Kabanata 9
Kabanata 9
Little Sister
Earn Miller's POV
Bawat haplos ni Knight sa bawat parte ng katawan ko ay napapanganga ako. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa haplos niya. Tumingala ako habang mahigpit na sinasabunutan ang buhok niya. Puro malalim na hininga lang namin ang maririnig sa buong kwarto.
Tumagal ang halik ni Knight sa leeg ko hanggang sa maramdaman kong nagbaba-taas ang dila niya roon. Ramdam na ramdam ko ang mabibigat at mainit niyang hininga roon. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hinila ko paangat ang kanyang mukha para mahalikan ang labi.
The kiss intensifiedㅡhotter, harder, wilder. His hand moved frantically over my shoulder blades to my side, my back, before settling for a while over my behind.
Halos mamaga na ang labi ko sa rahas ng ginagawa niyang halik doon. Natuyo na ang luhang nasa pisngi ko kanina. Minulat ko ang mata ko kahit na hindi ko na siya masyadong makita dahil sa pagkakalasing sa mga halik niya. Lalo akong nag init nang makita kung paano atakihin ng labi niya ang labi ko.
"Knight..." hindi ko na makilala ang sarili kong boses.
Kinagat niya ang labi ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo. Imbes na masaktan, ay parang lalo pa akong nag init dahil sa ginawa niyang iyon. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at doon nanaman nagtagal ang labi niya. Kinagat kagat din niya iyon katulad ng ginawa niya sa labi ko.
"Ouch!" I exclaimed nang maramdaman kong bumaon ang ngipin niya roon.
Humalakhak siya, "Sorry..."
Halos mapaiyak pa ako sa sakit ng leeg ko ngunit nang hawakan ni Knight ang pang upo ko ay napalitan nanaman ng kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Maingat niya akong nilapag sa kama. Agad naman siyang pumatong sa akin at unti-unting hinubad ang suot kong dress.
Napasinghap ako nang paghiwalayin ni Knight ang binti ko. I could feel his heat and need oozing into my flesh. We both moaned in pleasure. Inabot niya ang hook ng aking bra habang diretso ang titig sa akin. Halos manlamig at mag init ako at the same time, sa bawat tingin na binibigay niya sa akin.
Gulo gulo ang may pagkahaba niyang buhok. Nakaawang ang mga labi. Nag aalab ang bawat tingin at wala akong ibang makita kundi ang pangangailangan niya bilang lalaki. Bahagya palang niyang natatanggal ang bra ko ay sinubsob na agad niya ang kanyang mukha sa aking dibdib.
A long needy moan escaped my mouth. Sinapo ko ang ulo niya para mas lalo pa itong hapitin. Hindi ko na maalala kung paano niya natanggal ang sagabal na natitirang suot ko pang-ibaba. Halos tumirik ang mata ko nang maramdaman ko ang magaspang at malamig niyang kamay sa aking baba.
"Knight!" Napaliyad ako.
Maya-maya pa ay pumwesto na siya roon. Minulat ko ang mata ko at nakita kong nakatitig na siya sa akin. Nakaawang parehas ang labi namin at sabay kaming napaungol nang pumasok siya. Pakiramdam ko ay buo ako. Pakiramdam ko ay walang kulang sa akin.
"I love you..." hindi mapigilang sabi ko pero wala akong narinig pabalik mula sa kanya.
Aerin Fray's POV
Ilang minuto na kaming nagtititigan sa sala ng aking apartment at walang gustong magsalita. Prenteng nakaupo si Jist sa tabi ng tahimik na si Sage. Si Ligaya naman at Gene ay mukhang naiilang sa isa't isa. At si Hex at Waynedi ay parehas walang pakielam. Nakahalukipkip naman si Vace sa tabi ko.
"Bugtong!" Humagalpak sa tawa si Jist, "Walang paa, walang kamay, pero tumatayo. Ano ito?" Nakataas ang isang sulok ng labi niya.
"Uhh... ulo!?" Sagot naman ni Hex.
Nagtawanan sila ni Hex at saka nag apir pa. Nakita ko namang sinipa ni Sage ang paa ni Jist kaya natigil ito sa kakatawa. Sinamaan ko sila ng tingin at bumuntong hininga na lamang.
"Where's Earn and Knight?" Kunot noong tanong naman ni Cox.
Ngayon ko lang naalala na kulang nga pala kami. Hindi ko na napansin si Earn dahil abala ako sa tatlo. Medyo nahirapan ako kay Hex at Waynedi dahil obvious naman na wala silang pakielam kung makakatulong ba sila o hindi. Buong pasasalamat ko na nga lang kay Vace dahil napapayag niya sila.
"Hindi ko na rin sila nakita kanina..." si Sage.
"Magkasama sila kaninang umalis," nilingon ko si Vace nang magsalita ito. "Saktong dating ko sa Red Room ay ang pag alis naman nila..."
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na kasama ko nanaman siya. Kasama ko nanaman ang kapatid ko. Wala sa sarili akong ngumiti bago tumingin sa kanilang lahat.
"Spill it, Aerin. Mabuti sana kung may beer ka rito para naman hindi boring!" Maarteng sabi ni Waynedi habang nakatingin sa kanyang kuko.
Nakatingin na silang lahat sa akin. Pinaglalaruan ni Jist ang kanyang dila at ang silver na hikaw doon. Tongue piercing, huh? Malalim ang tingin niya, ngunit kahit na seryoso siya ay kitang kita ko ang sumisilay na pagkapilyo niya roon. Na parang tinatago niya lamang na natatawa siya.
Si Gene naman ay hawak ang kanyang gitara. Mabuti nalang naabutan siya ni Ligaya kanina noong matapos siyang kumanta. Ibang iba talaga ang mga ugali nila rito, sa ugali nila sa Shadow.
Huminga ako ng malalim at saka napagpasyahan nang sabihin sa kanila ang lahat. Unang salita ko palang ay humagalpak na sa tawa si Hex at Waynedi. Kung sino pa ang inaakala kong maniniwala sa akin ay sila pa iyong mahirap pakiusapan sa dimension na ito.
"Sinasabi mo bang may powers kami? Na Hunters ako? Tapos sila ay Vampire at Wolf?" Natatawang tanong ni Hex.
Akala ko ay tatawa rin si Jist ngunit nang pasadahan ko siya ng tingin ay seryoso lang din siyang nakatingin sa akin. Para siyang wala sa sarili pero diretso ang titig sa akin. Nakakatakot dahil hindi ko siya mabasa, hindi katulad kapag nasa Shadow. Siya ang pinaka madaling mabasa sa lahat.
"This is nonsense! Ginagawa lang tayong baliw nitong si Ae, eh," sabi ni Waynedi at saka nagsimula ng ayusin ang mga gamit niya para umalis sa apartment.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang parang kapatid ko na, ang kalahati ng buhay ko, ang bestfriend ko ay hindi naniniwala sa akin. Iyong akala kong isang taong makakaintindi sa akin ay siya pa ang unang susuko.
"Wait!" Nalipat ang tingin namin kay Jist na kunot noong nakatingin sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.
"Werewolf ka, Jist. Ang iyong Ama ay ang Pack Leader. Ikaw na ang susunod na Pack Leader dahil only child ka lang..." pinaliwanag ko na sa kanya kahit hindi pa niya tintanong.
"Seriously?! Naniniwala kayo kay Ae?" Nagtatakang tanong ni Waynedi.
"Pwede bang makinig ka muna kasi?" Galit na sabi ni Sage at saka inirapan si Wayne.
Matagal bago nagsalita si Jist ngunit alam kong nag iisip siya. Nanatiling magkasalubong ang kilay niya at parang mayroon siyang plot sa kanyang utak na pinagdudugtong dugtong niya ang lahat.
May binulong siya pero hindi na nakaabot sa pandinig ko. Kumunot ang noo ko at tinignan si Sage para sana magtanong kung ano ang binulong ni Jist pero agad na nagsalita si Ligaya.
"Akala mo aso ang alin, Jist?" Tanong niya.
Mas malayo siya kay Jist kumpara sa akin pero as expected sa isang Seelie Queen, marunong siyang magbasa ng bibig kahit na hindi niya naririnig ang boses ng nagsasalita. Unti-unti ng nabibigyan ng sense ang lahat ng nangyayari at hindi nga ako nagkakamali.
Nilingon niya si Ligaya, "May mga kalmot kasi sa pader ng kwarto ko. Nagtataka ako kung saan galing, akala ko galing sa aso..."
Nilingon ko naman si Waynedi na nagulat. Ngumisi ako sa kanya at kay Hex na hindi ko alam kung naniniwala nga ba o hindi. Naramdaman kong gumalaw ang arm rest ng couch, kung saan nakaupo si Vace kaya inangat ko siya ng tingin. Bumaba rin ang tingin niya sa akin ngunit bumalik kay Jist ang tingin niya.
"So, you were saying na kapatid mo ako?" Bumaba nang kaunti ang mukha ni Vace sa akin at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang tainga ko.
Natatakot akong lingunin siya dahil nararamdaman kong malapit lang ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan akong maging malapit ng ganito sa kapatid ko.
Tumango nalang ako, "Kuya kita."
"Oh, I see." Lumayo na siya. "Little sister..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top