Kabanata 12

Bagay kay Vace at Aerin ang song! 👆

__________

Kabanata 12

Ward

Aerin Fray's POV

Inabot na kami ng ilang oras pero hindi pa rin gumagalaw si Earn at seryosong binabasa pa rin ang puting libro; ang Book of Spells. Sa tabi niya ay ang nakatingala at nakapikit na si Knight na hindi ko alam kung tulog na ba talaga o nagtutulog tulugan lamang.

Tahimik kaming lahat habang nakatingin kay Jist na unti-unti nang nagiging okay ang pakiramdam. Maya maya lang din ay mararamdaman na niya ang epekto ng kagat ni Sage. Kinakabahan si Waynedi na baka raw maging Vampire na si Jist. Hindi nalang ako umimik dahil hindi rin naman siya makikinig sa mga sasabihin ko.

Hinding hindi magiging Vampire agad ang isang tao na may demon blood nang dahil lang sa kagat. Kailangan niya munang makainom ng dugo ng bampira, pero maliban doon ay marami pang steps ang kailangang gawin. Sa ngayon, magiging high lang muna siya and he'll feel kind of in love sa kumagat sa kanya.

Tumingin ako sa labas. Tuluyan ng nag hari ang kadiliman sa buong lugar. Paminsan minsan ay natatakpan ng makapal na ulap ang buwan na nagsisilbing liwanag sa gabing ito. Hindi mabilang ang mga bitwin na walang tigil sa pagkislap. Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako.

Tama ba ang gagawin ko? Tama bang gamitin ko sila para makabalik ako sa Shadow?

"Kung inaantok ka na, humiga ka na roon sa kwarto mo. Ako na muna ang bahala rito," bulong ni Vace, ngunit sapat lang para marinig ko.

Hindi ko siya sinagot. Naging tahimik nanaman ang paligid pagkatapos noon. I didn't really mind the silence; it gave me a chance to think. Pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang tama sa mali. Biglang nag echo sa tainga ko ang salitang madalas marinig sa Shadow.

Don't let your emotion cloud judgement.

Dahil sa bagay na iyon ay nagbalik ang ilang alaala na hindi ko alam kung kailan ko ulit mararanasan. Ang alaala sa lugar kung saan ako nanggaling at kung saan ako nababagay.

"Read my future, Earn!" Masaya kong inilahad sa harap niya ang aking palad.

Simula noong maging sila ni Knight ay lagi na kami rito sa lugar niya. Hindi ko masabi kung gusto ko na ba ang ugali niya o pinakikisamahan ko lang siya dahil kay Knight. Nakakairita pa rin kasi siya.

"Ohhh," ngumisi siya sa akin habang hawak ang kamay ko.

Imbes na maging curious ay napasimangot nalang ako. Lagi namang ganyan ang reaction niya tuwing nagbabasa siya ng future. Siguro kung hindi ko siya kilalang Warlock ay hindi ako maniniwala sa kanya. Masyadong hindi kapani-paniwala ang ekspresyon niya.

"Just say it, Miller..." walang gana kong sabi.

Humalakhak siya na para bang tuwang tuwa siya na naaasar ako. Tumingin ako kay Waynedi at Knight na parehas kumakain sa couch habang pinapanuod kami. Katulad ko ay wala ring reaksyon ang mukha nila.

"You'll fall in love," ngumisi siya sa akin at nagpatuloy sa pagbabasa.

Actually, wala namang bago na maiinlove ako. Lahat naman yata ay dadaan sa ganoon. Buti sana kung sinabi niya kung sino at kailan, edi natuwa pa ako. Babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa kanya nang makita kong napawi ang ngisi niya. Unti-unting nagkasalubong ang kanyang kilay at sa nakikita ko ngayon ay hindi maganda ang nababasa niya.

"You'll fall in love with the wrong person, Fray..."

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at umiling ako para mawala ang nagbabalik na alaalang iyon. Tinignan ko si Vace at nahuling pinapanuod ako habang magkasalubong ang kilay.

"What?" Tanong ko.

Umiling siya habang magkasalubong pa rin ang kilay niya. "Mukha ka kasing shunga..."

Napanganga ako sa sinabi niya. Kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ko nakitang maging ganito ka-sarcastic si Vace. Palagi iyong seryoso at halatang pinag iisipan ang bawat galaw.

Kumapa ang ng sasabihin sa kanya at nang sa wakas ay may nakapa na ako ay biglang pabiro niyang tinampal ang labi ko habang nakangisi. Mukhang tuwang tuwa siya sa pang aasar na ginagawa sa akin.

"Oh oh, huwag ka ng magsalita," kinagat niya ang labi niya. "Kuya mo ako!"

Kinalma ko ang sarili ko bago ko pa makalmot ang mukha nitong Kuya ko. Maraming beses ko na siyang gustong tadyakan lagi noong nasa Shadow pa ako, pero hindi ko magawa dahil marami ang matang nakatingin doon. Lalo na sa amin na nasa Perfect 10ㅡparang lahat ng mata ng tao ay nasa amin lang.

Ngayon, may pagkakataon na akong gawin iyon sa oras na asarin pa niya ako. Dahil dito, walang Law. Dito, walang mga matang nakatingin sa amin at dito, wala si Ina at Ama na paparusahan ako kapag ginawa ko iyon kay Vace.

Inirapan ko siya at sinigurado kong nakatingin siya sa akin nang gawin ko iyon. He only chuckled.

"I hate playing basketball," hindi ko siya pinansin pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "I hate ice cream."

Kunot noo ko siyang nilingon. Diretso ang tingin niya sa kina Jist habang nagsasalita. Hindi ko naman siya tinatanong kung ano ang hate niya sa like niya, bakit inisa-isa niya ngayon ang mga bagay na ayaw niya? Para makilala ko siya? No thanks. Kilala ko ang kapatid ko.

"I really hate hambugers and fries..."

I raised her eyebrows at Vace. "You hate what?! Hamburgers and fries?"

Hindi ko maiwasang magtanong nang bigla niyang sabihin iyon. How dare he hates that! Paborito iyon ni Vace. Isang hamburger at fries lang sa isang araw niya ay may energy na siyang bantayan ako mag hapon.

I crossed my arms around my chest habang iritang nakatingin sa kanya. Umangat ang isang sulok ng labi niya nang matantong nagkainteres ako sa mga sinasabi niya. Nilingon niya ako gamit ang kanyang mata.

"You have a problem with that?" Tinaas niya ang isa niyang kilay.

Isang beses ko pa ulit siyang inirapan bago nag iwas ng tingin. I cleared my throat at pinakitang wala akong pakielam sa mga sinasabi niya. Kanina lang ay tuwang tuwa ako na kasama ko na ulit siya. Pero ngayon, mukhang maiirita na ako lagi sa presensya niya.

"Hindi mo lang afford ang burgers and fries," sarkastiko kong sabi.

Pilit kong binabalik sa kanya ang pang aasar ngunit mukhang hindi ko yata magagawa dahil the more na inaasar ko rin siya ay mas natutuwa pa siya. Para siyang naglalaro at ang pagsagot ko sa mga kapilyuhan niya ay ang way ng pagka panalo niya sa larong nilalaro.

"Ha ha! Very funny, Fray..."

"Don't call me that!"

Hindi ko alam kung bakit naging big deal na sa akin ngayon na tawagin ako sa last name ko. Lalo na kapag galing kay Vace. Parang may iba. Iba ang pakiramdam ko na iniiwasan kong maramdaman. Hindi ko alam.

He glanced up, surprised. "Why not? It's your last name, isn't it?"

Nilingon ko siya, "It's your last name, too! Idiot..." hininaan ko ang boses ko nang sabihin ko iyong pang huli.

"It's not." Seryosong sagot niya, "I'm Ward..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top