Kabanata 13

Kabanata 13

High

Earn Miller's POV

Kahit anong basa ang gawin ko sa puting librong hawak ko ay wala pa rin akong maintindihan. Wala akong alam. Mayroon pa roon na nakasulat sa ibang lenggwahe, kaya lalo akong naguluhan.

Tinignan ko si Ae na nakikipag usap ngayon kay Vace. Bumuntong hininga ako at lumunok. Kaya ko ito. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kailan unti-unti nang napapatunayan ni Ae na tama ang lahat ng sinabi niya? Hindi pwede.

Binasa ko pang muli ang libro, ngunit lalo lamang sumakit ang ulo ko. Isama mo pa ang sumasakit na kagat sa leeg ko. Bago kami pumunta ni Knight dito ay parang biglang sumama ang pakiramdam ko. Para akong lumulutang habang naglalakad kanina, parang hindi ko makontrol ang sarili ko.

Narinig ko ang usapan ni Waynedi at Hex sa gilid. Hindi pa rin kayang tanggapin ni Waynedi ang lahat. Ang sabi niya ay baka nababaliw na kami o 'di kaya ay niloloko lang silang dalawa. Si Hex naman ay naniniwala na, kaya lalo silang nagkasagutan.

"This can't be!" Madiin pero mahinang sabi niya. "Nasa normal tayong pag iisip, Hex! Baka sila ay hindi na. Vampires? Wolves? Warlocks? Seelies and Hunters? Ano tayo, nasa palabas?!"

"Trust me, Wayne. Nararamdaman kong totoo nga ito..."

"How did you know? May proof kaㅡ"

"I keep having these dreams na parang nasa ibang mundo ako, Wayne. Iyon yata ang Shadow na sinasabi ni Aerin. Meron pa minsan na nakikipaglaban ako sa demons..." narinig kong natawa si Hex na para bang hindi niya inaasahan na magiging totoo iyon. Ngayon.

Nagulat ako sa sinabi ni Hex. So, talagang lahat kami ay may mga signs na dati pero ngayon lang nabibigyan ng sense lahat? Ngayon lang namin napapansin ang mga bagay na hindi kapansin pansin noon pero malaki pala ang meaning.

"B-bakit ngayon mo lang sinabi?" Bumaba na ang boses ni Waynedi.

Tinignan ko nalang muli ang Book of Spells habang naririnig pa rin ang sagutan ni Waynedi at Hex. Mas kalmado na ang pag uusap nila ngayon dahil sa sinabi ni Hex. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa, kahit na wala talaga akong maintindihan.

"Don't force yourself. You can tell Aerin about it..." natigil ako nang marinig ko ang boses ni Knight na nasa tabi ko.

Nilingon ko siya at naabutang nakatingala habang nakapikit. Nakita ko kung paano nagtaas baba ang kanyang adams apple, tanda nang malalim niyang pag lunok. Pinilig ko ang ulo dahil sa naramdamang kakaiba. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang hindi makita si Knight sa tabi ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kanya.

"About what?"

Pinilit kong mag mukha at tunog normal sa harap niya. Itong nararamdaman ko ngayon, baka dahil lang sa may nangyari sa amin. Baka kasi ilang buwan nang hindi nangyayari iyon, kaya ngayon ay pakiramdam ko, birhen niya akong nakuha at patay na patay ako sa kanya ngayon.

"About the Book of Spells," minulat niya ang mata niya at nakasalubong ko ang matalim niyang tingin. "Hindi naman mamamatay si Jist..."

"Delikado ang kagat ng Vampire, hindi ba?" Narinig kong tanong ni Waynedi.

Iyon din ang gusto kong itanong kay Ae. Kung ano ang mangyayari kapag nakagat ng Vampire. Lalo na sa amin na walang alam sa ganito. Bago sa amin itong lahat at sa nakikita ko ay parang hindi naman kinakabahan si Ae.

"Nope." Knight sighed at umayos ng upo, "Kapag nagising si Jist mamaya, manghihingi lang iyan ng tubig."

Maging si Hex at Gene na tahimik lang ay nakisali na rin sa pagtatanong kay Knight. At ang nakakapagtaka ay nasasagot lahat ni Knight ang mga tanong nila. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya, o hindi. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi niya o nabasa lang niya iyon sa kung saan saan.

"How did you know?" Kunot noong tanong ko.

Ang walang ekspresyon niyang mata ay tumingin sa akin. "I just knew..."

Naisip ko bigla na kararating lang naming dalawa rito sa apartment ni Ae at wala siyang kaalam alam sa nangyayari. Akala ko noong una ay magugulat siya at hindi maniniwala. Kaya rin siguro kanina pa siya tahimik at nakapikit ay dahil iniisip niya ang lahat ng pinaliwanag ni Ae.

Nakita kong nilingon niya si Ae na para bang gusto niyang kausapin ito, pero hindi siya makatyempo dahil nakabuntot si Vace kay Ae. Umiwas nalang ako ng tingin at lumunok, dahil pakiramdam ko ay maraming nakabara sa lalamunan ko.

Una palang ay napapansin ko na ang kakaibang trato niya kay Ae kahit na alam kong hindi naman talaga sila close. Hindi ko manlang nga sila nakikitang naguusap noon, pero nagulat talaga ako noong pagpunta ko rito kagabi ay narito rin si Knight.

"Hmm?" Biglang gumalaw si Jist.

Magkasalubong ang kilay niya at parang hirap na hirap siya. Natuyo na ang dugo sa labi niya kaya namumula iyon ngayon. Unti-unti niyang minulat ang mata niya at una niyang hinawakan ang labing may dugo. Kinagat niya iyon kaya namasa.

"Ae!" Tawag ni Sage kaya lumapit sila ni Vace.

"Tubig?" Agad na tanong ni Ae sa kay Jist.

Tumakbo naman si Sage para kumuha ng tubig niya. Kaya rin pala uhaw na uhaw ako kanina, dahil ba iyon sa kagat sa akin ni Knight? Ano pa ba ang kailangan kong malaman sa mga epekto ng kagat ng bampira?

Hindi ko matanong si Ae dahil narito si Knight. Alam kong alam niyang nakagat niya ako kanina. Magiging awkward lang iyon kapag tinanong ko si Ae ngayon. Knowing na alam namin parehas ni Knight kung paano niya ako kinagat at kung ano ang nag trigger sa kanya para gawin iyon.

"Earn, hindi mo talaga kaya?" Nag aalalang tanong ni Ae.

Kinagat ko ang labi ko at bumuntong hininga. Nahihiya akong umiling at saka binaba ang puting libro. Sumandal ako sa back rest ng couch at hinilot nalang ang sentido habang nakapikit ng mariin. May naramdaman akong malamig na kamay na humawak sa leeg ko kaya mabilis kong minulat ang mata ko at nilingon iyon.

Akala ko ay isa iyon sa mga kamay ng mga boys, pero wala akong nakita. Napansin yata ni Ae ang galaw ko kaya kunot noo niya akong tinignan. Parang sinusuri niya ako.

"What happened, Earn?" Tanong niya.

Nilingon nila akong lahat. Maging si Knight ay magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin. Kapag sinabi ko iyon ay baka akalain nilang nababaliw na ako. Baka lalong hindi maniwala si Waynedi kaya umiling nalang ako.

"Nothing,"

Hinawakan ko ang leeg ko at ramdam na ramdam ko pa roon ang malamig na kamay noong humawak sa akin. Naramdaman ko naman ang mainit na likidong tumutulo mula sa leeg ko. Akala ko ay pawis lamang iyon pero noong hawakan ko iyon at tignan ay napuno ng dugo ang kamay ko. Gulat akong napatingin doon.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang dugong iyon. Kung sa kagat iyon ni Knight ay dapat sa kanang leeg ko makikita ang dugo, ngunit nasa kaliwa iyon. Kung saan walang kagat.

Hinawakan kong muli ang leeg ko at tinignan ang kamay kung maraming dugo na ang lumabas ngunit nang tignan kong muli ang palad ko ay nakita kong biglang nawala ang dugo. Pinikit ko ang mata ko at minulat muli, baka naduduling lang ako o ano.

"Can I have a word with you, Aerin Fray?" Seryosong tanong ni Knight.

Bigla akong napatingin sa kanila. Para silang naguusap gamit ang tingin na sila lang ang nakakaintindi. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Parang ayaw kong tumitingin ng ganoon sa ibang babae si Knight. Hindi ko alam. Para akong naka-drugs at nagiging high. Mababaliw na yata ako.

Tumango si Ae, kaya umalis silang dalawa. Tinignan ko si Vace at nakitang sinusundan niya rin ng tingin ang dalawa. Dumami ang tanong sa isip ko habang nakatingin kay Ae at Knight na ngayon ay seryosong naguusap.

Ano kaya ang pinaguusapan nila? Bakit kailangan ganyan ka-seryoso?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top