Kabanata 21
Kabanata 21
Rewrite the Stars
Sage Reign's POV
Nakataas ang paa ko sa table kung saan nagsusulat sina Aerin. Nakakasuka ngang kasama ang babaeng ito, isama mo na rin ang Parabatai niyang si Waynedi na wala nang ginawa kundi ang magpa-bibo sa lahat ng tao rito sa Shadow.
Ang Parabatai ay isang tawag sa pair of warriors who fight togetherㅡwho are closer than brothers or sisters. They're more than best friends. Bago iyon ay magsasagawa sila ng isang ritual kung saan magiging isa sila. Sa labanan, ang tibok ng puso nila ay iisa. Kapag namatay ang isa, ang isang parte ng Parabatai niya ay mamatay rin.
Wala akong masyadong alam sa Parabatai dahil wala naman ako noon. Hindi kami match ni Ligaya, kaya hindi siya puwede. Wala ring puwede dahil iba ang way ng pakikipaglaban ko sa iba. Walang pumasa, kaya pinili ko nalang mag-isa.
Kung bakit ba naman kasi kailangan pa kaming magsama para maging Perfect 10, mas gugustuhin ko pang kasama si Kclyn o 'di kaya ay si Cm. Magaling din naman silang Hunter, katulad ng dalawang malditang narito, a? Dahil lang kapatid ni Aerin si Vace ay sila na ang napili.
"Tignan natin kung kakayanin ng dalawang iyan ang training," bulong sa akin ng nasa tabi kong si Ligaya na tumatawa rin habang nakatingin sa dalawang walang ginawa kundi ang umasa kay Vace.
"Wala namang alam iyang si Aerin, sakit lang sa ulo ni Vace iyan."
Hindi pa kami kumpleto sa office. Wala pa si Jist at Knight, sila ang madalas mabigyan ng mga mabibigat na misyon sa aming sampu. Lalo na si Vace na naatasan bilang aming lider.
Ang Perfect 10 ay binubuo ng magagaling sa pakikipaglaban galing sa iba't ibang Division. Galing ako sa Vampire Division, dalawa kami ni Knight. Maayos naman ang line up namin kahit na maarte rin ang Warlock na si Earn, pero ang hindi ko matanggap ay si Aerin at Waynedi.
Nang dumating si Knight at Jist ay napangisi ako sabay ayos sa pagkakaupo. Kanina ko pa hinihintay si Jist. Agad na kumalat sa buong kwarto ang dala dalang kalamigan ni Jist. Ni hindi ko pa nga yata siya nakita na nakangiti ng matagal. Minsan lang kapag iba ang kausap niya.
"Drop the act," ngisi ko sa kanya nang maupo siya sa tabi ko.
Ang suplado talaga ng isang ito.
"What do you mean?" Kunot noong tanong niya.
Nilapit ko pa lalo ang upuan ko sa kanya. "There's nobody around here, so you don't have to be so cold towards us."
Hindi niya ako pinansin kaya umirap nalang ako. Pumunta si Vace sa harapan upang sabihin ang mga dapat naming gawin sa Shadow. Wala naman masyadong kalaban, o baka hindi lang nila sinasabi sa amin na mayroon nga?
Well, kahit naman meron ay alam ko sa sarili ko ang kakayahan ko. Malaging advantage para sa Perfect 10 ang makasama ako, dahil ako ang pinakamalakas na bampira sa henerasyon namin. Kahit sina Ama ay naniniwala riyan.
"Jist, can we talk?" Nang matapos ang meeting ay nagaayos na ang lahat para makaalis.
Bumuntong hininga siya. "Spill it,"
"Hindi rito," ngumisi ako.
Wala naman siyang nagawa. Bukod sa hindi naman siya busy, ay hindi puwedeng tanggihan ang bawat isa. Ang hindi ko maintindihan ay ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Jist simula nang inanunsyo sa lahat ng Keen sa Shadow na siya na ang susunod na Pack Leader.
Pumunta kami sa likod ng Lightwood kung saan madalas kaming tumambay noon. Sa likod kasi noon ay may tagong lugar na hindi alam ng iba. Nang marinig ko ang huni ng marahas na pagbagsak ng tubig mula sa taas, pababa sa tubig ng falls ay napangiti ako. Kumuha ako ng bato at binato iyon doon. Nakalikha naman iyon ng tatlong alon.
"O, kaya mo ba iyon?" Pag mamayabang ko kay Jist.
Dati kapag ganoon ang sinasabi ko ay kukuha rin siya kaagad ng bato para labanan ako. Ngunit ngayon ay nanatili siyang nakatingin sa akin ng kalmado. Nakatago sa suot niyang slacks ang dalawang kamay.
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Umupo nalang ako sa isang malaking bato na nakaangat doon. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Umihip ang malakas na hangin at sumabog ang buhok ko sa aking mukha.
Mukha lang akong matapang at maldita sa iba, pero katulad nila ay may kahinaan din ako.
"Jist, anong nangyari?" Mahinang tanong ko, nanghihina.
"Tigilan na natin ito, Sage. Walang patutunguhan ang relasyong nabuo natin..."
Sa lahat ng masasamang salita na narinig ko sa buong buhay ko ay ito lamang ang tumagos sa dibdib ko. Nahirapan akong huminga at nanghihina ang tuhod ko. Kahit hindi niya sabihin noon ay alam kong ganito ang nararamdaman niya ngunit hindi ko alam na ganito pala kasakit.
"Sabihin mo muna kung bakit," pagmamatigas ko.
"Hindi mo na kailangang malaman pa, Sage. Ano ba kita?" Inis na sabi niya.
Bumukol ang lalamunan ko nang hindi ko malunok ang dapat lulunukin ko. Marami g bumara sa lalamunan ko na hindi ko alam kung matatanggal ko pa ba o hindi na. Parang hindi ko na kaya, pero may parte sa akin na nagpapalakas sa akin.
"Jist..."
"Tigilan na natin ito. Tigilan mo na ako. Tigilan mo na lahat ng kahibangan mo..." kahit na matigas ang pagkakasabi niya noon ay nakarinig pa rin ako ng panghihina niya, kaya nabuhayan ako.
"Dahil ba ito sa pamilya mo? Sa pagiging pack leader? Ano, Jist?" Mahinahong tanong ko.
Hindi niya ako sinagot. Bumuntong hininga siya at nagsimula nang tumayo. Sinundan ko siya ng tingin habang magkasalubong ang kilay ko. Tinalikuran niya ako kaya napayuko na lamang ako.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide..."
Nagsimula akong kumanta. Hindi ko alam kung nagpatuloy ba siya sa pagaalis, o natigilan dahil sa kanta ko. Ang akin nalang ay gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko, gamit ang kantang iyon.
Lumakas ang hangin at ang hampas ng tubig. Natatabunan na ang huni ng ibon, dahil doon. Sa katunayan nga ay para sa mga taong gustong magrelax ang lugar na ito. Lalamatan pa yata namin ni Jist dahil hindi narerelax ang pakiramdam ko ngayon.
"I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claim it's not in the cards
And fate is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're here in my heart..."
Nilingon ko siya. Nagulat ako nang nanatili siya sa kinatatayuan niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Ang ibig sabihin ay natigilan siya sa pagkanta ko. Alam kong meron pa siyang natitirang pagtingin sa akin, may pumipigil lang doon.
Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkanta. Naramdaman kong bumagsak ang dahilan kung bakit naginit ang gilid ng mata ko.
"What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find..."
Saktong sakto ang kantang ito para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang pumipigil sa kanya ay ang mundong nakapasan sa balikat niya. Ang buhay ng maraming katulad niyang lobo. At ang kasabihan dito sa lugar namin.
Do not let your emotion cloud judgement, because emotions are nothing but a distraction.
"It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight..."
Lumunok ako at hinayaan nalang na tumulo ang luha sa mga mata ko. Dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na mababago ang desisyon niya. Kahit anong gawin ko ay mas mahalaga pa rin ang mga kalahi niya, kaysa sa akin na bampira.
"Jist!" Sigaw ko habang hinahabol siya sa paglalakad.
Kanina pa madilim ang paligid at ngayon naman ay bumabagsak na ang kaninang ulan na iniipon ng langit. Kitang kita ko kung paano magwala si Jist nang malaman niya na ang pinatay ni Hex ay ang Tatay niya.
Hindi namin siya napigilan kanina nang sugurin niya si Hex. Umawat si Vace, kaya napuruhan din siya. Ngayon ko lang nakitang galit na galit si Jist, dahil ang pagkakakakilala ko sa kanya ang isang lalaking manyak at wala nang magawa kundi ang magpapalit palit ng babae.
Tumigil ako sa pagtakbo nang makitang napaupo si Jist sa gilid ng kalsada. Kahit nakatalikod siya sa akin ay alam kong umiiyak siya at mabigat pa rin ang nararamdaman niya.
Gusto kong lumapit sa kanya para pakalmahin siya ngunit parang nakapako ang paa ko at hindi ko magawang humakbang palapit sa kanya. Sa hindi malamang dahilan ay tumulo rin ang luha sa mata ko. Hindi iyon mahahalata dahil, bumabagsak din ang tubig ulan sa mukha ko.
"How do we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?
Nothing can keep us apart
'Cause you are the one I was meant to find..."
Hindi ko alam pero bigla nalang iyong lumabas sa bibig ko para kantahin. Hindi ko alam kung anong kanta ito pero parang may sariling buhay ang bibig at utak ko para kantahin iyon habang palapit sa kanya.
Tinignan ko siya pababa nang makalapit na ako. Nag squat ako para mayakap ko ang likod niya habang umaalog iyon dahil sa pag iyak niya. Tumutulo pa rin ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.
"It's up to you,
And it's up to me
No one can say what we get to be
And why don't we rewrite the stars?
Changing the world to be ours..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top