Prologue
THIS STORY IS ONLY AVAILABLE ON DREAME APP! UNDER PTR STORY.
Nakaluhod ako kaharap ng isang Diyosa. Ang Diyosa ng katarungan na si Themis na may karapatan sa paghuhukom. Nakatitig siya sa akin ng may awa sa mga mata habang ako ay nakatitig sa kanya na walang buhay ang mga mata.
It feels like, I am a living dead.
He betrayed me, at pinagsisisihan ko ang araw na nakilala ko siya. Ang araw kung saan inibig ko siya. Pinagsisisihan ko kung bakit umibig ako sa isang katulad niya. Kung bakit nagpadala ako sa mga salita niya.
"You commit a sin, Vitha..."
I am!
Napayuko ako at hindi nagsalita. Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalan. This is my fate and I can't do anything to change it.
"You deceived Aruru- the Goddess of creation. You even stole her mud and saliva,"
"I-I'm sorry..."
That's all I can say to her.
"Kahit ilang beses kang humingi ng tawad. Hindi mo maitatangging gumawa ka ng isang kasalanan. Isang kasalanan ang lumikha ng isang nilalang. Isang nilalang na masama at nakakatakot,"
Kung may isang bagay akong hindi pinagsisisihan, ito ay ang paglikha sa kanya.
Hindi ako sumagot kay Themis. Sa halip ay tumitig ako sa mga mata niyang may bakas ng pagtutol.
Alam ko. kahit anong pagtutol nila ay wala silang magagawa dahil ang batas ay batas. Walang sino man ang pwedeng lumabag kahit ikaw pa ay isang Diyos o Diyosa.
"You even killed a thousand innocent mortal..."
Innocent? They are not!
Even him!
"Bilang ganti at kaparusahan ikaw ay parurusahan. Ikaw ay mabubulag! Walang sino man ang gugustuhing makakita ng iyong mga mata. Walang sino man ang mabubuhay sa bawat pagsulyap na iyong gagawin. Walang sino man ang magmamahal sa'yo ng hindi namamatay. A dead eyes were given to you as a sign of sinner. You will be the Lady with a cursed,"
Napasigaw ako nang biglaang uminit ang paligid ng buong mga mata ko. Para itong nasusunog. Masakit! Masakit! Hindi ko kaya!
Tumutulo ang mga dugo mula sa mga mata ko.
"AAAAHHHHHHH!"
May kung anong pwersa ang nakapalibot sa akin.
Hindi ko kaya ang sakit!
Napatayo ako at patuloy na sumisigaw. Parang nawawarak ang pagkatao ko.
"Ikaw ay mamamatay Vitha at muling mabubuhay. Your name Vitha is came from Vita which is means life. Sa muling iyong pagkabuhay, magsisimula ang kabanata ng iyong kaparusahan. They will call you a lot of names. The Vhita we knew, na madaming humahanga ay magiging Vhita na kakatakutan at iilagan ng mga tao,"
"AAAAHHHHHHHHHHHH!"
-
-
-
Nagmulat ang aking mga mata. Napahawak ako dito at ramdam ko pa rin ang init sa bawat sulok nito.
Panaginip lang iyon pero para sa kanya ay totoo. Palagi ko itong napapanaginip. Noong una ay takot na takot ako pero sa halos araw-araw itong napapanaginipan nasanay na ako.
I feels like it was real. The feeling is real. Hindi ko makita ang mga mukha nito pero sigurado ako na ang babaeng nasusunog ang mga mata ay siya. Pakiramdam ko- ito ay ako! That girl seems it was me!
My mind was interrupted when I heard a voice. The laughed of them filled the whole first floor.
"Sigurado ka ba na walang tao dito?"
"Meron, pero ang bulag na bata lang ang nandito ngayon kaya madaling lusutan. Nakita kong umalis kanina ang tatay niya at kahit naman nandito ang tatay niya madaling patahimikin. Uugod na ang matandang 'yon. Mga mahihina!"
"Mabuti na lang.... pero grabe ang laki ng bahay na 'to. Tapos silang dalawa lang ang nakatira?"
"Maganda nga iyon eh! Tiba-tiba tayo. Tignan mo! Mga antique!"
Hanggang third floor ang bahay nila at nasa huling palapag nito ang kwarto niya.
Napaupo ako sa kama. Gabing-gabi na pero tila may mga taong gising pa.
Isa akong bulag, pero kabisado ko ang buong bahay namin. 'Yon nga lang hindi ang nasa labas. Mula noong bata pa ako ay nasa loob lamang ako ng itinuturing kong mansyon. Kailan man ay hindi pa ako nakakalabas at nasisinagan ng araw. Matatagpuan ang mansyon na ito sa tuktok ng isang bundok, malayo sa bayan. Iyon ang sabi ni Ama. Napapalibutan ang bahay namin ng mga puno at malayo ang lalakarin bago makarating sa mansyon na ito.
Tuluyan na akong tumayo nang marinig ang pagsisimula nila na magkalkal ng mga gamit. Hindi ito ang unang pangyayare. Madalas ito at sa tuwing nangyayare ito ay hindi ko nagugustuhan ang resulta.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas sa kwarto. Mabilis ang mga lakad patungo sa first floor. Nasa hagdan pa lamang ako ay naramdaman ko na kaagad ang presensya nila malapit sa akin. Napahinto ako nang sa hinuha ko ay nasa malapit na nila ako.
"Anong ginagawa niyo?" Mahina ngunit may riin kong tanong.
Ramdam ko ang bakas ng kaba at takot sa kanila ng magsalita ako. Para silang mga bata na nakakita ng multo.
Who wouldn't scared? I always wearing a white dress. I have a long black hair with the lenght- 'til my waist. My eyes is full of color white. My skin is also white. Para akong anak ng araw sa puti- a white lady.
Napatigil ako ng maramdaman na may tao sa likuran ko. Kinuha nito ang dalawang kamay ko at inilagay sa likod ko. Napaigik ako sa sakit ng pagkakahawak niya.
"B-bitawan niyo p-po ako!"
"Bata manahimik ka na lang. Ang mga batang bulag na katulad mo ay dapat nagtatago na lamang. Wala ka namang kwenta eh!"
Kahit namimilipit ang mga kamay ko sa likuran, nagawa ko pa ring maikuyom ang mga ito.
"Wala ka namang kwenta eh!"
"Wala ka namang kwenta eh!"
"Wala ka namang kwenta eh!"
"Wala ka namang kwenta eh!"
"Wala ka namang kwenta eh!"
Paulit-ulit na umecho sa sistema ko ang mga salitang 'yon. Unti-unting namuo ang galit sa puso ko. Napayuko ako. Umilaw ang mga mata kong ngayon ay kulay pula na. Luminaw ang buong paningin ko. Ang lalaking nakahawak sa akin kanina ay nakasalampok na ngayon sa sahig.
"H-halimaw!!!" Sabi ng lalaking sa di kalayuan sa akin.
Napasulyap ako sa lalaking nakasalampok sa sahig. Bakas na bakas ang takot sa mukha niya. Lalo na ng makita nyang unti-unting nalulusaw ang mga paa niya paakyat sa itaas.
"A-anong nangyayare sa akin? B-bakit ako naglalaho." Matalim niya akong tinitigan. "M-maligno kang bata ka!"
Ngumisi ako sa kanya bago bumaling sa isa niyang kasama. Nagkukumahog siya na pumunta sa pintuan pero bago pa ito makalabas, sumarang bigla ang pinto.
Napatingin siya ng daretso sa mga mata ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa mga kamay na nag-uumpisang maglaho.
"H-hindi! M-maligno ka!"
Ngumisi ako dito. Umilaw ng pula ang mga mata ko. Lumutang ako sa ere. "No one can mess up with me. Beware to the lady with a Cursed."
Kasabay noon ang paglaho ng dalawang lalaki. I grinned.
'Another glimpse for another dead'
"VITHAAAAA!"
Nagulat ako sa dumadagundong na boses na iyon. Dahil sa pagkawala ng kunsintrasyon, agad akong bumagsak sa sahig mula sa ere.
Nawala ang pwersang bumabalot sa akin. Ang dating kulay pula na mga mata, ngayo'y kulay puti na katulad ng dati.
"Vitha!"
Tinulungan niya akong makaupo sa pagkakasalampok sa sahig. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kahit hindi ko siya nakikita. Alam ko malungkot ang mga mata niya. Kumibot-kibot ang labi ko. Nalukot ang mukha. At nangilid sa mga mata ang mga luha.
"A-ama, s-sorry po." Humagulgol ako ng iyak sa kanya.
"Vitha naman! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kontrolin mo ang sarili mo."
"Ama h-hindi ko po macontrol ang mga galit ko."
Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Vitha, mangako ka sa'kin! Mangako ka na ito ang huling beses na mangyayare ito." Napatikom ako ng bibig. "Oo masama sila, pero Vitha wala kang karapatan na kunin ang mga buhay nila."
Napayuko ako. "A-ama m-maniwala po kayo sa'kin. H-hindi ko po sinasadya."
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napahagulgol ako lalo ng iyak . "Vitha! Ang gusto kong marinig ay ang pangako mo."
Kumibot ang labi ko. Labag man sa loob tumango pa rin ako. "Opo, A-ama. N-nangangako po ako."
Hindi ako sigurado kung magagawa ko. Hindi ko kayang kuntrolin ang sitwasyon. Lalo't galit ang puno't dulo ng paglabas nito.
-
-
"AMAAAAAAA!" Napabangon ako sa kama. Mabigat ang paghinga ko. Namamawis ang buong katawan.
Napahawak ako sa dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako ng mariin na siyang ikinatulo ng mga luha ko.
'Relax Vitha! Panaginip lang iyon.'
'Panaginip lang.'
'Kalma ka lang.'
Napaangat ang ulo ko nang makarinig ng mga kalabog. Napalunok ako bago hawiin ang kumot na tumatabon sa kalahating katawan. Maingat akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto.
Wala pa si Ama! Nasaan na siya? Gabing gabi na.
Bumaba ako sa pangalawang palapag ng bahay. Daretso ang lakad sa bintanang gumagawa ng ingay. Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga ulan sa mukha ko na galing sa labas na papasok sa bintana.
Umuulan pala... hindi mali! parang may bagyo sa lakas ng ulan at kulog. Isinara ko ang bintana bago napabuntong-hininga.
Kanina pa ako kinakabahan. Nasaan ka na ba kasi Ama?
Akmang babalik na ako sa kwarto nang may marinig. Binundol ako ng kaba. Palinga-linga ako kahit na wala akong makita.
Ama?
Napapikit ako ng mariin bago pakinggan ang mga tunog na inililikha ng kapaligiran.
Hindi ko masyadong marinig dahil sa malakas ang ulan, kidlat at sinamahan pa ng malakas na hangin pero sigurado ako, narinig ko ang boses ni Ama na isinisigaw ang pangalan ko.
Malakas ang pandinig ko kung kaya kahit malayo ay maririnig ko.
Ang madilim na nakikita ko sa aking paningin ay unti-unting nagkaroon ng mga larawan. Mga lalaki, apat sila hindi anim pala! dahil mayroon pa sa harapan. Pare-parehas ang mga suot nila, kulay pula. Uniforme? Hindi ko alam! Bukod kay Ama ay wala na akong alam sa mundo dahil nakakulong ako sa mansyon na ito. kanina malabo ang nakikita ko, pero parang naglalakbay ang kaluluwa ko at unti-unting lumilinaw sa paglapit ng katawang kaluluwa ko.
Napadilat ang mga mata ko sa nanlalaking bukas nito. Nanginig ang buong katawan ko.
H-hindi!
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Kahit na pinagbabawalan ako ni Ama na lumabas ay wala akong pakialam. Kahit nakayapak at puro sugat ang mga paa ko ay walang akong pakialam! Kahit basang-basa na ako ng ulan at nabibingi sa malakas na kulog ay wala akong pakialam. Kahit na puro sugat ako sa pagdaplis ng mga puno't mataas na damo dahil nasa parte ako ng kagubatan ay wala akong pakialam. Si Ama, kailangan niya ako!
Kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Natatakot ako!
Si Ama! Napapalibutan ng anim na lalaki. Nakaluhod siya sa gitna ng mga ito. Puno ng mga galos at mga dugo.
Napakuyom ako ng mga kamay. Napakagat ako sa labi ng siyang ikinatulo ng dugo nito pababa sa baba't leeg ko.
Mga walanghiya sila! Saktan na nila ako pero h'wag ang Ama ko! Siya na lamang ang nag-iisang nagmamahal sa akin at hindi ako papayag na mawala siya sa'kin.
Sa bawat sandaling papalapit ako sa kinalalagyan nila, siya ring palakas ng palakas ang mga boses na nagtatawanan at mga daing ni Ama. Magbabayad sila!
"P-pakiusap wala sa akin ang hinahanap niyo! Umalis na kayo." Dinig kong pagmamakaawa ni Ama.
"Aba't matindi ka ah?!"
Hindi!
Napasinghap ako ng tadyakan nito si Ama. Napaubo siya ng dugo habang ang anim na lalaki ay nagtatawanan. Kumibot ang labi ko.
Ama, parating na ako kaunting tiis na lang.
Sa muling pagtapak ng isang paa ng lalaki sa dibdib ni Ama ang siya ring ikinatigil at ikinasigaw ko.
"AMAAAA!"
Napatingin sila sa akin na may gulat sa mukha. Napasulyap si Ama sa akin, umiiling ito bago dumaing dahil sa pagdiin sa paa ng lalaking nakatapak sa dibdib ni Ama.
"Sabi mo wala kang anak na babae? Sinungaling!"
Tinadyakan niya ulit ang tagiliran ni Ama.
"Tigilan mo 'yan!"
"Kung gano'n ay sumama ka sa'min ng hindi masaktan ang Ama mo!"
Bakit? Anong kailangan nila sa'kin?
"H-h'wag s-seventeen pa lang siya! W-wala pang sapat na gulang!"
"Tumahimik ka!" Napadaing si Ama ng sipain siya ng isang lalaki.
Umusbong ang galit sa pagkatao ko. Napakuyom ako ng mga kamay. Nagsimulang uminit ang bawat sulok ng mga mata ko.
Lumalabas na naman siya!
Magbabayad sila!
"VITHA! ITIGIL MO 'YAN!"
Nagising ang pagkatao ko sa pagsigaw ni Ama. Napatulala ako ngunit hindi dahil sa pagsigaw niya kundi dahil sa mga larawang unti-unting namuo. Napatulala ako sa bagay na ngayon lamang nangyare.
P-paano ito nangyare? N-nakakakita ako ng hindi nagiging pula ang mga mata ko.
Nakakakita lamang ako kapag ang mga mata ko ay naging kulay pula.
Hindi makapaniwalang napahawak ako sa mga mata ko. Nanginginig na hinamplos ko ito.
Napatingin ako kay Ama na nahihirapan. Napatulo ang mga luha ko at napangiti. Si Ama... n-nakikita ko si Ama nang hindi siya naglalaho. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya.
Akmang hahakbang ako ng pigilan niya ako.
"Vitha! Tumakas ka na!"
Ayoko!
Umiling ako kay Ama. "H-hindi po Ama! Ayoko po!"
"Kapag dumating na ang prinsepe hindi ka na makakatakas kaya hanggang sa maari tumakas ka na. Ahh!" Napaigik siya ng sipain ulit siya ng isang lalaki.
"Masyado kang madaldal!" Sigaw ng isang lalaki.
Prinsepe? Ano iyon? Sino siya?
Napatingin ako sa kaliwa nang may huminto na kabayo. May sakay itong tao. Hindi ko maanigan dahil nakabalot ang buong katawan niya ng kapote. Bahagyang nakayuko kaya natatabunan ang mukha ng hoodie na malaki.
Nagsiyuko ang mga lalaking nakapula sa taong nakasakay sa kabayo.
"Mahal na prinsepe."
Prinsepe? Siya ba ang prinsepe? Pangalan ba iyon? Hindi ko alam! Wala akong kaalam-alam sa mundo.
May sinasabi ang mga lalaki sa nagngangalang prinsepe. Akmang magtataas ng paningin ang prinsepe sa akin ngunit hindi natuloy. Itinulak ni Ama ang kabayo dahilan para magwala ang kabayo at mahulog ang prinsepe doon.
Naestatwa ako sa nangyare hanggang sa pinagtutulungang bugbugin ng anim na lalaki si Ama. Hindi ako makagalaw. Nakagalaw lang ako sa kinatatayuan ng sumigaw si Ama.
"TAKBOOOO! VITHAAAA!"
Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyare. Basta ang namalayan ko na lang ay ang patakbo ko ng mabilis.
Si Ama! Ayoko siyang iwan pero bakit gano'n? Ang mga paa ko ay kusang tumatakbo palayo. Gustuhin ko man makabalik pero hindi ko magawa. Para bang may sariling buhay ang mga paa ko na tumakbo ng tumakbo.
Hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyare. Gumulong na lang ako paibaba. Hindi ko namalayan na may maliit na bangin pala doon. Daretsong gumulong ang katawan ko hanggang sa tumama sa isang malaking puno. Napadaing ako sa sobrang sakit. Nanlalabo ang paningin ko sa dugong dumadaloy mula sa ulo ko papunta sa mga mata ko.
H-hindi ito pwede!
Pinilit kong imulat ang mga mata pero kusang nagsasara ito at nanlalabo na ang paningin ko. Sa huling naaanigan ko ay may isang taong huminto sa harapan ko. Nakasuot ito ng mga bota. Tuluyan akong nawala sa ulirat ng hindi ko na makaya.
P-patawad, Ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top