Kabanata 24

Kabanata 24

Liars

Aerin Fray's POV

"Mahika..." tawag ko sa kanya dahil sinabi niya kay Earn na gusto niya raw akong makausap.

May mga handa sa loob ng apartment at kitang kita ko naman na gusto nilang maging masaya, pero hindi nila magawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sina Jist.

Naramdaman ng paa ko ang basang damo sa labas ng aking apartment. Umihip ang pang-madaling araw na hangin at ang ilang hamog ay ang naging dahilan kung bakit basa ang mga damo.

"I have something to say, Fray..."

Niyayakap namin parehas ang sarili dahil malamig ang simoy ng hangin. Suot ko pa rin ang pantulog na suot ko kanina noong pumunta kami ni Vace sa Lightwood. Umupo ako sa tapat niya.

"I'm listening,"

Para iyong spell na hinihintay ni Mahika na sabihin ko. Sumimsim siya sa hawak hawak na tasa kung saan nakatimpla roon ang black coffee niya. Ang ngisi sa kanyang labi ay nawala. Para na siyang si Mahika, bago mainggit kay Earn.

"I'm on your side. Ang mahalaga naman ngayon ay ang maligtas ang Shadow. Ang realm kung saan tayo talaga, hindi ba? I just need you trust me." Hinawakan niya ang balikat ko, "Kung narito si Larkins, malamang ay may ibang taga-Shadow din ang narito. At hindi natin alam kung ano ang plano nila."

Iyon din ang iniisip ko. Narito si Mahika at si Larkins kaya hindi imposibleng may iba pang taga-Shadow ang nandito. Si Knight ay napunta lang naman dito dahil sa spell ni Earn.

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay ito na ang huling araw. Iyon nalang ang lagi kong iniisip tuwing makikita kong sisilay ang araw kinabukasan. Na baka itong araw na ang huling araw ng Shadowㅡhuling araw namin. Hindi ko kaya. Naroon pa ang magulang ko, si Vace at ang Perfect 10.

"Makakarating sa iba ang pagkakamatay ni Larkins dahil binigay mo kay King ang blade mo. Ang gusto kong gawin mo ngayon ay mamuhay na parang normal. Dahil hindi mo alam kung sino talaga ang taga rito o taga sa atin."

Dahil sa sinabing iyon ni Mahika ay kinausap ko ang lahat na bumalik na sa pag-aaral. Bumalik na sa normal naming ginagawa. Pinilit kong h'wag isipin ang mga negatibo. Tumira na rin si Mahika sa apartment, para protektahan kami.

"Ae!" Sinalubong ako ni Ligaya na mahigpit ang hawak sa kanyang back pack.

Nilingon ko siya. "Hey?"

Naghanap ako sa likod niya dahil hindi ako sanay na hindi niya kasama si Scott ngunit wala akong makita. Kumunot ang noo ko at binalik muli ang tingin kay Cox na ngiting ngiti ngayon sa harapan ko.

Sinabit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila ako. Kwento siya nang kwento tungkol sa kung ano anong bagay ngunit hindi ko masundan dahil may kakaiba akong nararamdaman.

"Where's Gene?" Tanong ko.

"Bakit mo pa siya hinahanap?"

Oh. Seelies can't lie, pero umiiwas sila sa tanong na ayaw nilang sagutin.

"H'wag mo nalang sagutin kung ayaw mo." Inasar ko pa siya.

Noong una siguro ay hindi ko talaga tanggap na magkasundo kami rito sa Earth. Ngunit ngayon, parang normal nalang ito. Parang normal nalang na kaibigan ko siya at close kami. Hindi ko rin alam.

"Ae?" Biglang sabi niya nang tumahimik kaming dalawa. "Can I ask you something?"

"What?" Tanong ko.

Nasa quadrangle na kaming dalawa, kung saan walang bubong ang dinaraanan namin kaya nakapikit ang isa kong mata nang tamaan iyon ng sinag ng araw. Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong masakit sa balat iyon.

"M-may uhmm..." hindi niya matuloy tuloy ang gusto niyang sabihin.

"Come on! Say it," natatawang sabi ko.

"Damn it!" Pumikit siya ng mariin.

Hindi ko mahulaan kung ano ang gusto niyang sabihin. Pakiramdam ko tuloy ay tinago niya iyon ng matagal kaya ganito na lamang niya kahirap tanungin ng diretso. Tumigil kami sa paglalakad at hinawakan ko ang kamay niya.

"May girlfriend ba talaga si Gene sa Shadow?" Hindi pa siya sigurado sa tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawang gustong lumabas. Ayaw ko siyang pagtawanan dahil alam kong mas lalo lamang siyang mahihita kapag ganoon. Baka hindi na siya magsabi sa akin sa susunod kaya kunyare ay wala lang ang tanong niya.

Inisip ko kung may girlfriend nga ba si Gene. Hindi ko siya masyadong kilala ngunit sa liit ng mundo namin ay halos wala nang natatagong sekreto roon. Lalo na't Perfect 10 siya. Kung meron man, malalaman at malalaman din namin.

"Wala naman," kunot noo kong sabi. "Sunod-sunuran kasi iyon kay Ligaya dahil parehas silang division at siya Queen niya. Lahat ng tao sa Seelie Court ay ikaw ang tinuturing na Queen nila."

"So, ibig mong sabihin ay Queen ako ni Gene?" Kitang kita ko ang kislap sa mata niya nang tanungin niya iyon.

Tumango lang ako. Hindi na muling nagsalita o nagtanong si Ligaya. Baon baon niya ang ngisi sa kanyang labi na mukhang alam ko na kung bakit. Umiling nalang ako.

Buhol buhol talaga ang mundong ito. Never tatanungin iyan ni Ligaya sa akin dahil masyado niyang mahal ang sarili niya. Hindi niya nakikita na magmamahal siya ng iba, lalo na't sa isang Elf lamang.

Maghapon ang klase namin. Hindi pa rin pumapasok si Jist at Sage kaya lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung nasaan ang dalawang iyon. Hindi ko naman sila maramdaman dahil hindi masyadong gumagana ang powers dito sa realm nila.

"Ae! Sabay na tayo umuwi." Tinawag ako ni Dice na hindi ko alam na close ko pala rito.

Isa siyang vampire sa Shadow, ngunit hindi ko natandaang kinausap ko siya kahit isang beses lamang. Kumurap kurap ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Kailangan kong mag-ingat sa bawat galaw ko kaya siguro ay tatanggihan ko nalang siya.

"Hindi na. Pupunta pa kasi akong gym, e. Salamat sa alok, Dice!" Ngumiti ako.

Totoo naman talagang pupunta ako ng gym dahil nandoon si Knight at Vace. Ang sabi nila kaninang umaga ay sunduin ko raw sila roon para sabay sabay na kami pumuntang apartment.

May klase pa sina Ligaya kaya baka mauuna na kaming tatlo. Kung matapos agad ang practice nila.

Sinabit ko ang strap ng back pack ko sa balikat ko at dumiretso na sa gym. Habang naglalakad ako ay pinapasadahan ko ng tingin ang bawat taong nadadaanan ko. Hindi ko alam kung sino rito ang taga-Shadow o taga rito.

So far, wala pa akong mahalata. Dahil mukhang normal naman sila. Normal ang pakikitungo nila sa isa't isa kaya mahirap.

Tilian agad ang bumungad sa akin pagkarating ng gym. Pumasok ako sa loob at marami ang taoㅡmostly babaeㅡang naroon na akala mo ay totoong laban na ito at hindi lang isang practice.

Umupo ako sa gilid habang pinapanuod sila. Basang basa ng pawis si Knight at Vace habang nakanganga sila at hinihingal. Tinaas ni Vace ang dulo ng suot niyang sando na jersey para punasan ang pawis sa kanyang noo.

Nagsigawan naman ang kababaihan dahil sa galaw niyang iyon. Hindi niya pinansin ang sigawan at nagpatuloy na sa paglalaro. Akala ko ba hate niya ang basketball? Bakit siya naglalaro ngayon at varsity pa siya. Hindi ko rin maintindihan ang isang ito. Siguro ay tatanungin ko nalang mamaya.

Lumabas muna ako saglit para bumili ng malamig na tubig sa cafeteria. Pagbalik ko ng gym ay saktong tapos naman nila. Lumapit ako at inabutan sila ng mineral water na binili ko. Kinuha agad ni Knight iyon at sunod sunod na nilagok habang tinititigan naman ni Vace ang inaabot ko sa kanya.

"What?" Kunot noong tanong ko. "Nangangalay ako."

"I hate cold water," aniya at nag-iwas ng tingin para punasan ang pawis niya.

Umirap ako at binaba ang kamay kong may hawak na mineral water. Siya na nga itong binibigyan ng tubig tapos ay iyon pa ang sasabihin? Puwede naman niyang tanggapin at h'wag na inumin kung ayaw niya ng malamig na tubig!

"Is there anything else you hate that I ought to know about?" Walang gana kong tanong.

Patuloy pa rin siya sa pagpunas ng pawis niya. Habang si Knight naman ay nakaupo na habang nakatitig sa kawalan. Nilagay ni Vace ang puting bimpo sa leeg niya at nilingon ako.

"Liars," bulong niya habang nakangisi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top