Kabanata 2

Kabanata 2

Warlock

After kong malaman na hindi ko kapatid si Vace sa dimension na ito ay tuluyan na akong nawalan ng gana mabuhay. Una, si Waynedi. Pangalawa, si Ina. Pangatlo, si Knight. Tapos ano itong ngayon? Si Vace?

Buong buhay ko ay nakaasa lamang ako sa kapatid ko. Alam kong sakit ako sa ulo pero ni-minsan ay hindi ako sinukuan ni Vace. Kaya niyang pumatay at mamatay para sa akin at ganoon din ako. Hinding hindi makakaya ng worse dimension na ito na wasakin ang connection ko sa kanya.

Kung kailangan ko si Waynedi, mas kailangan ko ang kapatid ko.

Marahas kong pinahid ang pisngi ko nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. It's funny na kahit wala akong kapangyarihan sa dimension na ito ay kayang kaya ko pa ring matandaan kung sino ang nasa tabi ko ngayon kahit na hindi ko pa siya nakikita.

Umihip ang malakas na hangin at sumayaw ang sanga ng punong sinisilungan ko. Naglaglagan ang mga dahon na hindi na kayang kumapit pa sa sanga.

"I-Im sorry, Ae..." huminga siya ng malamin. "Pero simula noong tinawag mo akong... W-warlock ay hindi na ako matahimik."

Earn Miller. Hanggang dito ba naman ay nanaisin mong patayin ka ng sarili mong kyuryusidad?

"I said it was a joke," walang ganang sabi ko.

"No no no, Ae. I think you're right. Na... Warlock ako."

I froze. Tumigil sa pagtibok ang puso ko at hindi ko kayang gumalaw sa kinauupuan ko. What if she's right? What if kaya niya akong tulungan?

Nakakatawa na kahit alam kong walang pag-asa ay umaasa pa rin ako dahil lang sa sinabing ito ni Earn. Hindi niya alam kung anong sinasabi niya. Wala siyang alam sa sinasabi niya.

"I know it sounds crazy but... I can feel it. I'm a Warlock."

Tumaas ang isang sulok ng labi ko habang nakatingin sa kanya. Nabuhay ang isang parte ng sarili ko na namatay lang kani-kanina.

Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa! Hindi ako magiging si Aerin Fray na galing sa Shadow Realm kapag nawalan ako ng pag-asa. Hinding hindi ako iyong kanina! That's not me. Ang totoong ako ay matapang at hindi marupok at punong puno ng pag-asa.

"Paano mo nasabi, Earn?" Bulong na tanong ko sa kanya.

"Feeling ko may parte sa akin na natutulog, Ae, na kailangang gisingin..."

Posible kayang kami pa rin ito at kailangan lang magising ang isang parte sa pagka-tao namin para lang mabalik sa dati ang lahat? Nararamdaman ni Earn na Warlock siya, baka maramdaman din nila na hindi sila ordinaryong nilalang.

"Aerin Fray..."

Natigil ang pagkikwentuhan namin ni Earn nang biglang may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at napawi ang ngiti ko nang makita ko kung sino iyon. Binitawan ko ang kamay ni Earn at bumagsak ang balikat ko.

Hindi ko pa siya kayang harapin nang ganito ako. Nang ganito kagulo ang lahat. All this time ay lagi siyang nandiyan para protektahan ako, ngayon naman ay ako ang poprotekta sa kanya. Hinding hindi ko hahayaan na masaktan siya.

"Uh... pwede ka bang makausap?" Tanong niya sa isang malalim na boses.

Nilingon ako ni Earn kaya tumango na lamang ako sa kanya. Tumayo siya at iniwan kaming dalawa ni Vace. Narinig ko ang buntong hininga niya bago umupo sa tabi ko.

Pakiramdam ko ay ligtas ako nang nasa tabi ko si Kuya. Kahit na hindi niya ako kilala sa dimension na ito at kahit na hindi kami magkapatid dito ay tinuturing ko pa rin siyang Kuya. Walang mababago roon. Ang Kuyang kayang gawin ang lahat para sa kanyang kapatid.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

Ngumisi ako. Kung siguro ay nasa Shadow Realm kami at tinanong ako ng ganito ni Vace ay baka tinawanan ko na siya at kinantyawan. Ni-minsan ay hindi ako tinanong ni Vace kung may problema ba ako o kung okay lang ba ako dahil malaki ang tiwala niya sa akin.

Umiling ako. "Wala..." mahinang sabi ko.

Hindi mawala wala sa labi ko ang ngiti. Masaya na ako na nasa tabi ko siya. Masaya na ako na nakakausap ko siya. Sapat na lakas na iyon para mas ganahan pa akong ayusin ang gulong pinasok ko. Kailangan ko si Earn.

Gigisingin namin ang isang parte niyang iyon. Alam kong kapag siya ang unang nagising sa dimension na ito ay mas mapapadali ang lahat. Thanks to her magic.

"Ikaw, kumusta ka naman?"

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Magkasalubong ang kilay niya at parang hindi niya inaasahang manggaling ang tanong na iyon sa mismong bibig ko.

"Fine..." lumunok siya. "I'm fine."

Ang sabi ni Sage at Ligaya ay lagi raw hindi nagkakasundo ang Ae sa lugar na ito at si Vace. Hindi naman siguro masamang baguhin ko iyon, hindi ba? Kilala ko si Vace. Kilala ko ang kapatid ko at mabuti siyang tao.

Humalakhak siya. Nagugulo ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin kaya natatakpan nang bahagya ang mga mata niya. Maganda ang pagkakadepina ng kanyang panga at tumataas-baba ang adams apple niya. He looks great.

"Mukhang tama nga ang mga chismis na narinig ko sa hallway..." sabi niya.

"Anong chismis?" Tanong ko.

Nilingon niya ako. "Na naging weird ka raw pagkatapos mong magising sa garden..."

Lumunok ako at kumurap kurap. Hindi ko talaga alam kung paano ang dating Aerin. Kung tahimik ba siya, girly, demure, di makabasag pinggan or weird pero hindi ako iyon. Kung ano ang pinapakita ko ngayon sa kanila ay iyon ay ang totoong ako.

Ang Aerin Fray na galing sa Shadow Realm.

"A-ano ba ako noon?" Pilit akong ngumimingisi, nagbabaka sakaling masagot lahat ng tanong ko.

"Noon?" Tumawa siya. "Galit sa lalaki pero tahimik. Kung may isang tao man na hindi sakit sa ulo ng mga teacher dito ay ikaw iyon..."

"Pero... hindi ba ay lagi mo akong nahuhuling natutulog sa garden?"

Iyon ang sabi ni Sage at Ligaya. Mabuti nalang at nakuha ko rin ang ability ko na matandaan lahat ng details ng mga sinasabi nila na hindi importante pero importante pala.

"Yeah," tumango siya. "And Sage Reign was always there to saved your ass, kiddo." Umiling siya habang nakataas ang isang sulok ng labi.

Sage Reign saved me?! Whoah. Hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin ang mundong ito dahil hinding hindi iyon mangyayari sa Shadow. Kung may isang tao man na gustong gusto akong mamatay ay si Sage iyon. Kaya bakit niya ako tinutulungan?

"I should go." Tumayo siya at pinagpag ang pwetan, "Umuwi ka na rin. Anong oras na at alam mo namang hindi ligtas ang kababaihan kapag naabutan sila ng dilim sa labas."

Tumayo na rin ako at pinagpag ang aking pwetan. Hindi ko namalayan na maggagabi na pala. Isang araw na akong wala sa Shadow Realm at isang araw na rin akong nandito sa mundo nila.

Ang tanong... hanggang kailan kaya ako tatagal dito? O kung makakatagal ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top