Chapter 1
THIS STORY IS ONLY AVAILABLE ON DREAME! UNDER PTR STORY.
"NABABALIW KA NA BA? BAKIT MO SIYA DINALA DITO? PAALISIN MO SIYA NGAYON DIN!"
"Kuya Khiros hinaan mo ang boses mo. Baka magising siya."
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAGISING SIYA! ANG MAHALAGA PAALISIN MO ANG BABAENG 'YAN DITO. ALAM MO NAMAN NA BAWAL NA BAWAL ANG MGA BABAE DITO! PABIGAT SIYA!"
Nagising ako nang makarinig ng mga nagsisigawan. Umupo ako sa pinagkakahigaan.
Matigas ang kinahihigaan ko pero hindi naman sapat iyon para sumakit ng husto ang likuran ko. Siguro ay dahil nasanay ako sa malambot na kama sa mansyon.
Napatigil ako nang may napagtanto. Nasaan ako? Si A-ama! Anong nangyare sa kanya? Sino ang mga taong ito na nagsisigawan? May balak ba silang masama sa akin?
Napadaing ako at napahawak sa ulo ko. Ang sakit! Dahan-dahan kong kinapa ang ulo saka ko palang napagtanto na may benda ito.
"ALAM NA ALAM MO BRIGHT NA HINDI PWEDE 'YANG GUSTO MO. BABAE SIYA!"
"Alam ko naman 'yon kuya. Ang kaso kawawa siya kaya tinulungan ko siya. Isa pa wala namang nakakita na tinulungan ko ang babaeng 'yon."
"KAHIT NA BRIGHT! MAGIGING PABIGAT SIYA SA ATIN. ALAM MO NAMANG BAWAL SA LUGAR NA ITO ANG MGA BABAE."
Napasinghap ako sa sinabi niya. A-ano ang sinasabi niya? Bawal ang babae? Anong mayro'n? Bakit gano'n? Bakit bawal ang mga babae? Ngayon ko lamang ito nalaman. Kaya ba ikinukulong ako ni Ama sa mansyon?
"Sabi mo wala kang anak na babae? Sinungaling!"
Tinadyakan niya ang tagiliran ng Ama ko.
"Tigilan mo 'yan!"
"Kung gano'n ay sumama ka sa'min ng hindi masaktan ang Ama mo!"
Bakit? Anong kailangan nila sa akin?
"H-h'wag s-seventeen pa lang siya! W-wala pang sapat na gulang!"
Biglang naalala ko ang bagay na 'yon. Bakit? Ano bang mayroon?
Napayuko ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayang tapos na ang pag-uusap nila o mas tamang sabihin na pagtatalo nila.
"Gising ka na pala, ate."
Napaangat ako ng tingin. Hindi ko man siya nakikita pero alam ko kung nasaang dereksyon siya nakatayo.
Ramdam ko ang pagtigil niya. Bahagya akong napangiti dahil alam ko na kung bakit.
"A-ate ang mga mata mo."
Napakagat ako ng labi bago napayuko. "Buong mga mata ko ay kulay puti, 'yun ay dahil bulag ako p-pero h-hindi naman ako masamang tao."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago umupo sa katreng kinahihigaan ko. Napabalikwas ako at napasiksik sa gilid.
"A-ah? S-sorry ate nagulat ata kita. Hindi kita sasaktan. Hindi ka namin sasaktan. Kung narinig mo ang pag-uusap namin ni kuya, h'wag mo na lang pansinin dahil nag-aalala lang naman iyon sa akin."
Napatango ako sa kanya. "K-kanina... a-anong sinasabi niyo na bawal ang mga babae sa lugar na ito?"
Napatahimik siya sa tanong ko bago sumagot ng alanganin.
"H-hindi mo ba alam, ate?"
Umiling ako sa kanya. "Hindi ko alam. Buong buhay ko ay nasa loob lamang ako ng mansyon."
"Mansyon?"
Napadila ako sa labing nanunuyo. "Sa tuktok ng bundok sa Occidens..."
Napatahimik ulit ito kaya napabuntong hininga ako. Alam ko na ang nasa isip niya.
"You mean sa tinaguriang impakta ng gubat?"
Napakunot-noo ako hindi dahil sa tinawag niyang impakta. Sanay na ako doon pero sa sinabi niyang 'you mean' hindi ako pamilyar. "You mean? Ano iyon?"
Anong salita ang ginamit niya?
Napatahimik siya. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi naman taliwas ang mga sinasabi niya pero parang ingat na ingat siya magsalita.
"Sige ate, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Una, kailangan mong malaman ang apat na mundong ating ginagalawan. Sigurado akong wala ka ring alam tungkol dito."
"Apat na mundong ginagalawan?"
Ramdam ko ang pagtango niya sa akin.
"Una ang mundo natin, Mortal world kung saan mga tao ang naninirahan. Pangalawa, mga puting anghel o mas tinatawag na light angel world. Pangtalo, ang itim na anghel o dark angel world. Ang pang-apat ay ang mundo ng mga diyos at diyosa."
Mundo ng mga diyos at diyosa?
May kung anong kirot akong naramdam sa puso. Hindi ko alam pero parang nalulungkot ako.
"Pinamumunuan ng pinakamataas na antas ang tatlong mundo. Ito ay ang diyos at diyosa. Bihira sila magpakita. Walang nakakaalam kung saan sila naglalagi kumpare sa tatlong mundo na nabanggit. Alam ng kahit sino kung nasaan ang mga ito. Ang apat na mundo ay may patakaran. Walang sino man ang pwedeng makialam sa bawat isa ngunit- kapag ang mga diyos at diyosa na ang nakialam, malaking kaparusahan ang ipapataw sa lumabag na mundo. Pero hindi pa naman ito nangyayare. Kung ang isang mundo ay gustong sakupin ang kabilang mundo. Digmaan ang magaganap pero kung ang kasamaan ay sa pagitan ng sariling mundo walang ibang mundo ang makikialam sa kanila. Maliban na lang kung biglang magpakita ang mga diyos at diyosa na malabong mangyare dahil wala pang nakakakita ni isa sa kanila."
Tumango ako sa kanya.
"A-ang mundo natin? Bakit bawal ang mga babae?"
"Yes."
"Pero bakit?"
"Vivi Mortuis- na ang ibig sabihin ay living dead. Ang lugar natin ay sagradong lugar. Hindi siya bukas para sa lahat. Piling mga naimbitahan lang ang pwedeng pumasok. Oras na makapasok ka sa lugar natin bawal ka ng makalabas. Pwedeng pumasok sa lugar natin pero bangkay ka ng makakalabas kapag umalis ka."
Napalunok ako sa sinabi niya.
Hindi na pwedeng makalabas?
"Nasa kanluran tayo, ang mga Occidenians. Sa timog ang mga Meridians. Sa silangan ang mga orientenians. At ang panghuli sa hilaga, kung saan nakatayo ang kaharian ng masamang hari, ang mga septenians."
Occidenians kami, tama ba ako?
Occidenian din ba sila?
Hindi ako sigurado pero kung nandito sila malamang ay gano'n din ang lahi nila. Pero mahirap magsalita lalo't wala akong nakikita.
"Ang sagot sa tanong mo ay ito, matagal ng patakaran sa bansang ito ang pagkuha at pagsasanay sa mga lalaking makikitaan ng potensyals. Hindi mahalaga kung saang lahi ka napapabilang. May pera o wala isasanay ka. Subalit, labing walong taon na ang nakakaraan ng balewalain ng bagong hari ang patakaraang ito. Higit na pinagtuunan ng bagong hari ang bagong lunsad na patakaran. Ito ay ang pagkuha ng mga babaeng may sapat na gulang pataas."
"Pero saan nila dinadala ang mga ito? Anong ginagawa nila sa mga kababaihan?"
Matagal ang katahimikan na nangyare bago basagin ito ng pagtayo niya. "Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa kababaihan. Walang nakakaalam."
Naramdaman ko ang tuluyan niyang pagtayo at paglapit sa pintuan. Pero bago siya lumabas ay nagsalita ulit ito.
"Ilang taon ka na nga pala? Ako kasi ay labing tatlong taon. Si kuya naman dalawamput tatlo."
Tumango ako sa kanya bago nagsalita. "Dalawang buwan bago mag labing walo."
"Kung gano'n ay mag-iingat ka. Babalik ako dito dala ang makakain mo pati ang susuotin mo. Nakalimutan ko, ako nga pala si Bright at ang kuya ko naman ay si Khiros."
Napakagat ako ng labi.
Dapat ko bang sabihin sa kanila ang pangalan ko?
Vira Thania Alquiro, 'yan ang buong pangalan ko pero ang tawag sa akin ni Ama ay Vitha.
Lumunok ako bago nagsalita. "A-ako naman si Vira."
"Sige."
Tumango ako sa kanya bago ko narinig ang tuluyang paglabas at pagsara ng pintuan.
Ama, hinuli ka ba ng mga taga septenians? Kung saan nakapalagi ang mga may katungkulan sa kaharian, o mas tamang sabihin na ang mga taga kaharian.
Ama antayin mo ako. Ililigtas kita sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top