Chapter 9
Maagang umalis ng resort sina Jinxx,Ashley,Andy, Jake,Christian at Cheyanne Luna. Si Jake na ang nag drive ng van habang nasa biyahe naman ay tinawagan si Andy ng Manager nila kaya busy ito sa pakikipag usap. Habang si Christian at Jinxx naman ay busy sa pakikinig ng music sa MP3. Si Cheyanne Luna naman ay manghang mangha sa nakikita niya sa labas ng bintana.
Ashley Purdy: Cheyanne Luna para ka namang bata dyan na manghang mangha sa nakikita mo
Cheyanne Luna: Eh ang ganda kasi ng tanawin ngayon lang ako nakakita nito ( masayang sabi nito )
Ashley Purdy: Huh!!! ( nag tataka sa sinabi ni Cheyanne Luna ) Ngayon ka lang nakakita ng ganyang tanawin ? ( napataas ang kilay )
Cheyanne Luna: ( tumingin kay Ashley at tumango bilang sagot ) Bakit parang gulat na gulat ka naman ?
Ashley Purdy: Pano naman kasi ikaw lang ang narinig kong ngayon lang nakakita ng ganyang tanawin. Para kang nakatira sa lumang panahon dahil dyan sa sinabi mo ( Natawa ito )
Cheyanne Luna: Lumang panahon ? Ano yun ? ( Nag tataka ito )
Ashley Purdy: ( Napataas ang kilay ) Lumang panahon yung para kang mga stone age ganun. Ano ka ba naman bakit hindi mo ba alam yun ?
Cheyanne Luna: ( Umiling ito bilang sagot )
Ashley Purdy: Ano hindi mo alam yun ? Tiyak naman na itunuro yun sa school isa pa kahit bata alam yun ?
Cheyanne Luna: Talaga tinuturo yun sa school ?
Ashley Purdy: ( Tinaasan ng kilay si Cheyanne Luna )
Natigil ang pag uusap ng dalawa ng mag salita si Andy.
Andy Biersack: Guys makinig muna kayo sa akin
Nabaling naman kay Andy ang attention ng lahat pwera lang kay Jake na nag dridrive ng van nila.
Christian Coma: Bakit Andy anong meron ?
Andy Biersack: Sabi ni Manager meron daw tayong rehersal para sa performance natin sa isang show bukas kaya kailangan na nating pumunta ng studio ngayon
Jinxx: Okay lang sa amin yan. Pero pano si Cheyanne Luna ? Tiyak mag tataka si Manager kapag nakita siya
Jake Pitts: May punto si Jinxx pano kapag nakita ni Manager yang si Cheyanne Luna tiyak madaming katanungan yun
Ashley Purdy: At tiyak ako na hindi maniniwala yun na isa sa atin ang kamag anak siya. Alam mo naman yang si Manager maurirat yan
Andy Biersack: Ihahatid na lang muna natin siya sa bahay mo Ashley para naman hindi siya makita ni Manager. Pag kahatid natin sa kanya pupunta na tayo sa studio kung saan ang rehersal natin
Christian Coma: Maganda yang naisip mo Andy
Ashley Purdy: Talino talaga ni Andy
Jinxx: Sinabi mo pa
Gaya ng napag kasunduan hinatid na nila si Cheyanne Luna sa bahay ni Ashley. Nang makarating na sila sa bahay ni Ashley sinamahan ni Ashley sa loob ng bahay niya si Cheyanne Luna. Ang mga bandmates naman niya ay nag paiwan na lang sa Van.
Bahay Ni Ashley Purdy
Ashley Purdy: Cheyanne Luna ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ko. Wag kang mahihiyang gumalaw dito dahil pansamantalang dito ka naman titira kaya kung nagugutom ka kumain ka lang dyan madaming pag kain sa kitchen. Isa pa wag mo na din akong antayin umuwi kasi baka gabihin ang uwi ko hindi ko din kasi alam kung matatagalan kami sa rehersal
Cheyanne Luna: Rehersal ano yun ? Bakit kayo mag rerehersal ?
Ashley Purdy: ( Huminga ito ng malalim ) Siguro sa susunod ko na lang ipapaliwanag sayo kasi kung mag papaliwanag ako ngayon tiyak mahuhuli na kami pano aalis na ako
Cheyanne Luna: ( Tumango ito )
Umalis na ng bahay si Ashley at mag isa namang naiwan si Cheyanne Luna sa bahay ni Ashley.
Cheyanne Luna: ( Manghang mangha naman ito sa itsura ng bahay ) Wow ang ganda naman nito. Pero mas malaki ang castle ko kesa dito. Pero ano kaya itong mga gamit na ito parang wala naman akong nakikitang ganito sa castle namin. Ibang iba talaga ang mundo ng tao sa SunFrost
Nilibot niya ang buong bahay at ng mapagod naman siya ay umupo siya sa hagdan.
Cheyanne Luna: ( Hinawakan niya ang tiyan niya dahil sa gutom ) Haaaay gutom na ako ( malungkot na sabi nito ) Teka nga kanina sabi ni Ashley may pagkain daw sa Kitchen pero bago ako pumunta duon
Hinawakan ni Cheyanne Luna ang kanyang Kwintas at tinanggal niya ito. Nagkaroon ng puting liwanag ang buong katawan ni Cheyanne Luna at nag karoon siya ng tenga ng kitsune sa ulo niya at nag karoon naman siya ng 9 na puting buntot ng kitsune. Nang mawala ang puting liwanag sa katawan ni Cheyanne Luna isa na siyang babaeng 9 tail kitsune.
Cheyanne Luna: Ayan nakabalik din ako sa tunay na anyo ko. Grave na miss ko ang tunay kong itsura ( masayang sabi nito ) Teka ano nga ba ang gagawin ko ayon kakain ako
Pumunta na ng Kitchen si Cheyanne Luna at nag hanap ng makakain.
Cheyanne Luna: Ano ba ito parang wala naman dito yung kinain ko kahapon ( Binuksan ang Refrigirator ) Wow ang lamig naman sa loob nito ( Nakakita siya ng hilaw na meat sa loob ng Refrigirator ) Wow nakakita din ng makakain ( masayang sabi nito at kinuha ang mga hilaw na meat at kinain )
Matapos niyang kainin ang mga hilaw na karne na nakita niya sa refrigirator nakaramdam naman siya ng antok kaya iniwan na lang niyang nakabukas ang refrigirator at lahat ng kalat niya at pumunta siya sa salas at humiga sa sofa.
Cheyanne Luna: Haaay ang sarap talagang kumain. Para lang akong nasa Sunfrost nito ( hindi niya na malayan na nakatulog na siya )
Habang natutulog naman siya ay may nakapasok na tao sa bahay ni Ashley. Tumayo ito sa harapan ng sofa kung saan nakahiga si Cheyanne Luna.
Studio
Natapos nang mag rehersal ang lima at nag pahinga muna sila.
Christian Coma: Nakakapagod mag rehersal ( kumuha ito ng bottled water at uminom ito )
Jinxx: Sinabi mo pa ( Umupo ito sa upuan at kinuha ang cellphone nya ) Nga pala Ashley sinabihan mo na ba si Cheyanne Luna na wag syang mahihiyang gumalaw sa bahay mo ? Mamaya kasi baka nagugutom na yun tapos hindi siya makakain kasi hindi niya lugar yun
Ashley Purdy: Sinabihan ko na sya tungkol doon isa pa madami namang pagkain sa kusina ko. Pwede naman siyang magluto ng kahit anong gusto niya
Jake Pitts: Ayon naman pala hindi na pala natin kailangan pang mag alala kasi hindi naman pala siya magugutom doon
Andy Biersack: Hay naku kayo talaga simula ng dumating yang si Cheyanne Luna wala ng oras na hindi ninyo siya inisip lalo na kayong dalawa ( Tumingin ito kay Ashley at Jinxx )
Napangiti na lang si Jinxx at Ashley kay Andy.
Chirstian Coma: ayan ngayon ngingiti ngiti kayong dalawa
Ashley Purdy: Pero alam nyo kanina nung nasa biyahe tayo ang weird nya
Jinxx: Bakit naman Ashley ?
Ashley Purdy: Manghang mangha kasi siya dito sa city tapos hindi miya alam yung lumang panahon isa pa hindi rin niya alam yung rehersal
Jake Pitts: Nakakapag taka naman yun kung nakalimutan niya ang alaala niya bakit naman pati yung mga simpleng bagay na lang hindi pa niya alam
Jinxx: Hindi naman natin alam kung bakit siya ganyan buti pa bakit hindi mo na lang siya kausapin Ashley tanungin mo kung bakit para siyang taga stone age
Christian Coma: Tama si Jinxx doon Ashley tutal ikaw naman ang kasama niya
Andy Biersack: Tapos kwento mo na lang sa amin kung ano yung dahilan kung bakit ang weird nya
Ashley Purdy: Buti pa nga yan na lang ang gagawin ko ( Tumingin ito sa orasan ) Naku 10pm na pala tara umuwi na tayo gusto ko ng mag pahinga
Jake Pitts: Ako din isa pa bukas na din yung performance natin kaya kailangan natin ng pahinga
Jinxx: Tara na kayo sa van para maka uwi na tayo
Pumunta na ang lima sa Van at nag umpisa ng mag drive si Andy para naman mahatid na niya ang bandmates niya sa mga bahay nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top