Kabanata 15

Kabanata 15

Mahika

Earn Miller's POV

Maaga kami kinabukasan dahil pupuntahan namin iyong High Warlock na sinasabi ni Ae. Wala namang mawawala kung susubukan naming kausapin iyon at gisingin sa parte niya ang pagiging Warlock niya. I mean, nangyari na iyon sa amin, nagising nina Sage ang pagiging Vampire nila kaya hindi imposible na pwede ring magising ang pagiging Warlock noon.

"This is not a good idea..." ani Knight at saka tumingin kay Ae.

Tumingin din ako kay Ae at nakita kong nakatitigan sila. Para bang naguusap sila gamit ang kanilang mga mata na tanging sila lang ang nagkakaintindihan. Hinawakan ko ang batok ko at nag iwas nalang ng tingin. Pilit kong nilulunok ang mga nakabara sa aking lalamunan.

"If you say so," sagot ni Knight kahit wala naman akong narinig na pinagusapan nila.

What? So, tama ako? Nag usap nga silang dalawa gamit ang mata nila? Paano naman kami ni Vace? Akala ko ba ay misyon ito para sa aming lahat, pero bakit ngayon palang ay nagtatago na sila ng sikreto sa amin.

Pinilig ko nalang ang ulo ko. Baka dala lang din ito ng kagat sa akin ni Knight, kaya nagiging high ako na akala ko minsan ay may humahawak sa akin o 'di kaya ay may nakikita akong dugo. At kaya rin pakiramdam ko ay mahal na mahal ko si Knight. Dala lang ito ng kagat niya.

Nauna silang dalawa maglakad, kaya naiwan kaming dalawa ni Vace sa likuran nila. Mukhang wala namang kaso iyon kay Vace kaya pilit ko iyong tinatanggal sa akin at fino-focus na lamang ang sarili sa gagawin naming ito.

Ang sabi ni Ae kanina ay Mahika ang pangalan noon. Matalik ko iyong kaibigan sa Shadow ngunit kaaway ko rin at the same time. Nag aaway kami dahil sa posisyon. Mas mahaba ang buhay niya rito sa mundo kaya siya ang tinaguriang High Warlock, ngunit sa maiksing panahon ni Earn dito sa mundo ay marami na rin siyang napatunayan.

"I don't like it." Patuloy na nag uusap ang dalawa habang naglalakad kami.

Papasok na kami sa parang gubat. Sa gitna raw noon ay may maliit na kubo, kung saan nakatira si Mahika. Sana lang ay tama kami. Sana lang, dito sa earth ay roon din siya nakatira. Medyo nakakatakot ang lugar dahil masukal na iyon at mahahaba na ang mga damo.

Imbes na matakot ako sa paligid at sa mangyayari ay mas natatakot ako na baka may ahas dito. Kaya bawat hakbang ko ay napapahawak talaga ako sa paa ko. Napansin naman iyon ni Vace kaya tinawanan niya ako.

"You don't have to like it," sabi naman ni Ae. "You just have to shut up and not do anything stupid."

Hindi na nakasagot si Knight sa kanya. Simula noong pag uusap nila kagabi, naging close na sila. Pakiramdam ko ay matagal na silang magkakilala at kilalang kilala na nila ang isa't isa. Well, nakwento nga ni Ae na bestfriend niya si Knight sa Shadow ngunit iba ang Shadow dito sa Earth. Wala kaming matandaan na kahit anong bakas ng Shadow sa amin, kaya nakakapagtaka na nagkakaintindihan sila ngayon.

Nagulat ako nang biglang umupo si Vace sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa balikat niya. Naintindihan ko naman agad ang ibig niyang magyari, ngunit sa gulat ko ay hindi agad ako nakapag react. Sinulyapan ko si Ae at Knight na malayo na sa amin habang nag uusap pa rin, kaya hindi kami napansin.

"Sakay na, bago pa magbago ang isip ko." Tumawa si Vace.

Walang sabi sabi akong sumampa sa likod niya. Hinigpitan ko ang kapit sa leeg niya para hindi ako mahulog. Natatakot talaga ako sa haba ng mga damo, mamaya ay bigla nalang matuka ng ahas ang paa ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Natatakot kasi akong baka may ahas," sabi ko kay Vace para malaman niya kung bakit pinapagpag ko ang paa ko bawat hakbang.

Natawa naman siya. "Takot ka sa ahas pero sa kagat ng bampira, hindi?"

Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na kinagat ako ni Knight. At hinding hindi ko iyon tatanungin, dahil nahihiya ako sa isasagot niya.

Malayo malayo na ang nalakad namin. Sumilay na ang araw na kanina ay wala pa. Natatamaan ng araw ang balat ko ngunit hindi pa iyon masakit dahil maaga pa. Malamig din ang simoy ng hangin dito dahil napapalibutan kami ng mga puno at mga damo. Kanina noong naglalakad ako ay naramdaman kong basa ang mga damo.

"Guys, I thinkㅡ" biglang natigil sa pag sigaw si Ae.

Nilingon ko siya para sana malaman kung bakit ngunit nakita ko ang gulat nilang mukha habang nakatingin sa aming dalawa ni Vace. Gusto kong itago ng mabuti ang mukha ko sa leeg ni Vace ngunit mas magiging awkward iyon kung gagawin ko. Lalo na't ngayon lang naman kami nagkausap nitong si Vace.

"ㅡwe're here," tuloy ni Ae sa mas mababang boses.

Nag iwas siya ng tingin at tinignan nalang si Knight. Sabay silang pumunta sa maliit na kubo at kumatok, ngunit walang sumasagot. Sarado ang lahat ng pwedeng pasukan ng araw doon. Parang walang tao na nakatira.

Paano nga kung wala talaga? Paano kung sa iba pala nakatira si Mahika? Katulad nalang ng pagkakabuhol ng mga tao rito, ayon kay Ae. Na ang Ina niya ay ang prinsipal namin sa school at hindi niya Nanay rito. Ang last name ni Vace na sana ay Fray, dahil magkapatid sila ngunit naging Ward.

"Mahika? I know you're there!" Sigaw ni Ae.

Sabay nilang pinukpok gamit ang kamay nila ang kahoy na pintuan ng kubo. Nang makarating na kami ni Vace sa kanilang dalawa ay bumaba na ako mula sa likod niya. Nilingon niya ako nginisian, kaya ngumiti rin ako pabalik.

Tinignan ko na si Ae at Knight na patuloy pa rin sa pagkatok, ngunit nakita ko ang matalim na titig sa akin ni Knight. Nag iwas siya ng tingin at kahit hindi niya sabihin ay pakiramdam ko, may kasalanan ako sa kanya. Pakiramdam ko ay kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

"Ano ba iyan!" Sigaw mula sa loob ng kubo.

Lahat ng iniisip ko ay biglang naglaho at gulat na napatingin sa pintuang nagbukas. Akala ko talaga ay walang tao roon, akala ko ay wala talagang Mahika, ngunit mali ako. Mayroong tao roon at nakatayo sa bukas na pintuan ang isang babae na mahaba ang tuwid niyang buhok. Hanggang baiwang iyon at itim na itim ang kulay. There's a gleam in hear eyes, kaya kahit wala siyang ekspresyon ay kitang kita ko ang pagkamangha niya.

"Mahika," ani Knight.

"Hi, Knight!" Bati niya pabalik.

Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ni Knight. Ang ibig ba noong sabihin ay nabubuhay siya sa parehas na dimension? Narito rin siya at nasa Shadow kapag kailangan? Well, the High Warlock, she can cast spells and make portal. Pero bakit si Earn sa Shadow, hindi nagawa?

"Help us!" Ani Ae.

"No," nakangiting sabi nito. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang tumingin ito sa akin.

"You mean, you won't." Si Knight.

Hindi na naalis sa akin ang tingin niya. Pakiramdam ko ay hinihigop ako niyon at hindi ko manlang magawang mag iwas ng tingin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya at hindi ko alam kung may ginagawa ba siya sa akin ngayon o wala.

"Not for free, darling, and you can't afford me." Malambing niyang sabi ngunit lalo lamang akong nanlamig dahil pakiramdam ko ay may gagawin siyang masama sa amin.

"That's Earn's line." Sabi ni Ae, "Hanggang ngayon ba naman ay naiinggit ka sa kanya?"

Nang mag iwas ng tingin sa akin si Mahika para tignan si Ae dahil sa sinabi nito ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Hinabol ko iyon at napansin yata ni Vace, kaya hinawakan niya ang balikat ko. Pinakalma ko ang sarili ko ngunit nag eecho ang boses nila sa pandinig ko at alam kong anytime, pipikit na ang mata ko.

"Who said that? You? Oh, Fray, hindi mo talaga kilala ang kausap mo ngayon. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kaibigan ninyong si Miller? Hindi ba't mas magaling iyon sa akin?"

Hindi ko na masundan ang usapan nila. Paunti na nang paunti ang hininga ko at hindi ko na siya mahabol. Tinignan ko si Knight at sa huling pagkakataong bukas ang mata ko ay nakita ko siyang tumakbo papunta sa akin.

_______

Song : Storm by Ruelle

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top