Sneak Peek

Sneak Peek

"Hey, wake up!"

Pilit kong binubuksan ang mata ko at hinahanap ang boses na gumigising sa akin. Binuka ko ang bibig ko ngunit walang salita ang lumalabas doon.

Anong nangyayari sa akin?

"You know, bawal itong ginagawa mo. Kapag nahuli ka nanaman ng student council..."

Huh?

Nilibot ko ang tingin ko at nasa tamang lugar pa naman ako. Nasa Lightwoods pa rin ako kung saan kami huling pumunta ni Waynedi. And speaking of Waynedi...

Hindi ko maramdaman ang presensya niya. Pumikit ako at ginawa ko ang ritual ngunit pahina lang nang pahina ang nakukuha kong energy. Lalo na ngayon, hindi ko maramdaman si Waynedi.

"Aerin, alam mong hindi tayo magkasundo pero may concern pa rin ako sa iyo. Kaya kung ako sa iyo, gumising ka na riyan at pumunta ka na roon sa mga kaibigan mo bago kita isumbong, okay?"

Bigla akong nahirapang huminga. Pilit kong hinahabol ngunit lalong nawawala. Hinawakan ko ang leeg ko at tumingala; para lang makakuha ng oxygen.

Umuugat na ang leeg ko at humahapdi na ang mata ko. Kaunti nalang ay malalagutan na ako ng hininga. Sumigaw ako kahit na alam kong wala akong boses. Inipon ko ang buong lakas ko hanggang sa marinig kong may boses nang lumalabas sa akin.

"AAAAHHHHH!"

Pumiglas ako na halos tumaas pa ang palda ko papunta sa ulo ko. Luminga ako dahil kakaiba ang nararamdaman. Hindi ko maramdaman ang pwersa na nagmumula sa Shadow.

"Aerin..." kinalabit ako ng babaeng nasa tabi ko.

"Waynedi!"

Nandito lang pala siya sa tabi ko, pero bakit hindi ko maramdaman ang kapangyarihan niya? Gulat siyang napatingin sa akin at lumayo. Tiningala ko siya.

"Ew! Baka nakakalimutan mo, Aerin, we're not... close. Okay?" Umirap siya at umalis na.

Nanatili akong nakaupo. Rinig na rinig ko ang huni ng ibon at ang lakas ng hangin ngunit hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ng Shadow.

Nasa Lightwood pa rin ako pero bakit... iba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top