Kabanata 17
Kabanata 17
Stick With Me
Earn Miller's POV
"Hindi ba delikado ang misyon mo, Knight?" Kunot noong tanong ko sa kanya habang binubuklat buklat ang Book of Spells ko.
"You just have to trust me," ngumisi siya. "Okay?"
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Nang mahanap ko na ang spells na gusto niyang gawin ko ay tinignan ko siya. Suot suot pa rin niya ang ngisi sa labi niya ngunit ako ay hindi ko na magawang itaas kahit ang isang sulok lamang ng labi ko.
Kinakabahan ako sa gusto niyang mangyari. Alam ko lahat ng posibilidad na mangyari kapag pumapalpak siya sa misyon niya. Hindi lang sarili niya ang mapapahamak, kundi ang buong Shadow. Hindi biro ang lahat ng ito, gusto kong malaman kung sino ang nagbigay sa kanya ng ganitong klaseng misyon.
"Go on..." he whispered.
I rolled my eyes at nagsimula nang basahin ang isang ritual na nakasulat sa lingwaheng Latin. Pagkatapos ay pinaikot ko ang aking kamay kaya umilaw iyon at namuo ang pwersang tutulong sa akin para maisagawa ng maayos ang spell. Hinagis ko iyon sa gilid at nakalikha iyon ng isang bilog. Bilog kung saan nagdudugtong ang dalawang dimension.
It's a five-dimensional door. Dimensions aren't all straight lines, and this door can take you anywhere in other dimension that you want to go. It's an escape hatch.
"Babalik ako, Earn Miller..." huling katagang binanggit ni Knight bago siya magpahigop sa portal na ginawa ko.
"Knight!" Marahas akong bumangon sa kama.
Punong puno ng pawis ang buong katawan ko at hingal na hingal ako na akala mo ay ilang milya ang tinakbo ko. Madilim ang buong paligid at alam kong wala ako ngayon sa aking kwarto. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang picture sa gilid ng kama; si Aerin.
Sinapo ko ang noo ko at pilit na inaalala ang panaginip ko ngunit kaunti lamang ang naalala ko. Ang pag ilaw ng mga kamay ko, si Knight na nakangiti sa akin at ang takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay iniwan ako ni Knight.
Nanatili ako sa ganoong ayos habang kinakalma ang sarili. Epekto pa rin ba ito ng lahat? Epekto pa rin ba ito ng kagat ni Knight? Dahil kung oo ay pakiramdam ko, mababaliw na ako.
"Our own Sleeping Beauty..." sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakatayo pala si Knight sa may pinto at nakasandal doon habang nakahalukipkip. "Who finally kissed you awake?"
Naramdaman ko ang sarkastiko sa kanyang boses. Lumunok ako at tinignan siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang pag iwan niya sa akin sa panaginip ko. Ang takot na naramdaman ko, ngunit alam kong wala naman siyang pakielam doon.
"Nobody. I woke up on my own," nag iwas ako ng tingin sa kanya.
Inisip ko pa kung bakit ako nakahiga rito at tulog nang bigla kong maalala na pumunta nga pala kami sa bahay noong Mahika at pagkatapos niya akong titigan ay bigla na lamang akong nahilo at kinapos ng hininga. Alam kong kagagawan niya ang nangyaring iyon. Dahil sa inggit niya.
"Good." Umayos siya ng pagkakatayo, "Mag ayos ka na riyan at nasa sala kaming lahat..."
Walang sabi sabi siyang umalis na parang wala manlang pakielam kung okay na ba ako o hindi. Ni hindi manlang niya tinanong iyon at pinakita pa niyang wala talaga siyang interes sa kung anong nararamdaman ko.
Bumuntong hininga ako at tumayo na. Inayos ko ang higaan ni Ae, bago hinarap ang malaking salamin sa gilid. Inayos ko ang buhok ko. Namumutla ang balat ko, maging ang labi ko. Hindi pa talaga ako okay dahil nahihilo pa rin ako hanggang ngayon.
Agad silang napatingin sa akin nang tumunog ang pinto dahil sa pagkakabukas ko. Ngumiti ako sa kanila, habang si Ligaya naman ay nilapitan ako at tinanong kung okay na ba ako. Tumango lang ako.
"Are those Sage's clothes?" Tanong ni Vace na nakasandal sa pader habang nakangisi sa akin. "They look ridiculous on you."
Narinig ko ang halakhak nila ni Jist. Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko at nagulat ako nang makita ang maikling short ni Sage at ang damit niyang medyo revealing dahil maluwag sa bandang dibdib.
Hindi ko iyon napansin kanina at salamat kay Vace dahil mukhang nakakuha sila ng pagtatawanan ng mga boys. Inirapan ko sila at tinignan nalang si Ae na kausap ngayon si Knight. Mukhang seryoso sila at nag aaway. Si Ae ay magkasalubong ang kilay, habang si Knight naman ay akala mo tuta sa sobrang bait.
"Very funny, Ward!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Anong hindi bagay? Ang cute kaya!" Ani Sage at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.
Na-conscious naman ako sa ayos ko kaya halos takpan ko na ang buo kong katawan. Natigil sila sa pagtawa nang biglang tumayo si Ae. Galit ang mukha niya kaya niloko pa siya ni Vace ngunit nanatili pa ring seryoso ang mukha niya.
"Si Mahika nalang talaga ang tanging pag asa natin ngayon." Aniya.
Mukhang alam ko na kung bakit ganyan siya. Dahil ayaw ni Mahika na tulungan kami. Ayaw niya dahil sa akin. Dahil galit siya sa akin. Siguro kung wala ako sa grupo nila ay baka pumayag si Mahika. Baka magawa ng maayos ni Ae ang dapat mangyari.
"Walang problema roon." Si Vace. "Ano bang tipo ni Mahika? Katulad ko ba? Kayang kaya ko siyaㅡ"
"This is not a joke, Kuya." Diniinan ni Ae ang pagkakabanggit niya sa "Kuya" dahilan kung bakit natahimik si Vace.
"Puwede naman iyon, a? Aakitin ko siya," gatong pa ni Jist na nakatanggap naman ng batok mula kay Sage.
Sa ganitong usapan sila nagkakasundong mga boys, e. Kapag tungkol sa babae. Kapag tungkol sa paglaro sa nararamdaman ng mga babae. Madali lang para sa kanila iyon, pero ang epekto noon sa aming mga babae ay malala.
Umupo ako sa tabi ni Hex. Si Waynedi naman ay puro cellphone lamang ang inaatupag at hindi nakikinig sa sinasabi ni Ae. Ang gusto ni Ae ay puntahan ulit namin si Mahika at kumbinsihin. Pero sa misyong ito ay hindi na ako kasama. Hindi na ako sinama ni Ae.
"Anong ako!? Ayaw ko nga!" Sigaw ni Waynedi nang sabihin ni Ae na silang apat nina Vace, Hex at Ae ang pupunta ulit doon.
"This is not a question, Wayne. Hindi kita tinatanong kung gusto mo o ayaw mo, dahil sasama ka pa rin kahit anong mangyari."
Sa sinabing iyon ni Ae at natahimik si Waynedi. Inatasan niya rin si Jist, Sage at Ligaya sa misyong iyon. Pinagusapan na nila ang plano nila at wala akong magawa kundi panuorin nalang sila sa pag uusap nila.
"Where's Gene, Cox?" Tanong ni Ae.
Ngayon ko lang din napansin na wala si Gene. Tahimik lang kasi iyon kaya kapag wala sa paligid ay hindi mapapansin. Sumimangot naman ang mukha ni Ligaya at nagkibit balikat na lamang. Tiningala ko naman ang ulo ko sa back rest ng couch habang tinitignan ang ceiling.
Nagulat ako nang biglang sumulpot doon ang seryosong mukha ni Knight. Napanganga ako at kahit gusto kong mag iwas ng tingin at umayos ng upo ay hindi ko magawa. Nakatingin siya pababa sa akin. Tinikom ko ang bibig ko.
"Earn Miller," banggit niya sa pangalan ko at biglang nag echo sa tainga ko ang ganoong eksena sa panaginip ko. "Let's talk about our plan..."
Huh? What plan? Akala ko ay dahil hindi ako sinama ni Ae ay maiiwan nalang ako rito sa apartment niya. Ngunit anong plan ang sinasabi nitong si Knight?
Umupo siya sa tabi ko kaya napaayos na ako ng upo. Lumunok ako at umubo ng bahagya para mawala ang mga bara sa lalamunan ko. Inayos ko rin ang buhok ko dahil hindi ko alam. Pakiramdam ko ay hindi ako maayos sa paningin niya kapag ganoon ang itsura ko.
"Pero sa pagkakataong ito, I want you to be safe. I want you to stick with me. Huwag na huwag kang lalayo sa akin dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ulit sa iyo ang mga nangyari kanina."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top