Kabanata 1
Dedicated to currentlyinlove ♡
_________
Kabanata 1
Brother
"Vace! Let me go!" Halos mamaga na ang lalamunan ko kakasigaw ngunit mas lalo lamang humihigpit ang hawak niya sa pulsuan ko.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Bawat nadadaanan naming tao ay pinagtitinginan kami. I know them! Kayang kaya kong pangalanan ang bawat isang narito sa... school or whatever na lugar na ito.
There's Fangs and Gemini talking. Wow. I didn't really thought na magsasama sa iisang lugar si Fangs and Gemini. The last time I saw them together, naghihingalo silang dalawa at pilit na pinapatay ang bawat isa.
This is a weird dimension ever!
Nilibot ko pa ang tingin ko para makita kung gaano ka-weird ang pagkakabuhol buhol ng bawat isa. Hindi ko inakala na pwedeng mangyari ang mga bagay na ito. Hindi ko inakala na may ibang dimension na ganito ang set-up.
"Hey, Warlock!" Sigaw ko nang makita ko ang isang babaeng hanggang balikat lamang ang buhok.
I need her! Alam kong kaya niya akong ibalik sa lugar ko. Alam kong ito pa rin ang mga nasa Shadow at may kailangan lang akong gawin para maayos ang lahat ng ito.
"Warlock! Warlock!" Pero hindi ako pinansin ni Earn. Fuck her!
"Nababaliw na yata si Aerin. Ano ba talagang nangyari sa kanya sa garden?" Narinig kong bulong ng isang babae.
Lumunok ako. Huminto ako sa paglalakad, nagbabaka sakaling mapahinto ko si Vace ngunit sapat na ang lakas niya para mahila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Napatawa ako ng mapait, "Hanggang dito ba naman magiging guardian kita?" Bulong ko kay Vace pero alam kong sapat lang iyon para marinig niya.
Kitang kita ko kung paano umigting ang panga niya. Iba man ang lugar at wala man kami sa Shadow pero ang mga Kin ay parehas pa rin. Alam ko ang bawat galaw ng kapatid ko. Alam kong si Vace ang may hawak sa akin.
"Vace, please..."
Huminto kami sa harap ng isang pintuan. Kumatok si Vace at agad na bumukas ang pinto. Nilibot ko agad ang paningin ko nang makapasok ako sa loob. Binitawan ako ni Vace at ramdam na ramdam ko ang hapdi sa pulsuan ko kaya hinimas ko iyon.
Napatingin ako sa isang table na nasa harapan ko. Nakatalikod ang swivel chair at ang hula ko ay may nakaupo roon. Dahan dahang humarap ang upuan at nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ang nakaupo roon.
"I-ina!"
Nanginig ang buong katawan ko. Ang kaninang matapang at matatag kong katawan ay biglang nanghina. Parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya at sabihin natatakot na ako sa nangyayari, pero hindi ko magawa. It's like... parang may pumipigil sa akin.
Nangilid ang luha sa mata ko. Naalala ko bigla noong 8 years old ako. Natalo ako ni Sage sa laban noon at sobrang down na down ako pero ayaw kong may lumabas na kahit isang patak ng luha sa mata ko. Ramdam ko ang hapdi niyon dahil sa pagpigil ko. Biglang pumasok si Ina sa kwarto ko at niyakap ako. Lahat ng pagpipigil ko sa emotion ko ay biglang bumagsak at nawasak dahil sa kanya.
Alam kong kung may isang tao man na mas maiintindihan ako at lagi akong iintindihin, iyon ay si Ina.
"Beating your classmates, huh? What's up? Makikinig ako sa explanation mo..." seryosong sabi niya.
Nanlamig ako. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi maproseso ng utak ko lahat ng ito. Bakit hindi ko maramdaman si Ina sa kanya? Bakit parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon?
Bakit!? Bakit hindi ko maintindihan lahat ng ito!?
"I... Uh..." hindi ko kayang magsalita.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Pakiramdam ko ay wala ng saysay ang buhay ko. Mas nanaisin kong mamatay nalang kaysa mabuhay sa dimension na hindi ako nababagay.
"I'm sorry..." bulong ko na halos hindi ko na marinig sa sobrang hina.
Yumuko ako. Kinuyom ko ang kamao ko at pinigilan ang pagtulo ng luha, katulad ng lagi kong ginagawa. Sanay na akong mapagalitan at masaktan ni Ama, pero ni-minsan ay hindi ganito ang naramdaman ko noon.
Sanay na akong ipagkanulo ako ni Vace na akala mo ay hindi niya sariling dugo ang dinadala niya sa guidance para turuan ng leksyon, pero bakit parang mas masakit itong ngayon?
First offense. Hindi ko inakala na matino pala ang Aerin sa dimension na ito. Kung siguro may ganito sa Shadow ay hindi na mabilang ang offense ko sa dami ng kapalpakang ginawa ko.
"Hey..."
Umihip ang malakas na hangin dito sa rooftop at naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko kahit na hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatingin sa kalangitan.
Sa Shadow, hindi kami nabibigyan ng pagkakataong masilip ang umaga. Ang sabi nila ay makakasama raw sa amin ang maarawan. Hindi ko tuloy naramdaman noon ang masarap na pakiramdam sa ilalim ng sinag ng araw.
"I heard you. Tinawag mo akong..." hindi niya matuloy ang dapat niyang sasabihin kaya nilingon ko na siya.
"Warlock..." tumango ako.
Kung kanina ay kumbinsido akong parehas lang ang dimension na ito sa Shadow, ngayon ay hindi na. Iba itong mundo nila sa mundo ko. Hindi ko hahayaang maging ganito ka-buhol ang relasyon ng mga Kin sa Shadow.
"Hmmㅡ"
"I was just joking," nag-iwas ako ng tingin. "Para sana ma-divert ang atensyon ni Vace, pero hindi..."
Syempre, hindi iyon joke. Earn Miller, isang kilalang Warlock sa buong Shadow since 1764. Kung may kailangan ako sa magic niya ay lagi kaming dumidiretso ni Wayne sa kanya.
"Right..." tumawa siya. "Sino ba namang maniniwala sa Warlock, sa panahong ito, ano?" Tumango-tango siya habang tumatawa.
Ngumiti lang ang sa kanya. May mga Kin pa akong hindi nakikita sa dimension na ito. I heard about Knight, pero hindi ko pa siya nakikita. Kailangan ko ba siyang hanapin? Pero para saan pa, hindi ba? Mukhang hindi naman siya kilala ni Aerin sa dimension na ito.
"Earn..." nilingon ko siya at nahuli kong kinakagat niya ang labi niya habang malalim ang iniisip. "K-kilala mo ba ako? I mean... Aerin Fray?"
Mukhang naguluhan siya sa tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung sino ang Ama at Ina ko rito sa lugar at kung ano na ang nangyari kay Vace. Hindi ko siya nakausap kanina kasi mukhang busy siya kaya hinayaan ko nalang muna.
"Aerin Fray..." tumango siya.
Akala ko ay dudugtungan niya ang sasabihin niya ngunit hindi. Bumuntong hininga ako at parang nawalan na ako ng pag-asa. Bumagsak ang balikat ko.
Mukhang wala na talaga akong magagawa pa sa buhay ko. Kikilalanin ko nalang si Aerin Fray on my own nang hindi pinapahalata sa iba na hindi ako ang kilala nilang Ae.
"Sage!" Sigaw ko at nag half run ako para habulin silang dalawa ni Ligaya.
Nasusuka pa rin ako tuwing iniisip ko na kaibigan ko sila pero alam ko at nararamdaman kong may maitutulong sila para makilala ko kung sino talaga ako rito. Kung ano talaga ako.
"I... Uh," I looked away. "I'm sorry for what happened..."
Hindi ako nakakuha ng response mula sa kanila kaya nilingon ko sila. Nahuli ko silang pinipigilan ang tawa hanggang sa humalakhak na nang tuluyan si Sage at Ligaya.
Tuwing nakikita kong tumatawa si Sage at Ligaya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong patayin sila, pero bakit dito ay hindi ko magawa? Parang nahahawa pa ako sa tawa nila at gusto ko na ring matawa.
"It's okay, Ae! Kalimutan nalang natin iyon..."
Ilang minuto ang inabot ng pagkikwentuhan namin. Wala naman ako masyadong nasabi dahil wala naman akong alam. Nakinig na lamang ako at nalaman kong mortal enemy ko pala rito si Waynedi. Really?
Kaaway ko ang sarili ko?
"Nga pala kanina... niyakap mo si Vace, anong meron sa inyo?" Tanong ni Sage.
Ngumiti ako at akmang ikikwento ko sana sa kanila na kapatid ko si Vace at naiinis ako sa ginawa niyang pagpunta sa akin sa guidance kanina nang bigla kong maalala na iba nga palang dimension ito at hindi ko alam kung nagkabuhol din ba ang relasyon ko kay Vace.
"S-sino si Vace?" Simpleng tanong ko pero ang hindi nila alam ay ito na ang way ko para magtanong para sa sarili ko.
"Hello?! Iyong niyakap mo kanina! Isa siya sa student council kaya hinuli ka niya..." sabi ni Ligaya.
"Lagi ka nga noong nahuhuli na natutulog sa garden kaya hindi kayo nagkakasundo," sabi naman ni Sage.
Napaawang ang bibig ko. Hindi man nila sinabi ng diretso at hindi ko man alam kung ano ang relasyon ni Vace at Aerin sa dimension na ito ay iisa lamang ang alam ko.
Vace is not my brother here!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top