Chapter 15: Escaped

I mentally cursed noong mapagtantong napalibutan na kami ngayon ni Kate ng mga miyembro ng Ashford family.

Simon's currently facing Bernie samantalang abala ngayon si Ara kay Paulina na mukhang nais makagante sa ginawa ng kaibigan ko sa kanya kanina. At kami ni Kate? Kaming dalawa ang naging target ng ibang Xier na kasama namin sa loob ng silid. They focused on us when they witnessed how strong Simon and Ara earlier!

"Are you okay, My Queen?" Pabulong na tanong nito sa akin. Magkaharap ngayon ang mga likod namin. Ramdam ko ang paghingil nito sa walang tigil na pag-atake kanina sa amin ng mga tauhan ni Bernie.

I sighed and held my swords tightly. "I'm good," simpleng tugon ko sa kanya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang mga kalaban namin ngayon. Kung tutuusin ay nasa middle-level lang ang mga lakas nila. Compared to Bernie and Paulina, these Xiers are less powerful. Sadyang marami lang sila at hindi ko magawang makipaglaban nang maayos dahil kailangan ko ring tulungan si Kate. She can fight, yes, but I know that she can't win against her opponent!

"Iyon na ba ang kayang gawin ng mga represantante ng palasyo?" One of the members of Ashford family asked then laughed while looking at us. Maging ako ay natawa nang bahagya sa sinabi niya. So, they actually believed that were just a representative from the palace, huh?

"Watch your mouth, fool!" galit na saad ni Kate sa nagsalita.

Tumawa muli ang lalaki at itinaas ang kamay na may hawak na sandata. "What? Totoo naman, ah! Iyon lang ba ang kaya niyong dalawa? At ikaw naman Kate! Talaga bang gusto mo nang sumunod sa pamilya mo?" He laughed again.

Mabilis na umalma si Kate at noong akmang susunod na sana itong muli noong hinawakan ko ito sa braso para pigilan sa nais gawin. "You're wasting too much energy with these underlings, Kate. Alalahanin mo, kakaharapin mo pa si Bernie," wika ko na siya ikinabaling niya sa akin.

I know she wanted revenge for her family. Defeating Bernie Ashford will give her the revenge she's aiming for. I'll give it to her. Kahit na gusto kong pagbayarin ang lalaking iyon sa lahat ng masamang ginawa niya sa village na ito, Kate deserves to do it. Mas malaki ang kasalanan nila sa pamilya ni Kate at hindi ako manghihimasok sa nais nitong gawin kapag tuluyang ma-corner na ni Simon ang Ashford na iyon. And I know that I shouldn't decide this matter without counseling first with the ministers of the palace, and of course, with my mother, the former Queen of our kingdom. Xiernia has rules to follow. But I, the current Queen of Xiernia, is also a rule in this kingdom. At nakapagdesisyon na ako sa kung anong maaaring mangyari pagkatapos ng labang ito!

Inilibot ko ang paningin sa buong silid. Abala pa rin ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang laban. The way their swords clashes, ramdam na ramdam ko ang lakas ng bawat atakeng binibitawan nila. Mukhang nakahanap ng katapat si Simon at Ara sa lugar na ito! Napailing na lamang ako at itinuon muli ang atensiyon sa mga nakapalibot sa amin ngayon ni Kate.

I need to finish this battle now. Maliban sa pamilyang ito, kailangan naming humarap sa mga Xier na naninirahan sa village na ito. Hindi dapat maubos ang oras namin sa labang ito! I shook my head then closed my eyes and concentrate. "My Queen," rinig kong tawag muli sa akin ni Kate ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Iginalaw ko ang kaliwang kamay at kusang nawala roon ang hawak na espada. "Yveruos Feuro" I chanted inside my head and opened my eyes again. At sa muling pagkumpas ko ng kamay, isang kakaibang enerhiya ang bumalot sa buong silid na kinaroroonan namin.

Naramdaman kong natigilan ang lahat sa loob ng silid. Bumaling sa gawi ko sila Simon at mabilis na napagtanto ang kung anong nangyayari ngayon. Seconds later, blue lines started to draw on the room's floor. Napatuon doon ang pansin ng lahat. Takang napatingin sa sahig ang mga Xier na nakapalibot sa amin kaya naman ay napangisi na lamang ako.

Mayamaya lang ay nabalot na ng asul na mga linya ang buong silid at mula sa mga linyang iyon, may kulay asul na usok ang unti-unting lumalabas doon. "What the hell?" mahinang bulalas ni Kate sa tabi ko. "My Q-Queen... Ano iyang mga linya at usok na iyan?"

Hindi na ako nagsalita pa at bumaling na lamang sa puwesto ni Bernie at Simon. I saw how Bernie panicked, and I bet he recognized this kind of magic. After all, he's a dark magic user. "That's a curse magic! Damn it!" rinig kong sigaw ni Bernie na siyang ikinagulat ng lahat. Mabilis na lumayo sa linya ang mga Xier na nakapalibot sa amin at pilit na iniwasan ang linya at ang usok na lumalabas mula roon. Napangisi ako at muling ikinumpas ang kamay upang mas palakasin pa ang mahikang ginawa kanina.

Bernie lost his focused on his own battle because of what I've done. And Simon, well, being the cruel Simon, he didn't waste any second and attacked Bernie. He simultaneously slashed his sword and used his magic and didn't even bother to stop until he finally cornered and managed to hit a fatal wound to Bernie Ashford.

"Bernie!" malakas na sigaw ni Paulina noong makita ang sitwasyon ng kapatid at akmang tatakbo na sana ito patungo sa direksiyon ng dalawa, mabilis ko itong pinigilan.

"Stop." I whispered and moved my hand and pointed it towards Paulina.

Agad namang natigil sa pagkilos si Paulina at gulat na napatingin sa mga paa niya. "The hell!" She screamed again. "Bernie! Damn it! I can't move!" Napailing na lamang ako at ikinumpas muli ang kamay. Sa pagkakataong ito, sa ibang miyembro ng Ashford family ko na ito itinutok. Namataan ko ang gulat at kalituhan sa mga mata nila. They don't know what to do now. They wanted to stay away from the blue line I've created earlier but they can't even move and control their own body.

At sa muling pagkumpas ng mga kamay ko, alam ko na kung ano ang susunod na gagawin ko sa kanila. "Kneel." I whispered again and with that, lahat sila ay napaluhod, maging si Paulina ay napaluhod din at gulat na napatingin kay Ara na ngayon ay naglalakad papalapit sa puwesto niya. She kept on trying to move her body and she failed instantly. She can't do anything to break the curse I created. No one can dispel this curse magic unless I commanded it to disappear.

It was one of my hidden powers that I discovered during my lecture days with Lady Lou. And I don't have a freaking idea I possess this curse magic! Maging siya ay nagulat noong malamang taglay ko pala ang kakayahang ito!

Tanging si Bernie na lamang ang natitirang nakatayo sa kanila. Galit itong bumaling sa akin at mukhang alam niya ako ang may kagagawan sa mga nangyayari sa miyembro ng pamilya niya. Itinutok naman ni Simon ang espada niya sa leeg ni Bernie Ashford. One wrong move from him, I'm pretty sure Simon will cut his head. "Who the hell are you?" galit na tanong ni Bernie habang nakatingin pa rin sa akin.

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. 'Yrebrye Coisteneys' I chanted again and the blue lines I've created earlier becomes red and the Xiers around us screams in horror. "Ahhh! Bernie! Make her stop!" sigaw ni Paulina sa kapatid. Ngayon ay namimilipit na ito sa sakit habang nakaluhod pa rin.

"No one can stop her, bitch!" wika ni Ara dito at mas inilapit ang talim ng espada sa leeg ng babae. Mariing napapikit na lamang ng mga mata si Paulina at muling sumigaw dahil sa matinding sakit na nanunuot sa buong katawan nito.

"You asked me if who the hell I am, right?" I coldly asked and walks towards Simon and Bernie. "Freeze." I said then Bernie instantly froze from where he's standing. Even his breathing becomes abnormal. Ibinaba ni Simon ang nakatutok na espada kay Simon at humakbang ng isang beses paatras. Hinayaan niya akong makalapit kay Bernie at tahimik na tumayo sa likuran ko. "I'm Shanaya," muling pagpapakilala ko sa kanya. "Nakalimutan mo ba agad iyon?"

"D-Damn you!" Nahihirapang sambit niya sa harapan ko.

Muling kumilos si Simon at agad na itinutok ang talim ng espada niya sa may leeg ni Bernie. "Kanina pa talaga ako nagtitimpi sa'yo!" galit na turan ng kaibigan ko. Now, another monster is mad. "Isang mali at hindi magandang salita mo pa sa reyna ay paniguradong hihiwalay na ang ulong ito sa katawan mo!"

Nabalot nang katahimikan ang kaninang maingay na silid dahil sa sigaw at daing ng mga miyembro ng Ashford family. Napailing na lamang ako at muling itinuon kay Bernie ang atensiyon. "R-Reyna? You're t-the Queen?" Nahihirapang tanong pa rin nito sa akin.

'Psuederie Quentous' I chanted again. This time, Bernie gasped some air. Napaubo pa ito at mabilis na napahawak sa may leeg niya. Napasinghap muli ito na tila ba nanggaling siya mula sa pagkakalublob sa tubig. I just released him from my curse magic. With his current condition, he can't do anything now. Even without my magic, he's already done and defeated.

"Kate." Tawag ko sa pangalan nito. Agad naman nagtungo si Kate sa kinaroroonan ko. "He's all yours," saad ko sabay talikod kay Bernie Ashford. Nagsimula na akong maglakad palabas ng silid. I'm done here. Tapos na ang trabaho ko at ngayon ay sila na ang bahalang tapusin ito. At bago pa man ako tuluyang makalabas sa silid, muli akong bumaling sa mga miyembro ng Ashford family. I sighed and moved my hand hand. "Sleep." I whispered and opened the door behind me.

Pagkalabas ko ng mansyon ng mga Ashford ay tumambad sa akin ang mga Xier ng Plysia at ang mga kasama naming royal knights. Naroon din si Tanya at mabilis na napaayos nang pagkakatayo noong mamataan ako. Ganoon din ang ginawa ng ibang Xier. They looked very hopeful and at the same, may takot din na nakaguhit sa mga mukha.

"Everyone!" Tanya loudly said. "Bow down our heads. Hail to our Queen!"

Natigilan ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. Mataman kong tiningnan ang mga Xier na nakayukod sa harapan ko.

"Hail to our Queen!"

"Hail to our Queen!"

"Hail to our Queen!"

Paulit-ulit nilang sinambit ang linyang iyon. Mayamaya lang ay natigil ang mga ito noong makarinig ng isang malakas na sigaw mula sa loob ng mansyon ng mga Ashford. Naalarma naman ako at napabaling sa pintong dinaanan kanina.

"Queen Shanaya!" Namataan ko si Ara na nagmamadaling lumabas sa mansyon. Nasa likod nito sila Simon at Kate. They looked so serious. Tila ba'y may hindi magandang nangyari sa kanila noong lumabas ako sa silid kanina. Mabilis na kumunot naman ang noo ko noong sabay-sabay silang lumuhod sa harapan ko.

"Queen, Bernie Ashford disappeared." Imporma ni Simon sa akin na siyang ikinagulat ko. "He vanished in front of us."

"W-What?"

"He used his dark magic and escaped, My Queen." Ara added and cursed under her breath.

I bit my lower lip. Damn it! It was my fault! Dapat ay hindi ko na dinispel ang curse magic ko kanina! I totally forgot about his dark magic! Napailing na lamang ako dahil sa pagkadismaya sa nangyari at tumingin sa mga Xier ng Plysia. I took a deep breath before speaking up. "Listen everyone. From now on, Ashfords are no longer the leader of this village." Wala ni isang tumutol sa tinuran ko. "I'll let you choose and pick the rightful one to be the next leader of Plysia. But this time, I hope no one will ever, like never, do the same thing that the Ashford family done to this village."

Lumingon ako sa tatlo na hanggang ngayon ay nakayukod at nakaluhod pa rin. I sighed again. "Tumayo na kayo." I commanded them. "We're going back to the palace," dagdag ko pa at nagsimula nang maglakad sa daang tinahak namin kanina.

I have this bad feeling inside me right now that I can't explain! I don't to think negative thoughts, but I can't stop it! The moment I've heard that Bernie escaped, I immediately know that something was not right. Na dapat ay wala kami sa lugar na ito ngayon. Na dapat ay nasa palasyo ako ngayon!

"Queen Shanaya!" I heard Ara called me. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

I need to return to the palace! I need to be there right now!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top