Kabanata 6
Kabanata 6
Queen
Ligaya Cox's POV
It had been an our since I hurriedly dressed in jeans, a swearter with my leather jacket. Tinali ko pataas ang buhok ko at huminga ng malalim. Isang tingin pa ang ginawa ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ni Ae para pumunta sa living room.
Naabutan kong tahimik na nakaupo si Ae sa couch habang malalim ang iniisip. Hindi ko pa rin alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi, pero dahil pumayag si Sage sa balak gawin ni Ae, I'm left with no choice.
Paano pala kung nagd-drugs si Ae at lahat ng sinabi niya ay imaginations niya lamang dahil sa epekto ng tini-take niya? Hindi rin imposible. Sa ngayon ay papayag muna ako sa mga gusto niya, aalamin ko kung totoo ba ang hinala ko at kung saan siya kumukuha ng drugs.
"Hey..." umupo ako sa tabi niya.
Sinulyapan ko ang notebook na nakalapag sa center table at kumunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala. Masyado yatang malakas ang tama noong drugs na tini-take ni Ae para magmukhang totoo talaga ang nangyayari.
Kinuha ko ang notebook at binasa. Naroon lahat ng mga pangalan at kung ano sila sa realm na sinasabi ni Ae. Naroon ako, at sa tabi ng pangalan ko ay nakasulat na isa akong Seelie Queen.
"I badly need your help, Cox..." hinawakan niya ang kamay ko. "Sa iyo lang makikinig si Gene dahil ikaw ang Queen niya,"
Seelies din si Gene? An elf?
Hindi ko pinahalata kay Ae na naguguluhan ako. Noong isang araw lang ay normal pa naman kami, normal pa si Aerin, hanggang sa naabutan siya ni Waynedi na natutulog sa garden. Doon na nagsimulang maging weird si Ae.
May kinalaman kaya si Wanyedi rito?
"Sure," ngumiti ako sa kanya.
Pagkatapos niyon ay pumasok na rin sa loob si Sage at Earn. Tumayo kaming dalawa ni Ae at sabay sabay na lumabas ng bahay. Pupunta kami ngayon kung saan alam naming naroon ang mga boys.
I let out the breath I didn't know I was holding. May binigay sa amin si Ae kung sino ang dapat naming kausapin mamaya. Dahil Seelies si Gene ay siya ang kakausapin ko. Hindi ko alam kung paano pero bahala na mamaya.
"Eveything's gonna be okay, Ae. I'll help you and I think it will help me too..." rinig kong bulong ni Earn nang nasa loob na kami ng sasakyan.
Pasimple akong umiling. Paano kami matutulungan nito? Hindi na normal mag isip si Ae, naniniwala ako. Dahil kung normal pa siya ay iisipin niyang walang Warlock, walang Werewolf, walang Vampires, walang Seelies or whatever.
"All the legends are true, Cox..." nagulat ako nang biglang tapikin ni Ae ang balikat ko.
Gulat akong napatingin sa kanya. Sa lalim ba ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nasabi ko ang mga tumatakbo sa isip ko? Nanatili ang tingin ko kay Ae. Ang kanyang mata ay ngumingiti, nasasaktan, naguguluhan. I don't know! Hindi ko mabasa dahil sa dami ng emosyon.
"See? You can read me, Ligaya. You're the Queen..."
"You're wrong, Ae. Hindi kita mabasa. Hindi ko alam kung masaya ka, naguguluhan, nasasaktan o ano!" Inis na sabi ko.
Hindi ako Seelies! And I'm not the Queen!
Lumungkot ang mukha ni Ae, "Mixed emotions, Cox. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung hindi ka maniniwala sa akin ngayon."
Alam niyang hindi ako naniniwala? How!? Damn it! Ayaw kong saktan ang damdamin ni Ae. Ayaw kong tanungin siya kung nagd-drugs ba siya o kung ano ang nakain niya at bigla nalang siyang naging ganito.
"I'm not on drugs, Ligaya. If that's what you're thinking... I just need your help." Huminga siya ng malalim.
Tumingin akong muli sa mata niya and this time. Nababasa ko na at nararamdaman ko na kung ano ang totoo niyang nararamdaman ngayon.
She's hurting.
"Fine!" Tumango ako. "Let's do it..."
Bahala na kung hindi totoo ito. Nandito ako ngayon para tulungan si Ae sa sinasabi niya. Hindi niya sasabihin ang ganito kadilim na sekreto kung wala siyang tiwala sa amin. Call me a psycho or what. Tutulungan ko pa rin si Aerin.
Sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nanatili kaming nasa harap ng Red Room. Natatamaan ng ilaw ang mukha namin at agad na narindi ang tainga ko sa ingay ng musics. I've never been in this place before.
"Let's go!" Masaya at nakangising sabi ni Sage at nauna nang pumasok sa loob.
"Your fake ID's sucks, Reign!" Rinig kong sigaw ni Ae.
Natigil si Sage at bumalik muli sa pwesto namin. She rolled her eyes at parang inip na inip na at gusto nang pumasok sa loob. Nilingon naming lahat si Ae dahil hindi namin alam kung paano kami makakapasok sa loob.
"Sage, idistract mo iyong security guard habang pumapasok si Ligaya. Kami naman ni Earn ay maghahanap ng way kung paano makakapasok sa loob. Magkita nalang tayo sa gitna!"
Magsasalita palang sana ako nang biglang tumakbo na si Ae habang hinihila si Earn, kaya naiwan ako kasama si Sage. Ngumisi naman si Sage at nauna nang maglakad papasok.
"Sage, paanoㅡ"
"Watch and learn..."
Tuloy tuloy sa pagpasok si Sage sa loob. Hindi ba niya alam na hindi siya invisible para hindi makita noong guard? Hindi ko alam kung ano ang trip ni Sage. Gusto ko sana siyang pigilan ngunit masyado siyang mabilis maglakad.
Nang nasa harap na kami noong guard ay biglang natapilok si Sage, kaya napahawak siya sa braso noong guard. Lalapitan ko sana siya pero nakita kong sumesenyas ang kamay niya papasok.
"Ouch!" Maarte niyang sabi habang nakasabit pa rin siya sa guard.
"Okay ka lang, Miss?" Tinulungan ng guard si Sage sa kanyang paa, kaya nawala ang focus niya sa pagbabantay.
Iyon ang ginawa kong paraan para pumasok sa loob. Gamit ang leather jacket ko ay pasimple kong tinago ang mukha ko. Binilang ko ang ikot ng cctv camera at nang umikot iyon sa kabilang side; kung saan hindi na ako makikita ay tuluyan na akong nakapasok.
Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos, pero hindi ko pa rin maiwan ng tingin si Sage na mukhang nagugustuhan talaga niya ang ginagawa niya. Umiling ako at iniwan ko na siya roon at hinintay sa gitna sina Ae.
Umupo ako sa counter table. Hinahanap ko kung nasaan ang target namin. Sa dami ng tao sa loob ng bar ay hindi ko alam kung paano namin sila mahahanap. Narinig ko ang mga samu't saring pag uusap ng bawat isa sa loob ng bar. May ibang nagchichismisan, naglalandian at kung ano ano pa.
"One bloody mary, please?"
"Right away, Sir!"
Parang ang tagal naman yata dumating ni Sage. At saka nakapasok kaya ng ligtas si Ae at Earn? Mukhang sa aming apat ay ako lang ang hindi nahirapan sa pag pasok. Nakaka-guilty tuloy. Paano kung mapahamak sila?
"Hey, princess..." rinig kong bulong ng lalaking nasa likod ko, pagkatapos niyang mag order noong bloody mary niya.
Nilingon ko siya. Madilim ang buong lugar at tanging nion lights lamang na nagpapatay sindi ang gabay ng mga tao rito kaya hindi ko agad nakita ang mukha niya. Ilang segundo pa bago ko namukhaan ang lalaking nasa likod ko.
"Hex..." bulong ko.
Inaalala ko kung ano ang role niya sa sinulat ni Ae kanina sa notebook. Sa dami ng pangalang naroon ay hindi ko yata matatandaan ang isang ito.
Think, Ligaya, think! Baka makatulong ito kay Ae kaya hindi ko siya papakawalan kahit na si Gene talaga ang sadya ko.
"You're a... hunter?" Patanong na sabi ko.
Tama! Hunter siya. Kasama niya si Vace, Ae at Waynedi. Silang apat ang hunters sa Shadow Realm kaya importante rin ang role niya sa misyong ito.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko pero agad din siyang humalakhak. Dumating ang order niya at agad niya itong nilagok. Kasabay ng pagtama ng ilaw sa mukha niya ay ang pag taas ng isang sulok ng labi niya.
"Anong klaseng hunter?" Nilapit niya ang upuan niya sa akin at kinagat ang labi.
Lumunok ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa ginagawa niya. Obvious naman na he's hitting on me pero hindi ko siya pwedeng saktan o bigyan ng panget na impression dahil masisira ang plano. Baka hindi siya maniwala at magtiwala sa amin.
"Hex!" Bago pa siya makalapit ng tuluyan sa akin ay tinawag na siya ni... Waynedi?
Anong ginagawa ni Waynedi rito? Hindi pa kami pwedeng pumasok ng bar kahit na 18 years old na kami. Tanging nasa 20 years old pataas lamang ang pwedeng pumasok.
Lumapit si Waynedi at napanganga siya nang makita ako. Tinaas niya ang hawak niyang coctail at ngumisi sa akin.
"Ow, Ligaya!" Sumimsim siya sa iniinom niya. "Good girls gone bad, huh? What brings you here?"
"I... uh..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Luminga akong muli para hanapin sina Ae at Earn at halos tumalon ako sa saya nang makita silang tatlo sa gitna. Tumayo ako nang hindi sinasagot ang tanong ni Waynedi at nilapitan na sina Sage.
"I told you, hindi talaga marunong si Ligaya kung ano ang gitna, kaliwa at kanan..." humalakhak si Sage.
Ngumiti sa akin si Ae, "We have to find them."
Isa isa na silang nawala at hinanap na ang kailangan nilang makausap. Bago pa makaalis si Aerin at hinawakan ko ang braso niya kaya natigilan siya.
"Ae, nakita ko si Hex at Waynedi roon sa counter. Nakita kong may role sila sa Shadow Realm kaya baka kailangan mo silang makausap," sabi ko.
"Thank you, Cox!" Tinapik niya ang balikat ko at kumindat bago umalis.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ba ang nagawa ko ngayong araw. Kailangan kong hanapin si Gene at hindi ko alam kung saan magsisimula.
Dinala ako ng paa ko sa dance floor. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayawan doon. Pumikit ako at inalala ang mukha ni Gene Scott at sa 'di malamang dahilan ay bigla kong nakita kung nasaan siya. Dali-dali akong pumunta sa stage. May hawak siyang mic! He's about to sing. Kaya mas lalo akong tumakbo para maabutan pa siya.
"Gene Scott!" Sigaw ko nang makita ko siya ngunit sa lakas ng tunog sa buong bar ay hindi niya ako narinig.
Hinakbang ko ang paa ko sa hagdan pataas ngunit bago pa ako makaakyat ng tuluyan ay nasa gitna na siya ng stage habang nakasabit sa balikat niya ang gitara.
Tumigil ang tugtog at halos hininga ko nalang ang naririnig ko dahil natahimik na rin ang mga tao. Namatay ang ilaw at nasa kay Gene lang ang spotlight. Nakapikit siya habang nagsimula ng maglaro ang daliri niya sa string ng gitara.
"I'm breathing in and breaking down
I feel my time is running out
The fire in my heart
Will burn me to the ground
I did my part,
I tried my best,
The things I'm fighting to protect
Always shatter into pieces in the end"
Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang boses niya. Kahit na malamig naman ang buong Red Room ay tumutulo ang pawis sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg.
Kumikinang siya habang kumakanta sa gitna ng stage. Walang ibang naririnig kundi ang boses niya at kung paano siya tumugtog. Kahit siguro sinong tao ay mapapatigil sa ganda ng boses niya. Namamaos iyon ngunit banayad.
"I'm broken and I'm barely breathing
Im falling 'cuz my heart stopped beating
If this is how it all goes down tonight
If this is how you bring me back to life..."
Sumandal ako sa gilid at pumikit ng mariin, inaalala ko ang mga kinwento ni Ae kanina sa apartment niya. Na sa akin lang daw nakikinig si Gene dahil ako ang Queen niya. Hindi ko alam pero iba na ang pakiramdam ko ngayon.
Para bang unti-unti na akong naniniwala sa mga sinasabi ni Aerin Fray.
__________
Song : Bring me back to life by HT Bristol (nasa multimedia kung gusto niyong pakinggan! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top