Chapter 32
Nagising si Ashley na nakatali siya sa isang upuan nagtataka siya dahil ang taling nakatali sa kanya ay umiilaw at sa tuwing gumagalaw siya ay para siyang napapaso sa apoy. Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ng may pumasok ditong isang lalaki.
Ashley Purdy: Anong ginagawa mo dito ? Anong ginawa mo kay Cheyanne Luna ? ( Galit na tanong niya )
Tinanggal ng lalaki ang takip ng kanyang mukha. Lumapit ito kay Ashley at hinawakan ang umiilaw na tali at tinanggal ang pag kakatali nito sa kanya. Nag tataka naman si Ashley dahil hindi nasaktan ang lalaki sa pag hawak ng tali.
Ohno Satoshi: Umalis ka na dito hanapin mo si Moriko hindi siya dapat mapatay ni Reyna Etsuko
Ashley Purdy: Mo-ri-ko ? Sino ba talaga si Moriko ? ( Nag tatakang tanong nito )
Ohno Satoshi: Wala na tayong oras para pag usapan ito
Napatingin silang dalawa sa pintuan ng pumasok doon si M.Shadow. Nakipag laban si Satoshi kay M.Shadow at tumakbo naman palabas ng kwarto si Ashley. Bigla niyang naalala si Cheyanne Luna kaya naman agad niya itong hinanap pero napahinto siya sa isang kwarto ng makita niya na tatamaan si Harlyn Quinn ng isang bolang parang apoy kaya naman tumakbo siya papalapit at tinulak si Harlyn Quinn para hindi ito tamaan. Tumumba silang dalawa at napapikit naman ng mata si Harlyn Quinn.
Ashley Purdy: Ayos ka lang ba ?
Harlyn Quinn: A-Ashley ? ( Sabi nito pag bukas ng kanyang mata )
Hindi maiwasang hindi titigan ni Harlyn Quinn ang magandang mga mata ni Ashley. Tumayo si Ashley at inabot niya ang kanyang kamay kay Harlyn Quinn para tulungan itong tumayo hinawakan naman ni Harlyn Quinn ang kamay ni Ashley at tumayo na ito.
Harlyn Quinn: Salamat sa pag tulong sa akin
Ashley Purdy: Wala yun. Nakita mo ba si Cheyanne Luna ?
Harlyn Quinn: Ang huling beses ko siyang nakita nung matapos siyang saksakin ni M.Shadow sinubukan niyang lumaban para makatakas
Ashley Purdy: ANO!! ( Gulat na sabi nito ) Kailangang mahanap natin siya baka kung ano ang mangyari sa kanya ( Nag aalalang sabi nito )
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at tinawagan niya si Andy.
Phone Conversation
Andy Biersack: Ashley buti naman at ayos ka lang alam mo bang nag aalala kami sayo. Nasaan ka ba ngayon at pupuntahan ka namin ni Christian
Ashley Purdy: Nandito ako sa bahay ko. Alam mo ba kung nasaan si Cheyanne Luna ?
Andy Biersack: Nasa bahay siya ni Jinxx ngayon. Ashley ano ba kasi ang nangyari dyan sa bahay mo kanina ?
Ashley Purdy: Siguro mas magadang mamaya ko na lang sasabihin sa inyo pag dating natin sa bahay ni Jinxx
Andy Biersack: Sige basta intayin mo na lang ako dyan
End Of Conversation
Binalik na ni Ashley ang kanyang Cellphone sa bulsa niya at tumingin ito sa paligid. Napabuntong hininga na lang siya ng makita niyang sira sira na ang bahay niya pero ang nasa isip niya ay kung sino ang mga dumating sa bahay niya at ano ang pakay nila. Iniisip din niya kung bakit gusto nilang patayin si Cheyanne Luna. Napatingin siya kay Harlyn Quinn ng mag salita ito.
Harlyn Quinn: Maiintindihan mo din ang lahat ng nangyayari
Ashley Purdy: Paano at Kailan ko maiintindi ang lahat ? Yung kitsuneng hinahanap mo may kinalaman ba doon si Cheyanne Luna ?
Harlyn Quinn: Mas mabuting si Mo.. Cheyanne Luna na lang ang mag paliwanag sayo
Ashley Purdy: Ano ba ang dapat niyang ipaliwanag sa akin ?
Harlyn Quinn: Marami at tiyak kong marami siyang nilihim sayo at sa mga kaibigan mo lalo na sa tunay niyang pag katao
Ashley Purdy: Tunay niyang pag katao ? Anong ibig mong sabihin ?
Hindi na nakasagot pa si Harlyn Quinn dahil na din sa pang hihina niya marami siyang nagamit sa kapang yarihan niya ng nakalabanan niya si Gen. Brendon at Reyna Etsuko. Naging pusang itim na ulit ang itsura niya kaya naman kinarga siya ni Ashley.
Ashley Purdy: Ang daya mo naman bakit ngayon ka pa bumalik sa pagiging anyong pusa. Pero ngayon napatunayan ko na ikaw talaga yung pusang dinala ko dito sa bahay
Harlyn Quinn: Meow
Ipinikit na ni Harlyn Quinn ang kanyang mata para makapag pahinga na siya. Dumating na din si Andy pag dating ni Andy ay agad na sumakay si Ashley sa kotse at pumunta na sila sa bahay ni Jinxx.
Bahay Ni Jinxx
Lumabas na ng kwarto si Jun at pumunta sa salas kung nasaan nag iintay ng balita si Kazunari, Jake at Jinxx.
Matsumoto Jun: Nagamot ko na si Prinsesa Moriko kailangan na lang niya ng pahinga
Ninomiya Kazunari: Hay !! Buti naman at maayos na ang lagay ni Prinsesa Moriko hindi pwedeng mamatay na lang siya ng hindi niya nababawi ang para sa kanya
Matsumoto Jun: Tama ka dyan Kazunari pero ang pag gamot na nagawa ko sakanya ay temporary lang dahil sa totoo lang si Harlyn Quinn lang ang makakagamot ng lasong nasa katawan ni Prinsesa Moriko
Ninomiya Kazunari: Pero paano natin siya mapapapayag na gamutin si Prinsesa Moriko gusto niyang makaganti at tiyak ako na masaya siya ngayon
Matsumoto Jun: Hindi ko rin alam ang gagawin ko Kazunari. Kapag hindi nawala ang lason na nasa katawan ni Prinsesa Moriko bukas mang hihina na siya at mamatay
Napagbugtong hininga na lang si Kazunari ng marinig niya ang sinabi ni Jun. Napatingin naman silang dalawa ng mag salita si Jinxx.
Jinxx: Bakit Prinseaa Moriko ang tawag ninyo kay Cheyanne Luna ?
Jake Pitts: At bakit ninyo siya ginamot kung kasama kayo sa limang taong gustong kumuha sa kanya ?
Matsumoto Jun: Malalaman din ninyo ang kasagutan sa mga tanong ninyo mas magandang lima kayong makaalam ng katotohanan
Ninomiya Kazunari: Tama si Jun doon isa pa lilinawin lang namin hindi ginamot ni Jun si Prinsesa Moriko dahil sa kukunin namin siya ginawa niya iyan dahil trabaho naming protektahan siya
Mag sasalita pa sana si Jake pero biglang may nag doorbell kaya naman minabuti na lang niyang buksan ang pinto. Pag bukas niya ng pinto ay nakatayo doon sila Andy, Christian at Ashley na may kargang pusa.
Jake Pitts: Ang ganda namang pusa nyang dala mo Ashley.
Ashley Purdy: Sinabi mo pa Jake pero hindi pang karaniwang pusa ito
Tumabi si Jake para makapasok sa loob ang tatlo. Nang makapasok na sila ay umupo sila sa couch.
Christian Coma: Sino naman ang dalawang yan ?
Ninomiya Kazunari: Kami ang dalawa sa tagapagbantay ni Prinsesa Moriko o tinatawag ninyong Cheyanne Luna. Ako si Ninomiya Kazunari at siya naman si Matsumoto Jun
Bigla naman napatingin silang lahat sa direksyon kung nasaan si Cheyanne Luna dahil nag salita ito.
Cheyanne Luna: Jun Kazunari buti pa hanapin nyo na sina Masaki,Sho at Satoshi gusto kong malaman ang kalagayan nila
Matsumoto Jun: Pero paano ka dito baka balikan ka ni Reyna Etsuko
Cheyanne Luna: Kaya ko na ang sarili ko kaya sundin ninyo ang utos ko at mag iingat kayong dalawa
Hindi na sumagot pa si Jun at Kazunari nag bow sila kay Cheyanne Luna at nag anyong fox at umalis kinagulat naman nila Andy,Ashley,Jake,Jinxx at Christian ang pag papalit anyo ng dalawa.
Ashley Purdy: Totoo ba yung nakita ko ?
Cheyanne Luna: Oo Ashley totoo yung nakita mo at ninyo.
Jinxx: Kamusta ka na ? Sabi ni Jun kailangan mo daw mag pahinga
Cheyanne Luna: Ayos na ako kaya wag ka nang mag alala sa akin Jinxx
Napatingin naman ito sa pusang dala ni Ashley.
Cheyanne Luna: Ashley bakit mo dala dito si Harlyn Quinn siya ang dahilan kung bakit ako natunton ng grupo niya ( Galit na sabi nito )
Ashley Purdy: Cheyanne Luna hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka galit sa kanya pero tingin ko kailangan ka munang mag paliwanag sa aming lima tungkol sa nangyayari ngayon
Jake Pitts: Sa totoo lang ang dami ng nangyayari na hindi namin maintindihan
Andy Biersack: At sana naman mag sabi ka na ng katotohanan sa amin
Ashley Purdy: Tinanggap ka namin dahil sa mga kwinento mo sa akin nung tinanong kita dati kaya sana naman sa huling pag kakataon sabihin mo ang totoo.
Napayuko na lang si Cheyanne Luna dahil sa totoo lang alam niyang mali na niloko niya ang limang tao na tumanggap sa kanya at nag tanggol lalo na si Ashley at Jinxx. Kinakabahan si Cheyanne Luna dahil baka magalit lang sa kanya ang mga ito kapag nalaman na nila ang tunay niyang pag katao pero kailangan niyang tibayan ang kanyang loob dahil kailangan na rin nilang malaman ang katotohanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top