Simula
Simula
"Aerin, come on... paano kung mahuli tayo?" Bulong ni Waynedi.
Ngumisi ako habang patuloy na naghahanap ng paraan para makapunta sa Lightwood. Alam kong hindi masyadong big deal ang pag tulog sa lugar namin at malaki ang chance na mahuli kaming dalawa pero kung gusto, maraming paraan.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinasabi ni Waynedi. After all, sasama pa rin naman siya. Hindi niya ako kayang iwan at hindi ko rin siya kayang iwan. Kailangan namin ang isa't isa. Nanlalatay sa dugo namin na iisa lang kami.
Kapag namatay siya, mamamatay ako. Kapag nasaktan siya, masasaktan ako. Kapag wala siya, mahina ako. And vice versa. Ganoon namin kailangan ang isa't isa.
"Kapag nahuli tayo ni Vace, hindi na kita pagtatakpan!" Nagtatampong sabi niya.
Humalakhak ako at tumigil sa paglakakad. Hinarap ko siya. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya. Halo-halong dahilan na halos hindi ko na malaman kung alin doon ang mas lamang.
"Takot ka bang mapahamak ako dahil mapapahamak ka rin or..." nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya para bumulong, "Takot ka sa kapatid ko?"
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kahit na hindi ako lumingon ay nararamdaman ko ang presensya ni Waynedi kaya alam kong sumusunod siya sa akin.
Hinawi ko ang isang sanga na nakaharang, para makita ang buong Lightwood. Pumikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin dito. Madilim ang buong paligid ngunit nagliliparan ang alitaptap na nagiging gabay namin sa Lightwood.
"Bakit naman ako matatakot kay Vace?"
Nilingon ko ulit siya at hinawakan ang kamay niya. Bata palang kami ay alam ko ng may gusto siya sa kapatid ko; kay Vace. Pero dahil masyadong mabait ang kapatid ko ay binigyan siya ng kapangyarihan ng mga magulang namin para suwayin ang sino mang sumusuway sa batas.
Delikado ang Lightwood kapag gabi. Maraming engkanto ang gustong makapasok sa Shadow at tuwing gabi lamang sila nabibigyan ng pagkakataong makapasok sa lugar namin. Kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pumunta rito kapag gabi.
"Bahala ka na nga, Ae!"
Saktong pagkatalikod ni Wayne sa akin ay biglang bumukas ang darkhole. Lumiwanag ang buong paligid at parang may hangin na humihigop sa akin papasok. Hinawakan ko ang likod ko para makuha ang aking armas ngunit masyadong malakas ang pwersang humihigop sa akin.
"Wayne!" Sigaw ko at nilingon siya.
Napatigil siya at tumakbo papunta sa akin. Inabot ko ang kamay ko sa kanya pero bago pa siya makarating sa akin ay nahigop na ako ng darkhole at hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito.
"Shit..." mura ko habang sapo sapo ko ang aking noo.
So, iyon ang nangyari? Anong lugar ito? Ibang dimension? Pero bakit nandito si Waynedi? Kaya pala hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ng Shadow dahil nasa ibang lugar ako.
"Ae!"
Nilingon ko kung sinong tumawag sa akin. Agad akong tumayo nang makilala ko kung sino siya. Inambaan ko agad siya at akmang susuntukin nang bigla niya akong pigilan.
"Whoah! Anong trip ito, Fray?" Kunot noong sabi niya.
"I know you, Sage! Huwag ka ngang magpanggap na close tayo," sarkastiko kong sabi.
Sage Reign. Isang maarte at nakakainis na Kin sa buong Shadow. Bukod sa nilalandi niya ang kapatid kong si Vace ay ilang beses na rin namin siyang nakalaban ni Waynedi sa battlefield. Kasama ang kaibigan niyang si Ligaya.
"What are you talking about? Tulog ka pa rin ba?" Tumawa siya at lumapit sa akin.
Nanatiling matalim ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Ligaya. Sila ang dahilan kung bakit pinagbawal akong pumunta ng battlefield. Sa sobrang inis ko kasi sa kanila ay muntik ko ng mapatay si Ligaya.
Ang battlefield ay para lamang sa training namin. Bawal ang pagpatay. Pero dahil intensyon yata nilang dalawa na kunyare ay mamamatay na itong si Ligaya, ayun, bawal kaming pumunta roon ni Wayne.
"Sinabi ni Waynedi sa amin na nakita ka niyang tulog dito sa garden..." malumanay na sabi ni Ligaya.
"Nakakatakot iyang tingin mo, Ae. Kung prank lang ito, okay, panalo ka na!" Sabi ni Sage.
Prank? Buti nga sana kung prank lang ito.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Ano nalang ang sasabihin sa akin ni Ina at Ama kapag nalaman niyang napunta ako sa ibang dimension. Ano nalang ang sasabihin ni Kuya Vace!
Umupo si Sage at Ligaya sa tabi ko. Hindi ko rin maramdaman sa kanila ang kapangyarihan nila kaya baka nga hindi sila ito. Baka nga hindi ko sila kabalan dito kaya kinalma ko nalang ang sarili ko. Magiisip nalang ako kung paano ako makakaalis sa lugar na ito.
"Kilala niyo ba si Knight?" Tanong ni Sage.
"Oo," simpleng sagot ko.
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parehas na parehas ang mga narito sa lugar namin. Nandito si Wayne, si Sage, Ligaya. At sino pa? Siguro nga ay nandito rin si Knight dahil tinanong siya sa akin ni Sage.
"What? Paano mo nakilala ang taga Section Plus?!" Gulat na tanong sa akin ni Ligaya.
So... hindi ko ba dapat kilala si Knight? Hindi ba kami magbestfriend dito sa lugar nila? Iniisip ko palang iyon ay nabobored na ako rito sa lugar nila. Imagine, kasama ko itong dalawang babaeng kinaiinisan ko sa Shadow? Really?!
Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parehas ang mga taong narito sa lugar namin pero bakit nagkabuhol buhol? Hindi ko maintindihan kung paanong nangyari ito.
Naguguluhan ako. Hindi ko maisip na totoong narito nga ako sa ibang dimension. May ibang Kin na rin bang nakapunta rito, o ako ang kaunaunahang Kin ang minalas na makapasok sa darkhole kung saan ibang lugar pala ang tungo?
Kung ganoon ay ang may ari noong portal na nakita namin ni Wayne sa Lightwood ay galing din dito sa mundo nila? At malaki ang chance na makabalik ako sa Shadow Realm sa oras na bumalik dito ang taong nagmamay ari ng portal na pinasukan ko?
Tama!
Agad akong tumayo nang makaisip ako ng plano kung paano makakabalik sa Shadow. Sa lugar kung saan ako nakita ni Wayne kanina na natutulog ay doon ang lugar kung saan bukas ang portal.
"Ae, ano bang nangyayari sa iyo?" Hinawakan ni Ligaya ang kamay ko.
Sa gulat ko ay pinihit ko iyon at mabilis na nilagay sa likod niya. Agad na namilipit siya sa sakit. Tumayo na rin si Sage para pigilan ako pero sinapak ko lamang ang mukha niya kaya napaupo siya sa damuhan.
"Aerin Fray!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw at naging dahilan kung bakit nabitawan ko ang kamay ni Ligaya.
Nilingon ko iyon. Nakatayo siya sa likod ko at nakahalukipkip. Tumulo ang luha sa mata ko at agad siyang niyakap. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko dahil napaatras siya, pero wala akong pakielam. Gusto ko lang yakapin ang kapatid ko at humingi ng tulong sa kanya; katulad ng lagi kong ginagawa kapag may kapalpakan akong ginagawa.
"Vace!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top