Chapter 14: Against

Natigil kami sa paglalakad noong nasa tapat na kami ng isang malaking pintuan. Tahimik kong pinagmasdan iyon sa harapan ko. Mayamaya lang ay nakaramdaman ako ng kakaibang enerhiya kaya naman ay naging alerto ako. I closed my eyes and tried to identify what kind magic I felt earlier.

"You'll gonna pay for this!" seryosong wika ni Paulina na siyang ikinamulat ko ng mga mata ko. Binalingan ko ito at walang emosyong tiningnan.

"Oh, please! Nasabi mo na iyan kanina sa amin! Just shut up and open this damn door, okay?" mariing saad ni Ara at itinulak si Paulina patungo sa may pinto. Galit na tumingin si Paulina kay Ara noong muntik na itong sumubsob sa pinto. Nagkibit-balikat naman ang kaibigan ko at itinutok sa babae ang hawak na espada. "Open it," serysong utos muli ni Ara.

Wala nang nagawa pa si Paulina. Mukhang alam nitong hindi magdadalawang-isip si Ara na saktan siya kapag hindi nito sinunod ang nais ng kaibigan ko. Kaya naman noong humarap si Paulina sa may pinto at hinawakan ang door handle nito, napaayos ako nang pagkakatayo. Nanatili naman ang paningin ko sa harapan namin, and when the door was finally open, bumungad sa amin ang iilang ng mga Xier na tila hinihintay ang pagdating namin sa lugar na ito.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga nasa silid. Sampung Xier ang nasa harapan namin ngayon at sa gitna nila ay isang lalaki na prenteng nakaupo at matamang nakatingin sa gawi namin. I stay still and silently looked at him. He's Bernie Ashford. I'm a hundred percent sure of that!

"Damn it! Bernie!" Paulina shouted her brother's name and immediately ran towards him. Hinayaan naman ito ni Ara at lumapit na sa akin. Tumango ako sa kaibigan at muling pinagmasdan si Bernie Ashford. Pagkalapit ni Paulina sa kapatid ay mabilis itong yumukod at bumulong. Mukhang nagsusumbong na ang isang ito sa kapatid niya! Segundo lang din ang lumipas at unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Bernie at galit na tumingin sa amin.

"Who are you?" Tanging tinig niya ang namayani sa buong silid. Pinagmasdan ko silang lahat. Labing-isa na sila ngayon, kasama si Paulina. Palihim naman akong tumingin sa mga kasama ko. Simon, Ara and Kate. Nice. We're outnumbered!

Humakbang ng isang beses si Simon at ngayon ay nasa unahan na namin. Nanatili naman sa kani-kanilang puwesto si Ara at Kate. "We're from the palace," seryosong saad ni Simon.

Napailing si Bernia at marahang tumawa. "Palace? Really?" Mayamaya lang ay nawala ang tawa nito at napalitan ng madilim na awra. He intently looked at us. Then, natuon ang buong atensyon nito kay Kate na nasa tabi ko. And just in a blink of an eye, isang patalim ang mabilis na lumipad patungo sa direksyon nito. Napaawang ang labi ko at mabilis na kumilos. I immediately summoned something to block his attack. Isang steel shield ang napili ko at agad na sinangga ang patalim na inihagis ni Bernie Ashford bago pa man ito tumama sa mukha ni Kate.

Tanging ingay nang nahulog na sandata ang umalingawngaw sa buong silid na kinaroroonan namin ngayon. Ara moved and guarded me immediately. Itinaas nito ang hawak na espada at seryosong tiningnan ang mga Xier sa unahan namin. Nilingon ko naman si Kate sa likuran ko at namataan ang gulat na ekspresyon nito sa mukha.

"W-Where did you get that?" She asked while looking at the steel shield I'm currently holding. Hindi na ako nag-abalang sagutin ito. Ibinaba ko ang kanang kamay at sa isang pagkumpas nito ay nawala ng parang bula ang shield na ginamit kanina.

Umayos ako nang pagkakatayo at humarap muli sa mga Ashford. Bahagyang lumingon si Simon sa akin at matamang tiningnan ako. Segundo lang iyon at muling tumingin sa harapan namin kung saan naroon ang mga kalaban. "Are you okay?" I heard him asked.

Wala sa sarili naman akong tumango. "Yes. Ayos lang ako," simpleng sagot ko. Inihakbang ko ang mga paa at nilagpasan ito. Sa pagkakataong ito, ako na ang nasa unahan ng mga kasama ko "Ashford family," seryosong saad ko at tiningnan si Bernie. Mayamaya lang ay tinanggal ko ang pagkakasuot ng balabal sa ulo ko. Ngumiti ako at bahagyang ipinilig ang ulo pakanan. Wala ni isa sa miyembro ng pamilyang Ashford ang kumibo sa pwesto nila. Maging si Paulina ay hindi gumawa ng kahit anong ingay sa kinatatayuan niya. Tanging matatalim na tingin lamang ang nakuha ko mula sa kanila. "I'm Shanaya." Pakilala ko at umayos nang pagkakatayo. "We're the representatives sent by the palace."

Kumunot ang noo ni Bernie habang nakatingin sa akin. "Shanaya, huh?" He carefully uttered my name. "I think I've heard your name before... Shanaya."

Fool. That's your Queen's name!

"Naparito kami upang ayusin ang gulong mayroon ngayon sa buong Plysia." I calmly said. Fine. I guess I need to try to have a proper conversation with him. Wala namang mawawala sa akin kung susubukan kong makipag-usap sa Xier na ito!

Ngunit agad na naglaho ang pag-asang mayroon ako noong makita ang pagngisi ni Bernia Ashford sa akin. "Ayusin?" tanong niya at natawa. Ganoon din ang iilang kasama niya. What's funny? Tiningnan ko sila isa-isa. Maliban sa iritadong si Paulina, halos lahat sila ay tumawa noong tumawa si Bernie kanina. "Wala kayong dapat ayusin dito sa Plysia, Shanaya. Everything's fine here. Maayos naman ang pamamalakad namin sa lugar na ito. Not until that girl." He said then pointed Kate. He glared at her. "That stupid girl tried to bully and harm my little sister!" Bumaling naman ito kay Paulina na siyang ikinataas ng isang kilay ko.

"Is that so?" I asked and looked at Kate. Seryoso pa rin ito at tila gusto nang kumilos at atakihin ang mga Ashford na nasa harapan namin ngayon. Muli akong bumaling sa kausap at nagpatuloy sa pagsasalita. "Kate was the daughter of the former leader of Plysia." Mabilis kong napansin ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Bernie. "The former leader who was killed brutally."

"Ano ngayon ang pinupunto mo?" Paulina suddenly asked. Napatingin ako sa gawi niya at pinagmasdan ito nang mabuti. "Na kami ang may pakana sa pagkamatay ng naunang lider ng Plysia?"

"Wala akong sinasabing ganoon." A small smile escaped from my lips. "At hindi rin naman sumagi sa isipan ko na kayo ang may kagagawan tungkol sa bagay na iyon. Hindi nga ba, huh, Paulina?"

Mas lalong naging mapanganib ang titig ni Bernie sa akin. Marahas na humugot ng isang malalim na hininga si Paulina at noong magsasalita na sana itong muli, humakbang ako ng isang beses na siyang ikinatigil nito. "Tell me, Bernie Ashford." I said and looked at him. "Ito ba ang pamumunong nais niyo sa village na ito? To kill innocent people to satisfy your what? Tell me. I want to know the reason behind all the mess you've done so far to this village."

"Ano naman ang mapapala ko kung saagutin ko ang mga walang kuwentang tanong mo?" He coldly asked me.

Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Maybe a forgiveness and a second chance from the Queen of Xiernia," kalmadong sagot ko naman sa kanya.

Biglang humalakhak si Bernie sa sinabi ko at tumayo na mula sa kinauupuan nito. Naging alerto naman ang mga kasama ko at mabilis na lumapit sa akin. "We don't need that, Shanaya! Plysia doesn't need the palace or the Queen! Kaya ng Plysia kahit wala ang kahit ano mula sa palasyo!" mariing saad niya na siyang ikinailing ko naman.

"Bernie Ashford," mahinahong pakikipag-usap ko pa rin sa kanya. "Plysia is a part of Xiernia and you can't do anything about that. Sa ayaw at sa gusto mo, makikialam pa rin ang palasyo sa kung anong mayroong gulo sa village na ito. Lalo na't pumapatay kayo ng mga kapwa niyo Xiers para lamang panatilihin ang posisyon niyo sa buong Plysia."

"And you think that we'll cooperate? Think again, Shanaya. Hindi kami basta-bastang mapapasunod ng sino man. Lalo na kung nanggaling iyon sa kagaya niyong tuta ng reyna!"

"We came here hoping you'll cooperate with us." I said, ignoring his last remarks. "And if you don't listen and stubbornly ignore our presence, the best advise that I can give you is to leave the position as the leader of this village."

Biglang nagdilim ang mukha ni Bernie sa sinabi ko. I can feel the pressure between us. Mukhang hindi nito nagustuhan ang naging suhestiyon ko sa kanya. Lumakad paabante si Bernie Ashford. Hindi naman ako kumilos sa kinatatayuan ko at matamang tiningnan lamang ang galit na ekspresyon nito sa mukha.

"Careful, My Queen." Kate whispered to me. Bahagya pa akong nagulat dahil sobrang lapit na pala nilang tatlo sa akin! "Bernie is known of using some dark magic," dagdag nito na siyang ikinatigil ko. Dark magic? A Xier can use that forbidden magic? "But I never saw it. Hindi ko pa ang kung anong kayang gawin ng lalaking iyan. Ang tungkol lang sa bagay na iyon ang impormasyong mayroon ako ngayon."

Pasimple akong tumango habang na kay Bernie Ashford pa rin ang paningin. "Queen," rinig kong tawag naman sa akin ni Simon ngunit hindi ko ito kinibo.

I know about the dark magic. It's a rare and forbidden magic from the outside world. Pinagbabawal na gamitin ito sa Tereshle but it also considered as gift to those Tereshlian who possesses this kind of magic! Ang sabi pa sa akin noon ni Lady Lou ay nakadepende na rin sa may-ari ng kapangyarihan kung paano niya gagamitin ang kakaibang mahikang ito!

"You'll never get out of this room alive," seryosong pagbabanta ni Bernie Ashford sa amin.

"Is that so?" rinig kong saad ni Simon at pumuwesto na sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang paggalaw ni Ara kaya naman ay alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari sa silid na ito.

"Kagaya ba nang ginawa niyo sa aking ama? Sa pamilya ko?" Kate coldly said then ready her sword. "No. This is the end of your family, Bernie. Dito matatapos kasamaan niyo sa buong Plysia!"

"You can't stop us, Kate. Wala kang nagawa noon kaya naman natitiyak kong wala ka ring magagawa ngayon!" Paulina screamed and ready her weapon. Mabilis na nagsikilos na rin ang ibang kasama nila at tumayo sa likuran ni Bernie.

Napabuntonghininga na lamang ako at umayos nang pagkakatayo. "Is this a rebellion against the palace? Against the current Queen of Xiernia?" I carefully uttered those words. One wrong answer, then they're done. Ngunit imbes na sagutin nito ang tanong ko ay sumugod na sila patungo sa kinatatayuan namin. Well, I guess that was his answer.

I didn't waste any second. I immediately summoned my twin swords and ready myself for battle.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top