Kabanata 18
Kabanata 18
I'm Here
Waynedi Foster's POV
Kung hindi lang dahil kay Hex ay baka hindi ako sumama sa kalokohan nilang ito. Inis na inis ako habang tinatapik ang binti ko dahil nadadapuan iyon ng mahahabang talahib na nagkalat dito sa gubat na dinadaanan namin.
Sayang naman ang lotion ko! Ang init ng panahon tapos ay naglalakad kami rito. Kapag walang puno ay saktong sakto sa balat namin ang pagtama ng sinag ng araw. Sana ay dinala ko nalang iyong payong ko, kung alam ko lang na ganito.
"Malayo pa ba?" Inis na tanong ko.
Tinignan ako ng panandalian ni Aerin at saka inirapan. Halata namang naiinis siya sa akin kaya bakit pilit pa rin niya akong sinasama sa kalokohan niya? Ang nakakainis pa roon ay naniniwala itong si King sa lahat. Handa rin siya sa lahat ng mangyayari sa kanya, para lang mapatunayan ang lahat at lumabas ang totoong kakayahan namin.
Like seriously? Normal naman ang mundoㅡnormal naman ang Earth kaya kahit hindi iyon gumising sa amin ay ayos lang. Buti sana kung may makakalaban kami rito, pero wala naman. Dahil normal ang mundo namin.
"Malapit na." Si Vace ang sumagot noon.
Naghiwa-hiwalay kami nila Sage dahil sa kabilang daan sila dumaan. Pero sa bahay pa rin nila Mahika ang tungo naming lahat. Pwera lang kay Knight at Earn na naiwan sa apartment ni Aerin para pag aralan iyong spells. May sariling plano sina Sage na pinagusapan kanina. Ang plano at gagawin lang namin ay ang kausapin si Mahika.
"Sa susunod ay hindi na ako sasama sa ganito! Ano ba naman ito. Ang init init tapos angㅡ"
"Wala ng susunod, Wayne. Maniwala ka sa hindi, kapag tinulungan tayo ni Mahika ngayon ay kahit huwag ka ng tumulong sa susunod..." ani Aerin.
Seryoso ang mukha niya at parang sukong suko na siya sa akin. Natahimik naman ako at nakaramdam ng kaunting guilt. E, sa ayaw ko ngang tumulong, ano bang magagawa nila? Pasalamat siya at naniwala si Hex, kung hindi ay baka wala rin ako rito.
"Tama na nga iyan. Walang mangyayari kung mag aaway away tayo..." ani King.
"Hindi sana tayo mag aaway away kung hindi sapilitan ito!" Kontra ko.
Tumigil bigla si Aerin at parang gusto kong umatras palayo nang humarap siya sa akin at punong puno ng galit ang mukha niya. Namumula ang mga mata at nag iilaw iyon. Napanganga ako. Napahawak ako sa braso ni Hex dahil doon.
"Calm down!" Hinawakan ni Vace ang magkabilang braso ni Aerin.
Kumalma naman siya at bumalik sa kulay itim ang mata niya. Hindi na rin iyon umiilaw at wala akong makita sa mukha ni Aerin na emosyon. Matabang siyang nakatingin sa akin na parang sinasabi na bahala na ako sa desisyon ko. Kung sasama ba ako o hindiㅡkung tutulong ba ako o hindi.
"Go, Wayne..." mahina niyang sabi.
Sa inis ko ay tumalikod ako sa kanila at naglakad palayo. Bago ako makatalikod ay nakita ko ang pagka-disappoint ng mga mata ni Hex. Ang layo na ng nilakad ko tapos ngayon lang ako tinanong ni Aerin kung tutulong ba ako o hindi?!
Hindi ko alam ang daan. Parang gusto ko nalang bumalik ulit kila Aerin at tumulong, pero pagkatapos ng mga sinabi at desisyon ko ay nahihiya na akong bumalik. Ayaw kong bumalik at paninindigan ko ang desisyon ko.
Ang ilamg sanga ng puno ay nalalagyan sa daanan kaya mas lalo akong nahihirapang maglakad dahil kapag hindi ko iyon nakita ay paniguradong mapapatid ako. Walang ibang maririnig dito kundi ang mga huni ng insekto at kung ano anong hayop na nagkalat dito. Ang tuyong dahon na kapag natatapakan ay nadudurog iyon kaya nakakalikha ng kakaibang tunog.
"Nakakainis talaga!" Sambit ko.
Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Kung sa sarili ko ba, sa desisyon ko o kay Aerin. Bakit ba kasi kailangang naroon pa ako sa dimension na sinasabi niya? Bakit hindi nalang ibang tao!
Sa paglalakad ko ay nakarinig ako bigla ng kakaibang tunog. Hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang tunog na iyon. Tumigil ako sa paglalakad para pakiramdaman iyon. Natatakot akong lumingon dahil baka mamaya ay nasa likuran ko na pala iyon, kung ano man iyong sumusunod sa akin.
"Who's there?" Tanong ko ngunit umalingawngaw lamang iyon sa buong gubat at wala akong narinig na sagot pabalik.
Alam ko. Alam kong may sumusunod sa akin. Nararamdaman ko iyon at ang mas weird pa roon ay naaamoy ko ang balahibo niya. Hindi ako sigurado kung ano siya. Kung hayop ba iyon o tao. Basta ang alam ko ay nasa panganib ako.
Sinubukan kong humakbang muli ngunit narinig ko nanaman iyon. Para iyong asong handa na akong lapain ano mang oras. Naaamoy ko rin ang laway niya at alam kong humahanap lamang iyon ng tyempo para atakihin ako.
"Sino iyan? Hindi ako natatakot sa iyo!" Malakas na sabi ko pero dahil sa kaba ay pumiyok pa ako.
Gusto ko nang umiyak ngayon at lumuhod para magmakaawa na huwag akong saktan ng nilalang o hayop na iyon pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para bang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko manlang mabuhat ang sarili kong mga paa.
Lumakas ang tunog na iyon. Naramdaman ko na rin siya sa kanang parte ko kaya nilingon ko iyon. Nanlaki ang mata ko at napanganga ako nang sa wakas ay makita ko na kung ano iyon. Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa damuhan. Pilit akong tumatayo para tumakbo ngunit hindi ko kaya. Mabibigat na ang mga hininga ko at tumutulo ang pawis sa gilid ng noo ko.
His eyes were blue fire, and from his throats came a combined low growl that sounded like the roiling crash of a waterfall.
Wolf.
Wolf iyon at kitang kita ko kung paano tumulo ang malapot na laway sa bibig niya na akala mo ay ilang taon nang hindi kumakain at ngayon ay sa wakas makakakain na siya.
Pinilit kong makalayo sa kanya kaya tinulak ko ang paa ko paatras pero hindi sapat iyon para makalayo ng tuluyan sa kanya. Ngayon lang ako nakita ng katulad niya pero alam na alam ko kung ano siya. Mukha nga siyang aso pero kitang kita ko ang pagiging tao niya kahit na ganyan ang itsura niya at alam kong lalaki siya.
"J-jist!?" Nabubulol na sambit ko. "J-jist T-thomas!?"
Nag-growl lang ulit iyon kaya napapikit ako ng mariin. Tumulo ang sunod sunod na luha sa mga mata ko. Halos mabaliw na ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Dinampot ko ang damo at binunot iyon 'tsaka hinagis sa kanya. Naramdaman kong pumasok ang ilang lupa sa loob ng mahaba kong kuko pero wala na akong pakielam.
"Go away!" Sigaw ko na halos mag ugat na ang leeg ko.
Palapit siya nang palapit at lalong hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Tumingin ako sa langit para tignan kahit sandali ang kagandahan ng araw na kanina ay halos murahin ko na dahil sa sakit ng tama niyon sa balat ko. Umihip ang fresh na hangin mula sa kagubatang ito. Nagsayawan ang mga puno at nalalaglag ang iilang dahon na hindi na kayang kumapit sa mga punong pinanggalingan nila.
Tinignan ko muli ang Wolf at nakitang kaunti nalang ang layo niya sa akin. Umatras pa ako para lang makalayo sa kanya pero walang nangyayari. Alam kong masusundan at masusundan niya ako. Nanginig ang buong katawan ko at para akong tinurukan ng anesthesia dahil sa pamamanhid ng katawan ko.
"Don't come near me! Umalis ka rito! Hindi kita kilangan at wala kang makukuha sa akin!" Pilit na sinisigaw ko.
Umatras iyon ng bahagya na parang kumukuha ng tyempo. Nang makakuha na siya ay tumalon siya sa akin. Naramdaman ko ang pag atake niya nang maging ang nasa paligid namin ay humangin ng malakas dahil doon. Napapikit ako ng mariin at hinintay nalang na maramdaman ang atake niya sa akin.
Hinihingal ako habang humahagulgol. Kinuyom ko ang kamao ko pero ilang segundo lang ay narinig ko ang malakas na pagbagsak sa gilid ko. Napatili ako at tuluyan nang napahiga sa damuhan habang takot na takot. Pinakiramdaman ko sa sarili ko ang sakit ngunit wala.
"You're safe..." hinihingal na sambit ng isang lalaki.
Habol ko pa rin ang hininga ko at hindi ko mamulat ang mata ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Minulat ko ang mata ko. Noon una ay malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nakaharang doon pero unti-unti iyong lumiwanag at nakita ang pawisan, hinihingal at seryosong mukha ni Hex.
"Hex, oh my God!" Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot sa dibdib ko. Nakita kong nakahiga ang Wolf na iyon sa damuhan habang duguan ang tagiliran niya. Malaki iyon. Kasing laki ng tao kapag tumayo.
"Yeah, yeah. I'm here..."
Biglang umilaw ang Wolf na nakahiga roon. Napabitaw ako kay Hex para takpan ang mata ko dahil nakakasilaw iyon. Pagkatapos niyon ay tinignan kong muli ang Wolf ngunit nakita kong tao na iyon. Walang saplot pero ang balisong na nasa kayang tagiliran ay naroon pa rin.
Nilapitan namin iyon ni Hex. Hinugot niya ang balisong na hawak. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong balisong kaya siguro ay galing iyon kay Aerin. Dahil nagawang patayin ni Hex ang isang Wolf gamit lamang iyon. Hinarap ko ang lalaking nakahiga roon at napahawak ako sa bibig ko nang makita kung sino ang napatay ni Hex at kung sino ang sinubukang atakihin ako kanina.
Ang Tatay ni Jist!
💎💎💎
Yes naman may POV na si Waynedi! Haha. Na-late ng kaunti pero para talaga 'to sa port ni Hex King na si J-hopeeee! Belated Happy b-day sa kanya huehue. :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top