Chapter 21

Masayang lumabas ng likod bahay si Cheyanne Luna nilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid at nakakita niya ang garden doon na hindi naman ginagamit. Kaya naman pinuntahan niya ito.

Garden

Cheyanne Luna: Sayang naman ang garden na ito mukhang hindi nagagamit ( May naisip ito ) Alam ko na papagandahin ko na lang itong garden na ito

Naghanap siya ng mga gamit sa garden para naman makapag umpisa na siyang mag ayos nakakita siya ng mga gamit sa isang maliit na kwarto. Kinuha niya ang mga kailangan niya at inilabas ito.

Habang nilalagyan niya ang isang paso ng lupa may magsalita naman galing sa pinto ng garden. Kaya naman napatingin na lang si Cheyanne Luna sa may pinto ng garden.

Ashley Purdy: ( Nakasandal ito sa pinto ) Akala ko nawawala ka nanaman andito ka lang pala

Cheyanne Luna: Pasensya na kung hindi ko nasabi na naboboring ako sa loob ng bahay kaya nag libot libot ako at nakita ko itong garden na ito at naisip kong pagandahin

Ashley Purdy: ( Nilibot ang mata sa buong garden ) Papagandahin mo ito ?

Cheyanne Luna: Oo naman madali lang naman gawin yun ( masayang sabi nito )

Ashley Purdy: Madali ? Hindi ba mahirap mag tamin isa pa dapat aalagaan mo din ang mga halaman ?

Cheyanne Luna: Oo naman aalagaan mo sila para hindi sila mamatay. Isa pa andito naman ako para alagaan ko sila

Ashley Purdy: ( Napangiti na lang ito sa sinabi ni Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: Alam mo kesa ngumingiti ka dyan alika dito at tulungan mo na lang ako dito

Ashley Purdy: Ayoko ko nga kaya nga hindi ko ginagamit ang garden na ito dahil tinatamad akong mag tamin parang ang boring kasi nyan

Cheyanne Luna: Boring ka dyan hindi naman mas boring pa nga na tumunganga dyan sa loob ng bahay

Ashley Purdy: ( Ngumiti ito ) Ewan ko nga sayo

Bigla namang nagsalita si Jinxx na nasa likod ni Ashley na kinagulat naman ni Ashley.

Jinxx: Kung ayaw mo syang tulungan ako na lang ang tutulong sa kanya

Ashley Purdy: Nakakagulat ka naman Jinxx kanina ka pa ba dyan ?

Jinxx: Hindi naman medyo lang naman ( Pumasok ito sa Garden at pumunta sa tabi ni Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: Hello Master Jinxx ( Masayang bati nito kay Jinxx )

Jinxx: ( Ngumiti ito ) Pwede ba Jinxx na lang wag mo nang lagyan ng Master hindi ako sanay ng may tumatawag sa akin na Master

Cheyanne Luna: Okay ( ngumiti ito )

Nakakaramdam naman ng pagseselos si Ashley sa dalawa kaya naman lumapit ito sa kinatatayuan ng dalawa.

Jinxx: Oh Ashley hindi ka ba makikisali kela Andy ? masaya silang nag lalaro sa salas

Ashley Purdy: Hindi na tutulong na lang ako dito

Cheyanne Luna: Akala ko ba ayaw mong tumulong dito kasi boring ? ( Nagtatakang tanong nito )

Ashley Purdy: Nag bago na ang isip ko tutulungan na lang kita

Cheyanne Luna: Talaga ( masayang sabi nito )

Ashley Purdy: Oo tutulong na din ako sa pag aayos mo nitong Garden

Jinxx: Mukhang ang bilis naman ng pag babago ng isip mo

Cheyanne Luna: Oo nga kanina lang ayaw mo ako tulungan

Ashley Purdy: Nang aasar lang naman ako kanina. Buti pa umpisahan na natin ito

Cheyanne Luna: Sige buti pa nga para naman mapaganda na natin ang Garden na ito

Nag umpisa na silang tatlo na mag ayos ng Garden.

Jinxx: ( Napansing wala na ang mga sugat ni Cheyanne Luna ) Cheyanne Luna bakit parang wala na yung mga sugat mo. Ako ang gumamot ng sugat mo kagabi kaya alam kong may mga sugat ka

Cheyanne Luna: Ikaw ba ang gumamot ng mga sugat ko ? Hindi ko na matandaan ang ibang nangyari kagabi kasi alam ko nawalan ako ng malay

Ashley Purdy: So Jinxx ikaw pala ang gumamot kay Cheyanne Luna kagabi

Jinxx: Oo kaya nag tataka ako kung bakit wala na yung sugat niya sa kanang braso niya yun ang pinaka malaking sugat nya at yung ibang sugat niya wala na din. Pero wag kang mag alala kasi ang ginamot ko lang naman na sugat niya yung sa braso mukha at hita niya

Ashley Purdy: ( Tinignan si Cheyanne Luna ) Oo nga no parang wala ka ngang sugat asan na yung mga sugat mo ?

Cheyanne Luna: Ewan ko bakit kayo din naman wala na yung mga sugat ninyo. Imposible naman na wala kayong sugat na natamo sa labanan

Nag taka naman ang dalawa sa sinabi ni Cheyanne Luna.

Ashley Purdy: Oo nga no bakit pati tayo wala na din ang sugat natin

Jinxx: Nung magising tayo parang hindi tayo nang galing sa labanan

Ashley Purdy: Tama ka dyan Jinxx

Cheyanne Luna: ( Napangiti na lang ito ng palihim )

Jinxx: Alam mo Ashley wag na natin isipin yan

Ashley Purdy: Tama ka dyan dahil napaka weird nang nangyayari

Cheyanne Luna: Bakit naman Ashley ?

Ashley Purdy: Basta ang weird nang nagyayari nitong mga nakalipas na araw

Jinxx: Tama ka dyan Ashley pero wag na lang muna nating pansinin yun

Cheyanne Luna: Ang dapat na pag tuunan natin ng pansin ay ang matapos natin itong pag aayos ng garden ( Masayang sabi nito )

Ashley Purdy,Jinxx: Tama ka dyan ( sabay na sabi ng dalawa )

Masayang nag ayos ang tatlo may halong kulitan pa ang kanilang pag aayos ng Garden.

Dalawa sila ni Ashley ang nag aayos sa halaman. Iba naman ang inaayos ni Jinxx.

Ashley Purdy: Ano nga pala ang itatanim mo dito ?

Cheyanne Luna: Red Rose ang itatanim ko dito

Ashley Purdy: Red Rose ? ( Bigla namang na aalala niya ang labanan na ng yari )

Flashback

Sa pag sigaw ni Ashley ng pangalan ni Cheyanne Luna bigla naman na may arrow na papalapit sa kanya pero ng sobrang lapit na ng arrow sa kanya biglang bumagsak ang arrow sa harapan niya at may nakatusok na pulang rosas sa kahoy ng arrow.

End Of Flashback

Napatulala lang si Ashley ng maalala niya ang pang yayaring yun. Kaya naman tinapik siya sa balikat ni Jinxx

Jinxx: Okay ka lang Ashley ?

Cheyanne Luna: Oo nga ayos ka lang ba ?

Ashley Purdy: ( Nabalik na ito sa ulirat nya ) Huh!!! Pasensya na naalala ko lang yung nangyari sa labanan

Cheyanne Luna: Dahil ba sa Red Rose na sinabi ko. Dahil yun ang nag ligtas sayo dahil montik ka ng tamaan ng pana ( Seryosong sabi nito )

Ashley Purdy: ( Napatingin naman ito kay Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: ( Tinitigan sa mata si Ashley )

Parang na freeze naman si Ashley dahil sa titig ni Cheyanne Luna sa kanya nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam para bang kakaibang Cheyanne Luna ang nakatitig sa kanya. Bigla naman na balik sa ulirat si Ashley ng mag salita si Jinxx.

Jinxx: Hindi kayo matatapos nyan kung mag titigan kayong dalawa

Ashley Purdy: ( Tumingin ito kay Jinxx para maalis ang mata niya kay Cheyanne Luna ) Oo ito na itutuloy na namin ang ginagawa namin ( Tumingin ulit ito kay Cheyanne Luna )

Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito kay Ashley at tahimik ng bumalik sa ginagawa nila )

Medyo naging tahimik na ang tatlo sa pag aayos ng garden.

Salas

Habang masayang nag lalaro si Jake at Christian ng X-Box. Nakatayo naman sa harapan ng bintana si Andy ng matanawan niya ang isang box sa teris.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top