Chapter 31
Pawis na pawis ng magising si Jinxx at sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. Tumingin siya sa kanyang orasan at nakita niyang 4:15am pa lang. Agad niyang tinawagan si Jake alam niyang makakaistorbo siya pero hindi na niya inintindi iyon.
Phone Conversation
Jake Pitts: Jinxx bakit ka napatawag ? ( Halata sa boses nitong kakagising lang )
Jinxx: Napanaginipan ko kasi si Cheyanne Luna may sumaksak sa kanya Jake sobrang nag aalala ako sa kanya ngayon ( Halata sa boses niya ang pag aalala )
Jake Pitts: Jinxx kasama ni Ashley si Cheyanne Luna alam mo naman na hindi siya papabayaan ni Ashley isa pa panaginip lang naman yan
Jinxx: Pero gusto ko pa ring makasiguro kung talagang ayos lang siya. Jake kaya ikaw yung tinawagan ko dahil ikaw yung pinakamalapit sa bahay ko samahan mo naman akong pumunta sa bahay ni Ashley para masiguro kong ayos lang si Cheyanne Luna
Jake Pitts: ( Nagbuntong hininga ito ) Sige na sasamahan kita intayin mo ako susunduin kita
Jinxx: Salamat Jake
End Of Conversation
Pagkatapos kausapin ni Jinxx si Jake agad siyang tumayo at nag bihis pagkatapos ay bumaba siya sa salas para intayin si Jake. Habang nag iintay siya kay Jake sinusubukan niyang tawagan si Ashley pero hindi ito sumasagot. Dahil doon mas lalong lumakas ang kutob ni Jinxx na baka may nangyari ng masama kay Cheyanne Luna.
Ilang sandali pa ay dumating na si Jake sa bahay ni Jinxx nang nakita ni Jinxx ang kotse ni Jake agad siyang sumakay dito nag drive na si Jake papunta sa bahay ni Ashley. Habang nag mamaneho si Jake tahimik naman na nakatingin sa bintana si Jinxx.
Jake Pitts: Jinxx relax ka lang tiyak naman ako na ayos lang si Cheyanne Luna
Jinxx: Paano kung hindi Jake alam naman nating may limang tao ang gustong kumuha sa kanya
Mag sasalita pa sana si Jake ng bigla niyang tapakan ang preno dahil sa may biglang sumulpot na babae sa harapan ng kotse niya. Biglang tumumba ang babae.
Jake Pitts: Jinxx mukhang si Cheyanne Luna yun
Agad na bumaba sina Jinxx at Jake sa kotse lumapit silang dalawa sa babaeng nakahiga sa daan. Nagulat silang dalawa ng makita nilang si Cheyanne Luna ang nakahiga sa daan.
Jinxx: May saksak siya sa kanyang tiyan kailangan natin siyang dalhin sa ospital
Jake Pitts: Buti pa nga
Binuhat ni Jinxx si Cheyanne Luna ng bridal style pero napatingin si Jake at Jinxx sa likod nila ng may mag salita. Pamilyar ang boses nito kaya naman napaatras si Jinxx at Jake.
Ninomiya Kazunari: Hindi ninyo siya pwedeng dalhin sa ospital. Kaya kung gusto nyo pa siyang mabuhay ibigay ninyo siya sa akin.
Jinxx: Bakit ko naman siya ibibigay sayo. Hindi kita dapat pag katiwalaan dahil isa ka sa nakalaban namin ( Inis na sabi nito kay Kazunari )
Ninomiya Kazunari: Wala kayong naiintidihan sa buhay niya kaya pwede ba ibigay mo na siya sa akin ngayon bago pa dumating dito ang grupo ni M.Shadow
Jake Pitts: Hindi namin ibibigay sayo si Cheyanne Luna
Ninomiya Kazunari: Kung ayaw ninyo siyang ibigay sa akin mapipilitan akong kunin siya ng sapilitan sayo ( Inis na sabi nito )
Kukunin na sana ni Kazunari ang kanyang espada pero narinig niya ang boses ni Jun.
Matsumoto Jun: Kazunari hindi mo sila pwedeng labanan ngayon ( Sabi niya at tumingin kay Jinxx ) Kung ayaw mo siyang ibigay sa amin dalhin mo siya sa bahay mo at sasama kami ni Kazunari kapag hindi pa tayo kumilos ngayon kakalat na ang lason na nasa katawan niya ngayon
Nagkatinginan naman si Jinxx at Jake dahil sa sinabi ni Jun.
Jinxx: Jake mukhang wala tayong magagawa kung hindi sundin ang sinabi nila
Jake Pitts: Paano kung hindi naman totoo ang sinasabi nila
Matsumoto Jun: Wala na tayong oras nandito ang grupo nila M.Shadow
Wala namang nagawa si Jake kundi ang sumunod na lang dahil sa hindi kalayuan nakita nilang may apat na taong papunta sa kanilang kinatatayuan. Pumasok na si Jake sa kotse niya ganun din sina Kazunari, Jun at Jinxx. Mabilis na pinaandar ni Jake ang kotse niya.
Matsumoto Jun: Malalim ang saksak niya at kumakalat na din sa buong katawan niya ang lason
Ninomiya Kazunari: Kailangan natin si Harlyn Quinn
Matsumoto Jun: Paano naman natin mahihingi ang tulong ni Harlyn Quinn alam mo namang gusto niyang mapatay si Moriko
Bigla naman naalala ni Jinxx ang napag usapan nilang lima sa chat group tungkol sa panaginip nila na pareparehas dahil sa pag tawag ni Jun na Moriko kay Cheyanne Luna.
Jinxx: Bakit mo siya tinawag sa pangalang Moriko ? ( Nag tatakang tanong nito kay Jun )
Matsumoto Jun: Dahil Moriko ang tunay na pangalan niya
Jinxx: Moriko ang tunay na pangalan niya. Hindi kaya ito na yung kasagutan sa panaginip naming lima ( Mahinang sabi nito sa sarili niya )
Bahay Ni Ashley
Nang hihina si Harlyn Quinn dahil kalaban niya si Gen. Brendon. Hindi kasi inakala ni Harlyn Quinn na ginamit lang ni Reyna Etsuko ang kanyang mga kasama.
General Brendon Urie: Ano Harlyn Quinn kakayanin mo pa bang labanan ako wala ka ng kakampi ngayon. Ang mga kakampi mo noon ay kakampi na namin ngayon ( sabi nito at tumawa )
Harlyn Quinn: Anong ginawa ninyo sa mga kasama ko ( Galit na sigaw nito kay Gen. Brendon )
Napatingin naman si Harlyn Quinn nang tumawa si Reyna Etsuko na nasa likuran niya.
Reyna Etsuko: Gusto mong malaman sasabihin ko sayo. Pinuntahan namin ni Brendon ang lugar kung nasaan kayo nag tatago sa mundong ito lumaban silang lima sa akin pero hindi ko naman inaasahang mahihina ang mga tagapag ligtas mo kaya naman nagawa ko silang mapasailalim sa kapang yarihan ko at ngayon ako lang ang susundin nila. Ngayon tulad ng ginawa ko sa nanay mo papatayin na din kita at kukunin ko ang kapangyarihan mo para ako na rin ang mamuno sa Shadowchill. ( Tumawa ito na parang demonyo )
Harlyn Quinn: Napaka walang hiya mo talaga Etsuko ( Galit na sigaw nito )
Reyna Etsuko: Nakakatawa nga ang mukha mo nung kausap kita sa selda mo nung ipinakulong kita. Dahil paniwalang paniwala ka na si Moriko ang pumatay sa nanay mo. Sasabihin ko sayo ang totoo ginaya ko ang mukha ng aking kapatid na si Moriko para lang makuha ko ang kapangyarihan ng nanay mo at para magalit ka sa kanya at patayin mo siya pero tulad ng limang kitsuneng taga pagtanggol ni Moriko wala ka ring kwenta
Halos mang lugmo si Harlyn Quinn sa narinig niya dahil si Moriko na sinisisi niya ay walang kasalanan. Dahil sa galit niya sinugod niya si Reyna Etsuko pero papalapit pa lang siya ng biglang ibato sa kaniya ang isang bolang parang apoy ni Reyna Etsuko. Dahil sa liwanag ng bolang ibinato sa kanya hindi na niya naaninagan kung nasaan na si Reyna Etsuko at Gen. Brendon. Naramdaman na lang bigla niyang may tumulak sa kanya kaya naman napahiga siya sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top