Kabanata 8
Kabanata 8
Wood
Earn Miller's POV
Hinila ko pababa ang suot kong hapit na dress. Pinasuot ito sa akin ni Sage kanina noong makita niyang naka t-shirt at pantalon lang ako. Ang sabi niya ay bar ang pupuntahan namin, hindi kung saan saang lakad lang. Kaya pinahiram niya sa akin itong dress na masikip at kita ang cleavage ko ng kaunti. Naiilang ako.
I'm more of a jeans and t-shirt kinda girl.
Hinanap agad ng mata ko si Knight. Hindi ko naman alam na pumupunta pala siya sa mga ganitong klaseng lugar. Sabagay, iyon naman ang gusto niya. Iyong wala akong pakielam sa lahat ng tungkol sa kanya at sa mga lakad niya.
Ngayon lang ako nakapasok sa lugar na ito. Pinanuod ko kung paano gumiling ang mga babae sa mga lalaking nasa likod nila. Napangiwi ako dahil hindi ko ma-imagine na ganyan ako. At never sumagi sa isip ko iyon. Kung hindi lang dahil kay Ae ay hindi ako pupunta rito.
Speaking of Ae... naniniwala ako sa kanya. Kahit na kung sakali ay hindi ito totoo, naniniwala pa rin ako sa kanya. Ako ang lumapit sa kanya para rito, dahil matagal ko ng nararamdamang kulang ang pagkatao ko. Kulang ako. Baka ito na ang sagot para roon.
Warlock? Sino bang maniniwala roon sa panahon ngayon? Wala na. Siguro sa mangkukulam ay maniniwala sila. Pero sa warlock? I don't think so.
"Knight..." bulong ko nang sa wakas ay nakita ko na siya.
Nasa dance floor siya, kasama ang isang babae na pamilyar sa akin dahil schoolmate namin iyon. Sumikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang ituloy pa ang planong ito. Nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo muna ako sa counter habang hindi inaalis ang tingin sa kay Knight.
Alam ko naman, kahit hindi niya sabihin, ang mga ginagawa niya. It's just that, iba pala kapag mismong dalawang mata mo na ang nakakita. Parang winawasak nang paulit-ulit ang puso ko na nagiging dahilan ng paghabol ko sa aking hininga dahil nalalagutan na ako.
Akmang aalis na sana ako dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko nang bigla akong mapatingin kay Ae na kinakausap si Hex at Waynedi. Nakita ko kung paano gumuho ang lahat ng hope na tinatago ni Ae. Nahihirapan siyang kausapin silang dalawa, lalo na si Waynedi. Hindi dapat ako pumalya.
Unti-unti akong lumapit sa pwesto nila Knight. Wala akong ibang makita sa dance floor kundi silang dalawa lamang noong kasayaw niya. Agad kong hinila ang braso ni Knight at saka sinabit sa kanyang leeg ang aking kamay.
Nilingon ko iyong kasayaw niya, "Having fun with my man?"
Lalo akong ngumisi nang dumapo ang dalawang palad ni Knight sa magkabila kong baiwang. Hinapit niya ako palapit sa kanya at agad kong naamoy ang pinaghalong amoy ng alak at amoy ng panlalaki niyang pabango.
"What are you doing here?" bulong niya. I could tell he was pissed just by the sound of his voice.
Napawi lamang ang ngisi ko nang umalis na ang babae niya. Tinanggal ko ang pagkakasabit ng braso ko sa leeg niya, kaya nakahawak nalang ako sa balikat niya.
"Kailangan kitang makausap," seryoso kong sabi sa kanya. "May kailangan akong sabihin..."
Imbes sumagot sa sinabi ko ay pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko. Huminto ang mata niya sa dibdib ko at biglang humigpit ang hawak niya sa baiwang ko. Nalipat ang tingin niya sa mata ko at kitang kita ko ang galit doon.
"Ako yata ang mas kailangang makausap ka, Earn Wood..." bulong niya ngunit sapat lang para marinig ko.
Yes, we're married. Kasal kami. Noong una ay masaya ang pagsasama namin kahit na bata pa lang kami noon, hanggang sa hindi ko siya mabigyan bigyan ng anak. Nakarinig ako ng kung ano anong salita sa Nanay niya at pati na rin sa kanya. Doon nasira ang pagsasama namin. Kaya mas pinili kong itago nalang ang kasal namin dahil nandidiri na rin naman siya tuwing binabanggit kong asawa niya ako.
Nakwento na rin sa akin ni Ae ang kapalaran ng Warlock at Vampire sa Shadow Realm. Halos mapatawa ako dahil mukhang iyon lang ang tama sa mundong pinasukan ni Ae.
"Uuwi na tayo..." hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuan ko at hinila niya ako palabas.
"Saglit! May mga kasama ako!" pumiglas ang sa hawak niya ngunit masyado siyang malakas para sa akin.
Hindi ko na makita si Ae o kahit na si Ligaya at Sage. Hindi manlang ako nakapag paalam. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag sa pakikipagpalit ni Sage sa akin. Akala ko kasi ay mas mapapadali rin ako dahil may pinagsamahan naman kami ni Knight kahit papaano.
"Knightㅡ"
"Mamaya sa bahay..." instart niya ang engine ng sasakyan at saka pinaharurot.
Napakapit nalang ako sa seat belt ko habang nakapikit ng mariin. Nakainom pa naman si Knight. Hindi ko alam kung saan tutungo ang paguusap naming ito. Pero sigurado akong hindi maganda ang magiging ending nito.
Buong byahe ay halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Tahimik lang din siya habang nagmamaneho. Minulat ko ang mata ko nang huminto siya. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko buong byahe namin.
Bumaba siya kaya bumaba na rin ako. Hinagis niya ang susi kay Mang Renato para i-park ang sasakyan. Pilit ko pa ring hinihila pababa ang suot ko habang sinusundan si Knight paakyat sa aming kwarto. Tinanggal niya ang suot niyang hoodie at hinagis nalang iyon sa kama.
Nakatalikod siya sa akin pero ang panginginig ng buong katawan ko ay hindi ko na mapigilan. Nakahawak siya sa magkabila niyang baiwang at unti-unting humarap sa akin. Halos mapatalon pa ako nang makasalubong ko ang matalim niyang mata. Ngayon ko lang napansin ang sugat sa kanyang labi at pisngi. Kumunot ang noo ko.
"Saan mo nanaman nakuha iyan?" lumapit ako sa kanya para sana hawakan ang pisngi niya nang tapikin niya ang kamay ko.
"Hindi tungkol sa akin ang paguusap na ito, Earn." lumapit siya sa akin at parang may sariling buhay ang mga paa ko para umatras sa kanya.
Ni-minsan, kahit na galit na galit siya sa akin ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Pero ang galit niya ay hindi ko ma-explain. Parang mas gugustuhin kong ang magulang ko nalang ang magalit sa akin kaysa siya. Mas gugustuhin kong magalit na sa akin ang lahat ng tao, huwag lang siya.
"Anong ginagawa mo sa Red Room?" magkasalubong ang kilay niya, "At bakit ganito ang suot mo? Naghahanap ka ba ng lalaki, ha?!"
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong itanggi ang sarili ko at sabihing mali ang iniisip niya ngunit may parte rin sa akin na gusto kong isali ang pag babae niya. Na kitang kita ko kanina ang babae niya na hindi ko alam kung pang ilan iyon.
"Pakinggan mo muna ang sasabihin ko. It's about Aeㅡ"
"Huwag mo ngang sinasali si Aerin sa usapan dahil matino siyang babae!"
Lahat ng gusto kong sabihin at lahat ng sinabi sa akin ni Ae ay bigla kong nalunok. Kumapa ang ng dapat kong sasabihin sa kanya ngunit wala na akong mahanap. Pakiramdam ko ay tinapon kong lahat iyon at hinding hindi ko na kailanman masasabi kay Knight.
Nag-init ang gilid ng mata ko pero pinilit kong huwag tumulo iyon. Kinuyom ko ang kamao ko hanggang sa maramdaman kong humapdi iyon pero hindi ko pa rin kaya. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko at gusto kong magwala sa harap niya ngayon.
"Ayoko na, Knight..." mahina kong sabi.
"Ngayon ka pa aayaw, Earn? Hindi ako papayag," ngumisi siya sa akin.
Tinatanggal niya ang kanyang belt habang palapit siya sa akin. Umatras ako at agad na napapikit nang maramdama kong tumama sa likod ko ang door knob. Hinawakan niya ang dalawa kong legs at inangat para isabit sa baiwang niya.
"Akin ka lang, Earn..." sinimulan niyang halikan ang leeg ko. "Sabihin mo sa lalaki mo iyan. Na pag aari kita. Nakasulat sa pagkatao mo na Wood ka! Na akin ka!"
Pumiglas ako pero hinawakan niya lang pataas ang dalawa kong kamay habang ang halik niya ay bumaba sa dibdib ko. Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay biglang bumagsak. Kinagat ko ang labi ko at gusto kong saktan ang sarili ko ngayon.
Dahil kahit anong piglas ang gawin ko ay gusto pa rin ng katawan ko. Gusto ko pa rin si Knight.
💎💎💎
Woops! 🙊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top