Chapter 28
Kumatok si Ashley sa pinto ng kwarto ni Cheyanne Luna. Pinag buksan naman siya ni Cheyanne Luna na naka bihis ng Black glittery gown at Silver 3 inch heels.
Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito ) Pasensya na kung natagalan ako sa pag bibihis
Ashley Purdy: ( Natulala ito kay Cheyanne Luna ) O-Okay La-Lang yun
Cheyanne Luna: Ashley Okay ka lang ba ?
Ashley Purdy: Huh!! Ahh Oo okay lang ako. Nakakatulala kasi yang ganda mo ( Nakangiting sabi nito )
Cheyanne Luna: ( Namula ng pisngi niya sa sinabi ni Ashley ) Ikaw din naman ang gwapo mo kaya sa ayos mo ngayon
Ashley Purdy: ( Napangiti na lang siya sa sinabi ni Cheyanne Luna sa kanya ) Iniintay na nila tayo sa sala tara na
Cheyanne Luna: ( Tumango ito )
Bumaba na sila at napatingin naman sa kanila si Andy,Jinxx,Christian at Jake.
Jinxx: ( Natulala ito kay Cheyanne Luna )
Jake Pitts: Wow ang ganda naman ni Cheyanne Luna
Christian Coma: Oo nga tiyak ako kung wala siyang maskara mamaya sa party tiyak madaming makakapansin sa kanya
Andy Biersack: Tama ka dyan pero may makakalapit kaya dyan mamaya mukhang hindi na hihiwalayan yan si Ashley ( Pang aasar nito kay Ashley )
Ashley Purdy: Talaga namang hindi ko siya iiwan mamaya sa party mahirap na mamaya mawala nanaman siya
Christian Coma: Mawala O baka naman baka may mauna sayo ( Pang aasar nito )
Jake Pitts: ( Napansin si Jinxx na nakatingin lang kay Cheyanne Luna ) Jinxx baka naman matunaw mo nyan si Cheyanne Luna
Jinxx: ( Napangiti na lang ito ) Buti pa tara na sa kotse mamaya malate na tayo ( Nag lakad na ito palabas ng bahay )
Andy Biersack: Mukhang nakakaamoy ako ng competition
Jake Pitts: Tama ka dyan Andy ( Nag lakad na ito papalabas ng bahay )
Sumunod naman na ang sina Andy,Christian,Ashley at Cheyanne Luna.
Mayamaya lang ay dumating na sila sa party. Nang bumaba sila sa kotse napatingin naman si Jinxx kay Ashley at Cheyanne Luna.
Ashley Purdy: ( Isinoot ang blask glitery mask kay Cheyanne Luna ) Alam mo kahit na kalahati lang ng mukha mo yung nakikita maganda ka pa din
Cheyanne Luna: ( Nakaramdam ito ng pamumula sa pisngi ) Talaga ikaw din naman kahit na naka mask ka may itsura ka pa din
Ashley Purdy: ( Nag blush naman siya sa sinabi ni Cheyanne Luna ) Tara na sa loob ( Hinawakan niya ang kamay ni Cheyanne Luna )
Nag lakad na silang dalawa kasunod naman nila sina Jake at Christian naiwan si Andy at Jinxx na nakatayo sa tabi ng kotse.
Jinxx: ( Napayuko ito )
Andy Biersack: Jinxx alam kong hindi na normal yang nararamdaman mo kay Cheyanne Luna. Alam ko gusto mo sya pero parang nasasaktan ka na kapag kasama niya si Ashley
Jinxx: ( Huminga ito ng malalim ) Tama ka dyan Andy nasasaktan na nga ako kapag nakikita kong mag kasama silang dalawa
Andy Biersack: Jinxx bakit hindi mo subukan na sabihin kay Cheyanne Luna ang tunay na nararamdaman mo hindi yung ganyan ka yung nag tatago sa nararamdaman mo
Jinxx: Pero paano si Ashley ayokong masaktan ko sya dahil alam kong gusto din niya si Cheyanne Luna. Para na tayong mag kakapatid na lima ayoko naman na masaktan ko si Ashley ng dahil lang kay Cheyanne Luna
Andy Biersack: May punto ka miski ako ayokong nakikita ko kayo ng may pinag aawayan pero ang nakikita ko lang na sulusyon dyan ay yung pumili si Cheyanne Luna sa inyong dalawa at kung sino ang mapili nya dapat matanggap nyo yun
Jinxx: ( Huminga ito ng malalim ) Tara na sa loob baka iniintay na tayo ni Manager doon
Andy Biersack: Buti pa nga
Pumasok na sila sa loob minabuti muna ni Jinxx na kalimutan muna ang pinag usapan nila ni Andy kanina. Hindi naman iniiwanan ni Ashley si Cheyanne Luna dahil alam niyang yun ang makakabuti kay Cheyanne Luna.
Park
Nakaupo naman si Harlyn Quinn sa bench kasama si M.Shadow at Rev.
Harlyn Quinn: Kanina pa tayo paikot ikot dito hindi pa din natin nakikita si Moriko
M.Shadow: Saan ba kasi nag tatago ang babaeng yan ?
Rev: Tiyak ako na yung mga protektor niya ang nakakaalam kung asan siya
Harlyn Quinn: ( Tumingin ito ng nataray kay Rev ) Tingin mo naman sasabihin nila sa atin kung nasaan yung hinayupak na Morikong yun ?
Rev: Harlyn Quinn wag ka naman magalit sa akin pero sila lang naman ang nakakaalam kung asan si Moriko
M.Shadow: May punto si Rev pero may punto ka din naman dahil kahit alam nila hindi nila sasabihin sa atin yun
Harlyn Quinn: Kung sa bagay may punto kayo doon mahahanap din natin si Moriko ng walang tulong ng mga walang pusong Kitsuneng yun ( Nakita naman niyang papadating sina Zacky,Synyster at Jhonny )
Nang makarating ang tatlo humugot muna sila ng hininga bago nag salita.
Synyster Gate: Harlyn Quinn nakita na namin si Moriko nasa isang party siya ngayon
Harlyn Quinn: Party ? Pano siya napunta sa party ? ( Nag tatakang tanong nito )
Jhonny Christ: Habang nag hahanap kami nakita namin siya na bumaba sa isang kotse may kasama siyang limang lalaki
Harlyn Quinn: ( Napangiti ito ) Magaling talaga kayong mag hanap. Pero paano ako makakaganti sa kanya kung hanggang dito ba naman sa mundong ito may kasama pa din siyang bantay
Zacky Vengeance: Hindi mo naman kailangan gumanti agad mas magandang alamin mo muna ang kalagayan niya dito sa mundo ng tao. Kung sino man yang limang kasama niya yan ang unahin nating mawala para mas madali tayong makaganti kay Moriko
Harlyn Quinn: May punto ka dyan Zacky alam mo matalino ka talaga ( napangiti naman ito )
M.Shadow: Nice Zacky ( Pang aasar nito )
Zacky Vengeance: ( Napangiti na lang ito )
Synyster Gate: Ang plano natin ngayon ang malaman kung saan siya nakatira dito sa mundo ng tao
Jhonny Christ: Kaya bumili kami ng isosoot mong gown at maskara para sa party na yun para mabantayan mo si Moriko
Zacky Vengeance: At ako ang makakasama mo sa loob ng party na yun mahirap na baka may mangyari sayong masama doon mabuti ng may kasama ka
Harlyn Quinn: Okay sa akin yang plano na yan. Humanda na si Moriko dahil matatapos na ang masasayang araw niya sa mundong ito ( Nakangiting sabi nito )
Nakisuyo si Harlyn Quinn at Zacky sa isang restaurant para mag bihis ng nakapag bihis na sila ay agad naman silang pumasok sa party at hinanap si Moriko. Habang sina M.Shadow,Rev,Jhonny at Synyster naman ay nakaabang sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top