Chapter 12: Monster
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago kumatok at pumasok sa silid ng aking ina. Tahimik kong inihakbang ang mga paa at tinawag iyon. "Mom."
Mabilis namang nag-angat nang tingin ang aking ina at isinara ang librong binabasa nito ngayon. Ngumiti ito sa akin at noong makita ang seryosong ekspresyon ko sa mukha, mabilis na kumunot ang noo nito. "What is it, my Queen?" tanong niya habang papalapit ako sa kanya.
I sighed and sat beside my mother. "We're going to Plysia," maingat na wika ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mga mata nito. Tila ba'y hindi niya makuha kung ano ang dahilan kung bakit kailangan kong lumabas ng palasyo. "I need to see the current situation of the village, mom." Simpleng paliwanag ko sa kanya.
Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang walang nagsabi sa akin sa totoong sitwasyon ng Plysia. They kept it to me, and I'm pissed because of it! Siguro nga'y isa iyon sa dahilan kung bakit nais kong ako mismo ang magtungo roon. Nais kong ako mismo ang makasaksi sa nangyayari sa isa sa village na sinasakupan ko.
I wanted to seek some advice from my mother, but I know that this is not the right time. We need to leave the palace as soon as possible!
"Shanaya." Bigla akong natigilan noong banggitin nito ang pangalan ko. She merely called me by my name! Simula noong naging reyna ako, she never called me by name again! Ngayon lang ulit! "You know already what to do, my child." She said and smiled at me. "Just follow what your heart desires. Follow it and trust your decisions. Ikaw ang na ang reyna ng Xiernia. You can do everything, and no one will stop you."
Napalunok ako at wala sa sariling napatango sa tinuran ng ina. "Just always remember to take care of yourself, My Queen," seryosong sambit niya na siyang ikinatigil kong muli. "In this world, you need to be strong and fight for what's right and just. And also, you need to keep this in your mind, Shanaya. Whenever you're facing an enemy, you defeat them before they defeat and bring you down. Huwag mong kakalimutan iyon."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at muling tumango sa ina. "I'll keep that in mind, mom."
Pagkatapos kong kausapin ang ina ay mabilis akong bumalik sa silid ko. Agad akong nagbihis at sa pagkakataong ito, hindi ko isinuot ang magarbong kasuotan ng isang reyna. Isang komportableng kasuotan ang pinili ko at mabilis na isinuot iyon sa katawan. Noong matapos ako ay maingat akong naglakad patungo sa salamin na nasa gawing kanang parte ng kuwarto ko. Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin at humugot ng isang malalim na hininga. Itinali ko ang mahabang buhok at isinuot ang itim na jacket na nakapatong sa study table sa gilid ko. Isinuot ko na rin iyon at lumabas na sa silid.
"Are we all set?" tanong ko noong tuluyang nakalapit na ako sa kanila. Bahagya pang nagulat ang mga kasama ko at tahimik na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lamang pinansin ang takang mga titig nila at lumapit na sa kabayong ginagamit ko tuwing umaalis sa palasyo.
Simon and Ara are with me. Hindi ko na pinasama si Lorenzo. The palace needs him. Kailangang may maiiwan dito sa palasyo. My mom's her, too. She may be strong, but she needs someone to protect her, too. Hindi namin alam kung anong maaaring mangyari pagkaalis namin mamaya sa lugar na ito. Kailangan maging ligtas ang palasyo at ang aking ina hanggang sa makabalik kami mula sa Plysia.
Mayamaya lang ay lumapit sa akin si Ara saakin at may ibinulong. "Are you really sure about this?" She asked me. Hindi ko ito sinagot at kinuha na sa isang kawal ang tali ng kabayong gagamitin ko. "Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang Kate na iyan, Shanaya," dagdag pa niya na siya nagpabaling sa akin sa puwesto ni Kate.
She's wearing a serious face right now, ganoon din ang mga kasama nitong galing Plysia rin. Nagkibit-balikat ako at binalingan si Ara. "Don't worry, Ara. Kahit naman hindi sila nagtungo sa palasyo ngayon ay lalabas din ako upang tingnan ang kalagayan ng mga nasasakupan natin. Mas napaaga nga lang dahil sa nalaman ko tungkol sa sitwasyon ng Plysia." Humugot ako ng isang malalim na hininga at sumakay na sa kabayong nasa harapan.
Hindi na muling nagsalita pa si Ara at mabilis na lumapit na rin sa kabayong gagamitin niya. Sumakay na ito roon at nauna nan ang patakbuhin ang kabayong sinasakyan. Napailing na lamang ako at sumunod na sa kanya.
Ilang oras ang ginugol namin para makarating sa lupain ng Plysia. Ngayon lang ako napadpad sa parteng ito ng Xiernia kaya naman ay wala akong ideya kung gaano katagal ang paglalakbay patungo rito! "We'll be there any minute." Natigilan ako noong marinig ang boses ni Simon sa unahan namin. He's the one leading the Royal Knights that joined us. Sa tabi ko naman ay si Ara at ang isa pang kawal na matagal nang nagsisilbi bilang taga-bantay ko. At kung hindi ako nagkakamali, aabot ng sampu kaming lahat ngayon. Kasama na sa bilang si Kate and dalawang kasama pa nitong nagtungo sa palasyo.
Nagpatuloy kami sa paglalakbay at noong may napansin akong kakaiba sa paligid, agad akong naging alerto. Mukhang napansin din iyon ng mga kasama ko kaya naman ay mabilis na nagsihinto ang mga sinasakyan nilang kabayo. Mas lumapit naman sa akin si Ara at ang mga kawal na kasama namin.
Nabalot nang katahimikan ang paligid at noong magsalita si Kate, napabaling ako sa kanya. "Relax," aniya at itinaas ang isang kamay. "The power you just felt earlier was mine." She informed us. "That was my signal to my fellow co-villagers."
"And what makes you think that we'll believe you and your words?" seryosong tanong ni Ara at inihanda ang sandatang dala. Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang magiging sagot ni Kate.
Segundo lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga. Tumingin ito sa akin at muling nagsalita. "I just want them to know that the Queen is with us." She paused and took a deep breath again. "Because if I don't do, they'll just die without knowing that the Queen did her best to help us."
Katahimikan. Hindi na muling nagsalita si Ara at si Kate. Mayamaya lang ay muling pinalakad ni Simon ang kabayong sinasakyan nito. Napalingon ako sa kanya at namataan ang seryosong ekspresyon nito sa muka. "Let's go. Huwag na nating sayangin ang oras na mayroon tayo," saad niya at mabilis na tumakbo ang kabayong sinasakyan niya. Inayos ko suot na balabal sa may ulo ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Hindi na rin ako umimik at sumunod na kay Simon.
Halos hindi na lumayo sa akin si Ara at ang ilang kawal na kasama namin. Alam kong maliban sa kakaibang kapangyarihang naramdaman namin kanina, may iba pang enerhiyang kumuha ng atensiyon namin. The Royal Knights are skilled warriors of Xiernia. Hindi sila mga ordinaryong Xiers kaya naman ay natitiyak kong inihanda na nila ang mga sarili sa maaaring maabutan namin sa Plysia. At pagkalipas lamang ng ilang minuto, sa wakas ay nasa harapan na kami ng main entrance patungo sa lupain ng Plysia.
At dahil nasa unahan namin si Simon, siya ang unang bumaba sa kabayong sinasakyan nito. He looked around. Ganoon din naman ako. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. I closed my eyes, and I tried to reach every thought of the Xiers living in this area. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong wala akong makuhang kahit ano.
This is not good. Mas malala pala ang sitwasyong mayroon sila rito kumpara sa inaasahan ko!
Segundo lang ang lumipas ay may narinig kaming ingay mula sa mga takbo ng kabayo. Napa-arko ang kilay ko at noong mamataang may mga Xier na papalapit sa puwesto namin, agad na naging alerto ang mga kasamahan ko.
"Anong kailangan niyo at bakit kayo narito sa Plysia?" seryosong tanong ng isa sa kanila. Kung titingnan nang mabuti, they all looked like a normal Xier. But I know better. Sa enerhiyang nararamdaman ko mula sa kanila, natitiyak kong malayo sila sa pagiging isang normal na Xier.
"Solomon," rinig kong wika ni Kate kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Wala na ito sa kabayong sinasakyan niya at nagsimulang maglakad papalapit sa puwesto ni Simon. I didn't notice her! Her moves were light, hindi ko man lang napansing wala na ito sa likuran namin!
"Ikaw na naman?" inis na tanong no'ng tinawag ni Kate na Solomon. "What the hell is this? Hinahamon mo naman ba ang mga Ashford? Hindi ka na nadala!" Hindi sumagot si Kate kaya naman ay lalong mas nainis iyong si Solomon. Mabilis itong bumaba sa sinasakyan niyang kabayo at lumapit kay Kate. He immediately pointed his swords towards her and smirked. Nanatili naman sa kinatatayuan niya si Kate at hindi man lang natinig sa presensiya ni Solomon. "Just give up already, Kate. Ang Ashford na ang namumuno sa lupaing ito."
"Solomon," rinig kong tawag pansin ng isa sa kasama nito. Hindi naman iyon pinansin ni Solomon at iritang nakatingin pa rin kay Kate. "Mukhang nanggaling ang mga kasama ng babaeng iyan sa palasyo. They're part of the Royal Knights of the Queen."
Natawa naman si Solomon at tiningnan kami isa-isa. "What is this? Did the good for nothing Queen sent you here?" He asked and laughed again. Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"Watch your word, Xier," malamig na turan ni Ara sa tabi ko.
Natawang muli si Solomon. "What? Nasa Plysia na kayo ngayon. Nasa teritoryo namin kayo!" mabilis na wika nito at iginalaw ang kamay nitong may hawak na espada. Ngunit bago pa man tumama kay Kate ang talim ng espada nito, mabilis na kumilos si Simon. He blocked the attacked and pushed Kate. Napaatras ito kaya naman ay nagsibaba na sa mga kabayong sinasakyan nila ang ilang knight na kasama namin at inilayo si Kate sa dalawa.
"Wrong move," malamig na saad ni Simon sabay hampas sa espadang ginamit para i-block ang atake kanina ni Solomon. Galit na napaatras si Solomon sa ginawa ni Simon. Kumilos na rin ang ibang kasama nito at itinaas ang mga kamay na may hawak na espada.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napailing na lamang. "Stop it, Simon," seryosong utos ko sa kaibigan. Namataan ko ang pagtango nito habang na kay Solomon ang paningin nito. Humakbang ng isang beses paatras si Simon kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Are you one of the men of the Ashford family?" I asked Solomon. He just looked at me and didn't even bother to answer.
Napailing ako at binalingan ang kanina pang tahimik na si Ara. "Ara, do it," seryosong utos ko at muling tiningnan si Solomon at ang mga kasama nito. We need to end this nonsense confrontation with them. Kung wala kaming makukuhang impormasyon mula sa kanila, mas mabuting tapusin na ang pag-uusap na ito.
"They will pay for saying shitty things about you," malamig na wika ni Ara at bumaba na sa kabayong sinasakyan niya.
Hinayaan ko na lamang ito sa nais gawin hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa puwesto ng mga tauhan ng Ashford family. At sa isang pagkurap ng mga mata ko, isa-isang natumba ang mga Xier na humarang sa amin. Nakangisi itong bumaling kay Simon noong natapos na siyang patumbahin sila Solomon at kibit-balikat na bumalik sa puwesto niya kanina.
She's a monster. She's someone that you will instantly regret messing with.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top