Kabanata 20
Kabanata 20
Niloloko
Earn Miller's POV
"Use your whole self, Earn. I know you can do it..." kanina pa pinapalakas ni Knight ang loob ko habang nagbabasa sa Book of Spells.
Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maintindihan. Para bang may kulang pa, kaya hindi ko magawa nang maayos. Hindi ko rin alam. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi ako makapag concentrate ay dahil ibang iba si Knight ngayon.
Nakaupo siya sa harapan ko habang malalim na nakatingin sa akin. Na para bang kung may isang tao na naniniwala sa akin ng todo ay siya iyon. Na para banag alam niya ang kakayahan ko at alam kong magagawa ko ang sinasabi ni Ae.
"Knight..." banggit ko sa pangalan niya.
Kinagat ko ang labi ko. Gusto ko sanang magtanong ngunit nahihiya ako kaya kahit nakabuka na ang bibig ko ay wala pa ring lumalabas na boses doon. Kinagat ko ang dila ko 'tsaka pumikit ng mariin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya kaya napamulat din ako agad.
"Spill it, Mrs. Wood..."
"Hindi ko kasi alam na close pala kayo ni Ae," sabi ko. "Wala lang. Curious lang."
Tumawa siya. "Nagseselos ka ba?"
Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Binaba ko ang puting librong hawak ko at tinignan siya. Nakasalubong ko ang mainit at nakangisi niyang mata. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya. Kahit gusto kong umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil parang may magnet ang mga iyon sa mata ko.
"H-hindi, ah!" Nauutal na sabi ko.
Gusto ko pa sanang ipagtanggol ang sarili ko ngunit biglang sumandal si Knight sa back rest ng inuupuan niya habang humahalakhak. Sumusunod sa bawat galaw niya ang kwintas na nasa kanyang leeg.
Bigla naman akong nahiya dahil sa paraan ng pagtawa niya. Tinignan niya pa akong muli at saka tinuloy ang pagtawa. Gusto kong mainis ngunit hindi ko maiwasang hindi matuwa. Simula noong magbago siya ay hindi na muli kami nagkaroon ng pagkakataong ganito. Madalas ay lagi siyang galit sa akin, o 'di kaya naman ay seryoso. Ngayon ko nalang din siya nakitang tumawa ulit ng ganito.
Siguro dahil kay Ae, kaya siya nagbago ulit.
"Knight, about usㅡ"
"Hindi ito ang tamang oras para pagusapan ang bagay na iyan, Misis. Maybe, next time." Ngumiti siya.
Lumunok ako. Gusto ko lang namam sabihin sa kanya na kung hindi na siya masaya sa relasyon namin ay puwede naman niyang sabihin. Maiintindihan ko siyaㅡwell, kung hindi man ay patuloy ko siyang iintindihin. Alam kong wala akong kasalanan, pero kung iyon ang tingin niya ay wala na akong magagawa pa.
Nanatili ang ngisi sa labi niya pagkatapos tumawa. Naninibago talaga ako sa kanya. Ngayon nalang din ang unang beses na nakita ko siyang makangiti, kaya mas mabuting sulitin nalang ito kaysa sirain. Yumuko nalang ako at binasa ang nasa libro.
"Abracadabra!" Aniya, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
Naabutan ko siyang seryosong nakatingin din sa puting libro. Nagulat ako dahil pamilyar sa akin ang salitang iyon, pero hindi ko alam kung totoo nga ba iyon o kathang isip lamang. Mukhang hindi naman siya nagulat dahil nanatili ang mata niya sa libro na parang walang nangyari, o wala siyang sinabi na nakakapagtaka.
"Wait? We actually say that?" Kunot noong tanong ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Nakataas pa ang isang sulok ng labi niya na parang natatawa siya. Nanatiling nakakunot ang noo ko habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. Umiling siya at tumawa ng sandali.
"Syempre, hindi!" Knight sounded as if he could barely contain his laughter.
Kaunti nalang ay iisipin kong inaasar lang niya ako. Lumabi ako at hindi nalang siya pinansin. Binigkas ko ang isang spell sa libro na nakasulat sa lenggwaheng Latin.
"I nunc amit me te amare simul (Name of person) quoque sicerit in me ex caritate?" Patanong na sabi ko.
"Ow? That's actually a spell about Love..." tinignan niya ako sa mata.
Imbes na matawa ay naging seryoso ang mukha niya. Hindi ko alam na tungkol iyon sa Love, bigla nalang iyong nahagip ng mata ko at nang basahin ko ay nabuo ko iyon nang hindi manlang nauutal. Para bang sanay na sanay ang bibig kong sabihin ang spells na iyonㅡna parang matagal ko ng binabanggit iyon.
"Knight," kunot noong sabi ko nang may marealize ako. "Paano mo nalaman?"
Napatingin siya sa akin na parang hindi inaasahan na itatanong ko iyon. Nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Para bang may alam siya sa nangyayari, pero alam ko namang wala, dahil sa tagal ng pagsasama namin ay ni-minsan hindi ko siya nakitaan ng pagka-weird katulad ng mga ganitong bagay.
"Earnㅡ"
"Earn! Knight!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Waynedi kaya sabay kaming napatingin ni Knight sa may labas.
Dali-dali kaming tumayo at tumakbo palabas. Naramdaman ko ang mahina at kaunting patak ng tubig mula sa taas. Madilim ang buong paligid na akala mo ay maggagabi na. Bigla akong kinabahan nang makita ang mukha nila, lalo na si Vace at Hex na punong puno ng dugo sa buong katawan.
"Oh my God!" Napahawak ako sa bibig ko nang makita si Hex na hinang hina na.
Tinignan ko sila isa isa at nagulat ako nang makitang kasama nila si Mahika na hindi manlang kinakabahan o natataranta. Susugurin ko sana siya sa pagaakalang siya ang gumawa nito nang marealize na hindi nila kasama si Jist at Sage. May mga kalmot din sa mukha ni Vace at Hex.
"Are you okay?" Nilapitan ko si Vace na hawak ngayon ni Ae. "Oh my God, Hex!"
Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Ganoong kaba rin ang nakikita ko sa mukha ni Waynedi at Ligaya. Ang tanging kalmado lamang ay si Aerin, Knight at Mahika. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Kung nasaan si Jist at Sage, at kung bakit ganito ang natamo ng dalawa.
Inalalayan namin sila hanggang sa makapasok sa loob ng apartment ni Ae. Pinahiga nila ang dalawa sa couch habang agad namang kinuha ni Mahika ang Book of Spells ko. Binuklat niya iyon at babawiin ko sana sa kanya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin.
"Isarado ang pinto..." kalmado niyang sabi. Ako ang malapit sa pintuan kaya ako ang nagsarado. Pagkatapos niyon ay napangisi si Mahika.
Sinarado rin ni Ae at Knight ang bintana. Ngayon, alam kong wala nang makakasilip sa loob ng apartment ni Ae. Hindi na nagabalang buksan ang ilaw dahil biglang umilaw ang kamay no Mahika, kaya naging gabay namin iyon para makita ang pangyayari.
Sinigaw niya ang isang spell na nakasulat sa Book of Spells ko at saka binato ang kamay na nagiilaw sa kay Hex at Vace. Napahawak ako sa mata ko sa pagkasilaw. Hindi ko nasundan ang nangyari dahil pagkaalis ko ng kamay ko ay tapos na si Mahika. Sinarado niya ang libro habang kalmado pa rin at may ngisi sa labi. Binaba ko ang tingin sa kay Hex at Vace na nawalan ng malay ngunit ang kaninang dugo sa buong katawan nila ay nawala. Maging ang kalmot ni Hex ay wala na rin.
"Ae, tell me what happened. Nasaan si Jist at Sage!? Bakit nagkaroon ng ganyan si Hex at Vace?" Sunod sunod na tanong ko.
"You're right, Fray," ani Mahika habang nakatingin sa akin. "Mali nga ang pagkakaayos ng Earth at Shadow. Ibang iba."
"We'll explain to you later, Earn. Sa ngayon ay tuturuan ka muna ni Mahika para sa spells," marahang sabi ni Ae.
Hindi na ako nakapagsalita. Pinanuod ko kung paano lumabas si Ae, kasama si Knight. Nakatingin lamang ako sa pinto kung saan sila lumabas. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may tinatago sila sa akin na dapat kong malaman.
"Gusto mong malaman? Go ahead, sundan mo sila." Nilingon ko si Mahika nang sabihin niya iyon. Tumango lang siya sa akin na parang sinasabi na sundan ko na sila.
"Hindi ko ito gagawin dahil sinabi mo," sabi ko.
Kailangan kong malaman kung ano ang sikreto nila. Dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin, kung nasa tama pa ba ako, o dapat na akong mangamba para sa sarili ko.
"If you say so." Bumuntong hininga siya habang nakataas ang isang sulok ng labi.
Umirap pa ako sa kanya bago tumalikod at lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung saang parte sila naguusap. Dahan dahan lamang ang bawat kilos ko para hindi marinig at dahil na rin sa nag aalangan ako kung itutuloy ko pa ba ito, o hindi na.
Natatakot ako sa puwedeng mangyari kapag nalaman ko na iyon. Kung mananatili pa ba akong nasa side nila, o mawawala na ako ng tuluyan. Hindi ko alam. Para bang may mga pader na nakaharang sa bawat isip ko, kaya wala nang pumapasok na iba, kundi ito lamang. Ang malaman ang pinaguusapan nila.
"Knight, niloloko mo siya!" Nagulat ako nang marinig ko si Ae. "Niloloko mo si Earn!"
__________
Song : Recover by Ruelle
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top