Chapter 27
Bahay Ni Ashley
Masayang nag lilinis ng bahay si Cheyanne Luna ng mapansin niya mula sa bintana si Jun. Kaya naman lumabas si Cheyanne Luna para makausap si Jun.
Cheyann Luna: Jun anong ginagawa mo dito ?
Matsumoto Jun: Moriko kailangan ko ang tulong mo
Cheyanne Luna: Huh !! Bakit naman ? ( Nag tatakang tanong nito )
Matsumoto Jun: Si Satoshi kailangan mo siyang gamutin. Napalaban kami kagabi at malala ang sugat niya alam kong kaya mo siyang pagalingin
Cheyanne Luna: ( Nalungkot naman ito sa narinig niya ) Pero paano ko siya gagamutin hindi ako pwedeng bumalik sa Sunfrost
Matsumoto Jun: Kasama namin siya dito alam mo yung abandonadong building na pinuntahan mo andoon siya
Cheyanne Luna: Sige tara na puntahan na natin siya ngayon ( Pumikit siya at may sinabing salita )
Umilaw ang katawan ni Chayanne Luna at naging fox siya tumakbo silang dalawa ni Jun na fox na din ang itsura.
Nang makarating sila sa lugar kung nasaan si Satoshi agad naman na naging tao na ulit silang dalawa ni Jun
Abandonadong Gusali
Pumasok si Cheyanne Luna at Jun sa isang kwarto at nakita ni Cheyanne Luna na nakahiga sa isang kama si Satoshi.
Ohno Satoshi: ( Tumingin ito kay Cheyanne Luna ) Prinsesa Moriko
Cheyanne Luna: ( Lumapit ito kay Satoshi at ngumiti )
Inilagay ni Cheyanne Luna ang kamay niya sa tagiliran ni Satoshi na may sugat umilaw ang kamay niya at nag hilom ang sugat nito.
Cheyanne Luna: Sa susunod mag iingat ka Satoshi
Ohno Satoshi: ( Umupo ito ) Bakit ka pumayag na pumunta dito hindi ka ba natatakot na hulihin ka namin at ibalik sa Sunfrost
Cheyanne Luna: ( Yumuko ito ) Inaamin ko natatakot ako sa pag punta ko dito dahil alam kong kayo din ang humuhuli sa akin dito. Pero hindi ko kayang hayaan na lang na isa sa inyo ang mawala
Aiba Masaki: ( Nakatayo ito sa may pinto ) Dahil ba kami ang tagapag ligtas mo dati ?
Cheyanne Luna: Hindi lang tapag ligtas ang tingin ko sa inyong lima kayo ang kaibigan ko at mahalaga kayo sa akin kahit na ngayon alam kong kalaban ko kayo ( Tumulo ang luha nito habang nakayuko )
Sakurai Sho: Papayagan ka naming umalis ngayon pero hindi ibig sabihin nito hindi ka na namin huhulihin
Cheyanne Luna: ( Pinunasan niya ang luha niya at tumingin kay Sho ) Talagang naniniwala kayo kay Etsuko ? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako ang pumatay kay Reyna Miyako pano kong magagawa na patayin ang sarili kong nanay
Sakurai Sho: Pero bakit ikaw ang nakita ni Etsuko sa kwarto ni Reyna Miyako ng araw na yun ?
Cheyanne Luna: Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko ang totoo ? Hindi naman kayo maniniwala dahil alam kong tulad ni Etsuko at lahat ng Taong Kitsune sa lugar natin na ako ang pumatay sa sarili kong nanay
Nag lakad na palabas ng Abandonadong Gusali si Cheyanne Luna at nakita niya sa labas si Kazunari.
Ninomiya Kazunari: ( Tumingin ito kay Cheyanne Luna ) Natulungan ka ba ng librong binigay ko sayo ?
Cheyanne Luna: Libro ? ( Nag tatakang tanong nito ) Anong libro ?
Ninomiya Kazunari: Yung libro tungkol dito sa mundong ito ( nakangiting sabi nito )
Cheyanne Luna: ( Naalala na niya ang sinasabing libro ni Kazunari ) Kung ganun ikaw ang nag bigay nun hindi si Jun ?
Ninomiya Kazunari: ( Ngumiti ito ) Ako din ang tumulong sayo kaya hindi ka nya nakitang taong kitsune
Cheyanne Luna: Bakit mo ginawa yun ?
Ninomiya Kazunari: ( Tumayo ito sa pag kakaupo at lumapit kay Cheyanne Luna ) Dahil tulad ni Jun hindi ako naniniwalang ikaw ang pumatay kay Reyna Miyako. Kami ni Jun ang mag proprotekta sayo
Cheyanne Luna: Salamat kung naniniwala ka sa akin tulad ni Jun ( nakangiting sabi nito )
Ninomiya Kazunari: Moriko mag iingat ka may darating na mag papahirap sayo
Cheyanne Luna: Mag papahirap sa akin ?
Ninomiya Kazunari: ( Tumango ito ) Oo sa susunod ko na lang ipapaliwanag sayo ang lahat
Cheyanne Luna: Sige nga pala salamat ulit
Umalis na si Cheyanne Luna nag anyong lobo ulit siya pabalik sa bahay ni Ashley.
Nang makarating siya doon nagbalik na siya sa pagiging tao.
Bahay Ni Ashley
Pagpasok ni Cheyanne Luna nagulat na lang siya ng bigla siyang akapin ng mahigpit ni Ashley.
Cheyanne Luna: A-Ashley
Ashley Purdy: Saan ka ba pumunta ? Hinanap kita sa buong bahay wala ka. Alam mo bang sobrang nag alala ako sayo ( Nakaakap pa din siya kay Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: ( Naramdaman naman nito ang pag aalala sa kanya ni Ashley ) Sorry nag lakad lakad kasi ako dyan sa labas kanina hindi ko naman akalain na mapapa aga ka ng uwi
Ashley Purdy: ( Bumitaw na ito sa pag kakaakap kay Cheyanne Luna ) Pwede ba sa susunod wag mo ng uulitin itong ginawa mo ?
Cheyanne Luna: ( Tumango ito )
Ashley Purdy: Nga pala bukas ng gabi isasama ka namin sa masquerade party na pupuntahan namin kaya ka namin isasama dahil ayaw naman namin na maiwan ka dito sabi kasi ni Andy mas maganda daw kung isama ka namin para hindi kami nag aalala. Nasa kwarto na yung susuotin mo para bukas
Cheyanne Luna: Ano ba yung masquerade party ?
Ashley Purdy: Party yun na lahat ng dadalo naka maskara wag kang mag alala hindi ka naman namin papabayaan doon bukas
Cheyanne Luna: Okay may tiwala naman ako sa inyong lima ( nakangiting sabi nito )
Ashley Purdy: Kumain ka na ba may dala akong makakain tara kumain tayo
Pumunta na sila ni Ashley sa kusina para kumain.
Abandonadong Gusali
Ohno Satoshi: Masaki, Sho, Jun, Kazunari kailangan nating bantayan si Moriko
Aiba Masaki: Dapat na din malaman ng limang tao na yun ang tunay na katauhan ni Moriko
Sakurai Sho: Pero sa paanong paraan tiyak ako na baka layuan siya ng mga yun kapag nalaman na hindi siya tao
Matsumoto Jun: Isa na lang ang paraan ni Moriko yun ang tunay na pag mamahal
Ohno Satoshi: Anong ibig mong sabihin ?
Matsumoto Jun: Dalawa sa limang yun ang gusto si Moriko isa sa kanila ang nag tataglay ng totoong pag mamahal ang pag mamahal na kahit malaman niya ang tunay na pag katao ni Moriko hindi niya ito iiwan
Ninomiya Kazunari: Ang tanong ay sino sa kanilang dalawa ang nag tataglay nun
Aiba Masaki: Malalaman natin yan kapag nakita na nila ang tunay na pag katao ni Moriko
Ohno Satoshi: Buti pa mag pahinga na tayo bukas kailangan pa nating bantayan si Moriko
Sumang ayon naman ang apat kaya nag pahinga na sila. Samantalang ang grupo naman ni Harlyn Quinn ay nag hahanap pa din kay Moriko habang naka anyong pusa sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top