sa paligid namin ay unti-unting nagsitumbahan! May mga narinig akong ingay at sigaw kaya naman ay napatingin ako sa ibaba namin.
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga Xier na naroon. Lahat sila ay tila natigil sa kung anong ginagawa dahil sa pagyanig ng paligid. Pinagmasdan ko sila nang maigi. May hindi pangkaraniwang suot sila na ngayon ko lang nakita1 Mayamaya pa'y nawala na ang pagyanig at nagpatuloy sa paglalakad ang mga Xier na namataan sa ibaba. Wala sa sarili akong napatingin sa daan tinatahak nila at napamura na lamang sa isipan noong mapagtanto kung saan sila patungo ngayon! They're marching towards the palace!
Napabaling ako sa palasyo at muling napatingin sa kasama. "Ito na nga ang ikinatatakot kong mangyari noon, Shanaya," seryosong saad niya. "It's them. The rumored rebels of Xiernia."
Napakurap ako at mabilis na napalingong muli sa palasyo. Segundo lang ay isang malakas na pagsabog naman ang narinig namin at muling nagpayanig sa paligid. "Damn it!" I cursed. "Ara, mauna ka na sa palasyo." I commanded her. At this rate, the palace needs someone like us to defend it! And Ara, being one of the best royal knights, alam kong kaya nitong protektahan ang palasyo!
"No, My Queen! Hindi kita iiwan dito!"
Napailing ako sa kanya. "You need to secure my mother's safety. Alam kong nanroon ang ama mo ngunit mas mapapanatag ako kung pati ikaw ay naroon din para sa kanya," seryosong wika ko sa kanya. My mom is a powerful Xier! I know she can handle herself, but I know her too well! Mas uunahin niya ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya! Kaya naman ay dapat lang may promotekta rin sa kanya!
"Shanaya, I'm not leaving you," muling saad ni Ara at inilingan ako.
"Please, just listen to me and go." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tiningnan ang mga Xier na ngayon ay malapit nang makarating sa main gate ng palasyo. "Pipigilan ko muna sila at kapag tapos na ako, susunod din ako sa'yo sa palasyo." Marahang akong tumango sa kaibigan. "Please, Ara. I need you to protect the former Queen. And... that's an order from your Queen." I don't to use this authority, but I don't have a choice. She's not listening to me! She needs to leave now!
Ara looked at me with disbelief. Alam kong disappointed ito sa naging desisyon ko. Alam kong ako ang priority niya bilang royal knight ngunit bilang isang kaibigan, alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang kaligtaasan ng aking mahal na ina. Seconds later, I saw her sighed. "Alright, I'll go." She finally agreed with me. "But you need to promise me that you'll be safe, Shanaya. Sa palasyo na kita hihintayin."
Tumango akong muli sa kanya. "See you at the palace." Tumango na rin ito sa akin at nagpatuloy na si Ara sa paglipad patungo sa palasyo. Pinagmasdan ko ito hanggang mawala siya sa paningin ko.
Please, be safe.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at matamang pinagmasdan ang mga Xier sa ibaba. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong bilang nila at wala na akong pakialam tungkol sa bagay na iyo. Rebellion, huh? "If they're here to ruin this kingdom, I'm going to make sure to stop and ruin them first," bulong ko sa sarili at mabilis na lumipad patungo sa kanila.
Noong tuluyan na akong nakalapit sa kanila ay mabilis kong ibinalik ang dating anyo ko. Nawala na ang mga pakpak sa likuran ko at mabilis na inilapat ang mga paa sa lupa. Gulat na ekspresyon ang namataan ko sa mga Xier na nasa harapan ko ngayon. Naging alerto ang mga ito sa biglaang pagdating ko at halos sabay-sabay na itinaas ang hawak-hawak nilang sandata.
Tahimik ko silang pinagmasdan at palihim na pinapakiramdaman ang lebel ng kapangyarihang taglay nila ngayon. "Going somewhere?" I coldly asked them.
"Kung narito ka upang pigilan kami, you're too late!" sambit ng isa sa kanila. "At nag-iisa ka lang!"
Napa-arko ang isang kilay ko. "So?" I looked at them intently. "I can handle..." I stopped and raised my finger and point them "...all of you kahit na mag-isa lang ako."
Naging mapanganib ang uri ng mga titig nila sa akin. Mukhang hindi nila nagustuhan ang mga salitang binitawan ko. Napailing na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. I summoned one of my swords and in an instant, nasa kamay ko na agad ito. Muling nagulat ang mga Xier sa harapan ko. A small smile escapes from my lips. I hold my sword tightly as I pointed it on their direction. "You need to defeat me first before you can reach the palace's main gate." I said firmly. "Iyon ay kung matatalo niyo ako."
Hindi kumibo ang mga rebeldeng Xier at mabilis na nagsikilos.
"Kill her!" Sigaw naman ng isa sa kanila at sabay-sabay na sumugod sa kinatatayuan ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at isinumon pa ang isa pang espada ko. Mabilis akong kumilos at sinangga ang mga atakeng ginawa nila sa akin.
Tumalon ako at agad na bumaling sa likuran noong may isang Xier ang palihim na umakyat sa isa sa mga puno at tinarget ako gamit ang pana nito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nag-summon ng ilang dagger at mabilis na inihagis iyon sa direksiyon niya. Pagkalapat muli ng mga paa ko sa lupa ay siyang pagkalaglag ng Xier mula sa puno. Sumigaw ito at dumaing habang hawak-hawak ang isang dagger na tumarak sa dibdib niya.
Muli akong kumilos at sabay na ikinumpas ang dalawang espada. Napangisi na lamang ako noong makita ang enerhiyang pinakawalan ng dalawang sandata ko. At sa pagtama ng enerhiyang iyon sa mga rebeldeng Xier, mabilis silang tumilapon at napadain na lang din noong bumagsak ang mga katawan sa lupa.
"She's too powerful!" rinig kong sambit ng isa sa kanila at sinubukang tumayo mula sa pagkakabagsak kanina.
"Nagsisimula pa lang tayo," saad naman ng lalaking nasa unahan nila. "Huwag kayong matakot sa kanya! Kill her!" Napailing na lamang ako sa tinuran nito. Kaya naman bago pa silang lahat makatayo at muling umatake sa akin, agad kong ikinumpas ang isang kamay at nagsumon ng mga sandata. Namataan kong natigilan ang mga kalaban ko at gulat na napatingin sa mga nakalutang na espada na ngayon ay nakatutok sa direksyon nila.
"I think I've heard this kind of ability," mahinang wika ng kasama nila at takot na bumaling sa kinatatayuan ko. "She's the current Queen."
Ipinilig ko ang ulo pakanan at pinagmasdan ang mga takot na ekspresyon sa mukha ng mga rebeldeng Xier. Muling kong ikinumpas ang isang kamay at mabilis na lumipad patungo sa kanila ang mga nakalutang na sandata. Agad namang nagsiluhod ang mga kalaban ko at inilapat ang mga ulo sa lupa. "Spare us, Your Highness!" rinig kong sigaw noong Xier na nakakilala sa akin kanina. "We're just following some orders! Hindi naming ginustong magtungo rito at manggulo!"
Natawa ako sa narinig. "That's funny," malamig na turan ko. "Hindi niyo ginusto ngunit kanina lang ay handang-handa kayong sumugod sa palasyo at nais niyo pang kitilin ang buhay ko." I shook my head and immediately activated my curse magic. Hindi na ako nag-abala pang magsayang ng lakas sa kanila. I chanted a spell and in just a few seconds, isa-isang nawalan ng mga malay ang mga rebeldeng Xier sa harapan ko. Hindi sila magigising hangga't hindi ko aalisin sa kanila ang mahikang ginamit ko. This is their punishment from the Queen of Xiernia. They're not going to die nor live a life they want to have.
"Just following an order, huh?" mahinang saad ko at muling binago ang anyo. Lumipad akong muli at tiningnan ang palasyo 'di kalayuan sa direksiyong kinaroroonan ngayon. "Kung sino mang nag-utos sa mga Xier na ito ay tiyak na nasa palasyo na ngayon." I said and closed my fists firmly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top