Kabanata 19

Kabanata 19

Kwintas

Ligaya Cox's POV

"Sabihin mo na kasi sa amin kung nasaan iyong magaling mong partner?" Tanong ni Sage.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa kabilang parte ng gubat papunta sa bahay ni Mahika. Matirik ang araw ngayon at masakit sa balat, tapos ay wala manlang kaming dala kahit isang payong. Masakit sa ulo. Isama mo pa itong makulit na Sage na tanong nang tanong kung nasaan si Gene.

Pilit ko na nga binubura sa isip ko iyong kahihiyang naramdaman ko, pero binabalik pa rin niya. Palibhasa ay kasama namin ngayon si Jist na mukhang may gusto sa kanya dahil sa epekto ng kagat niya.

"Bakit mo pa ba kasi siya hinahanap?" Inis na tanong ko.

"Bakit ka ba naiinis? Tinatanong lang." Pang asar na sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Tumingala ako at natamaan ng araw ang mukha ko. Natahimik kaming tatlo pagkatapos noon. Tanging tunog ng dry leaves, huni ng ibon at kung ano ano pang insekto at hayop ang maririnig.

Ang sabi ni Ae ay ang bahay kubo na tinitirahan ni Mahika ay nasa gitna lamang ng gubat. Kung patuloy lang kaming maglalakad ng diretso ay makakarating kaagad kami roon. Ngayon lang din ako nakapunta rito kaya hindi ko masyadong kabisado ang daan. Mabuti nalang at mahilig daw mangahoy rito si Jist at ang Tatay niya kaya alam niya ang daan.

"Bonding na rin naming mag-ama iyon simula noong bata pa ako." Nakangiting kwento ni Jist nang tanungin siya ni Sage tungkol sa pangangahoy nila ng Tatay niya rito.

"Hindi ka ba natatakot? Malay mo ay may baboy ramo pala rito?" Tanong ko.

"Bakit pa ako matatakot? Kasama ko nga bampira at diwata, tapos ako mismo ay lobo."

Sabagay. Minsan ay nakakalimutan ko ang tunay naming pagkatao. Nasanay kasi kami sa normal na buhay kaya ang tingin ko pa rin sa kanila ay tao. Wala pa namang pangyayari na gigising sa akin sa katotohanang hindi kami ordinaryo, e.

Sa 'di kalayuan ay matatanaw ang nag-iisang bahay kubo sa gitna. Sarado ang ang lahat doon. Kung titignan mo ay iisipin mong walang natira roon, pero ngayong napatunayan na naming mayroon ay kailangan naming maging seryoso at maging maingat.

"So, what do you want to do, Ligaya?" Tanong ni Sage.

Huminto kami sa paglalakad para tanawin lamang muna ang bahay kubo. Ang plano namin ay habang kinakausap nila Ae si Mahika, unti-unti kaming papasok sa bahay kubo niya upang kumuha ng gamit na puwedeng ilaban sa kanya. Ang sabi rin ni Ae, may mga bagay na mahalaga sa isang Warlock. Katulad nalang ni Earn na mahalaga sa kanya ang Book of Spells niya, kaya puwede iyon ilaban against sa kanya.

"Honestly? Anything that involves getting away from you."

Inis pa rin ako sa kanya sa pangbubwisit niya sa akin kaya nasabi ko iyon. Natigilan naman siya at natawa. Alam niyang hindi ako seryoso roon at nasabi ko lamang iyon dahil sa inis ko sa kanya. Nakita ko naman na nagpipigil din ng tawa ni Jist kaya inirapan ko sila pareho.

"Masyado ka namang seryoso, Cox. Mas lalo mo tuloy akong binibigyan ng rason para alamin ang totoong dahilan ni Scott, kaya wala siya rito," ngising sabi niya.

"Tama na nga iyan," sabi ni Jist na may bahid pa ng ngiti sa labi. "So, paano?"

Nagkatitigan kaming tatlo. Nagulat ako nang biglang umalingawngaw ang boses ni Sage sa utak ko. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o imahinasyon ko lamang. Sinabi niya roon ang mga gagawin namin. Sumagot din si Jist, kaya alam ko nang totoo nga itong nangyayari.

We are having a conversation using our mind.

"Game!" Ngising sabi ko at nagsimula na kaming gumalaw.

Pumunta ako sa kabilang parte ng bahay kubo. Narinig ko pa ang paguusap ni Ae at Mahika na sa tingin ko ay kanina pa iyon dahil ramdam na ramdam ko sa boses noong Mahika na nabobored na siya at walang balak tumulong.

Kinagat ko ang dila ko habang hawak ang kahoy na bahay niya. Sumilip ako sa maliliit na awang doon at nakita ang isang kumikinang na kwintas. Kulang ginto iyon. The more na tinititigan ko iyon ay mas lalo akong inaakit. Parang nawawala ako sa wisyo ko at gusto kong sundin lahat ng gustong sabihin noong kwentas.

'Silip kayo sa loob ng bahay kubo'

Hindi ko alam kung paano namin nagagawa ang paguusap gamit ang isip, but it's pretty cool! Puwede ba naming gawin iyon ni Sage kapag may isang tao kaming dapat pagtsismisan na hindi namin magawa dahil nasa paligid lamang namin sila?

'Be careful, Cox' narinig kong umalingawngaw ang boses ni Ae.

Nagulat ako dahil baka marinig din ni Mahika ang pinaguusapan namin at makatunog siya. Maingat akong pumunta sa harap at sinilip sila. Patuloy pa rin sila sa paguusap at parang hindi naman iyon narinig ni Mahika. Dahil kung narinig niya iyon ay matataranta na sana siya at mahuhuli kami, pero hindi.

'It's a ritual, Cox. Binigay sa atin ito ng isang angel para maging communication sa oras na gumawa tayo ng misyon. Perfect 10, right? Now, kailangan mong magtago dahil magaling makiramdam si Mahika.'

It makes sense now. Nagtago ulit ako habang tinititigan ang umiilaw na kwentas. Nakuha naman ni Sage at Jist ang sinasabi ko kaya gumagawa silang dalawa ng paraan kung paano iyon makukuha nang hindi nakakaramdam si Mahika.

Nagusap kaming lima kung paano madidistract lalo si Mahika. Ngayon ko lang napansin na hindi kasama ng dalawang magkapatid si Hex at Waynedi na kasama nila kanina noong naghiwalay kami. Nagchange plan na ba sila kaya wala iyong dalawa, o nag inarte nanaman iyong si Waynedi?

Nang makita kong distracted na si Mahika ay saka ako pumasok sa loob ng bahay. Hinihingal pa ako nang mailapag ko ang paa ko sa kahoy na hagdan pataas. Nawalan ako ng focus dahil namangha ako sa kabuuan ng bahay kubo. Kung sa labas ay simpleng bahay lamang siya, pero sa loob ay punong puno iyon ng kagamitan. Nagliliwanag ang buong paligid at hinding hindi mo makikita ang labas.

'It's a Warlock Glamour'

"Wow," tanging nabanggit ko nang nasa harap ko na ang kumikinang na kwintas.

Natatamaan ang mukha ko nang kinang niyon. Sa sobrang magha ko ay hindi ko iyon magawang hawakan dahil baka mabasag ko at sayang naman iyon. Kuminang pa iyong muli sa mukha ko bago ako natauhang muli.

'Ligaya, focus!' Si Vace.

'Kunin mo na! Dalian mo!' Si Sage.

Sa gulat ko ay kinuha ko iyong bigla at tumama ang siko ko sa table kung saan iyon nakalagay. Nataranta naman ako at nilingon ko ang likod ko. Alam kong narinig nilang lahat iyon, lalo na ni Mahika kaya niyakap ko ang kwentas.

Ang kaninang nasa labas na si Mahika ay agad na nakarating sa harapan ko nang walang kahirap hirap. Naging clear ang mata niya at umilaw iyon. Nanlilisik ang mga mata niya. Pinaikot ikot niya ang kanyang dalawang kamay at bigla iyong nakalikha ng isang liwanag. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng taoㅡwell, hindi nga pala siya tao.

"Hey, watch out!" Sigaw ni Ae, kaya yumuko ako nang ibato sa akin ni Mahika ang nilikha niyang ilaw sa kamay.

Nilingon ko ang likod ko, kung saan tumama ang binato niya sa akin. Nasunog iyon kaya lalo akong natakot sa puwedeng mangyari sa akin kapag natamaan ako ng mga iyon.

"Ligaya Cox," banggit niya sa pangalan ko. "Akala ko ay isa kang matalinong nilalang? Nagagawa mo nga kaming linlangin, hindi ba?" Mas lalo kong nakita ang galit sa mga mata niya.

Gumawa ulit siya ng liwanag sa kamay niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pumikit ako ng mariin habang yakap pa rin ang kwintas na nakuha ko at naghintay nalang sa kung anong mangyayari sa akin.

"Mahika!" Narinig ko ang sigaw ni Ae.

Ilang segundong katahimikan ang naghari, bago ko minulat muli ang mata. Hinihingal ako na akala mo ay tumakbo ako ng pagkalayo-layong milya. Naabutan kong nakahawak si Vace at Ae sa magkabilang kamay ni Mahika. Naroon pa rin ang galit sa mukha niya ngunit ang nagiilaw niyang mata ay nawala na.

"Guys!" Sigaw mula sa labas ang bumasag ng katahimikan.

Si Hex at Waynedi ang tumatakbo papunta sa amin. Naghihina si Waynedi habang hawak siya ni Hex sa balikat ngunit nagmamadali pa rin silang dalawa sa pagtakbo. Natigilan pa sila nang makitang hawak ng dalawang magkapatid si Mahika.

"May lobong naka-encounter si Wayne sa gubat habang paalis siya." Tumingin si Hex sa kay Jist.

Natigilan kami, hindi alam kung anong sasabihinㅡkung paano magrereact. Wolf si Jist, pero ni-minsan ay hindi ko pa siya nagiging naging lobo. Naniniwala ako kay Ae, pero hindi pa ako nakakakita ng actual na lobo. Iyong harap harapan, kaya nagulat pa rin ako.

"Mahika, kailangan mo na kaming tulungan! Kaunti nalang ang oras natin. Papunta na sila rito!" Sigaw ni Ae.

Kaunti nalang ang oras? Sinong papunta? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan!

________

Song : Fear on Fire by Ruelle

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top