Chapter 29
Patuloy pa din ang pag hahanap ni Harlyn Quinn at Zacky kay Moriko sa party.
Harlyn Quinn: Asan na ba yung Moriko na yun ( Patuloy ang pag hahanap niya kay Moriko )
Zacky Vengeance: Harlyn Quinn tingin ko kailangan nating mag hiwalay para mahanap natin siya
Harlyn Quinn: Buti pa nga para mapadali ang pag hahanap natin sa kanya
Nag hiwalay ang dalawa at nag patuloy sila sa pag hahanap kay Moriko.
Habang nakaupo si Cheyanne Luna at Ashley. Nag uusap naman si Jake at Jinxx sa lugar na hindi kalayuan kay Cheyanne Luna at Ashley.
Jake Pitts: Hindi nga talaga iniwan ni Ashley si Cheyanne Luna ( nakangiting sabi nito )
Jinxx: Tama ka dyan ( Nakatingin ito kay Cheyanne Luna )
Jake Pitts: Kanina mo pa siya tinitignan. Bakit hindi mo na lang siya hiramin kay Ashley
Jinxx: Ewan ko ba pero nahihiya akong lapitan siya ngayon
Jake Pitts: Ang hindi ko maintindihan bakit sa dami dami ng babae si Cheyanne Luna pa talaga ang nagustohan ninyong dalawa ni Ashley
Jinxx: Hindi ko din maintindihan pero nung nakita ko palang siya nung niligtas namin siya iba na ang naramdaman ko sa kanya
Jake Pitts: Wag mong sabihin na love at first sight ang nang yari sayo
Jinxx: Baka nga ( nakangiting sabi nito )
Napansin naman ni Jake na nilapitan ng Manager nila si Ashley at isinama ito kaya naman naiwan si Cheyanne Luna na mag isa.
Jake Pitts: Jinxx dito ka lang
Jinxx: Bakit naman ?
Jake Pitts: Basta ( Iniwan niya si Jinxx at pumunta kay Cheyanne Luna )
Ilang sandali lang ang nakalipas nakita ni Jinxx na nag lalakad na papalapit sa kanya si Jake at Cheyanne Luna. Nang makalapit na ang dalawa sa kanya.
Jake Pitts: Pano Jinxx ikaw na muna ang bahala kay Cheyanne Luna ako na lang ang mag sasabi kay Ashley na ikaw ang kasama nya para hindi mag alala yun
Jinxx: ( Tumango na lang siya bilang sagot )
Iniwan na silang dalawa ni Jake. Pinuntahan naman ni Jake si Ashley na kausap ang manager nila.
Ashley Purdy: Jake buti dumating ka hinahanap ka ni Manager
Jake Pitts: Ashley si Cheyanne Luna pala kasama ni Jinxx
Ashley Purdy: Sige hahanapin ko na lang silang dalawa ( nakangiting sabi nito ) Pano maiwan ko muna kayo ni manager hahanapin ko lang si Jinxx at Cheyanne Luna.
Jake Pitts: Sige
Nakipag usap na si Jake sa Manager nila. Si Ashley naman ay hinanap na niya si Cheyanne Luna at Jinxx.
Habang hinahanap naman ni Ashley ang dalawa hindi niya sinasadyang mabunggo niya ng isang babae.
Ashley Purdy: Miss Sorry hindi kasi kita napansin hinahanap ko kasi yung kaibigan ko
Girl: Okay lang yun hindi rin naman kita napansin kasi hinahanap ko din yung kasama ko dito
Ashley Purdy: Ganun ba pano pasensya na ulit
Girl: ( Tumango ito )
Pinag patuloy na ni Ashley ang pag hahanap niya sa dalawa.
Nag uusap naman si Jinxx at Cheyanne Luna sa lugar na pinag iwanan sa kanila ni Jake.
Jinxx: Nag eenjoy ka ba dito ?
Cheyanne Luna: Oo tsaka isa pa hindi naman ako iniiwan ni Ashley kanina kaya hindi naman ako natatakot ( Nakangiting sabi niya )
Jinxx: Tara mag lakad lakad muna tayo
Cheyanne Luna: Sige
Nag lakad lakad silang dalawa huminto sila sa harapan ng fountain walang tao doon dahil halos lahat ay nasa loob ng mansion.
Cheyanne Luna: Bakit parang ang tahimik mo ata Jinxx ?
Jinxx: ( Tumingin ito kay Cheyanne Luna ) Wala ganito lang talaga ko minsan tahimik. Cheyanne Luna may gusto sana akong sabihin sayo ( Kinakabahan ito )
Cheyanne Luna: Ano naman yun ?
Jinxx: A-Ano K-kasi -- ( Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya dahil sa hinalikan niya sa labi si Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: ( Nagulat naman ito sa ginawa ni Jinxx kaya natulala na lang ito )
Sa hindi naman kalayuan nakita sila ni Ashley at nang makita ni Ashley ang ginawa ni Jinxx hindi niya mapigilang hindi masaktan. Hindi naman niya makuhang puntahan ang dalawa kaya nakatayo lang siya doon at minabuti na lang niyang bumalik sa loob.
Cheyanne Luna: ( Tinulak ng hindi naman kalakasan si Jinxx )
Jinxx: ( Napaatras ito ng kaunti )
Cheyanne Luna: B-Ba-Bakit m-mo g-ginawa y-yun ? ( Utal na tanong nito kay Jinxx dahil hindi niya alam bakit ang bilis ng tibok ng puso niya )
Jinxx: ( Hindi niya alam kung pano niya ipapaliwang kay Cheyanne Luna ang nararamdaman nya )
Cheyanne Luna: Jinxx bakit mo ako hinalikan ? ( Nag tatakang tanong nito )
Jinxx: Dahil -- ( Huminga muna siya ng malalim ) Dahil gusto kita Cheyanne Luna mahal kita at handa akong protektahan ka sa mga taong gustong kumuha sayo
Cheyanne Luna: ( Nagulat ito sa sinabi ni Jinxx ) Pero ...... Hindi mo ako pwedeng mahalin ( malungkot na sabi nito )
Jinxx: Bakit hindi Cheyanne Luna bakit ?
Cheyanne Luna: Hindi mo din maiintindihan kapag sinabi ko sayo ang dahilan ( Nakayukong sabi nito )
Jinxx: Hindi ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin
Cheyanne Luna: Mabuting wag mo na lang malaman pa
Jinxx: Dahil ba kay Ashley ? ( seryosong tanong nito )
Cheyanne Luna: ( Napayuko ito )
Jinxx: Kaya ba ayaw mo na mahalin kita dahil gusto mo si Ashley ?
Cheyanne Luna: Jinxx ano kasi ( Hindi niya alam kung pano niya sasabihin ang totoo kay Jinxx ) Hindi ako yung nararapat na babae para sayo --- ( Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sa nag salita si Jinxx )
Jinxx: Bakit dahil ikaw ang nararapat kay Ashley ? ( Huminga ito ng malalim ) Naiintindihan ko kung siya ang gusto mo
Cheyanne Luna: ( Yumuko ito at kinagat ang lower lip nya )
Jinxx: Sorry sa ginawa ko kanina hindi ko dapat ginawa yun buti pa pumasok na tayo sa loob baka hinahanap ka na ni Ashley ( Nag lakad na ito )
Wala namang nagawa si Cheyanne Luna kundi ang sumunod kay Jinxx.
Habang nag hahanap naman si Harlyn Quinn napatingin siya sa isang lalaking mag isa sa isang table at umiinom at wala na itong maskara.
Harlyn Quinn: Parang kilala ko yung lalaking yun siya yung nakabunggo sa akin ( Nakatulalang sabi niya habang nag lalakad )
Dahil sa wala ang attention niya sa nilalakaran niya nabunggo niya si Andy at natapunan ito ng wine na hawak niya.
Harlyn Quinn: Naku sorry
Andy Biersack: Okay lang ( Nakangiting sabi nito )
Harlyn Quinn: Sorry talaga hindi ko sinasadya na mabunggo kita
Andy Biersack: ( Ngumiti ito ) Okay lang hindi mo na kailangan mag sorry
Sasagot pa sana si Harlyn Quinn ng tawagin si Andy ni Jake at Christian.
Andy Biersack: Pano mauna na ako next time mag iingat ka para hindi ka makabangga ulit ( Sabi nito at nag lakad na papunta kay Christian at Jake )
Nag hanap na ulit si Harlyn Quinn nang makita niya si Zacky nilapitan niya ito.
Zacky Vengeance: May maganda akong balita sayo
Harlyn Quinn: Ano naman yun ?
Zacky Vengeance: Nakita ko na si Moriko ( Nakangiting sabi nito )
Harlyn Quinn: Talaga ? ( Gulat sabi nito )
Zacky Vengeance: Oo ang kailangan na lang natin ang makasama mo siya para malaman natin ang bawat galaw niya
Harlyn Quinn: Alam ko na kung anong gagawin ko ( nakangiting sabi nito )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top