Kabanata 16

Kabanata 16

Girlfriend

Ligaya Cox's POV

Tahimik lang ako nang makarating kami sa practice room. Kasama ko si Gene at sa sobrang tahimik niyang tao ay halos mapanis na ang laway ko. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid at puro instrument lamang ang nakikita ko.

Tumayo ako sa tabi ng piano at pinindot iyon. Nagulat ako nang maglikha iyon ng tunog kaya napatingin ako kay Gene. Napatingin din siya sa akin habang inaayos ang gitara niya. Mukhang tinotono niya iyon.

Huminga nalang ako ng malalim at umupo. Hindi ako tahimik na tao kaya struggle sa akin na mapunta sa tahimik na tao. Kung bakit ba naman kasi absent pa si Sage, wala tuloy ako makasama. Si Waynedi naman ay hindi pa rin niya tanggap ang lahat.

"Anong paborito mong kanta?" Tanong ni Gene.

Akala ko ay hindi ako ang kinakausap niya kaya tinuro ko pa ang sarili ko. Tumawa naman siya at tumango sa akin habang nakahawak sa gitara niya at handa nang tumugtog. Napatitig naman ako sa kanya.

"Sign of the times," sagot ko.

Tumango naman siya at mukhang alam naman niya kung ano iyong kanta na iyon. Nagsimula na siyang tumugtog at halos mapanganga ako sa galing niya. Isama mo pa ang boses niyang kalmado na parang pinapatulog ako.

"Just stop your crying

It's a sign of the times

Welcome to the final show

Hope you're wearing your best clothes..."

Bata palang ako ay pinangarap ko nang matuto ng kahit isang instrument manlang. Ngunit dahil sa kawalan ng pinansyal ay hindi ako natuto. Kaya ngayong pinagmamasdan ko si Gene na enjoy na enjoy sa pagtugtog ay nakakamangha.

"If we never learn,

We been here before

Why are we always stuck

And running from

The bullets?

The bullets..."

Minulat niya ang mata niya at nakasalubong ko ang mata niyang punong puno ng ekspresyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa Seelie Queen ako o ano, pero nababasa ko kung ano ang nasa loob niya. Nasasaktan siya at the same time ay masaya. Hindi ko maintindihan pero iyon ang nababasa ko.

Pumikit siyang muli. Gusto kong kuhanan siya ng video dahil ang perfect niyang tignan ngayon ngunit nahihiya ako dahil baka mahuli niya ako at sabihin niyang may gusto ako sa kanya. Kaya tahimik ko nalang siyang pinanuod.

Bawat galaw ng kamay niya sa string at ang pagbuka ng bibig niya ay nakapa perpekto. Isama mo na ang boses niyang bumagay sa pagiging kalmado noong kanta. Maraming version ang kantang iyan ngunit alam kong sarili nihang version ngayon ang gamit niya sa pagkanta ng kantang iyan.

"We don't talk enough

We should open up

Before it's all too much

Will we ever learn?

We've been here before

It's just what we know..."

Nang matapos siya ay kusang pumalakpak ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya. Inayos niya ang buhok niya. Bumalik nanaman sa katahimikan ang paligid kaya naging awkward. Nilibot kong muli ang tingin sa buong silid kahit na halos memoryado ko na ang bawat sulok nito.

"You wanna play?" Tanong niya habang inangat ang gitara sa akin.

Napanganga ako sa tanong niya. Gusto kong tumango at sabihing, gusto ko. Ngunit hindi naman ako marunong. Kaya imbes na lumapit sa kanya ay umiling nalang ako at ngumiti. Gusto ko talaga matuto ng kahit gitara manlang ngunit nahihiya ako.

"Hindi ako marunong, e." Sagot ko nalang at nag iwas ng tingin.

"Come on, I'll teach you..."

Para iyong isang paanyaya na hindi ko dapat tanggihan. Kaya kahit nahihiya ay lumapit pa rin ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang isang gitara na nasa tabi niya. Pumwesto na ako katulad ng pwesto niya.

Halos binatin ko na ang daliri ko para lang magaya ko ang mga chords na tinuro niya sa akin. Marunong ako sa stramming kaya sabi niya ay mas mapapadali ang pagtuturo niya sa akin. Ngunit nahihirapan ako sa chords.

"Basic muna..." aniya kaya tumango ako.

Ang basic na tinuro niya ay ang A, E, D, C and G chords. Nakuha ko naman, pero pag dating sa mga flat ay hindi na maabot ng daliri ko. Umalingawngaw sa buong silid ang tawanan namin dahil sabihin niya ay ang liit daw kasinng daliri ko.

Tinuruan niya ako ng isang tugtog na walang mga flat. Nakuha ko naman agad ngunit mabagal palang ang tugtog ko. Nagsimula na rin akong kumanta habang pinapanuod niya ako. Nang matapos ako ay pinalakpakan niya ako at ginulo ang aking buhok.

"Fast learner!" Puri niya sa akin.

Pakiramdam ko ay ito na ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Ang matuto ako kahit na basic lamang sa gitara. Parang biglang nag echo sa isip ko ang mga sinabi ko noon na balang araw ay matututo rin ako ng instrument.

"Thank you, Scott..." ngumiti ako sa kanya.

"You're welcome, Cox..."

Ilang minuto yata kaming tumugtog doon. Tinuro niya pa sa akin ang ibang tugtog na basic lamang ang chords. Naramdaman ko ang hapdi sa daliri ko at alam kong magpapaltos iyon kinabukasan.

Tumunog ang cellphone niya kaya binasa niya agad iyon. Baka si Ae lang iyon. Baka nakausap na nila iyong Mahika, kaya inayos ko na ang gamit ko. Alam kong diretso apartment kami nito.

"Is that Ae?" Tanong ko habang sinusuot ang back pack.

Tumayo na rin ako nang tumayo siya. Inayos ko ang gilid ang gitara at handa na kaming umalis. Nilingon niya ako habang nagkakamot sa kanyang batok. Nag aalangan niya akong tignan.

"Why?" Naguguluhang tanong ko.

May hindi siya masabi sabi sa akin kaya ganyan nalang ang reaction niya. Napawi ang ngiti sa labi ko dahil mukhang hindi ko yata magugustuhan ang maririnig ko. Lumunok siya ng ilang beses bago nagsalita.

"It's not Ae," panimula niya. "I have to go. Mukhang hindi ako makakasama sa apartment ni Aerin mamaya..."

Nangapa ako ng sasabihin pero wala akong masabi. Kumunot ang noo ko. Gusto kong itanong kung bakit at saan siya pupunta ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko. Para akong papipe sa hindi malaman na dahilan.

"Aalis ka na ba?" Tanong niya sa akin habang inaabot ang susi sa gilid. "O gusto mong magpractice na muna rito?"

Umiling ako ang ngumiti. "Aalis na rin ako..."

Ngumiti siya ng pilit. "Pasensya ka na, ha? Makulit kasi iyong girlfriend ko. Pakisabi nalang din kay Ae, pasensya na..."

Kung nagulat ako kanina ay mas nagulat ako ngayon. Hindi ko naman siya kilala noon kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Hindi ko manlang naisip na baka may girlfriend siya o ano.

"Sige lang," ngumiti ako.

Siguro masyado ko lang pinanghawakan ang sinabi ni Ae noon na sa akin lang nakikinig si Gene dahil ako ang Queen niya. Well, iba nga pa rin pala ang Shadow sa Earth.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top