Kabanata 3
Kabanata 3
Thank You
Sabay kaming lumabas ni Vace ng gate. Nakasabit ang isang strap ng bag niya sa kanyang balikat. Tanging puting t-shirt nalang ang suot niya at hawak hawak niya ang puting polo.
"Saan bahay ninyo? Hatid na kita..." hinarap niya ako.
Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang strap ng bag ko habang nakatingin sa paligid. Hindi ko alam ang lugar na ito. Wala akong alam sa daanan at kung saan ako uuwi.
Tinignan ko si Vace na kanina pa nakakunot noo habang naghihintay ng sagot mula sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango.
"Huwag na. Kaya ko na..." nagsimula na akong maglakad sa kaliwa ko. "Bye!"
"Sigurado ka?" Tanong pa niyang muli. Tumango nalang ako at nag wave nang hindi lumilingon sa kanya.
Madilim ang paligid. Wala na masyadong tao at tanging ilaw nalang mula sa mga gusali at mga kainan ang tanging naging gabay ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung sino ang mga magulang ko at kung may kapatid ba ako.
Hindi ko lubos naisip noon na paano kung hindi sina Vace ang pamilya ko. Hindi ko naisip na mas mahirap pala ang buhay kung hindi ko sila kasama at kung hindi nila ako kilala. Tanging ginagawa ko lang noon ay maging sakit sa ulo nila.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong kakaiba sa eskinitang nadaanan ko. Huminto ako sa paglalakad at unti-unti kong binalikan iyon at sinilip. Madilim doon pero ramdam ko at alam kong may tao roon. Sumandal ako sa pader nang may marinig ako.
"Matapang ka, bata." Pagkatapos sabihin iyon ng isang lalaking hindi ko makita pero halata namang may katandaan na dahil sa boses ay narinig ko ang pagsuntok niya at pag ungol ng lalaking sinuntok niya.
"Shit..." malutong na mura ko.
Binaba ko sa gilid ang back pack ko at dahan dahang lumapit. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero biglang nag-activate ang Sight ko kaya kahit madilim ay kitang kita ko na kung nasaan sila.
"I told you, wala kang malalaman sa akin..." nagulat ako nang marinig at makita ko kung sino ang hawak ng lalaking matanda.
Knight Wood!
Tumakbo ako papunta sa kanila at tinadyakan ko iyong lalaking matanda. Napasubsob siya sa sahig at agad na tumingin sa akin. Napaupo si Knight habang nakasandal sa pader at punong puno ng dugo ang kanyang mukha.
"At sino ka naman?" Tumayo ang matandang lalaki.
Ngumisi ako. "Ako? Ako ang papatay sa iyo,"
Gamit ang paa ko ay tinadyakan ko pataas ang kahoy na nasa paanan ko at saka sinalo. Pinaikot ikot ko iyon sa kamay ko sabay palo sa balikat niya. Nahawakan niya naman ang kahoy kaya nag agawan kami.
"Pakielamera ka!" Sigaw niya.
Ngumisi lang ako. Habang hawak pa rin ang kahoy ay lumapit ako sa kanya at nang nasa harap na niya ako ay sinuntok ko ng paulit-ulit ang mukha niya. Pumunta ako sa likod niya nang hindi niya napapansin at saka tumawa sa tainga niya. Hawak ko ang dalawang kamay niyang may hawak sa kahoy na nakatutok sa tyan niya.
"Sorry, sinwerte kang ako ang nakakita sa inyo..." bulong ko habang nakangisi.
Hinila ko ang kahoy pasaksak sa kanya para dumiin sa tyan niya at naramdaman ko ang pagtalsik ng dugo mula sa kanyang tyan pababa. Hinila ko palabas ang kahoy na nasa tyan niya and I quickly stabbed him once in the chest at agad ko rin hinugot para dumaloy ang dugo niya. Namilipit siya sa sakit hanggang sa natumba siya sa sahig. Dali-dali kong nilapitan si Knight at tinulungan siyang makatayo.
"Let's go!" Sinabit ko ang isa niyang kamay sa balikat ko.
Dahil sa panghihina ay hindi na siya masyadong makalakad. Rinig na rinig ko ang mabibigat na hininga noong lalaking matanda kaya alam kong kaunti nalang ay mahahabol na niya ang hininga niya at wala na kaming oras ni Knight para magbagal bagal.
Pinunta ko siya sa likod ko at binuhat. Kinuha ko ang back pack na iniwan ko kanina at tumakbo na habang bitbit ko sa aking likod si Knight. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga roon.
"Hindi ko alam kung saan kita dadalhin..." bulong ko.
"S-sa apartment... m-mo nalang..." nanghihina niyang tanong.
Nasaan banda ang apartment ko? Saan ba ako nakatira at tama ba ang dinadaanan ko? Shit! Kilala ako bilang kalmado sa pakikipaglaban noong nasa Shadow ako. Pero dahil hindi ko alam ang lugar na ito ay natataranta ako.
"K-kaliwa," bulong ni Knight.
Sinundan ko ang bawat daan na binubulong niya sa akin hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang apartment. Bukas ang ilaw sa labas pero halatang walang katao-tao sa loob.
"Ina, buksan ninyo ang pinto! Ama!" Sigaw ko.
Pabigat nang pabigat ang hininga ni Knight sa balikat ko. Narinig ko ang mahina niyang halakhak. Kahit nanghihina na siya ay nagawa pa niyang pagtawanan ako.
"W-wala ka ng mga magulang, Ae..." sabi niya na akala mo ay binibiro ko siya kanina.
Sandali akong natahimik dahil sa sinabi niya. Walang magulang ang Aerin Fray na taga rito!? Sinong kasama ko sa apartment na ito? Ako lang?
Bumigat na rin ang bawat hininga ko dahil sa nalamang iyon. Hindi ko nga nakaya noong nalaman ko na hindi ko kapatid si Vace at hindi ko magulang ang mga magulang ko sa Shadow, tapos ito pa? Hindi ko na talaga alam kung paano pa ako mabubuhay sa mundong ito.
"Ae..." nanghihinang bulong ni Knight kaya kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pumasok na ako sa loob.
May susing nakasabit sa back pack ko kaya iyon ang ginamit ko para buksan ang pinto. Nang mabuksan ko na ang pinto ay inalalayan ko si Knight papasok. Binuksan ko ang ilaw sa gilid at saka sinarado ang pinto.
Umupo siya sa couch habang nililibot ko naman ang tingin ko sa buong apartment. Ang lungkot ng pwersang nararamdaman ko rito. Hindi ako sanay maging malungkot kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag ako na ang nakatira rito habang hindi pa ako nakakauwi sa Shadow.
Tinignan ko ang sugat ni Knight at nakitang hindi naman masyadong malalim ang mga natamo niya. Hindi ako sanay makitang mahina ang isang ito. Isa rin siya sa pinaka-malakas na bampira sa Shadow kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano na makita siyang ganito.
"Naalala mo noong nasugat ako sa balikat no'ng 11 years old tayo at tanging Vampire Venom lang ang makakapagpagaling noon pero hindi pumayag si Vace kasi delikado?" Tumawa ako nang maalala iyon, "Tumakas tayo tapos kinagat mo ako rito..." hinanap ko ang peklat ko sa braso dahil sa kagat niya, pero hindi ko na makita.
Huminga ako ng malalim at bumagsak ang balikat ko. Hindi ko alam kung narinig ba ni Knight ang mga sinabi ko o hindi kaya tumayo na ako para maghanap ng pwedeng igamot sa kanya.
Nahalungkat ko na lahat ng pwedeng ihalungkat ngunit wala akong makitang mga gamot na katulad sa Shadow. Siguro ay iba ang paraan ng paggagamot nila rito sa mga gamot namin kaya hindi ko makita.
"Thank you... for saving me," natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya.
Nakakapanibago dahil ako ang laging nagsasabi niyon noon sa kanya pero iba na talaga. Ibang iba na ang lahat sa mundong ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top