Kabanata 5

Kabanata 5

Seelies and Vampire

Kapag na-activate ni Earn ang kapangyarihan niya sa mundong ito ay kaya na niyang gumawa ng portal at baka makabalik na rin ako sa mundo ko. Hinalungkat ko sa libro ang lahat ng tungkol sa portal habang nararamdaman ko ang titig ni Earn.

"A-ano ang portal?" Tanong niya.

"Ang portal... it can be used to travel to a specific other dimension," sinagot ko ang tanong niya nang hindi nawawalan ng focus sa paghahanap ng tungkol sa portal.

Narinig ko noon si Vace at Ama na nag uusap tungkol sa secret portal na pinoprotektahan ng Seelies. Mahigpit ang pagbabantay nila roon. I think, kasi iyon ang intersection ng alternate dimension sa aming realm.

"Shit..." mura ko at natigil ako sa pagbubuklat ng libro.

Kung ganoon ay kailangan kong makausap ang Seelies or ang Seelie Queen, para tulungan ako. Sa Shadow ay ang Seelies lang ang hindi ko sinusubukang kausapin dahil kahit na hindi sila nagsisinungaling ay magaling silang mag manipulate ng mga tao. Kayang kaya nilang paglaruan ang utak mo hanggang sa makuha nila ang gusto nila.

Seelies are an extremely manipulative, cunning, and mischievous race. Their angel and demon blood attributing to both their beauty and malevolence. They cannot lie, pero kaya nilang paikutin ka sa kanilang mga kamay at gamitin ang evasive and distraction tactics to avoid directly answering questions they do not want to.

"W-why?" Nagtatakang tanong ni Earn.

"Kailangan nating makausap ang Seelies or mas mabuting ang Seelie Queen," marahas kong sinarado ang libro at pumikit ng mariin.

"S-selies?"

"Like fairies... The Fair Folk," minulat ko ang mata ko at nakita ang nagtatakang mukha ni Earn. "Add Pixies, Nixies, Eleves... anybody half-angel, half-demon,"

"Sino ang kabilang sa Seelies na narito sa mundong ito, Ae?" Tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Mabilis kong napansin ang pag galaw ni Knight sa couch kaya tinago ko ang Book of Spells. Nagulat naman si Earn sa ginawa ko ngunit nang biglang bumangon si Knight ay bigla siyang tumango.

"Ang Seelie Queen..." bulong ko kay Earn habang nakatingin kay Knight. "...ay si Ligaya Cox,"

Sage Reign's POV

"Hindi ka ba nagtataka sa ugali ni Ae?" Tanong ni Ligaya.

Nilapag ko sa table ang inorder kong lunch. Sinilip ko pang muli ang kabilang table kung saan naroon si Ae, kasama ang nerd na si Earn Miller at ang heartrob na si Knight Wood. Hindi ko alam na close pala sila at ang nakakapagtaka ay parang seryoso masyado ng pinaguusapan nila.

"Baka naman may project na pinagawa sa kanya noong nahuli siya ni Vace, kaya nagpapatulong siya?" Sabi ko.

Nagkibit balikat si Ligaya at nagpatuloy na kami sa pag kain. Habang kumakain kami ay biglang umalingawngaw ang tili ng mga kababaihan. Inis na nilapag namin ni Ligaya ang hawak na kutsara't tinidor para takpan ang tainga namin.

Kapag ganito ang reaction ng mga kababaihan at binabae sa school ay alam na agad namin kung sino ang pumasok. Kaya nakakainis kapag nasa iisang place lang kami. Hindi talaga ligtas ang tainga namin sa kanila dahil sa mga fangirls nila.

At hindi nga ako nagkamali. Sabay sabay ang paggalaw ng paa nila na akala mo ay nasa isang photoshoot sila, kung saan dapat ay sabay sabay sila sa paglalakad. Nakangisi ang ilan at ang ilan naman ay nakasimangot.

Si Jist Thomas, ang pinaka malandi sa kanila. Kahit sino yatang babae ay papatulan ng kupal na iyan. Pagkatapos niyang pagsawaan ang mga babae ay iiwan nalang niya na parang wala lang.

"Bilisan mo nalang kumain para makaalis na tayo rito," sabi ko kay Ligaya.

Nagpatuloy kami sa pag kain. Nakita kong dumiretso sila Jist sa table nila Ae dahil naroon ang isa pa nilang kaibigan na si Knight. Kitang kita ko naman ang pagkairita sa mukha ni Ae dahil naistorbo sila sa parang napaka-importante nilang pinaguusapan.

"Let's go, Earn..." aniya at saka tumayo at umalis.

Nagkatinginan kami ni Ligaya at sabay na bumuntong hininga. Iniisip ko nga kung ano ang pinakain sa kanya ni Waynedi noong nakita niya si Ae sa garden. Baka kinulam niya ito kaya naging iwas sa amin si Ae at parang papatayin na niya kami noong nakita niya kaming dalawa ni Ligaya.

Pagkatapos naming kumain ni Ligaya ay tumayo na kami tsaka umalis. Nadaanan namin ang table nila Jist at rinig na rinig namin kung paano sumipol ang malanding si Jist.

Nilingon ko siya at nginisian habang tinataas ang middle finger ko sa mukha niya. Humiyaw naman ang mga kasama niya at pati na rin siya ay namangha sa ginawa ko.

Hindi kami matigil ni Ligaya sa pagtawa hanggang sa makarating kami sa classroom. Kahit na alam namin na hindi manlang na-offend si Jist ay atleast nalaman niyang hindi kami interesado sa laro nila.

"Alam mo iyong level mo kanina? Hindi kita ma-reach, e!" Kanina pa siya salita nang salita kung gaano siya ka-proud sa ginawa ko.

"Bagay lang iyon sa kanya," ngumisi ako.

"Tapos nakita mo iyong mukha ni Waynedi? Akala mo siya iyong napahiya, e!"

Tawa pa rin kami nang tawa nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa noon si Ae at Earn na seryoso pa rin ang mukha. Natigil kami ni Ligaya sa pagtawa at kunot noong tinignan sina Ae.

Nagulat ako nang bigla silang lumapit sa amin. Nakatingin lang ako kay Ae na mukhang pasan niya ang buong daigdig sa bigat ng balikat niya. Halos matumba ako sa kinauupuan ko nang biglang umilaw ang mata ni Ae at napalitan iyon ng kulay red.

"Ae!" Sigaw ko.

Ngunit parang wala lang sa kanya ang nangyari. Bumuntong hininga siya at umupo sa harapan namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kaya inalalayan ko pa siya dahil baka nilalagnat lang siya at matumba siya ngayon.

"Help me, Ligaya..." unang salitang binanggit niya.

Naguguluhan pa rin ako. Tinignan ko si Ligaya dahil baka may idea siya sa nangyayari pero nakita ko rin ang naka kunot niyang noo at pagtataka sa mukha niya. Meaning... wala rin siyang alam sa nangyayari.

Nagsimula nang ikwento sa amin ni Ae ang lahat. Buong oras na pagkikwento niya ay nakanganga lang ako at hindi maproseso ng utak ko. Para akong mababaliw at hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinabi niya.

Kaya pala ganoon nalang ang galit niya sa amin ni Ligaya dahil sa dimension kung saan siya nabibilang ay kami ang kaaway niya? Kung ganoon ay bakit niya sinasabi itong lahat ngayon?

"Si Vace?" Gulat na tanong ni Ligaya nang biglang napunta kay Vace ang usapan.

Tumango si Ae, "Kapatid ko siya, Ligaya..."

What the fuck?!

"Ikaw ang Seelie Queen, Ligaya. Kaya humihingi ako ng tulong mula sa iyo ngayon. Kung mamarapatin mo..."

Ano ang Seelies at Seelie Queen? Ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyon. Well, alam ko kung ano ang ibig sabihin ng Queen. Pero ang Seelie? Ano iyon?

Baka naman pinaprank lang kami nitong si Ae! Mahilig siyang i-prank kaming dalawa ni Ligaya, kaya minsan ay hindi na kami naniniwala sa kanya. Pero mukhang seryoso yata ang isang ito.

"At ikaw Sage...." bigla akong kinabahan nang biglang tumingin sa akin si Ae. "You're a vampire,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top