Chapter 13: Ashford

Katahimikan ang sumalubong sa amin lahat pagkapasok namin sa Plysia.

Pinakiramdaman ko ang buong paligid. At first, wala akong naramdamang kakaiba. Well, that's weird. Nanatili akong tahimik at pinakiramdaman nang mabuti ang buong village. I took a deep breath and concentrate. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sentro ng Plysia.

"This place is now ruled by them," rinig kong sambit ni Kate na ngayon ay nasa malapit ko na pala. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy sa pagmamasid. "Ito ang pinaka sentro ng Plysia at dito sila namamalagi ngayon."

Tahimik kong tiningnan ang sentro ng Plysia. Sa unang tingin, masasabi mong isang normal na bayan lang ito. Well, it was really a normal village before not until the Ashford came and ruled the whole village. Nagpatuloy ako sa pagmamasid hanggang sa mapansin ang mga Xier na naninirahan sa lugar na ito. May mga iilang taga-Plysia ang napapahinto sa ginagawa nila noong mamataan kami. Ang iba naman'y tila gustong maiyak dahil sa presensya namin ngayon sa village nila. These people badly need help. Kahit sino, basta matulungan lamang sila. Gusto nilang humingi nang tulong pero hindi nila kayang ipagsigawan ang daing nila dahil sa takot sa pamilyang kasalukuyang namumuno sa buong Plysia.

Sa loob ng dalawang taon bilang reyna, ngayon lang ako lumabas sa palasyo upang bumisita sa isa sa village ng Xiernia. At talagang nakakadurog lamang ng puso na ganitong sitwasyon pa ang masasaksihan ko sa village na ito. This is a big failure for me. Wala akong alam sa naging paghihirap nila at ngayon, looking at the Xiers, almost crying when they saw the royal mark on our knight's armor suit, alam kong hindi pa ako huli para punan ang pagkukulang ko bilang reyna nila.

"Kate!" Napalingon kami sa isang babaeng tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin. Agad nitong nilapitan si Kate at mabilis na niyakap. Mataman kong tiningnan ang babae. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang panginginig nito. And she looks pale, too. Mayamaya lang ay humiwalay ito sa pagkakayakap kay Kate kaya naman ay napansin ko rin ang kung anong mayroon sa suot nitong damit.

It's blood. Puno ng dugo ang kasuotan nito! What happened to her?

"Tanya, calm down. Tell me what happened," mariing wika ni Kate at tiningnan ang kabuuan ng babae. Mabilis na gumuhit ang galit sa mukha nito at muling niyakap ang babae.

"T-They killed them, Kate! They killed my entire family!" Malakas na wika nito at umiyak na. Natigilan ako at hindi inalis ang paningin sa umiiyak na Xier. Mabilis na inalo ni Kate ang kaibigan nito at tiningnan ako. She's crying, too. The pain and anger in her eyes were visible. At noong mas lalong lumakas ang iyak ng kaibigan ni Kate, mariin kong ikinuyom ang mga kamao at inayos ang suot na balabal sa ulo. Napayuko ako at mabilis na ikinalma ang sarili.

Control your emotion, Shanaya!

"Where are they?" malamig na tanong ko. Napatingin naman ang lahat sa akin. Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ang kaibigan ni Kate. "Tell me. Nasaan sila ngayon?"

"Kate... Sino s-sila?" nahihirapang tanong ni Tanya at muling humiwalay sa pagkakayakap ng kaibigan. "Kate-"

"They will help us," sagot ni Kate at muling tiningnan ako.

Mayamaya lang ay lumapit si Ara sa akin. She leaned closer to me and whispered something. "What's the plan?" she asked me.

Mas dumiin ang pagkakakuyom ko sa mga kamao ko. Sa totoo lang ay wala nang matinong plano sa isipan ko ngayon. Bago pa man kami umalis kanina sa palasyo, isa lamang ang pakay ko sa lugar na ito at iyon ang kausapin ang lider ng Ashford family. Ngunit sa mga nangyayari ngayon, natitiyak kong walang pag-uusap na magaganap sa pagitan naming dalawa. Masyado na nilang inabuso ang kapangyarihang mayroon sila bilang bagong chief ng Plysia. And a simple conversation will definitely not settle the mess they've made with the Xiers of this village!

Kate and Tanya lead the way towards the Ashford family. At habang tinatahak namin ang daan patungo sa kanila, may naririnig akong Xier na nagpapasalamat sa amin. Gustuhin ko man silang kausapin ay mabilis kong pinigilan ang sarili ko. I can't expose myself right now. Hindi pa namin nakakaharap ang mga Ashford kaya naman ay kailangan kong mag-ingat!

Sa harap ng isang malaking mansyon kami tumigil. Nasa unahan namin ang dalawang babae samantang nasa likuran nila si Simon at ang iilang kawal na kasama namin. Ara is with me, ni hindi ako nilubayan ng isang ito! Gusto ko sanang tanungin siya kung ano ang napansin niya kanina sa sentro ngunit wala na akong panahon para gawin iyon!

"We're here," anunsyo ni Tanya at humawak sa braso ni Kate. She's still shaking. Nababalot pa rin ng takot ang isang ito.

Pinagmasdan ko nang maigi ang kabuuan ng mansyon. Malaki iyon kumpara sa mga bahay na narito sa sentro ng Plysia. Ipinilig ko ang ulo pakanan at naramdam ang kakaibang kapangyarihang nagmumula sa loob ng mansyon. Mayamaya lang ay kusang bumukas ang malaking gate sa harapan namin at bumungad sa amin ang dalawang lalaki at sa gitna nila ay isang nakangiting babae. Mabilis na naging alerto ang mga kasama ko. Agad namang nagtago sa likuran ni Kate si Tanya.

The girl laughed and looked at us. "Hindi ako nasabihan na mayroon pa lang bisita ngayon ang Plysia!" saad ng babae at tumitig sa royal mark na naroon sa suot ng mga knight na kasama namin. Umiling ito at binalingan si Kate na nasa harapan niya. "Oh, you poor little Kate. Hindi ka pa rin ba natututo? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko noon para umatras ka at manahimik na lamang? Hah?" She smirked and laughed while playing the tip of her hair. Napa-arko ang isang kilay ko dahil sa mga naririnig mula sa babae. Who the hell is this woman? Parte ba ito ng Ashford family?

Sa pagkakataong ito ay tumingin sa gawi ko ang babae. Umayos naman nang pagkakatayo si Ara at mas naging alerto. "At talagang nagdala ka pa ng mga bagong kakampi mo." She looked around and smile again. Inisa-isa niya kaming tiningnan at muling tumawa na siyang ikinakunot ng noo ko habang pinagmamasdan ito. "From the palace, huh?"

Minsan ay gusto kong matuwa dahil hindi ako kilala ng ibang mga taga-Xiernia. Tanging ang mga nasa matataas na posisyon lamang ang may pagkakataong makita ang isang reynang tulad. The fact na inagaw lang ng mga Ashford ang pamamalakad sa buong Plysia, malamang sa malamang ay ni isa sa kanila ay 'di pa nakakapunta ng palasyo! Ni isa sa kanila ay hindi alam kung ano ba ang itsura ko!

"Can we talk to Bernie?" seryosong tanong ni Kate na siyang ikinatigil ng babae. Umiling ito at muling ngumisi sa harapan namin. Maariin kong ikinuyom ang mga kamao at nagpipigil ng emosyon. Tumingin ako kay Ara at hindi na ako nagulat pa na noong mamataang nakatingin rin ito sa akin. Simpleng tumango lang ako na siyang mabilis na nakuha naman ni Ara ang ibig sabihin ko.

She knows what to do.

And in just a blink of an eye, nasa tabi na ng babae si Ara. Nakatutok na sa bandang leeg ng babae ang espadang sinumon gamit ang kapangyarihan ko. Maging si Simon ay kumilos na rin at ngayon ay nasa likod na ng dalawang lalaki na kasama ng babae. He forcefully stopped them from moving and managed to make the two men kneel in front of us.

Natigilan ang lahat sa nangyari. Kita ko ang gulat at panlalaki ng mga mata ng mga Xier nasa harapan namin ngayon. "Sino ba kayo?" inis na tanong ng babae. Ang kaninang ngiti sa labi nito ay nawala na. Sinubukan nitong kumilos ngunit mabilis siyang ipinirmi ni Ara. One wrong move and she's done.

Napailing na lamang ako at nagsimulang kumilos. Agad naman naging alerto ang mga kasama naming kawal at sumunod sa akin. Tumigil ako sa tapat ng babae. Tiningnan ko ito at bumaling sa nakabukas na gate ng mansyon ng pamilyang Ashford. I sighed and looked at her again. "Lead us to your leader." I commanded.

"And why would I do that?" galit na tanong nito sa akin. Muli itong sumubok na kumawala sa pagkakahawak ni Ara ngunit idiniin lamang ng kaibigan ko ang espadang hawak niya.

Masama ko itong tiningnan. "Susundin mo ang tinuran ko dahil iyon ang nais ko," seryosong sambit ko sa babae. "You only have two options here. Lead us to your leader or just fucking die." I coldly said and Ara pressed harder the sword's blade on her neck.

Hindi ito kumibo kaya naman ay mas idiniin pa ni Ara ang pagkakalapat ng talim ng espada sa leeg nito. "Fuck you!" she cursed and screamed. "You'll regret messing with us!"

Natawa si Ara at inilapit ang mukha sa galit na babae. "Stop wasting our time and just lead us to your leader!" Pinaayos nito nang pagkakatayo ang babae at nginisihan ito. "Be a good Xier. Kahit ngayon lang," dagdag pa ni Ara at muling sinugatan ang leeg ng babae. Napadaing itong muli at marahas na napamura na lamang.

Napailing ako. Mayamaya ay binalingan ko ang mga kasamang kawal. Inisa-isa ko silang pinagmasdan "You'll stay here." I said to them. Taka naman silang tumitig sa akin. "All of you."

Hindi sila umimik pa sa sinabi ko at nagsitanguhan na lamang.

"We'll be back," muling wika ko at binalingan si Kate at Tanya. "Kate, please join us, and you," saad ko at itinuon kay Tanya ang paningin. "Do me a favor. Samahan mo ang ibang royal knight at magtungo kayo sa mga Xier na kailangan nang tulong." Namataan kong napalunok si Tanya at mabilis na tumango sa akin.

Hindi na ako muling nagsalita at bumaling naman sa puwesto ni Simon. Walang imik akong tumitig sa dalawang lalaking nakaluhod sa harapan niya at napagdesisyunang mas makakabuting hindi na sila makakagawa ng kahit anong gulo rito sa Plysia. Dytirues. I chanted a spell inside my head at tinaas ang kanang kamay. Segundo lang ay humandusay na ang dalawang lalaking nasa harapan ni Simon. "Let's move," mabilis na wika ko at nagsimula na kaming pumasok sa mansyon ng pamilya Ashford.

Nasa tabi ko si Kate at Simon. Samantalang si Ara naman ay nasa unahan namin at halos kaladkarin na nito ang babaeng hawak niya ngayon. "That's Paulina." Narinig kong sambit ni Kate habang tinatahak namin ang daan patungo sa main door ng mansyon. Paulina? Is she referring to that poor Xier that Ara's currently dragging? "She's Bernie Ashford's sister."

Sister, huh?

Napailing na lamang ako at napahugot ng isang malalim na hininga. So, wala na talagang masinsinang usapan ang magaganap sa pagitan namin at ng pamilyang Ashford. We've already hurt and threatened their family members. At sa asal pa lang nitong Paulina, natitiyak kong mas masahol pa ang pag-uugali ng kapatid nito.

Bernie Ashford... Oh, I can't wait to meet you and end your evil deeds in this once peaceful village!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top